Professional Documents
Culture Documents
Filipino 11
Filipino 11
BSLM-4
Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at senyorito
mula nang pumisan sa kanila si Paris.
“Oh my God! It’s so mainit naman dito.” Ani ng panganay na si Tanya, gayong
dalawampung taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at likod tuwing maliligo.
Pati sarili nitong underwear ay si Paris pa ang naglalaba. Ang tatlong lalaki naman,
maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos, laging pasigaw o pagalit. Kapag
naglilinis ng sahig si Paris ay di man lamang mag-alis ng sapatos ang mga pinsan kapag
dumarating. Animo’y nang-iinis pa na dadaan sa harapan ng nakaluhod at nakayukong si
Paris na nagpapahid ng floor wax. Kadalasan ay pabalibag pang ihahagis ang pantalong
de maong kay Paris at pasigaw ng isa sa gay lingo “Hoy, wa facelak na girlash ka. O,
labhan mo ‘yan! Pag natuyo, plantsahin mo ha?!!”
Bakasyon noon.
Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Paris: linis, saing, laba, plantsa. Ang bibigat
pa mandin ng mga pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang taga-laba ng mga
ito.
Si Paris ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na jejemong
kaibigan ang mga pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya. “May amats na ako
‘tol” Sabi ng isang pinsan niya na nalasing at siya pa ang nagaalaga.
Sa hapag kainan, si Paris ang taga-silbi ng mga pamingganan at lahat. Hindi siya
isinasabay sa pagkain, laging huli, gayong mahaba naman ang mesang kainan. Kung ano
ang matira ay iyon lang ang makakain niya. Apat na beses sa isang linggo ay tinapang
isda ang ulam nila. Ulo lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni Paris. Iyon ang laging
itinitira sa kanya ng tiyahin.
Sa murang katawan ni Paris, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling ng tiyahin
ay hindi niya inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy siyang nakapag-
aaral sa High School. Lagi niyang nilalakad pauwi na halos ay apat na kilometro ang
layo. Wala siyang pocket-money, walang snack, laging nagugutuman. Pagdating ng
bahay, kahit pagod at gutom, kailangan niya munang maghugas ng mga kaldero’t
pinggan na nakatambak sa lababo bago siya makakakain. Kadalasan, matutulog na lang
siya ay pasigaw pa siyang uutusan ng mga pinsan.
“Hoy, plantsahin mo muna yung maong! ‘yung polo! Sige ka, jujumbagin kita!”
Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at respetadong
tao sa mataas na lipunan? Ang mga pinsan nasa kanya ay nang-api ay walang natapos na
pinag-aralan, ganoon pa rin ang buhay hindi umasenso. Ang iba ay nakapag-asawa ng
mga hirap din ang buhay.
Ang sabi nga ni kuya Kim sa balita, “Ang buhay ay weather weather lang.”