Pananaliksik Compilation Latest

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 83

MGA ISTRATEHIYANG GINAGAMIT NG MGA GURO SA PAGTUTURO

NG SPECIALIZED SUBJECTS SA IKALABING-ISANG BAITANG


NG STEM STRAND NG RTPM-DSHS

Isang Pananaliksik

na iniharap kay

Bb. Charlene D. Repe, MAED

Bilang Bahagi ng mga Gawain na Kailangan sa Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Nina
Martinna Georgette B. Carreon
Isabella Casas
Jea Mie G. Dela Cruz
Naellah Yanca Marie Galve
Danielle Rian Kianna Villegas

Marso 2019
ii

BUOD

Pamagat: Mga Estratehiyang Ginagamit ng mga Guro sa Pagtuturo ng Specialized

Subjects sa Ika-11 Baitang STEM ng RTPM-DS

Mga Mananaliksik:

Martinna Georgette B. Carreon

Isabella A. Casas

Jea Mie G. Dela Cruz

Naellah Yanca Marie P. Galve

Danielle Rian Kianna O. Villegas

Lokasyon: Maria Asuncion Village, Daro Dumaguete City

Petsa: Marso 2019

Ang pag-aaral na ito'y nakatuon sa mga istratehiyang ginagamit ng mga guro sa

pagtuturo ng STEM-11 specialized subjects. Layunin ng pag-aaral na matukoy kung alin

sa mga istratehiyang ito ang pinakamainam at pinaka-epektibo para sa mga estudyante.

Descriptive Survey Research design ang disenyo ng pananaliksik, kung saan gumamit ng

mga kwestyuneyr upang makakuha ng datos. Mga estudyante mula sa ikalabing-isang

baitang na nasa STEM strand ang mga respondente, at natukoy sa pamamagitan ng

stratified random sampling. Ayon sa datos na nakalap, mas epektibo ang makabagong

pamaraan ng pagtuturo kaysa sa tradisyunal. Napag-alaman din ng mga mananaliksik na

ang paggamit ng biswal na pantulong kagaya ng PowerPoint presentation at mga bidyo

ang pinakamabisang makabagong paraan ng pagtuturo, habang paglelektyur naman ang


iii

pinakamabisang tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo. Sa kabuuan, napag-alaman ng

mga mananaliksik na mas mainam na gamitin ang makabagong pamaraan ng pagtuturo

lalo na ang paggamit ng mga biswal na pantulong dahil ito ang pinaka-epektibo ayon sa

datos mula sa pananaliksik na ito.


iv

DEDIKASYON

Ang pag-aaral na ito ay inaalay ng mga mananaliksik sa kanilang mga mahal sa

buhay sa walang humpay na pagmamahal at suporta upang maging posible ang

pananaliksik na ito. Gayundin, inaalay ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa

kanilang guro na si Bb. Charlene Repe na walang sawang gumabay sa mga mananaliksik

sa bawat hakbang ng pag-aaral na ito. Inaalay din ito ng mga mananaliksik lalong-lalo na

sa Panginoong Maykapal na nagbigay lakas sa kanila habang ginagawa ang pananaliksik.


v

PASASALAMAT

Taos-puso ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa lahat ng mga taong naging

bahagi ng kanilang paglalakbay, sa lahat ng sumuporta, moral man o pinansiyal, sa mga

gumabay at tumulong upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito. Nais din nilang

magbigay-pugay sa mga sumusunod:

Bb. Charlene D. Repe, tagapayo sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t

Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, para sa kanyang walang sawang pagsuporta,

pagtulong, paggabay, pag-unawa at mahabang pasensya sa pagrerebisa upang

matagumpayan ang pag-aaral na ito.

Sa prinsipal ng Ramon Teves Pastor Memorial - Dumaguete Science High School

na si Gng. Ma. Gina S. Anqui para sa pahintulot na makapagsagawa ng sarbey ang mga

mananaliksik sa mga mag-aaral ng ika-11 baitang.

Sa mga respondente na naglaan ng kanilang oras upang makilahok sa pagsagot ng

tapat sa mga sarbey-kwestyoneyr ng mga mananaliksik.

Sa kanilang mga kapwa mag-aaral na walang pagda-dalawang isip na tumulong at

umudyok sa kanila na tapusin ang pananaliksik na ito.

Sa kanilang mga minamahal na magulang para sa walang humpay na nagbigay ng

kanilang suporta, moral at pinansiyal, at inspirasyon upang mapagtagumpayan ng mga

mananaliksik ang pag-aaral na ito.


vi

Higit sa lahat, ang Poong Maykapal sa pagbibigay ng determinasyon at lakas lalo

na noong mga panahon na sila ay pinanghihinaan na ng loob at sa pagbibigay kalinawan

sa kanilang pag-iisip upang maging matagumpay ang resulta ng pag-aaral na.


vii

TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

PAMAGAT i

BUOD ii

DEDIKASYON iv

PASASALAMAT v

TALAAN NG NILALAMAN vii

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN ix

LISTAHAN NG MGA FIGYURS x

KABANATA

1 SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON 1

Ang Suliranin 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 3

Ipotesis 4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 4

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 5

Kaligiran ng Pag-aaral 5

Respondente 6

Instrumentong Ginamit 6

Pamamaraang Pampanaliksik 6

Tritment ng mga Datos 7

Istadistikang Tritment ng mga Datos 7


viii

Depinisyon ng mga Katawagang Ginamit 8

Teoritikal na Saligan 10

Balangkas Konseptuwal 13

Kaugnay na Literatura 15

Kaugnay na Pag-aaral 20

Pagkabuo ng Pag-aaral 24

2 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON 25

SA MGA NAKALAP NA DATOS

3 LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 50

Pagbanggit muli sa mga Suliranin 50

Buod sa mga Natuklasan 51

Kongklusyon 52

Rekomendasyon 53

LISTAHAN NG MGA HANGUAN 54

APENDISIS

Apendiks A. Liham Pahintulot 59

Apendiks B. Sarbey-Kwestyoneyr 60

Apendiks C. Kurikulum Vitae 62


ix

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN

Blg. Pamagat Pahina

1 Kasarian ng mga Mag-aaral 25

2 Edad ng mga Mag-aaral 26

3 Lektyur bilang Tradisyunal na Pamamaraan sa Pagtuturo 27

4 Indibidwal na Pag-aaral bilang Tradisyunal na Pamamaraan sa 29


Pagtuturo

5 Pagsasanay bilang Tradisyunal na Pamamaraan sa Pagtuturo 31

6 Demonstrasyon bilang Tradisyunal na Pamamaraan sa Pagtuturo 33

7 Paggamit ng mga Biswal na Pantulong bilang Makabagong 35

Pamamaraan sa Pagtuturo

8 Kooperatibong Pagkatuto bilang Makabagong Pamamaraan sa 37

Pagtuturo

9 Paggamit ng Modyul bilang Makabagong Pamamaraan sa Pagtuturo 39

10 Kahalagahan ng mga Paraan sa Pagtuturo ng mga Guro sa mga 41

Mag-aaral

11 Tradisyunal na Pamamaraan sa Pagtuturo 43

12 Makabagong Pamamaraan sa Pagtuturo 44

13 Malinaw at Maayos ang Pagpapaliwanag ng mga Guro Gamit ang 46

Makabagong Paraan sa Pagtuturo

14 Epekto ng mga Istratehiyang Ginagamit ng mga Guro sa Pagkatuto 48


x

LISTAHAN NG MGA FIGYUR

Blg. Pamagat Pahina

1 Balangkas Teoritikal batay sa Zone of Proximal Development ni Lev 12


Vygotsky at Multiple Intelligence ni Howard Gardner

2 Balangkas Konseptuwal 14
1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang K-12 kurikulum ay isang programang pang-edukasyon na ipinatupad ng

Kagawaran ng Edukasyon kamakailan lamang. Ang programang ito ay naglalayong

ihanda ang mga mag -aaral sa hayskul sa pagsabak sa negosyo, trabaho o kolehiyo sa

pamamagitan ng pagdaragdag ng karampatang dalawang taon na tinatawag na ‘senior

high school’.

Ang Senior High School ay kinapapalooban ng dalawang baitang: ang ikalabing-

isang baiting at ikalabin-dalawang baiting. Ang K-12 kurikulum ay kinapapalooban ng

iba't ibang tracks na tinatawag na Academic, TVL o Technical -Vocational-Livelihood,

Arts and Design at Sports.

Sa mas espisipikong pananaw, ang Academic track ay kinabibilangan ng mga

hanay ng espesyalisasyon na kung tawagin ay strands. Ang mga strands na saklaw nito

ay STEM, ABM at HUMSS. Ang pokus ng pananaliksik ay nasa STEM strand lamang.

Ang STEM strand sa Ramon Teves Pastor Memorial - Dumaguete Science High School

ay mayroong specialized subjects na General Biology 1 at 2, Pre-calculus at Basic

Calculus para sa una at ikalawang semester. Ang mga espesyalisadong asignaturang ito

ay labis na importante para matutunan ng mga mag -aaral ang mga impormasyon,

kasanayan at kakayahang kailangan sa espesyalisasyong STEM. Datapwa't marapat

lamang na magkaroon ng magandang paraan at istratehiya ng pagtuturo ang mga guro


2

lalo na't ang mga specialized subjects na ito ay nangangailangan ng kritikal na pang-

unawa at pagkatuto ng mga estudyante.

Bukod pa rito, alam naman natin na may iba't ibang mga istratehiya ang bawat

guro na naayon sa kung saan sila kumportable, at kung saan din mas matututo ang mga

mag-aaral. Mahalaga rin ang mga hinaing at opinyon ng mga mag-aaral ukol sa mga

istratehiyang ito, dahil nakakaapekto ito sa kanilang performans at marka.

Kung kaya napagpasiyahan ng mga mananaliksik na isagawa ang pananaliksik na

ito. Sa pag-aaral na ito, ang tanging pinagtuonan ng pansin ay ang mga istratehiyang

ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng specialized subjects sa mga estudyanteng nasa

ikalabing-isang baitang na kumukuha ng STEM strand, na siya ring nakapaloob sa

Academic track ng programang K-12.

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pananaw ng mga estudyante ng ikalabing-

isang baitang na kumukuha ng STEM sa Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete

Science High School ukol sa mga istratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng

specialized subjects.

Ang Suliranin

Naglalayon ang pag-aaral na ito na masagot ang sumusunod na tiyak na mga

suliranin:

1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral batay sa:

1.1 edad;
3

1.2 kasarian?

2. Ano ang mga istratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng specialized

subjects?

3. Ano ang epekto ng mga istratehiya na ginagamit ng mga guro sa pagkatuto ng

mga mag-aaral?

4. Anong istratehiya ang mas nangingibabaw sa lahat?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kasalukuyang pag-aaral ay maaaring makatulong sa sumusunod na

indibiduwal o pangkat ng tao:

Mga mag-aaral

Makatutulong ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng kamalayan ang mga

estudyante ukol sa istratehiyang mas makakatulong sa kanilang pagkatuto. Sa

pamamagitan din ng pag-aaral na ito, mabubuksan ang kanilang isipan na tanggapin kung

ano man ang istratehiyang gagamitin ng kanilang guro.

Mga guro

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay malaking tulong para sa mga guro upang

malaman nila ang gagamiting istratehiya sa pagtuturo. Dapat na maituro sa mga guro ang

tamang proseso ng paggamit ng mga istratehiyang pinag-aralan sa pananaliksik upang

maisagawa ang kabuuang proseso sa pagtuturo.


4

Administrador

Sa pamamagitan ng mabisa at maaasahan na impormasyon ng isang pananaliksik

magiging isang malaking tulong ito sa administrador na siyang magsasagawa ng mga

aktibiti upang malinang ang mga epektibong istratehiya sa pagtuturo.

Mga mananaliksik

Ang mga impormasyong makakalap sa pananaliksik ay magagamit ng mga

susunod na mananaliksik bilang basehan ng pag-aaral na may kinalaman sa epektibong

istratehiya sa pagtuturo.

Ipotesis

Ang mga hinuha sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Ho: Walang makabuluhang epekto ang iba’t ibang istratehiya ng pagtuturo sa pagkatuto

ng mga mag-aaral.

HA: Mayroong makabuluhang epekto ang iba’t ibang istratehiya ng pagtuturo sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Saklaw. Sakop ng pag-aaral na ito ang nasa ikalabing-isang baitang na mga mag-aaral sa

Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High School. Pangunahing layunin

ng pag-aaral na ito ang malaman at mapag-aralan ang mga istratehiyang ginagamit ng

mga guro sa pagtuturo ng specialized subjects sa STEM strand.


5

Limitasyon. Nilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral na nasa ikalabing-isang

baitang ng Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High School sa taong

panuruan ng 2018-2019. Ang pagsagot sa mga sarbey o talatanungan ay nakasalalay sa

katapatan ng mga mag-aaral.

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik

na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanungan para

makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga mananliksik na angkop ang disenyong ito

para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa

maraming respondente.

Kaligiran ng Pag-aaral

Isang importanteng bagay na binibigyang pansin ng ating bansa ay ang

edukasyon. Ang mga mag-aaral ngayon ay nagsusumikap para makakuha ng mataas na

grado. Mayroon na ngang K-12 kurikulum upang masiguro ng mga mag-aaral ang pagpili

ng kukuning kurso. Mayroon tayong tinatawag na specialized subjects. Ito ay ang mga

asignaturang nakatuon sa isang partikular na sangay. Nang dahil sa pagbabagong ito,

mayroon ng mga modyul o learner’s material na makikita sa internet na makatutulong sa

pag-aaral. Ngunit may isang salik pa na nagbibigay ng malaking epekto sa pag-aaral ng

isang mag-aaral, ang paraan ng pagtuturo ng mga guro.


6

Dahil dito, napagdesisyunan ng mga mananaliksik na gumawa ng pag-aaral sa

mga istratehiyang ginagamit ng guro sa pagtuturo ng specialized subjects ng STEM sa

ikalabing-isang baitang ng Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High

School.

Respondente

Ang mga respondente sa pag-aaral ay ang mga estudyante sa ikalabing-isang

baitang na kumukuha ng STEM strand sa RTPM-DSHS sa taong 2018-2019. Sa pagpili

ng mga respondente, gumamit ang mga mananaliksik ng Simple Random Sampling kung

saan ang mga estudyante na kumukuha ng STEM strand sa ikalabing-isang baiting ay

may pantay na pagkakataon na mapiling respondente ng pananaliksik sa pamamagitan

nang pagbunot ng kanilang pangalan.

Instrumentong Ginamit

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Descriptive Survey

Research Design. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng mga talatanungan para makalikom

ng mga datos upang malaman ang mga saloobin at opinyon ng mga respondente. Kumuha

rin ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa mga artikulo sa diyaryo at sa internet

bilang sanggunian.

Pamamaraang Pampanaliksik

Ang paraan ng pagkuha ng datos at impormasyon ay sa pamamagitan ng mga

sarbey-kwestyoneyr. Ang mga sagot at impormasyong makukuha mula sa mga tanong na

may espisipikong pagpipilian ay susuriin gamit ang prosesong kwantitatib at maaring


7

maipakita gamit ang mga tsart, grapikong pantulong at pagbabahagdan. Ang mga

mananaliksik ay gumamit rin ng probability sampling, espisipikong simple random

sampling, kung saan ang pagpili ng mga respondente ay nagmumula sa mas malaking

pangkat. Ang resulta ng ginawang pag-aaral ay inilarawan sa Kabanata II sa

pamamagitan ng mga talaan.

Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang kaya naman

walang ginamit na komplikadong pamamaraan ng pagkuha ng mga datos gaya ng mataas

at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Ang isinagawang pagpapasagot gamit ang

mga talatanungan ay opinyon o damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa

bawat katanungan ngs arbey-kwestyoneyr. Ang mga tanong na ito ay pinaghandaan ng

mga mananaliksik upang maging epektibo ang pagkuha ng mga impormasyong

kailangan.

Istadistikang Tritment ng mga Datos

Ang sumusunod ay mga kompyutasyong istadistikang ginamit sa paglalarawan ng


resulta ng pananaliksik na ito:
Frekwensi– gagamitin upang matukoy ang kailanan ng mga datos sa isang kategorya

Porsiyento – gagamitin upang maipakita ang relasyon ng isang bahagi sa kabuuan.

Pormula:
P = Frekwensi (bahagi) x 100
Kabuuang Populasyon
8

Depinisyon sa mga Katawagang Ginamit

Ang mga sumusunod na termino ay binigyang kahulugan ayon sa gamit nito sa

pag-aaral upang mapadali ang pag-intindi ng mga mambabasa:

Istratehiya. Ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan at estilo na ginagamit ng mga guro sa

pagtuturo. Kabilang dito ang paggamit ng mga biswal na pantulong, pagbibigay ng

pagsasanay, pag-uulat, atbp.

Kooperatibong Pagkatuto. Nangangahulugan itong pagkatuto sa pamamagitan ng

pakikihalubilo ng mga mag-aaral sa mga kapwa mag-aaral.

Makabagong pamamaraan. Ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan ng pagtuturo na

ginagamit ng karamihan sa mga guro sa kasalukuyan. Kabilang dito ay ang paggamit ng

mga PowerPoint presentations sa pagtatalakay ng mga leksyon, paggamit ng modyul,

atbp.

Modyul. Ito ay isang uri ng midyum sa pagkatuto. Sa madaling salita, isa itong

electronic na porma ng mga aklat.

Pagsasanay. Tumutukoy ito sa mga gawain na ibinibigay ng mga guro bago, habang o

pagkatapos ng patatalakay sa leskyon katulad ng mga seatwork, takdang araling, atbp.

Self-Study (Indibidwal na Pag-aaral). Isa itong paraan ng pagkatuto sa pamamagitan ng

sariling pagsisikap. Ang isang mag-aaral ay mag-isang mag-aaral ukol sa isang paksa

upang maintindihan ang leksyon ng mga guro.

Specialized Subjects. Ito ay tumutukoy sa mga asignaturang, Pre-Calculus at General

Biology na dapat kunin ng mga mag-aaral na kumukuha ng STEM na strand.


9

STEM. Nangangahulugan itong Science, Technology, Engineering and Mathematics.

Kabilang ito sa mga strands na nakapailalim sa Academic Track.

Tradisyunal na pamamaraan. Tumutukoy ito sa mga makalumang paraan ng pagtuturo

na isinasagawa ng mga guro dati. Isa sa mga kabilang dito ay ang chalk-talk na metodo.
10

Teoritikal na Saligan

Nakabatay sa Teoryang Multiple Intelligence ni Howard Gardener, ang

pananaliksik. Ayon dito, maaaring matuto nang mas mahusay ang isang estudyanteng

walang interes sa pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng ibang anyo ng katalinuhan.

Isinasaad bilang isang biological potential ang katalinuhan kung saan ito ay

nagproproseso ng impormasyon. Ito rin ang nagbibigay bisa sa cultural setting upang

makalutas ng problema o makagawa ng bagong bagay na may halaga sa lipunan. Ang

bawat isa sa ay may isang katalinuhan na kung saan ito ay pinakadominante sa lahat at ito

ay nagbibigay ideya sa isang indibidwal kung paano matuto. Ang mga sumusunod ay ang

Eight Intelligences ni Gardner:

1. Visual-Aesthetic. Ang estudyante ay nakapag-iisip sa paraang physical space at sa

hilig ng pagbabasa o mula sa pag-visualize ng kanyang salita.

2. Bodily-Kinesthetic. May buong kamalayan ang isang estudyante sa kanyang

pisikal na katawan, siya ay aktibo at may kagiliwan sa paggawa ng mga bagay

gamit ang mga kamay.

3. Musical. Ang isang estudyante ay may sensitibilidad sa lahat ng uri ng tunog at

kadalasang natututo sa pamamagitan o mula sa musika.

4. Intrapersonal. Natututo ang estudyante sa pamamagitan ng introspective at

reflection at dahil na rin sa malayang pag-aaral at mga karanasan sa sarili.

5. Interpersonal. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa lipunan, ang estudyante

ay natututo at nasisiyahan sa mga pangkatang gawain.

6. Linguistic. Ang mga estudyante ay may pagmamahal sa wika at mga salita at

nagagalak itong matuto sa pamamagitan ng verbal expression.


11

7. Logical-Mathematical. Ang pag-iisip ng isang estudyante patungkol sa mundo ay

may konsepto, lohika at bahid ng Matematika. Dito, ang bata ay may kagiliwan sa

pagtuklas ng mga pattern at kaugnayan ng mga bagay sa isa’t isa.

8. Naturalistic. Ang estudyante ay may pagpapahalaga sa natural na mundo at

madali itong nakakaintindi sa buhay ng isang halaman at hayop. Ang batang ito

ay mayroong pagtangkilik sa mga pattern na matatagpuan sa paligid.

Nakabase rin ang pananaliksik na ito sa Zone of Proximal Development ni Lev

Vygotsky. Ito isang konsepto sa pagitan ng kung ano ang kaya ng isang estudyane at

hindi kayang magawa ng mag-isa. Iminumungkahi ni Vygotsky na ang pinakamahusay

na paraan nang pagsuporta ng guro sa kanyang mag-aaral ay sa pamamagitan ng

pagtukoy ng Zone of Proximal Development ng bata at ang paggamit nito upang

makagawa ng gawain na higit sa inaasahan.


12

Things the learner cannot do

Things the learner can do


with help

Zone of Proximal Development

Things the learner can do


with his own

Multiple Intelligences:

Visual-Aesthetic
Bodily-Kinesthetic
Musical
Intrapersonal
Interpersonal
Linguistic
Logical-Mathematical
Naturalistic

Figyur 1. Balangkas Teoritikal batay sa Zone of Proximal Development ni Lev


Vygotsky at Multiple Intelligence ni Howard Gardner
13

Balangkas Konseptuwal

Ipinapakita sa figyur 3 ang mga baryabol na sangkot sa pag-aaral na ito. Sa input,

makikita natin ang 1) profayl ng mga respondente batay sa: edad at kasarian; 2) mga

istratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng specialized subjects; 3) ang mga

epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral; at 4) ang istratehiyang mas epektibo sa

pagtuturo.

Sa pangalawang kahon ay matutunghayan ang process sa pagsakatuparan ng

pananaliksik na ito katulad ng paghahanap ng konseptuwal na batayan at mga kaugnay na

literatura, pormulasyon at balidasyon, administrasyon ng instrumentong pampanaliksik,

at pagsubok ng ipotesis sa pananaliksik.

Sa pangatlong kahon ay ang output na masisilayan ang mga inaasahang bunga at

resulta ng pag-aaral na ito. Kinapalolooban ito ng mga pamamaraan at istratehiyang

ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng STEM specialized subjects sa ikalabing-isang

baitang, mga pagtataya sa mga impormasyon galing sa mga talatanungan at ang epekto

ng mga istratehiyang ginagamit ng guro sa akademikong perfomans ng mga estudyante.


14

Input
1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral batay sa:
• 1.1 edad;
• 1.2 kasarian
2. Ano ang mga istratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng specialized
subjects?
3. Ano ang epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral?
4. Anong istratehiya ang mas epektibo sa pagtuturo?

Process

 Paghahanap ng Konseptuwal na Batayan at mga Kaugnay na


Literatura
 Pormulasyon, Balidasyon at Administrasyon ng Instrumentong
Pang-pananaliksik
 Pagsubok ng Ipotesis sa Pananaliksik

Output

 Mga Pamamaraan at Isratehiyang Ginagamit ng mga Guro


sa Pagtuturo ng STEM Specialized Subjects sa Ikalabing-
isang Baitang
 Mga Pagtataya sa Performans ng mga Mag-aaral Gamit
ang Impormasyon Galing sa mga Talatanungan
 Epekto ng mga Isratehiyang Ginagamit ng Guro sa
Akademikong Perfomans ng mga Estudyante

Figyur 2. Balangkas Konseptuwal


15

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura sa pagsasaliksik na may

patungkol sa mga istratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng specialized

subjects ng ikalabing-isang baiting ng STEM strand. Naglalaman ito ng mga

mahahalagang pananaw at impormasyong makatutulong sa paggawa ng pananaliksik na

ito.

Banyagang Literatura

Lektyur

Sa loob ng maraming taon, ang paglelektyur ang pangmalawakang ginagamit bilang

paraang instruksiyonal sa mga pangkolehiyong silid-aralan. Halos walumpong porsiyento

(80 %) ng mga paaralan sa Estados Unidos noong 1970 ay tinatayang gumagamit ng

paglelektyur sa pagtuturo sa mga estudyante (Cashin, 1990).

Bagama't malawakang pinag-aaralan sa kasalukuyan ang kagamitan at

kahalagahan ng iba pang istratehiya sa pagtuturo, nanatili ang paglelektyur bilang isang

mahalagang paraan ng pagbabahagi ng impormasyon. Kaagapay ang iba pang aktibong

pamamaraan ng estratehiya sa pagkatuto, ang tradisyunal na paraan ng paglelektyur ay

isang epektibong paraan upang makamit ang mga layuning instruksiyonal. Ang

kalamangan ng lektyur bilang dulog ay ang pagbibigay nito ng paraan upang

makapagbahagi ng impormasyon sa maramihang tagapakinig, pinapalawig ang kontrol ng

instruktor, at hindi nakababahala sa mga estudyante. Ang kapintasan naman nito ay


16

nililimitahan nito ang feedback mula sa mga estudyante, naghahangad ito ng di-

makatotohang antas ng pang-unawa, at kalimita'y nababagot ang mga mag-aaral rito kung

kaya't mas mabilis na malimutan ang mga impormasyon.

Paggamit ng biswal na pantulong

Binigyang pansin ni Tejedor (2011) na suriin ang tatlong E-learning Technology

Based batay sa pedagohikal na balangkas nito sa isang virtual learning environment.

Sinagot ng pag-aaral kung paano nagagamit ang teknolohiya sa pangpropesyonal na

pagkatuto at oportunidad ng mga K-12 na edukado na kinabibilangan ng komunikasyon,

kolaborasyon at repleksyon. Tatlong dimensyonal na modelong plano ang naging awtput

ng pag-aaral. Bagama’t ang pokus ng kasalukuyang pag-aaral ay ika-21 siglong

kasanayan at ang modyul para sa K-12, maihahalintulad ang kalalabasan ng

kasalukuyang pag-aaral sa hangaring makabuo ng isang modelo na magsisilbing padron

ng susunod na ebalwasyon ng isang kagamitang pampagtuturo na ang tuon ay paggamit

din ng teknolohiya dahil ito ang kahingian ng ika-21 siglong kasanayan at ang pag-

usbong ng isang virtual learning environment.

Istratehiya

Sa librong Act of Teaching ni Cruickshank, karamihan sa mga guro ay naniniwala

sa tatlong kongklusyon na may kaugnayan sa istratehiya. Una, ang guro ay naniniwala na

ang magkakaibang metodo ay para sa magkakaibang uri ng mag-aaral. Pangalawa, ang

lektyur o diskusyon ang pinakaepektibong paraan ng pagtuturo. Pangatlo, ang mga guro

ay mag iba't ibang persepsyon tungkol sa diskusyon. Isinaad sa libro na ang mga guro

ang may alam sa anong uri ng estratehiya ang gamitin sa pagtuturo.


17

Indibidwal na Pag-aaral o Self- Studying.

Ayon sa artikulong “Best Methods of Self-Study for Students” (2015), ang

indibidwal na pag-aaral o self-studying ay isang uri ng pag-aaral kung saan hindi

nangangailangan ng direktang superbisyon o patnubay ng guro. Ito ay malawakang

ginagamit ng mga magulang at mga mag-aaral. Ang self-studying na kaagapay ang

pormal na edukasyon ay maaring makatulong sa pagtaas ng mga marka, mas malalim na

pang-unawa sa leksyon at konpidens sa silid-aralan. Maari ring ang self-studying ay

maggamit kung may nais na matutuhan na bagong kakayahan gaya ng pagtugtog ng

istrumento at pagkukumpuni.

Napili ng mga mananaliksik na pillin ang estratehiyang ito ng pagkakatuto pagkat

ito ay naoobserbahan rin sa paaralan ng RTPM-DSHS. Madalas, dahil sa kakulangan ng

oras na laan para sa bawat asignatura (lalo na sa STEM strand) ay hindi natatapos ang

mga paksa. Nangangahulugan itong maaring ang mga mag-aaral ay nagsasagawa ng self-

studying dahil sa walang mayos na lektyur na naiibigay.

Ngunit ayon kina Beuche at Peroz (2009), ang self-studying o indibidwal na pag-

aaral ay hindi gaanong epektibo kumpara sa paglelektyur. Tinatayang ang paglelektyur ay

mas nakapagbibigay ng mas matataas na iskor sa mga pagtatayang ibinibigay sa mga

mag-aaral matapos ang oral na paglelektyur. Sa kabilang banda, kapwa ang self-studying

at paglelektyur ay wala naman gaanong kaibahan pagdating sa memory retention o

pagpapanatili ng impormasyon sa loob ng mas mahabang panahon.


18

Pag-uulat

Sa artikulong isinulat ni Haber (2008), ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-

uulat ay upang magkaroon ng berbal o pasalitang ebalwasyong mga mga gawaing

ibinigay sa mga estudyante. Sa pamamagitan nito ay mas magagamit nila ang kanilang

kritikal na pag-iisip at makakatanggap rin ng feedback at mga katanungan mula sa mga

kaklaseng tagapakinig. Ginagawa ring mas makabuluhan at kahali-halina ang talakayan

kapag mayroong pag-uulat. Bukod pa rito ay mas nalilinang ng mga mag-aaral ang

kanilang kakayahan sa pagsasalita na isang mahalagang kasanayan na magagamit sa

totoong mundo ng paghahanapbuhay.

Sa kabila ng mga positibong epekto ng pagkakaroon ng pag-uulat sa silid-aralan,

maraming mag-aaral pa rin ang di gaanong pabor sa gawaing ito. Ayon kay Lorenz

(2018) sa kaniyang artikulong “Teens Are Protesting In-Class Presentations,” maraming

kabataan sa kasalukuyan ang nagsasabing dapat ay hindi pilitin ng mga guro ang mga

mag-aaral na mag-ulat o magbigay ng oral na presentasyon sapagkat ito ay hindi

makatarungan para sa mga estudyanteng mayroong glossophobia at anxiety. Maari rin

itong magdulot ng pangmatagalang istres para sa mga estudyante.

Kooperatibong Pagkatuto (Group activities)

Sa abstrak na isinulat ni Göçer (2010) ipinakita niya na ang kooperatibong

pagkatuto at Jigsaw technique ay mas epektibo sa pagtutuo ng asignaturang

pangliteratura kaysa sa tradisyonal at kumbensiyunal na pamamaraan. Bagamat may

bahagyang pagkakaiba, ginamit ng mga mananalisik ang impormasyong ito upang


19

maging bahagi ng pananaliksik dahil ang pagkakaroon ng mga group activities ay

palagiang maoobserbahan sa mga klase sa STEM strand.

Istratehiya

Ayon kay De Juan (2013) may talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang

gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.

2. Bunga ng pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.

3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.

4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.

5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.

6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.

7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.

8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.

9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.

10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

Tradisyunal na Pagtuturo

Ayon kay Novak (1998), “Ang tradisyunal na pagtuturo ay yaong nakapokus sa

guro bilang taga- kontrol sa kapaligiran ng mag-aaral.” Ang kakayahan at responsibilidad

ay nasa guro at ginagampanan niya ang tungkulin bilang instruktor sa paggamit ng

talakayan sa leksyon at nagsisilbing tagapagdesisyon sa laman ng kurikulum at mga

posibleng kalalabasan nito. Ang pinag-uusapan, pinatangkilik nila ang mag-aaral bilang

“knowledge holes” na kailangang punan ng sapat na kaalaman at impormasyon. Sa


20

katunayan, ang mga tradisyunal na guro ang siyang dahilan sa katagumpayan ng

pagkatuto ng mga mag-aaral. Dito sila unang namulat sa kaalaman sapagkat ito ang

unang ginamit ng mga guro na paraan sa pagtuturo.

May dalawang mahahalagang sinabi si Theroux (2002) tungkol sa tradisyunal na

pagtuturo. Una, ito ay pagtuturo sa maraming kurso at kinakailangan ito upang

maunawaan ng maayos ang mga nilalaman na makatutulong sa mag-aaral. Ang

tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay ang paggamit ng simpleng modelo na ginawa

ng guro. Pangalawa, ito ang pagtuturo na hindi maaaring matugunan sa patuloy na

paglago ng teknolohiya. Ang tradisyunal na pagtuturo ay hindi maaaring baguhin dahil

ang kapalit na problema ay ang mataas na halaga ng mga bagong modelong kagamitan sa

pagtuturo. Ngunit ayon kay Aquino (1997), ang modernong pagtuturo at teknolohikal na

pagbabago sa ika-21 na siglo ay nakapokus sa kompetisyon sa mga paaralan. Ang

ginamit sa alternatibong pagtuturo ay isang pangunahing bahagi ng teknolohiya ng

makabagong-likha at teknolohiya sa makabagong ideya na kinatawan ang resulta ng

pagpapatupad sa modernong disenyo ng teknolohiya bilang susi sa pagkamit ng

katagumpayan sa pagkatuto ng mag-aaral sa loob ng klase.

Kaugnay na Pag-Aaral

Ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral sa pagsasaliksik na may

patungkol sa mga pamamaraan na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo. Naglalaman ito

ng mga mahahalagang pananaw at impormasyong makatutulong sa paggawa ng

pananaliksik na ito.
21

Indibidwal na Pag-aaral

“The Sourcebook for Self-directed Learning” ay isang pananaliksik ukol sa

indibidwal na pag-aaral ng isang tao. Isinaad dito na nakatutulong ang indibidwal na pag-

aaral lalo na sa mga taong gustong makapag-aral pero may problemang pinansyal. Sa

paraang ito ng pag-aaral ng isang tao ay mas magkakaroon siya ng maraming

responsibilidad at dahil dito ay makakasagap siya ng maraming aral.

Kooperatibong Pagkatuto

Ayon sa isang pananaliksik ni Freedman ukol sa diskusyon ay mas epektibo kung

mayroong aktibong pagkatuto sa silid-aralan tuwing may diskusyon. Ayon sa nakuha na

datos ay bumaba ng limampu’t limang porsyento ang performans ng mga mag-aaral kung

diskusyon lamang ang nangyayari at walang aktibong gawain.

Lektyur

Ang pananaliksik ni Andrea Revell at Emma Wainwright ay nagsasaad na mas

epektibo pa rin ang paglelektyur kaysa sa ibang pamamaraan ng pagtuturo. Ayon sa

kanila, ang lektyur ay hindi dapat mawala sapagkat sa paraang ito ay mayroong

pakikipagsapalarang mangyayari sa pagitan ng guro at mag-aaral. Binanggit naman ng

mga mananaliksik na epektibo rin ang mga maliliit na organisasyon o grupo na

nagtutulungan sa pag-aaral pero ang paglelektyur ay hindi pa rin mawawala sa mga

pamamaraan ng pagtuturo.
22

Sang-ayon rin ang pananaliksik na ginawa ni Bruce G. Charlton ukol sa pagiging

epektibo ng lektyur. Naniniwala rin siya, sa tulong ng kaniyang datos at pananaliksik, na

mas epektibo ang lektyur dahil sa ugnayan mayroon ang nagtuturo sa tinuturuan.

Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo

Nagsagawa ng isang pananaliksik ang grupo ni Anja Wessels ukol sa

makabagong pamaraan ng pagtuturo kung saan ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng

mga lektyur at pagsasanay gamit ang mga gadyet. Mula sa nakalap nilang mga

impormasyon ay mas pabor ang mga mag-aaral sa ganoong tipong pagtuturo dahil sila ay

mas nakakasali.

Paggamit ng mga Biswal na Pantulong

Sina H. David Brecht and Suzanne M. Ogilby ay nagsagawa ng pananaliksik ukol

sa paggamit ng biswal na pantulong sa pagtuturo, sila ay nakapokus sa pagkakaroon ng

mga bidyu sa pagtuturo. Ayon sa mga mananaliksik ay mas mabuting mayroong mga

biswal na pantulong ang mga mag-aaral baka sakali ay nabibilisan sila sa pagsasalita ng

guro sa harap ay may mga biswal na pantulong naman para mas maintindihan nila ang

diskusyon kung sakali sila ay naghihirapan.

Pagsasanay

Nagkaroon ng isang pananaliksik si Liz McDowell ukol sa pagkakaroon ng mga

pagsasanay at pagsusulit bilang isang gamit pagkatuto sa pag-aaral. Isinaad ni McDowell

na ito ay isang mabuting paraan para makita mo kung may natutunan ba ang mag-aaral,

pero nagkakaroon rin ng mga problema ukol sa pagtatag ng katarungan at sa bisa nito.
23

Tradisyunal na Pamamaraan ng Pagtuturo

Isang pananaliksik ang ginawa ni Ermilyn Ramos na pinamagatang Tradisyunal

na Pamamaraan at Instruksiyon Modyular sa Pagtuturo ng Filipino: Isang Komparatibong

Pagsusuri. Ayon sa kaniyang pananaliksik, ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo

ang pinakaepektibong paraan, halimbawa nito ay ang paggamit ng mga modyul.


24

PAGKABUO NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay binubuo ng sumusunod na mga kabanata. Ang unang

kabanata ay naglalaman ng panimula, suliranin, ipotesis, kahalagahan ng pag-aaral,

saklaw at limitasyon ng pag-aaral, mga pamamaraan at pinagmulan ng datos, katuturan

ng mga katawagan at pagkakabuo ng pag-aaral.

Sa ikalawang kabanata makikita ang paglalahad, pagsusuri, at pagpapakahulugan

ng mga datos. Matatagpuan din dito ang mga talahanayan at mga talangguhit na

pinagbabatayan ng paglalahad, pagsusuri, pagpapakahulugan at implikasyon ng mga

natuklasan.

Ang ikatlong kabanata ay naglalaman ng buod ng pag-aaral, mga natuklasan,

konklusyon, implikasyon at mga rekomendasyon.


25

KABANATA II
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON SA MGA NAKALAP NA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalarawan sa resulta ng mga pagsisiyasat gamit ang

mga datos mula sa mga sarbey-kwestyoneyr at ito ay inilalarawan sa pamamagitan ng

mga talaan at nilapatan ng interpretasyon gamit ang mga kaugnay na pag-aaral.

Talahanayan 1

Lalaki Babae

33%

67%

Kasarian ng mga Mag-aaral


26

Nakikita sa Talahanayan 1 ang mga kasarian ng mga mag-aaral na respondente sa

pananaliksik. Ipinapakita dito na 67% ng mga mag-aaral ay lalaki, samantalang ang 33%

ng mga mag-aaral ay lalaki.

Ang mahihinuha ng mga mananalisik na may kaugnayan ang kasarian ng mga

respondente sa kanilang mga pananawa dahil sa iba’t ibang nararanasan sa buhay ng

bawat kasarian.

Talahanayan 2

16 taong gulang 17 taong gulang 18 taong gulang

3%

40%

57%

Edad ng mga Mag-aaral


27

Nakikita sa Talahanayan 2 ang mga edad ng mga mag-aaral na respondente sa

pananaliksik. Ipinapakita dito na 57% ng mga mag-aaral ay labimpitong taong gulang,

40% ng mga mag-aaral ay labing-anim na taong gulang, samantalang ang 3% ng mga

mag-aaral ay labimwalong taong gulang.

Ang mahihinuha ng mga mananalisik na may kaugnayan ang edad ng mga

respondente sa kanilang mga pananawa dahil sa iba’t ibang nararanasan sa buhay ng

bawat edad. Kung ito ay mas matanda, maaring mas malawak ang kaniyang

pagkakaintindi sa mga bagay bagay.

Talahanayan 3
28

Napaka-epektibo Epektibo Di-gaanong epektibo Hindi epektibo

3%

50%
47%

Lektyur bilang Tradisyunal na Pamamaraan ng Pagtuturo


Nakikita sa Talahanayan 3 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa lektyur

bilang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo. Ipinapakita dito na 0% ng mga

respondente ay nagsasabing hindi epektibo, 3% naman ng respondente ay nagsasabi na

di-gaanong epektibo, 47% naman ng mga respondente ay nagsasabing epektibo at 50%

naman ng mga respondente ay nagsasabi na ang lektyur na pamamaraan ay napaka-

epektibo. Napansin ng mga mananaliksik na napaka-epektibo para karamihan sa mga

respondente ang pamaraang lektyur sa kanilang pagkatuto.

Mula sa mga nakalap na datos, nahinuha ng mga mananaliksik na ang lektyur ay

ang siyang pinakaepektibong paraan ng tradisyunal na pagtuturo. Marahil dahil ito na ang

nakasanayang uri ng interaksyon sa pagitan ng guro at ng mag-aaral. Sinasabing ang

lektyur ay sumusubok sa pang-unawa ng mag-aaral sa tulong na din ng ibang salik gaya

ng pandinig. Kinabibilangan din ito ng sistemang Guro-Estudyante kung saan ang guro

ang pangunahing tagapaglahad ng ideya, kaalaman at kaisipan habang ang estudyante

naman bilang tagapakinig, ang siyang tumatanggap at umuunawa sa mga impormasyong


29

ito. Ito na marahil ang pinakasimpleng uri ng pagtuturo, na maaring gamitan lamang ng

bibig sa pagpapahayag. Napagtanto ng mga mananaliksik na maaaring sa pananaw ng

mga respondente ay napakepektibo ng pamamaraang ito dahil ito ay nakabase sa simple

at tiyak na daloy ng impormasyon at hindi komplikado.

Ang datos na ito ay sang-ayon naman sa pananaliksik nina Peter Dolton, Oscar

Marcenaro at Lucia Navarro na pinamagatang “The effective use of student time: a

stochastic frontier production function case study”. Ayon dito, ang lektyur bilang

pamamaraan sa pagtuturo ay apat na beses na mas importante sa indibidwal na pag-aaral.

Natuklasan ng mga mananaliksik na napaka-epektibo ng lektyur sa pagkatuto ng mga

mag-aaral.
30

Talahanayan 4

Napaka-epektibo Epektibo Di-gaanong epektibo Hindi epektibo

7%

20%

20%

53%

Indibidwal na Pag-aaral bilang Tradisyunal na Pamamaraan ng Pagtuturo


Nakikita sa Talahanayan 4 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

indibidwal na pag-aaral bilang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo. Ipinapakita dito

na 7% ng mga respondente ay nagsasabing hindi epektibo, 20% naman ng respondente ay

nagsasabi na di-gaanong epektibo, 53% naman ng mga respondente ay nagsasabing

epektibo at 20% naman ng mga respondente ay nagsasabi na ang indibidwal na pag-aaral

na pamamaraan ay napaka-epektibo. Napansin ng mga mananaliksik na epektibo para

karamihan sa mga respondente ang pamamaraang indibidwal na pag-aaral o self-study sa

kanilang mabisang pagkatuto.

Mahihinuha ng mga mananaliksik sa mga datos na ito na tunay talagang mabisa

ang indibidwal na pag-aaral o self-study. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga

estudyante ay lubos na hiyang sa estratehiya ng pagkatuto na ito. Naangkop rin ito sa

Teorya ng Zone of Proximal Development. Matutuklasan sa isa sa mga rehiyon ang


31

nakasaad na, "Things the learner can do with his own". Kabilang dito ang indibidwal na

pag-aaral dahil ang mga mag-aaral ay nakakayang matuto ng walang gabay mula sa guro.

Dahil dito, mas episyente ang nagagawang pag-aaral ng mga mag-aaral sapagkat sila ay

hindi nape-presyur sa kanilang kapwa mag-aaral at guro.

Ang datos ay sang-ayon sa aklat na pinamagatang “The sourcebook for self-

directed learning” dahil ayon dito maraming mga mananaliksik na ang nakapagpatunay

na ang indibidwal na pag-aaral ay mas epektibo kumpara sa iba pang mga pamamaraan.

Ang datos ay nagpapakita na natuklasan ng mga mananaliksik ang pagiging epektibo ng

indibidwal na pag-aaral sa pagkatuto. Natuklasan ng mga mananaliksik na ang self-study

ay epektibong paraan na gamitin ng mga guro sa pagtuturo.


32

Talahanayan 5

Napaka-epektibo Epektibo Di-gaanong epektibo Hindi epektibo

7%

43%

50%

Pagsasanay bilang Tradisyunal na Pamamaraan ng Pagtuturo


Nakikita sa Talahanayan 5 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

pagsasanay bilang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo. Ipinapakita dito na 0% ng

mga respondente ay nagsasabing hindi epektibo, 7% naman ng respondente ay nagsasabi

na di-gaanong epektibo, 50% naman ng mga respondente ay nagsasabing epektibo at

43% naman ng mga respondente ay nagsasabi na pagsasanay na pamamaraan ay napaka-

epektibo. Napansin ng mga mananaliksik na epektibo para sa karamihan ng mga

respondente ang pamamaraang demonstrasyon sa kanilang pagkatuto.

Dahil dito mahihinuha na ang pagbibigay ng pagsasanay ng mga guro ay

nakakatulong sa mga mag-aaral upang mas maintindihan ng lubos ang isang leksyon.

Natutulak nito na ang natutunan ng isang bata ay magagamit niya sa pagsusubok sa mga

pagsasanay na ibinigay sa kaniya.


33

Ang datos na ito ay hindi pumapaloob sa aklat na pinamagatang, "Handbook of

classroom management: Research, practice, and contemporary issues" na nagsasabing

ang pagbibigay ng mga pagsasanay sa mga estudyante ay hindi gaanong epektibo bilang

estratehiya sa pagtuturo sapagkat iba-iba ang lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral kung

kaya malaki ang tyansa na kapag sila ay hinayaang mag-isa sa pagsasagot ay mawawalan

sila ng gana o atensyon sa pag-aaral. Hindi ito sang-ayon dahil natuklasan ng mga

mananaliksik na epektibo ang paraang pagsasanay.


34

Talahanayan 6

Napaka-epektibo Epektibo Di-gaanong epektibo Hindi epektibo

7%

30%

63%

Demonstrasyon bilang Tradisyunal na Pamamaraan ng Pagtuturo


Nakikita sa Talahanayan 6 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

demonstrasyon bilang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo. Ipinapakita dito na 0%

ng mga respondente ay nagsasabing hindi epektibo, 7% naman ng respondente ay

nagsasabi na di-gaanong epektibo, 30% naman ng mga respondente ay nagsasabing

epektibo at 63% naman ng mga respondente ay nagsasabi na pagsasanay na pamamaraan

ay napaka-epektibo. Napansin ng mga mananaliksik na pinaka-epektibo para karamihan

sa mga respondente ang pamamaraang demonstrasyon sa kanilang mabisang pagkatuto.

Mahihinuha mula sa datos na itinuturing din na epektibong paraan ng pagtuturo

ang demonstrasyon ayon sa mga respondente. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, napag-

alaman ng mga mananaliksik na kaugnay ng istratehiyang ito ang isa sa mga larangang

nabanggit ni Howard Gardner, ang bodily-kinesthetic learning. Sa istratehiyang ito,

nilalapatan ang pagsasalita ng minimal o katamtamang mga kumpas ng kamay,


35

paglalakad, pagtayo at paggamit ng iba pang parte ng katawan o bagay upang

makapagbahagi ng kaisipan. Maari itong maihalintulad sa lektyur ngunit dinagdagan

lamang ng paggalaw. Epektibo ang istratehiyang ito dahil maaring ito ay umangkop sa

bodily-kinesthetic intelligence ng mga mag-aaral. Sa ganitong paraan, mas nauunawaan

at natatandaan ng mag-aaral ang pagpapaliwanag kapag ito ay may kasamang aksyon o

paggalaw, hindi lamang sa simpleng pagbanggit rito. Ang datos na ito ay sumasang-ayon

sa pananaliksik nina Audrey Jusko Friedman, Roxanne Cosby, Susan Boyko, Jane

Hatton-Bauer at Gale Turnbull na pinamagatang, "Effective Teaching Strategies and

Methods of Delivery for Patient Education: A Systematic Review and Practice Guideline

Recommendations". Ayon sa mga datos na kanilang nakalap, ang demonstrasyon bilang

pamamaraan ng pagtuturo ay isang napaka-epektibong estratehiya para sa pagkatuto ng

mga mag-aaral. Ang datos ay nagpapakita na natuklasan ng mga manananaliksik na ang

pamamaraang demonstrasyon ay napaka-epektibo sa mabisang pagkatuto ng mga mag-

aaral sa pananaw ng mga respondente.


36

Talahanayan 7

Napaka-epektibo Epektibo Di-gaanong epektibo Hindi epektibo

3%

17%

80%

Paggamit ng mga Biswal na Pantulong bilang Makabagong Pamamaraan ng


Pagtuturo
Nakikita sa Talahanayan 7 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa paggamit

ng mga biswal na pantulong bilang makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Ipinapakita

dito na 0% ng mga respondente ay nagsasabing hindi epektibo, 3% naman ng

respondente ay nagsasabi na di-gaanong epektibo, 17% naman ng mga respondente ay

nagsasabing epektibo at 80% naman ng mga respondente ay nagsasabi na napaka-

epektibo. Napansin ng mga mananaliksik na ang paggamit ng mga biswal na pantulong

ay napaka-epektibo para sa karamihan.

Ang nakalap na datos ng mga mananaliksik ay nagsasabing ang paggamit ng

biswal na pantulong bilang isang makabagong pamamaraan na istratehiya ay napaka-

epektibo. Mahihinuha ng mga mananaliksik na ito ay epektibo sa pananaw ng karamihan


37

dahil simula noong nasa mababang baitang pa lang ang mga mag-aaral ay nasanay o

nahubog na sila sa paggamit ng mga biswal na pantulong gaya ng mga manila paper at

iba pa. Sa modernong panahon naman, ang mga mag-aaral ay may mga abilidad ng

gumamit ng iba't ibang uri ng Microsoft Office kaya ng PowerPoint Presentation na isang

biswal na pantulong. Maeenganyo ang isang estudyante na matutunan ang isang bagay

kung may abilidad siya dito.

Ang datos na ito ay hindi pumapaloob sa pananaliksik na isinagawa ni Francis

Dwyer, Jr. kaugnay sa kabisaan ng paggamit ng mga biswal na pantulong (visual aids) sa

pagtuturo. Ayon sa kanya, hindi nagtutungo sa mas epektibong pagkatuto ang

pagkakaroon ng mga ilustrasyon sa pagtuturo. Walang matibay na ebidensya ang

nagpapatunay ng kaugnayan ng mga biswal na pantulong sa pagkatuto ng mga

estudyante. Hindi ito sang-ayon dahil natuklasan ng mga mag-aaral na ang paggamit ng

mga biswal na pantulong ay napaka-epektibo sa pagtuturo.


38

Talahanayan 8

Napaka-epektibo Epektibo Di-gaanong epektibo Hindi epektibo

3%

43%

53%

Kooperatibong Pagkatuto bilang Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo

Nakikita sa Talahanayan 8 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

kooperatibong pagkatuto bilang makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Ipinapakita dito

na 0% ng mga respondente ay nagsasabing hindi epektibo, 3% naman ng respondente ay


39

nagsasabi na di-gaanong epektibo, 53% naman ng mga respondente ay nagsasabing

epektibo at 44% naman ng mga respondente ay nagsasabi na napaka-epektibo. Napansin

ng mga mananaliksik na ang paggamit ng mga biswal na pantulong ay napaka-epektibo

para sa karamihan ng mga respondente sa kanilang mabisang pagkatuto. Ayon sa mga

datos na nakalap, masasabi nating epektibo rin ang istratehiyang ito. Maraming salik na

maaaring makaapekto sa persepsyon at pagkaunawa ng isang estudyante. Maiaangkop

natin sa istratehiyang ito ang teoryang Zone of Proximal Development. Halimbawa ng

kooperatibong istratehiya ng pagkatuto ay ang pagbibigay ng pangkatang gawain.

Maaring masabi na mainam nga ito sapagkat maaaring makahingi ng tulong ang isang

mag-aaral mula sa kaniyang mga kapangkat sa tuwing ito ay may hindi nauunawaan, o

hindi kayang gawin. Isa itong halimbawa sa mga kakayahang nasa rehiyong "Things the

student can do with help" sa nabanggit na teorya. Mas malaki ang mental na kapasidad ng

isang pangkat kung ikukumpara sa isang mag-aaral lamang. Dahil dito ang sirkulasyon

ng impormasyon at pagkatuto ay hindi lamang nagiging isahang daan, kundi maari na

natututo ang lahat sa mas mabilis at higit na makabuluhang paraan.

Ang datos ay sang-ayon sa pananaliksik nina Femke Kirschnera, Fred Paasab at

Paul A. Kirschnerac na pinamagatang, "Individual and group-based learning from

complex cognitive tasks: Effects on retention and transfer efficiency", mas mabisa ang

pagkatuto sa pamamagitan ng mga pangkatang gawain kumpara sa indibidwal na pag-

aaral. Mas mayroong malawak na mental na kapasidad ang mga mag-aaral na nakikipag-

ugnayan sa isang grupo kung kaya mas madali silang nakakaunawa ng leksyon.

Natuklasan ng mga mananaliksik na epektibo ang kooperatibong pagkatuto bilang

makabagong paraan sa pagkatuturo.


40
41

Talahanayan 9

Napaka-epektibo Epektibo Di-gaanong epektibo Hindi epektibo

17%

47%

37%

Paggamit ng Modyul bilang Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo

Nakikita sa Talahanayan 9 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa paggamit

ng modyul bilang makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Ipinapakita dito na 0% ng mga


42

respondente ay nagsasabing hindi epektibo, 17% naman ng respondente ay nagsasabi na

di-gaanong epektibo, 37% naman ng mga respondente ay nagsasabing epektibo at 46%

naman ng mga respondente ay nagsasabi na napaka-epektibo. Napansin ng mga

mananaliksik na ang paggamit ng modyul ay napaka-epektibo para sa karamihan ng mga

respondente sa kanilang pagkatuto.

Ang paggamit ng nga modyul ay isang epektibong pamamaraan ng pagtuturo,

ayon sa datos na nakalap ng mga mananaliksik. Masasabi ng mga mananaliksik na ito ay

epektibo dahil ang mga pagtatalakay na magaganap sa silid aralan ay nakabatay naman sa

mga nilalaman ng modyul. At dahil ang mga kabataan ngayon ay may akses na sa

makabagong teknolohiya, magkakaroon na sila ng kopya ng modyul sapagkat ang mga

modyul ngayon ay makukuha na sa internet. Kaya't masasabing epektibo ang

mgaamodyul dahil sa madaling akses nito at ito ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral

sa kanilang mga talakayan. Ang datos na ito ay pumapaloob sa pananaliksik na isinagawa

nina Amanda J. Rockinson- Szapkiw, Jennifer Courduff, Kimberly Carter at David

Bennett kaugnay sa kabisaan ng paggamit ng mga modyul o e-books sa pagtuturo. Ayon

dito, ang mga mag-aaral na gumagamit ng mga e-books ay mayroong mas mataas na

intesidad ng pagkatuto kumpara sa mga gumagamit ng mga tradisyunal na textbook.

Pinapakita sa datos na natuklasan ng mga mananaliksik na ang paggamit ng modyul ay

napaka-epektibo sa pagtuturo sa pananaw ng mga respondente.


43

Talahanayan 10

mahalaga hindi mahalaga

3%

97%

Kahalagahan ng mga Paraan ng Pagtuturo ng mga Guro sa mga Mag-aaral


Nakikita sa Talahanayan 10 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

kahalagahan ng mga paraan ng pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral. Ipinapakita dito

na 3% ng mga respondente ay nagsasabing hindi mahalaga, samantalang 97% ng mga

respondente ang nagsasabing ito ay mahalaga sa kanila.

Mahihinuha mula sa mga nakalap na datos na ang paraan ng pagtuturo ng mga

guro ay mayroong malaking implikasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat ito ay

napakahalaga para sa kanila. Maiaangkop ito sa Theory of Multiple Intelligence ni

Howard Gardner na nagsasaad na ang bawat inbididwal ay mayroong kanya-kanyang uri

ng katalinuhan na siyang nagiging salik sa kahusayan ng isang mag-aaral na matuto sa

isang espesipikong pamamaraan. Bawat mag-aaral ay may katangi-tanging

indibidwalidad na dapat maintindihan ng mga guro upang sila ay mas makatuklas ng

isang pamamaraan na epektibo para sa bawat isang estudyante.


44

Ang datos ay sang-ayon sa isang pananaliksik na ginawa ng mga mag-aaral sa

Palompon, Leyte na pinamagatang “Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan ng

Pagtuturo sa Asignaturang Filipino sa Mataas ba Paaralan ng Palompon Institute of

Technology Palompon, Leyte”. Ayon sa kanilang kaugnay na pag-aaral, may nadudulot

na epekto ang paraan ng pagtuturo ng guro sa performans ng isang mag-aaral sa silid-

aralan. Ito ay sang-ayon sa natuklasan ng mga mananaliksik na may kahalagan ang mga

paraan na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo.


45

Talahanayan 11

Epektibo hindi epektibo minsan epektibo

30%

60%

10%

Tradisyunal na Pamamaraan ng Pagtuturo


Nakikita sa Talahanayan 11 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo kung ito ay epektibo, hindi epektibo or minsan

lamang ito epektibo. Ipinapakita dito na 30% ng mga respondente ay nagsasabing hindi

epektibo, 10% naman ang nagsasabing minsan lamang ito epektibo, samantalang 60% ng

mga respondente ang nagsasabing ito ay epektibo sa pagtuturo.

Mahihinuha mula sa mga nakalap na datos na may malaking epekto sa pagkatuto

ng mag-aaral ang paggamit ng tradisyunal na pamamaraan sapagkat simula pa lamang

elementarya nakagisnan at nakasanayan na ng lahat ang ganitong klase ng paraan ng

pagtuturo.

Ang datos na ito ay katulad sa pananaliksik ni Ermilyn Ramos na pinamagatang

“Tradisyunal na Pamamaraan at Instruksiyon Modyular sa Pagtuturo ng Filipino :


46

Isang Komparatibong Pagsusuri”. Ayon sa kaniyang pananaliksik ang tradisyunal na

pamamaraan ng pagtuturo ang epektibong paraan, halimbawa nito ay ang paggamit ng

mga modyul. Natuklasan ng mga mananaliksik na epektibo sa karamihan ng respondente

ang tradisyunal na paraan sa pagtuturo.

Talahanayan 12

mabisa hindi mabisa minsan mabisa

7%

93%

Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo


Nakikita sa Talahanayan 12 ang mga pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

makabagong pamamaraan ng pagtuturo kung ito ay mabisa o hindi mabisa. Ipinapakita

dito na 7% ng mga respondente ay nagsasabing minsan lamang ito mabisa, samantalang

93% ng mga respondente ang nagsasabing ito ay mabisa sa pagtuturo.

Ayon sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, malaking persyento ng mga

respondente ang nagsabing mabisa ang makabagong pamamaraan sa pagtuturo. Sang

ayon ang mga mananaliksik dito. Habang tumatagal ay nagkakaroon na ng mga


47

pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Kaya sa larangan ng edukasyon ay

mayroon na ring mga makabagong pamamaraan sa pagtuturo kagaya ng paggamit ng mga

biswal na pantulong, kooperatibong pagkatuto, at paggamit ng mga modyul. Ito ay

nakakatulong para maging mas aktibo ang talakayan sa loob ng silid aralan. Sa

pamamaraang ito ay mas magugustuhan ng mga mag-aaral na makiisa sa diskusyon.

Ang datos ay sang-ayon sa pananaliksik ni Precious Mae Peralta sa kaugnay na

pag-aaral kung saan natututo ang mag-aaral kung buhay ang talakayan sa silid aralan.

Maisasagawa ito sa pamamagitan ng makabagong pamaraan ng pagtuturo gamit ang

makabagong teknolohiya. Pinapakita sa datos ang natuklasan ng mga mananaliksik na

karamihan sa mga respondente ay nagsasabing mabisa ang makabagong paraan sa

pagtuturo.
48

Talahanayan 13

Oo Hindi Minsan

40%

57%

3%

Malinaw at Maayos ang Pagpapaliwanag ng mga Guro Gamit ang Makabagong


Paraan ng Pagtuturo
Nakikita sa Talahanayan 13 ang mga pananaw ng mga mag-aaral kung malinaw at

maayos ang pagpapaliwanag ng mga guro gamit ang makabagong paraan ng pagtuturo.

Ipinapakita dito na 3% ng mga respondente ay nagsasabing hindi, 40 %naman ay

nagsasabi minsan, samantalang 57% ng mga respondente ang nagsasabing ito ay mabisa

sa pagtuturo.

Mula sa mga nakalap na datos, mahihinuha ng mga mananaliksik na karamihan sa

mga respondente ang nakapagsasabi na malinaw para sa kanila ang pagtuturo ng mga

leksyon gamit ang makabagong paraan. Ito ay nagpapakita sa pagiging moderno ng

panahon ngayon at ang pakikiayon ng mga mag-aaral sa agos ng teknolohiya. Ang mga

mag-aaral ay higit na pamilyar na ngayon sa mga gawain na pinapagana ng teknolohiya


49

kung kaya sila ay nalilinawan sa pagpapaliwanag ng mga guro gamit ang mga

makabagong pamamaraan.

Sang-ayon ang datos na ito sa isang pananaliksik na ginawa ng mga mag-aaral sa

Palompon, Leyte na pinamagatang “Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan ng

Pagtuturo sa Asignaturang Filipino sa Mataas ba Paaralan ng Palompon Institute of

Technology Palompon, Leyte.” Ayon sa kanilang kaugnay na pag-aaral, dapat malinaw at

maayos ang pagpapaliwanag ng mga guro dahil ito ay nagdudulot ng magandang

performans ng mag-aaral. Natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga

respondente ang nagsasabing mas malinaw at maayos ang pagtuturo gamit ang

makabagong paraan.
50

Talahanayan 14

Epektibo hindi epektibo minsan epektibo

10%

90%

Epekto ng mga Istratehiyang Ginagamit ng mga Guro sa Pagkatuto ng mga


Mag-aaral
Nakikita sa Talahanayan 14 ang mga pananaw ng mga mag-aaral kung epektibo

ba ang mga istratehiyang ginagamit ng mga guro sa kanilang pagkatuto. Ipinapakita dito

na 10% ng respondente ang nagsasabing minsan epektibo, samantalang 90% ang

nagsasabing epektibo.

Ang nakalap na datos ng mga mag-aaral ay nagsasabing ang mga istratehiya ng

mga guro ang mayroong epekto sa kanilang pagkatuto. Mahihinuha ng mga mananaliksik

na ito ay mayroong epekto dahil makikita natin na mayroong relasyon sa pagitan ng

pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung hindi epektibo ang

pagtuturo ng mga guro ay makikita natin ang repleksyon nito sa pagkatuto ng mga mag-

aaral.
51

Ang datos na ito ay may kaugnayan sa isang pananaliksik na ginawa ng mga mag-

aaral sa Palompon, Leyte na pinamagatang “Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan ng

Pagtuturo sa Asignaturang Filipino sa Mataas ba Paaralan ng Palompon Institute of

Technology Palompon, Leyte”. Ayon sa kanilang kaugnay na pag-aaral, may nadudulot

na epekto ang mga paraan ng pagtuturo ng guro sa performans at pagkatuto ng isang

mag-aaral sa diskusyon. Natuklasan ng mga mananaliksik na epektibo ang mga

istratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo.


52

KABANATA III
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa bahaging ito inilahad ang mga natuklasan ng mga mananaliksik at ang mga

nararapat na rekomendasyon.

Pagbanggit muli ng mga Suliranin

Naglalayon ang pag-aaral na ito na masagot ang sumusunod na tiyak na mga suliranin:

1. Nakakaapekto ba ang paglelektyur sa pagtuturo ng STEM specialized subjects sa

mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang?

2. Nakakaapekto ba ang indibidwal na pag-aaral sa pagtuturo ng STEM specialized

subjects sa mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang?

3. Nakakaapekto ba ang pagsasanay sa pagtuturo ng STEM specialized subjects sa

mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang?

4. Nakakaapekto ba ang pag-uulat sa pagtuturo ng STEM specialized subjects sa

mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang?

5. Nakakaapekto ba ang paggamit ng mga biswal na pantulong sa pagtuturo ng

STEM specialized subjects sa mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang?

6. Nakakaapekto ba ang kooperatibong pagkatuto sa pagtuturo ng STEM specialized

subjects sa mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang?

7. Nakakaapekto ba ang paggamit ng modyul sa pagtuturo ng STEM specialized

subjects sa mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang?

8. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ukol sa paggamit

ng mga guro sa iba’t ibang estratehiya?


53

9. Ang paggamit ba ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo ay isang mabisang

estratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

10. May malaking kaibahan ba ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo sa

makabagong pamamaraan ng pagtuturo?

11. Mas malinaw at maayos ba ang pagpapaliwanag ng mga guro gamit ang

makabagong pamamaraan?

12. Nagdudulot ba ng malaking epekto ang istratehiyang ginagamit ng mga guro sa

pagtuturo?

Buod sa mga Natuklasan

Ang mga sumusunod ay ang mga natuklasan ng mga mananaliksik:

1. Siyamnapu’t pitong porsiyento (97%) ng mga respondente ang nagsabing

mahalaga sa kanila ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa mga specialized

subjects ng STEM.

2. Siyamnapung porsiyento (90%) ng mga respondente ang nagsabing para sa kanila

ay epektibo ang pamamaraang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng STEM

specialized subjects sa kasalukuyan.

3. Mas epektibo ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo kaysa sa tradisyunal na

pamamaraan.

4. Sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo, ang paggamit ng mga biswal na

pantulong tulad ng PowerPoint presentations, ang pinakaepektibo para sa mga

respondente.
54

5. Pumapangalawa ang paggamit ng modyul, habang ikatlo naman ang

kooperatibong pagkatuto sa mga pinakaepektibo sa hanay ng mga makabagong

pamamaraan ng pagtuturo.

6. Ang lektyur ang pinakamabisang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo.

7. Pumapangalawa ang demonstrasyon habang ikatlo ang self-studying sa mga

pinakaepektibong tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo.

Kongklusyon
1. Sa kabuuan, natuklasan ng mga mananaliksik na para sa 97% ng mga

respondente, mahalaga ang paraan ng pagtuturo na ginagamit ng mga guro.

2. Nalaman din na ang mga istratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng

STEM-11 specialized subjects ay epektibo, ayon sa 90% ng mga respondente.

Isa itong magandang indikasyon na naangkop pa rin ang mga istratehiyang

ginagamit sa kasalukuyan sa paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

3. Sa kabilang banda, kung paghahambingin ang kabisaan ng tradisyunal at

makabagong paraan ng pagtuturo, tinatayang mas mabisa ang makabagong

paraan ng pagtuturo (93%) kaysa sa tradisyunal na pamamaraan (60%).

4. Sa makabagong paraan ng pagtuturo (kinabibilangan ng paggamit ng modyul,

paggamit ng biswal na pantulong at kooperatibong pagkatuto), natuklasan ng

mga mananaliksik na para sa mga respondente, ang paggamit ng biswal na

pantulong (tulad ng PowerPoint, video presentation, atbp.) ang siyang

pinakaepektibo sa bahagdan na 80%. Pumapangalawa naman ang paggamit ng

modyul, at pangatlo ang kooperatibong pagkatuto.


55

5. Sa tradisyunal na pamamaraan, pinaka-epektibo ang lektyur, habang

sumusunod naman ang demonstrasyon at self-studying o indibidwal na

pagkatuto.

6. Napagtanto ng mga mananaliksik na dapat pagyamanin pa ang paggamit ng

makabagong istratehiya sa pagtuturo lalo na ang paggamit ng mga biswal na

pantulong sapagkat dito mas hiyang ang mga mag-aaral at sa paraang ito sila

mas matututo.

Rekomendasyon

Nais irekomenda ng mga mananaliksik sa mga susunod na mananaliksik ang mga

sumusunod:

1. Pagtibayin at linangin ang mga katanungan sa sarbey-kwestyuner upang

maging mas akyureyt at malinaw ang mga resulta ng pananaliksik.

2. Palakihin ang bilang ng mga respondente nang sa ganon ay mas

mapagkakatiwalaan ang mga resulta.

3. Idagdag sa sarbey-kwestyoneyr ang mga katanungan ukol sa mga marka ng

mga respondente upang mas maipakita ang relasyon nito sa mga pamamaraan na

ginagamit ng mga guro sa pagtuturo.


56

LISTAHAN NG MGA HANGUAN

Ang Suliranin at ang Saklaw nito. (n.d.). Kinuha mula sa:


http://www.academia.edu/22470356/ANG_SULIRANIN_AT_ANG_SAKLAW_
NITO

Beuche, A., & Peroz, N. (2009, August 27). Randomized controlled trial comparing

lecture versus self studying by an online tool. Retrieved February 18, 2019, from

TandFonline: https://www.tandfonline.com/doi/abs/10.1080/01421590802203504

Brecht, H. D., & Ogilby, S. M. (2008). Enabling a comprehensive teaching strategy:

Video lectures. Journal of Information Technology Education, 7, IIP-71.

Charlton, B. G. (2006). Lectures are such an effective teaching method because they

exploit evolved human psychology to improve learning.

Cruickshank, Donald R., Deborah Brainer at Kim Metkalf. (1995). The Act of

Teaching. United States of America: McGraw-Hill, Inc.

Dolton, P., Marcenaro, O. D., & Navarro, L. (2003). The effective use of student time: a

stochastic frontier production function case study. Economics of Education

Review, 22(6), 547-560.

Dwyer, Jr, F. (1967). Adapting visual illustrations for effective learning. Harvard

Educational Review, 37(2), 250-263.

Fernandez J., et. al. (2010). Mga Salik sa Epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo sa

Asignaturang Filipino sa Mataas na Paaralan ng Palompon Institute of

Technology Palompon, Leyte.


57

Freeman, S., Eddy, S. L., McDonough, M., Smith, M. K., Okoroafor, N., Jordt, H., &

Wenderoth, M. P. (2014). Active learning increases student performance in

science, engineering, and mathematics. Proceedings of the National Academy of

Sciences,111(23), 8410-8415.

Friedman, A. J., Cosby, R., Boyko, S., Hatton-Bauer, J., & Turnbull, G. (2011). Effective

teaching strategies and methods of delivery for patient education: a systematic

review and practice guideline recommendations. Journal of Cancer Education,

26(1), 12-21.

Gettinger, M., & Kohler, K. M. (2006). Process-outcome approaches to classroom

management and effective teaching. Handbook of classroom management:

Research, practice, and contemporary issues, 388-389.

Göçer, A. (2010). A comparative research on the effectivity of cooperative learning

method and jigsaw technique on teaching literary genres. Academic Journals.

Haber, G. (2009). Benefits of Student Verbal Presentations to the Class. Retrieved

February 18, 2019, from English Teachers Network:

http://www.etni.org/etnirag/issue9/gilda_haber.htm

Hiemstra, R. (1994). Self-directed learning. The sourcebook for self-directed learning,

9-20. Jagodowski, S. (2018). The 6 Most Important Theories of Teaching.

Kinuha mula sa: https://www.thoughtco.com/theories-of-teaching-4164514

Kirschner, F., Paas, F., & Kirschner, P. A. (2009). Individual and group-based learning
from complex cognitive tasks: Effects on retention and transfer efficiency.
Computers in Human Behavior, 25(2), 306-314. Lorenz, T. (2018, September 12).
58

Makabagong Paraan ng Pagtuturo ng Filipino. (2013). Kinuha mula sa:

https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-mga-estratehiya-sa-pagtuturo-n

g-wika-at-ang-pamaraang-komunikatib-sa-pagtuturo-ng-wika.

McDowell, L. (1995). The impact of innovative assessment on student learning.

Innovations in Education and Training International, 32(4), 302-313.

Mishra, R.C. (2010). Teaching of Information and Technology. Retrieved from

http://www.gmu.edu/resources/facstaff/part-time/strategy.html.

Oxford Learning. (2015, September 25). Retrieved February 18, 2019, from Best

Methods of Self Study for Students: https://www.oxfordlearning.com/methods

Peralta, P. (n.d.) Thesis. Kinuha mula sa:

https://www.academia.edu/28402119/THESIS_FINAL_1.

Ramos, E. P. (2012). Tradisyunal na Pamamaraan at Instruksiyon Modyular sa Pagtuturo

ng Filipino: Isang Komparatibong Pagsusuri.

Revell, A., & Wainwright, E. (2009). What makes lectures ‘unmissable’? Insights into

teaching excellence and active learning. Journal of Geography in Higher

Education, 33(2), 209-223.

Rockinson-Szapkiw, A. J., Courduff, J., Carter, K., & Bennett, D. (2013). Electronic

versus traditional print textbooks: A comparison study on the influence of

University students' learning. Computers & Education, 63, 259-266.


59

Tejedor, A. (2011). A qualitative case study analysis for a potential model for K-12

professional development using virtual environments (Unpublished Dissertation)..

Wessels, A., Fries, S., Horz, H., Scheele, N., & Effelsberg, W. (2007). Interactive

lectures: Effective teaching and learning in lectures using wireless networks.

Computers in Human Behavior, 23(5), 2524-2537.


60

APENDISIS
61

APENDIKS A

Liham Pahintulot
December 3, 2018
MA. GINA S. ANQUI
Principal II
RTPM – Dumaguete Science High School
Ma. Asuncion Village
Dumaguete City

Mahal na Gng. Gina S. Anqui


Maalab na pagbati po sa inyo!
Kami po ay kasalukuyang sumusulat ng pananaliksik hinggil sa “MGA
ISTRATEHIYANG GINAGAMIT NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG
SPECIALIZED SUBJECTS NG IKALABING-ISANG BAITANG STEM STRAND
NG RTPM-DSHS” bilang bahagi ng mga gawain na kailangan sa asignaturang Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Kaugnay po nito, kami po ay taos pusong humihingi ng iyong pahintulot na
makapagsagawa ng isang sarbey hinggil sa pananaw ng mga estudyante sa ikalabing-
isang baitang na kumukuha ng STEM ukol sa mga istratehiyang ginagamit ng mga guro
sa pagtuturo sa mga specialized subjects. Nawa ay papayag po kayong maipamigay sa
kanila ang sarbey-kwestyoneyr na ito. Ang inyong positibong tugon ay lubos na
makatutulong sa ikatatagumpay ng pananaliksik na ito. Gagamitin lamang po ng mga
mananaliksik ang mga datos para sa pag-aaral at mananatili po itong konfidensyal.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!
ISABELLA CASAS MARTINNA GEORGETTE CARREON JEA MIE DELA CRUZ
Mananaliksik Mananaliksik Mananaliksik

DANIELLE RIAN KIANNA VILLEGAS NAELLAH YANCA MARIE GALVE


Mananaliksik Mananaliksik
Sumasainyo,
Nilagdaan ni:
CHARLENE D. REPE
Guro sa Filipino

Pinagtibay ni:

Mrs. MA. GINA S. ANQUI


Punong Guro
62

APENDIKS B
Sarbey-Kwestyoneyr
MGA ISTRATEHIYANG GINAGAMIT NG MGA GURO SA PAGTUTURO
NG SPECIALIZED SUBJECTS NG IKALABING-ISANG BAITANG
STEM STRAND SA RAMON TEVES PASTOR MEMORIAL –
DUMAGUETE SCIENCE HIGH SCHOOL
Pangalan (opsyonal): ___________________________________ Edad: ________________
Kasarian: _____________

A. Bilugan ang bilang na siyang pinaka-angkop na naglalarawan sa mga estratehiya na nakakaapekto


sa epektibong pamamaraan sa pagtuturo ng STEM specialized subjects.
4 – napaka-epektibo
3 – epektibo
2 - di-gaanong
Iba’t epektibo Ginagamit ng mga Guro sa Pagtuturo ng
ibang Estratehiyang
STEM specialized
1 – hindi epektibo subjects:
TRADISYUNAL NA PAMAMARAAN
 Lektyur 4 3 2 1

 Indibidwal na Pag-aaral (Self-study) 4 3 2 1

 Pagsasanay 4 3 2 1

 Pag-uulat 4 3 2 1

MAKABAGONG PAMAMARAAN
 Paggamit ng mga biswal na pantulong (o visual aids kagaya ng 4 3 2 1
mga PowerPoint presentations, manila paper, bidyu, atbp.)

 Kooperatibong Pagkatuto 4 3 2 1

 Paggamit ng Modyul 4 3 2 1

B. Punan ng angkop na impormasyon ang mga kasunod na patlang.


Kung mayroong pagpipilian, bilugan lamang ang titik na tumutugma sa
inyong sagot.

1. Ano ang iyong pananaw tungkol sa paggamit ng mga guro sa


iba’t ibang istratehiya?
A. mahalaga sa akin
B. hindi mahalaga sa akin

2. Sa iyong palagay, ang paggamit ba ng makabagong pamamaraan


ng pagtuturo ay isang mabisang istratehiya sa pagkatuto ng mga
mag-aaral?
A. Oo B. Minsan
C. Hindi Iba pa: __________________
63

3. Para sa iyo, epektibo pa rin ba ang paggamit ng Tradisyunal na


pamamaran ng pagtuturo gaya ng paggamit ng Manila Paper at
Proper Discussion?
A. Oo B. Minsan
C. Hindi Iba pa: __________________

4. Kung gayon, mas malinaw at maayos ba ang pagpapaliwanag ng


mga guro gamit ang makabagong pamamaraan?
A. Oo B. Minsan
C. Hindi Iba pa: __________________

5. Nagdudulot ba ng malaking epekto ang istratehiyang ginagamit


ng mga guro sa pagtuturo?
A. Oo B. Minsan
C. Hindi Iba pa: __________________

Mga Mananaliksik:
- Carreon, Martinna Georgette
- Casas, Isabella
- Dela Cruz, Jea Mie
- Galve, Naellah Yanca Marie
- Villegas, Danielle Rian Kianna
64

APENDIKS C
Kurikulum Vitae

Personal na Datos
Pangalan: Martinna Georgette B. Carreon
Petsa ng Kapanganakan: October 13, 2001
Lugar ng Kapanganakan: Manila
Lugar na Tinitirahan: Camanjac, Dumaguete City, Negros Oriental
Mga Magulang: Ronald P. Carreon
Emmalyn L. Boquiren

Edukasyon
Sekundarya: Siaton Science High School
Elementarya: Marville Center of Education

Mga Karangalang Natanggap:


2017 – 2018 Merit Awardee – With Honors
Leadership Awardee
2nd Place World Geography Quiz Bowl
3rd Place Paggawa ng Movie Trailer (District Level)
65

Mga Sinalihang Organisasyon:


2018 – 2019 Youth for Environment in Schools Organization
2017 – 2018 English Club
TED-Ed Club – Siaton Science High School
Girl Scouts of the Philippines

Mga Dinaluhang Seminar/Pagsasanay:


2018 Civil Registrar Seminar
Seminar on the Internet of Things (IOT)
66

Personal na Datos
Pangalan: Isabella A. Casas
Petsa ng Kapanganakan: January 23, 2002
Lugar ng Kapanganakan: Siaton, Negros Oriental
Lugar na Tinitirahan: Albiga, Siaton, Negros Oriental
Mga Magulang: Rodolfo Casas Jr.
Rosemarie Alap-ap

Edukasyon
Sekundarya: Siaton Science High School
Elementarya: Albiga Elementary School

Mga Karangalang Natanggap:


2017 – 2018 Merit Awardee – With High Honors
Math Leadership Awardee
Girl Scout of the Year
2nd Place General Knowledge Quiz Bowl
67

Mga Sinalihang Organisasyon:


2018 – 2019 Youth for Environment in Schools Organization
Do-kyohan Karatedo Association

CFC-Youth For Christ

Girl Scout of the Philippines

DuScian First Aid Club

2017 – 2018 Math Club


TED-Ed Club – Siaton Science High School
Girl Scouts of the Philippines

Mga Dinaluhang Seminar/Pagsasanay:


2018 Civil Registrar Seminar
Seminar on the Internet of Things (IOT)
Regional Cdt., Sr., Jr .Camp 2018

Senior Planning Board


68

Personal na Datos
Pangalan: Jea Mie G. Dela Cruz
Petsa ng Kapanganakan: October 18, 2001
Lugar ng Kapanganakan: Pisong, La Libertad, Negros Oriental
Lugar na Tinirhan: Pisong, La Libertad, Negros Oriental
Mga Magulang: Windel M. Dela Cruz
Arline L. Gomez

Edukasyon
Sekundarya: La Libertad Technical-Vocational School
Elementarya: Pisong Elementary School

Mga Karangalang Natanggap:


2018 – 2019 Merit Awardee
2017 – 2018 Merit Awardee – With Honors
Math Awardee
Filipino Awardee
1st Place DepEd Metrobank MTAP Math
Challenge (Congressional Level)
3rd Place Paggawa ng Movie Trailer
(Congressional Level)
69

Mga Sinalihang Organisasyon:


2017 – 2018 Supreme Student Government (Secretary)
School Paper Club

Mga Dinaluhang Seminar/Pagsasanay:


2018 – 2019 Civil Registrar Seminar
Seminar on the Internet of Things (IOT)
70

Personal na Datos
Pangalan: Naellah Yanca Marie P. Galve
Petsa ng Kapanganakan: March 9, 2002
Lugar ng Kapanganakan: San Carlos, Negros Occidental
Lugar na Tinirhan: Boloc-boloc, Sibulan, Negros Oriental
Mga Magulang: Raymund R. Galve
Marelyn D. Pontinela

Edukasyon
Sekundarya: Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete
Science High School
Elementarya: Magsaysay Memorial Elementary School

Mga Karangalang Natanggap:


2017 – 2018 Merit Awardee – With Honors
Conduct Awardee
1st Place Pagsulat ng Sanaysay
1st Place Pagsulat ng Maikling Kuwento
Mga Sinalihang Organisasyon:
2018 – 2019 Duscian Likapiyan Club
2017 – 2018 Duscian Performing Arts Club
71

Duscian Book Club


Girl Scouts of the Philippines

Mga Dinaluhang Seminar/Pagsasanay:


2017 – 2018 Civil Registrar Seminar
Seminar on the Internet of Things (IOT)
72

Personal na Datos
Pangalan: Danielle Rian Kianna O. Villegas
Petsa ng Kapanganakan: October 17, 2001
Lugar ng Kapanganakan: Dumaguete City
Lugar na Tinitirahan: Bag-ong Dalan, Taclobo, Dumaguete City
Mga Magulang: Ronan Lloyd C. Villegas
Phillida Ozoa

Edukasyon
Sekundarya: Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete
Science High School
Elementarya: West City Science Elementary School

Mga Karangalang Natanggap:


2017 – 2018 Merit Awardee – With Honors
Conduct Awardee

Mga Sinalihang Organisasyon:


2018 – 2019 Euclidean Math Club
Duscian Book Club
73

Mga Dinaluhang Seminar/Pagsasanay:


2017 – 2018 Civil Registrar Seminar
Seminar on the Internet of Things (IOT)

You might also like