Professional Documents
Culture Documents
PERSWEYSIBO
PERSWEYSIBO
PERSWEYSIB
O HALIMBAWANG
TEKSTO
EDUKASYON: SUSI NG TAGUMPAY
ni : Rona Jean M. Diaz
Maraming kabataan ngayon ang tinatamad ng mag-aral, may iilan naman nahinto dahil
sa kahirapan at pinili na lang magtrabaho para may makain. Isa ito sa problemang
kinakaharap ng ating bansa. Dumarami ang out-of-school youth sa mga lugar na hindi na
abot ng tulong ng pamahalaan.
Isa ka ba sa mga kabataan na iyon? Kung oo, isapuso ang bawat mababasa mo sa
tekstong ito. Edukasyon ang susi sa tagumpay mo sa buhay, kung mananatili ka lamang sa
sitwasyon mo ngayon walang uusbong na pagbabago sa ating bansa. Nahinto ka man sa
pag-aaral, maraming ahensya ang gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tulad mo
na makapag-aral ulit.
O ano? Nagising ko ba ang diwa mo? Mag-aral ka ulit kapwa ko kabataan, hindi pa huli
ang lahat. Magsikap ka at may tutulong sayo upang matupad mo ang iyong mga pangarap
sa buhay. Bangon kabataan, bangon para sa kinabukasan ng ating bayan.
PAHINA 09
TEKSTONG
PERSWEYSIB
O PAGSUSURI
PAKSA
Kahalagahan ng Edukasyon o Pag-aaral
ETHOS
Ang may-akda ng sanaysay ay si Rona Jean Diaz. Siya ay isang propesyunal na guro
at isang manunulat. Ito ay nakadadag sa kanyang kredibilidad na maghatid ng
makakatohanang pahayag patungkol sa kanyang paksa
LOGOS
Ang teksto ay naging obhetibo kahit na ito ay nagkulang ng pagbibigay ng aktwal na
datos galing sa mga pag-aaral. Ito’y dahil naging direkta ang akda sa kanyang layunin na
makapanghikayat, at lahat ng nasabing dahilan ay nakabase sa reyalidad o walng bahid ng
sariling opinion ng may-akda.
PATHOS
Gamit ang sariling pamamaraan ng pananalita ng may akda, unti-unti nitong
pinapalabas at pinaparamdam ang damdamin na nais niyang maibigay sa mga mambabasa.
PANANAW SA TEKSTO
Isa itong halimbawa ng tekstong dapat na makita, mabasa o marinig ng bawat
estudyanteng nawawalan na ng gana o kaya naman tumigil na sa pag-aaral. Ito ay paalala at
panawagan sa bawat mag-aaral na sila’y magsikap na tapusin ang kanilang pag-aaral
sapagkat ito ang pwedeng makapagbigay sa’yo ng mas mataas na posibilidad sa pag-abot
ng tagumpay.
PAHINA 10