Filipino 11 March 30,2021

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Bandola, Hannah Filipino 11

BSLM-4

Pagsulat ng sanaysay:

A. Ipaliwanag kung gaano kahalaga ang tamang paggamit ng wika.


Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang
maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito
isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang
makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at
kaisipan.Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan. Sa pamamagitan ng
wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon. Ito ang
nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang
bansa rin. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay
naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman
natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at
nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Sa pamamagitan
ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao.
Mahalaga ang Tamang paggamit sa wika. Isa itong bahagi ng pagiging tao ng
bawat tao. Ito ang nagbigay sa kanya ng kalayaan na maibahagi kung ano ang kanyang
nararamdaman. Marami ang nagsasabi na hindi na mahalaga kung mali-mali ang
grammar mo sa paghahayag ng iyong gustong sabihin, basta raw ba naiintindihan ang
gustong mong sabihin. Ang magiging problema sa kabilang banda kung mali-mali ang
gamit mo ng wika ay hindi mo maihahayag nang maayos at nang eksakto ang gusto mong
sabihin. At dahil diyan, maaaring maiba ang pagkakaintindi sa nais mong ipahayag.
Karamihan ng di pagkakaintindihan ng mga tao ay bunga ng di maayos na paggamit ng
wika. Lalo na sa komunikasyon na ang tanging gamit ay pagsusulat, tanging mga salita at
pangungusap lang umaasa ang mga tao para maihayag ang gustong sabihin. Kaya dahil
diyan, mapagtatanto talaga kung gaano kahalaga ang tamang paggamit ng lenggwahe
Filipino, English, o anumang wika ang iyong gamit. Responsibilidad ng bawat tao na
pagyamanin ang kanyang kaalaman sa paggamit ng pinakamahalagang armas ng
komunikasyon. Dahil kung habang nagiging bihasa ka sa tamang paggamit ng wika ay
mas nababawasan ang di pagkakaintindihan ng bawat isa. Kaya dapat ay ating
pagyamanin ang ating kaalaman sa tamang paggamit ng wika–Filipino, English, o
anumang lenggwahe ang ating madalas na ginagamit sa pakikipagusap o
pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa.

B. Paano kung walang wikang gagamitin sa isang lugar?


Mahihirapan umangkop kaagad sa isang lugar na kanyang pinupuntahan ang isang
tao kung walang wikang gagamitin sa isang lugar at kung hindi tayo marunong ng
kanilang wika. Ang wika ang siyang instrumenrto at mahalagang sangkap upang
magkaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan ng mga mamamayan patungo sa
progreso at pagbabago ng bansa. Kung walang wika ay hindi uusbong ang ating kultura
at wala rin tayong musika, pelikula, maging edukasyon dahil ang wika ang siyang
bumubuhay sa bawat aspetong ito ng ating buhay. Ang wika ay susi ng isang maayos na
pakikipagtalastan at pagkakaunawaan magkakaiba man tayo ng lahi, trabaho, kinalakhan
o lipunan, tayo ay babalik sa ating wika upang mabuklod at maging isa.wika ang siyang
sumasalamin sa pagkakakilanlan ng isang tao at kultura ng bansa.

1. Sumulat ng isang maikling kwento gamit ang iba't ibang antas ng wika.
Ang Batang Maikli ang Isang Paa
Sa isang munting balay sa Manaet, may isang gandahon na batang babaye na
gumagawa ng isang salipawpaw na gawa sa papel. Ito ay si Mutya. Mula sa kanyang
pagsilang, maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at nakabaluktot. Ang Nanay
niya at ang kanyang ditse at utol na kasama sa loob ng tahanan ang laging nag-aasikaso
sa kanya sa tuwing wala ang kanyang Tatay na isang sikyo sa isang paaralan malapit
sakanila. Nang si Mutya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa
mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng doctor na kumpare ng kanyang mga magulang,
ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na
nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang. Ani Mutya, “Pa’no na ang buhay ko
kung habambuhay akong lumpo.”
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan
ng panunukso nang magsimula na siyang pumasok sa eskwelahan.
“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa kanya.
Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin.
Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang
kalagayan nang maluwag sa loob niya. Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa
musika. Nakakatugtog siya ng iba’t ibang instrumento. Marami ang humahanga sa taglay
niyang galing sa pagtugtog. Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng
kanyang Ermat at Erpat ng pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang
man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa musika
ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang
piyanisist. Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog
siya doon. Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng Espanya para tumugtog sa
hari. Hindi na siya tinutukso ngayon at malaya. Hindi na pinagtatawanan. Sa halip, siya
ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang pambihirang kakayahan sa
pagtugtog. Natagpuan din ni Mutya ang kanyang kabiyak habang buhay na si Zach na
isang kano na isa ding musikero.

2. Isulat ang mga salitang ginamit sa talahanayan.


Pabalbal Kolokyal Lalawiganin Pampanitikan Pambansa
Sikyo Pa’no balay salipawpaw Nanay
Kano Kumpare gandahon Tahanan Tatay
Piyanisist babaye Kabiyak Eskwelahan

ditse, utol Malaya

3. PAGSUSULAT NG TULA
Bumuo ng isang tulang may malayang taludturad. na may apat na taludtod. Bigyan
ito ng sariling pamagat.

ULYSSES
Habang ako’y paalis ay tanaw ko sa kanila ang saya
Ang saya na sa lahat ay kaaya-aya
Mga batang tumatakbo at umaasa na kami’y babalik pa
Wala ng mas gagalak pa at sasaya sa aking nadarama.

Bago pumunta sa lugar ng mga biktima


Ng bagyong mapaminsala
Ang sayang nangingibabaw sa lahat ng bago
Ang tunay na malasakit ay wala sa mga mahal na gamit
Ito ay nasa puso mong tunay na nagmamahal.
Ang mga ngiti nilang sobrang tamis 
Tunay at walang pagmamalabis 
Mga matang kumikisap
Para bang mga bituin sa langit na nakikiusap.

Habang buhay kong babaonin


Ang pagmamahal na isinusukli nila sa akin
Salamat mga munting anghel
Pag-ibig namin para sa inyo’y di magbabago.

You might also like