Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Aralin 1

Ang Pinagmulan ng Imperyalismo

Ang imperyalismo ay isang patakaran na kung saan ay nasa ilalim ng control ng


ibang bansa ang isan estado sa pamamagitan ng paggamit ng lakas-militar.
Ang kolonyalismo ay tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa
mahinang bansa upang mapagsamantalahan ang yaman nito o makamtan ang lahat ng
mga pangangailangan ng mananakop. Madalas na naihahalintulad ang dalawang salita.
Sa pag-aaral ng mga historyador, ang paglaganap ng imperyalismo sa daigdig
ay may iba’t ibang kadahilanan. Naniniwala ang malalaking bansa na ang kalayaan ay
isang karapatang pantao na dapat makamit ninuman.
Isang dahilan ay upang lumawak ang teritoryo para maging pananggalang sa
mga kalaban. Halimbawa, kung ang Pilipinas ay malakas at mayamang bansa, maari
nitong sakupin ang mahihinang bansang katabi nito upang makapagtayo ng mga base-
militar na gagamiting imbakan ng mga nukleyar, lapagan ng pandigmang eroplano, at
daungan at kumpunihan ng mga barkong pandigma. Kapag may nakaaway na ibang
bansa an Pilipinas, maari niyang gamitin ang mga base-militar na ito sa digmaan at
kung bombahin man ito ng mga kaaway ay hinndi naman ang mga Pilipino ang
mapipinsala nang tuwiran kunndi ang mga taong naninirahan sa bansang sinnakop o
bansang pinagtayuan ng kanilang imperyo.
Itinuturing na magkalaban ng prinsipyo at ideolohiya ang nasyonalismo at
imperyalismo. Ang nasyonalismo ay ang pagkakaisa ng damdamin ng mga
mamamayan ng isang estado na naghahangad ng pambansang pagsulong.
Ito ay masasabing isa sa mga dahilan kung bakit lalong lumakas ang
imperyalismo sa buong daigdig. Sa mga pangyayaring ito, tumindi ang pag-aagawan ng
malalaking bansa sa mililiit na estado. Ang pag-aagawang ito ng mga bansang
European sa mga lugar sa Africa at Asia ay bunga ng pag-unlad ng industriyalisasyon
sa kani-kanilang bansa. Ang malalaking basing ito ay nangangailangan ng mga
kagamitan o mga hilaw na materyales para sa kanilang produsiyon at iyon ay kinukuha
nila sa mga estadong kanilang sinasakop. Ang pagtatayo ng mga imperyo sa mga
nasakop nilang bansa ay isang daan upang mapanatili nila ang lakas ng kanilang
kapangyarihan. May paniniwala pa ang ibang malalaking bansa na isinugo sila ng Diyos
upang sakupin ang mga hindi sibilisadong lugar sa daigdig at turuan ng relihiyon ang
mga taong nakatira roon.
Maraming mga banyaga ang naniniwala na nakahihigit ang mga Kanluranin sa
mga Asian subalit ilang ulit na itong pinabulaanan ng mga Hapones lalo s nang
magtagumpay sila na makapagtatag ng sariling imperyo sa pakikidigma at pati na rin sa
pangangalakal. Bukod pa rito, mas naunang nagkaroon ng mga sibilisasyon sa Asia
kumpara sa Europe at America, at maging si Marco Polo ay hindi halos makapaniwala
sa naatagpuan niyang lugar sa kanlurang China.
Ayon sa mga impormasyong naisulat ng mga imperyalista, may apat na dahilan
kung bakit sila nananakop ng maliliit na bansa: una ay upang madagdagan ang
kanilang kapangyarihan bilang bansa;ikalawa, upang makatulong sa pananaliksik nila
para sa agham;ikatlo, upang lumaki ang kanilang kita;at ang ikaapat ay upang
maibahagi nila ang benepisyo ng kanilang maunlad na sibilisasyon sa mga hindi pa
sibilisado. Sa mga dahilang ito, napatunayan ang tunay na katangian ng imperyalismo.
May mga bansang tulad ng Piliipinas ang naging Kristiyano dahil sa mga
Espaňol subalit kaakibat nito ang hangarin na iangat ang ekonomiya ng Espaňa sa
pamamagitan ng mga likas na yamang ng Pilipinas.
Ayon pa sa mga eksperto, ang imperyalismo ay bunga ng mga
sumusunod:pagkakaroon ng sobrang puhunan ng mga bansang suliranin na naging
dahilan upang maghanap sila ng mga bansang mapagnenegosyohan;paghahanap ng
mabibilhan ng hilaw na materyales na mura para sa kanilang mga pabrika; at
paghahanap ng mga bansang magsisilbing bentahan ng kanilang mga sobrang
produkto.

Ang Rebolusyong Industriyal


Nagsimula ang rebolusyong industriyal sa Great Britain. Bago pa man dumating ang
kalagitnaan ng 1800 ay laganap na ang rebolusyong industriyal sa buong kanlurang
Europe at sa hilagang-silangang America. Pati ang Russia at Japan ay nagsisimula na
ring magpaunlad ng kanikanilang mga industriya.
Sa rebolusyong industriyal nakamit ng maramingg tao ang ginhawang kanilang
inaasam-asam. Maraming mga tao ang yumaman nang husto nang magtayo sila ng
pabrika at napaunlad ang kanilangnegosyo. Karamihan sa mga mangagawa noon ay
hindi marunong bumasa at sumulat. Hindi rin sila binigyan ng karapatang bumoto at
wala ring karapatang magtayo ng samahan o union para sa mga manggawa. Maraming
mga batang nagttrabaho ay nasa edad sampu lamang at pinagtatrabaho nang mahigit
sa 10 oras sa isang araw. Samantala, mas mababang suweldo naman ang ibinibigay s
mga babaeng manggagawa kaysa sa mga lalaki.
Dahil sa pag-aagawan sa mga hilaw na materyales na ginagamit sa pabrika ay
nabuo ang imperyalismo na isa sa naging bunga ay ang mga rebolusyong industriyal.
Gayunpaman, may masasamang epekto pa rin ang imperyalismo kagaya ng
mga sumusunod:
1. Ang labis na paggamit sa mga likas na yaman ng bansa ng mga imperyalista
2. Ang sapilitang pagpapasunod at pagyakap sa mga kaugalian at kulturang banyaga
na labis na nagbibigay-pasakit sa mga katutubo
3. Ang pagpigil sa mga katutubo na magpalakad ng sarili nilang pamahalaan dahil na
rin sa pakikialam ng mga imperyalista. Nawala sa mga katutubo ang pagkakataon na
matuto at mahasa ang kanilang sarili sa pamamahala.

Imperyalismo sa Western Asia


Ang huling rehiyon sa Asia na napailalim sa kolonyalismo ay ang W estern Asia, dahil
sa lakas at kapangyarihan ng Imperyong Ottoman na sumakop sa Constantinople
(Istanbul ngayon) noong 1453.
Nahirapan din ang mga Europeo na pasukin ang Western Asia dahil sa
malalawak na disyerto at mga tigang na bulubundukin.

Mga Ottoman Laban sa mga Europeo


Naganap sa Arabian Sea ang unang sagupaan ng lakas maritime ng Imperyong
Ottoman at Portugal. Nanaig ang mga Portuguese subalit sa kamalasan, sinusundan
sila ng mga Dutch at English sa mga dating teritoryo ng Ottoman at sila-sila ang
naglaban-laban.
Sa kabilang dako, ang Britain at France ang kahalagahan ng rehiyon bilang
himpilang pangkalakalan at pampolitika, hindi na sila natigil sa pagpapaligsahan kung
sino ang mas nangingibabaw rito. Mabilis na nagkampihan ang France at Britain, at sa
panig ng Imperyong Ottoman ay nilabanan nila ang mga bagong dating. Nagkampihan
ang tatlo laban sa Russia. Tinawag na Crimean War ang digmaang ito na nagsimula
noong Oktubre 1853 at tumagal nang dalawang tao at limang buwan.

Ang Mandato (Mandate)


Nang magwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig, ipinamahagi ng League of Nations
sa mga nagtagumoay sa digmaan ang mga bansang dating nasasakop ng mga talunan.
Tinawag na mandato o mandate ang mga bansang pinaghati-hatian ng mga
nagtagumpay sa digmaan. Sa ilalim ng sistemang ito, ang mandato ay mapapailalim sa
kapangyarihan ng isa sa mga nanalo.
Gawain 1: Pagpapalalim ng Kaalaman
I. Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M kung mali ito.
_______1. Magkaiba ang prinsipyo at ideolohiya ng nasyonalismo at imperyalismo.
_______2. Pangunahing dahilan ng pananakop ng malalakas na bansa ay ang
pagpapalakas ng kanilang ekonomiya at paghahangad sa lupain ng
mahihinang bansa.
________3. Sa panahon ng rebolusyong industriyal, maraming manggawa ang hindi
marunong bumasa at sumulat.
________4. Nagsimula ang rebolusyong industriyal sa America.
________5. Maraming naging magsasaka sa panahon ng rebolusyong industriyal.
________6. Sapilitang niyakap ng mga nasakop na bansa ang mga kaugalian at
kulturang banyaga.
_______7. Sa rebolusyong industriyal nakamit ng maraming tao ang ginhawang
kanilang inaasam-asam.
_______8. Sa rebolusyong industriyal maraming mga batang nasa edad na sampu ang
nagtatrabaho nang mahigpit sa sampung oras sa isang araw.
_______9. Dahil sa pag-aagawan sa mga hilaw na materyales na ginagamit sa pabrika
ay nabuo ang imperyalismo na bunga ng rebolusyong industriyal.
_______10. Ang imperyalismo ay bunga rin ng pagbabagong-puri ng ibang bansa sa
Europe na natalo sa Unang Digmaang Pandaigdig.

II. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Dito nagana pang unang sagupaan ng Imperyong Ottoman at Portugal.
a. Red Sea b. Pacific Ocean c. Arabian Sea
2. Ipinamahagi ng samahang ito sa mga nanalo sa digmaan ang mga bansang dating
hawak ng mga natalo.
3. Tawag sa mga bansang pinaghati-hatian ng mga nagtagumpay sa digamaan.
a. Mandato b. Maurya c. Manila
4. Dito naganap ang digmaan ng mga magkakamping Turkey, Britain, at France laban
sa Russia.
a. War of the Roses b. Crimean War c. Trojan War
5. Dito itinayo ng mga Ottoman ang kanilang himpilang pangkalakalan.
a. Britain b. The Netherlands c. Turkey

Isapuso mo

Sumulat ng isang sanaysay na nagsusuri sa kabutihan at kasamaang


dulot ng Imperyalismo.

Aralin 2
Nasyonalismo sa Southern Asia

Ang nasyonalismo ay ang damdamin ng katapatan at pagmamahal sa sariling


bayan at pagmamahal sa sariling bayan at pagmamahal sa sariling bayan at
pagmamalaki sa kultura at kasaysayan nito. Halimbawa, tayong mga Pilipino ay may
mga paraan upang ipakita sa mundo kung gaano kalaki ang pagpapahalaga natin sa
ating bansa.

Ang nasyonalismo sa ating bansa ay bunga ng rebolusyong French noong ika-18


siglo sa panahon ni Napoleon Bonaparte bilang reaksiyon sa kolonyalismo. Pagsapit ng
ika-19 na siglo, umusbong ang nasyonalismong Pilipino. Hindi lingid s ating kaalaman
kung paanong ang mga ninuno natin ay nakipaglaban sa mga dayuhang mananakop
upang makamit lamang ang inaasam na kalayaan.

India
Noong taong 1885, nagsimula ang nasyonalismo sa India. Itinatag ang Indian
National Conference (INC) ng mga Indianong edukado na mula sa middle class. Itinatag
ito na may layuning makakuha ng mas malawakang pagganap mula sa pamahalaan.
Noong 1909 naman ay natatag ang Minto-Morley Reforms (MMR) sa pangunguna ni
John Morley, ang kalihim ng Estado ng India.
Noong 1919, ipinasa ang Government of India Act (GIA) at noong 1920s naman
sumibol ang tatlong pinakamahahalangang tao na malaki ang naging papel sa
nasyonalismo sa India.
Sri Lanka
Sri Lankan Tamil Nationalism naman ang tawag ng mga taga-Sri Lanka sa
kanilang pagmamalasakit sa kanilang bansa. Nagsimula ang kanilang nasyonalismo
noong kasalukuyang namamayagpag ang Great Briatin.
Matapos makamit ng Sri Lanka ang kanilang kalayaan noong 1948, nagdesisyon
ang All Ceylon Tamil Congress (ACTC) na sumapi at makialyansa sa namumunong
United National Party (UNP).Ang pagkilos na ito ay hindi suportado ng kalahati sa mga
miyembro ng ACTC kung kaya’t ito ay nagresulta sa pagkakawatak-watak. Sa ganoon
nagsimula ang nasyonalismo sa Sri Lanka.

Bangladesh
Naging isang mahalagang pangyayari sa Bengal, dating pangalan ng
Bangladesh, noong 1905 nang ito ay hatiin ng Great Britain na nag-udyok ng malalakas
na aksiyon ng mga nasyonalista para baguhin ito. Dahil ditto, noong 1911 ay napilitan
ang gobyerno ng Great Britain na ipawanag bias ang ginawa nilang paghahati sa
Bengal.
Pakistan at Afghanistan
Ang Pakistani Nationalism (PN) ay tumutukoy sa political, kultural, linggwistika,
historical, paniniwala at heograpikal na pagpapakita ng mga mamamayan sa Pakistan
ng kanilang pagmamalaki sa kasaysayan, kultura, yaman, at pangrelihiyong
pagkakakilanlan ng Pakistan. Dito nagsimula ang lalo pang pinaigting na nasyonalismo
ng mga taga-Afghanistan. Ang nasyonalismo sa isang damdaming makabansa ng mga
taong nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan at hindi sa pangulo o sa ilang
pinuno lamang.
Nasyonalismo sa India
Pinamunuan ni Mohandas Gandhi o Mahatma Gandhi ng Partido Kongreso.
Ginamit nila ang non-violence technique o Satyagraha, ang protesta ng di-pagkilos.
Ginamit din ito ng mga makabayang African laban sa mga kolonyalistang European.
Si Ram Mohun Roy, isang kasapi ng pamilyang Brahman, ay bunga ng
edukasyong English. Siya ay naglakbay sa buong India at nagtrabaho sa pamahalaang
kolonyal. Noong 1828, itinatag ni Roy ang Brama Samaj na naglalayong linisin ang
Hinduismo at alisin ang hindi kanaisnais na tradisyon nito. Magkahalong makabago at
tradisyonal ang plataporma ng kilusang ito.
Itinatag ni Swami Dayananda Saraswati ang Arya Samaj noong 1875. Kinilala
siya bilang “Ama ng Bagong Nasyonalismong Hindu”. Katulad ni Roy si Saraswati ay
nagmula rin sa mayamang pamilya. Ang Arya Samaj ay isang kilusang makabayan
laban sa Islam at Kristiyanismo. Ang islogan nito na naging tanyag sa Punjab ay “Ang
India para sa mga Hindu”. Ang isa pang tagapagtaguyod ng kulturang Hindu ay si
Swami Vivekananda na anak ng isang mayamang pamilyang Bengali. Itinanghal din
siyang kauna-unahang pambansang bayani ng India sa makabagong panahon dahil sa
kanyang kontribusyon sa pandaigdigang kilusang relihiyoso.

Ang Indian Natonal Congress


Noong 1885, nagkaisa ang lahat ng mga kilusang makabayan sa India sa
pagbuo ng Indian National Congress o Congress Party. Kabilang dito ang Brama
Samaj, ang Indian Association of Calcuta, at British Indian Association. Binigyan ito ng
karapatan ng pamahalaang kolonyal bilang durbar, isang tradisyonal na karapatan
upang mailabas ng karaniwang mamamayan ang mga hinaing at sama ng loob sa
pamahalaan.

Kilusang Muslim sa India


Noong 1906 nagsimula ang All-India Muslim League upang mabigyan ng pantay
na karapatan ang mga Muslim at mag Hindu. Naniniwala ang mga Muslim, na lalong
mawawalan sila ng karapatan kapag nakuha ng India ang kalayaan mula sa England.
Lalong sumigla ang kilusang ito nang isabatas ang Indian Councils Act of 1090 o Minto-
Morley Reforms na nagbigay-karapatan sa mga Muslim na maghalal ng kapwa Muslim
sa mga komunidad na sila ang mayorya o nakararami. Ang pangunahing pinuno ng All-
India Muslim League (Liga ng mga Muslim ay si Muhammad Ali Jinnah. Itinuturing din
siyang Ama ng Pakistan.
Ang Kilusang Ahimsa ni Gandhi
Si Mohandas Karamchand Gandhi ang itinuturing na “Ama ng India”.Tinawag
siyang Mahatma na nangangahulugang “dakilang kaluluwa”. Noong 1919, binuo ni
Gandhi ang isang pambansang aklasan laban sa paggamit ng karahasan ng mga
English sa mga Hindu.
Nakuha ng India ang kalayaan noong 1947 sa ilalim ng Great Britain. Kalinsabay nito
ang pagkakatatag ng Pakistan bilang isang hiwalay na bansang Muslim sa India.
Gawain 1: Pagpapalalim ng Kaalaman
I. Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M kung mali.
______1. Ang Arya Samaj ay isang kilusang makabayan laban sa Islam at
Kristiyanismo.
______2. Noong 1885, hindi nagkaisa ang mga kilusang makabayan sa India sa
pagbuo ng Indian National Congress.
______3. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, sapilitang binigyan ng England
ng limitadong pakikisangkot sa pamahalaan ang India.
______4. Ginamit ni John Morley ang pamamaraang non-violence o Satyagraha laban
sa mga European.
______5. Ang Nepal at Bhutan ay parehong nasa ilalim ng kasaysayan na may
impluwensiya ng Tibet, China, at India.
______6. Naging isang mahalagang pangyayari sa Bangladesh nang itatag ang Indian
National Congress.
______7. Si Swami Dayananda ay naglakbay sa buong India at nagtrabaho sa
pamahalaang kolonyal.
______8. Ang islogan na naging tanyag sa Punjab ay “Ang India ay para sa mga
Hindu”.
______9. Naging mataas ng opisyal si Mohandas Gandhi kaya tinawag siyang
“Mahatma”.
_____10. Sinang-ayunan ni Jawaharlal Nehru ang paghihiwalay ng mga Muslim sa mga
Hindu kaya naitatag ang Pakistan.

Isapuso
Mo
Sumulat ng sanysay na naghahambing sa layunin ng mga islogan sa
ibaba.
“Una muna ang Filipino”
“Ang India para sa Hindu”

You might also like