Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IX

Pambansang Kaunlaran - Ang Konsepto ng Pag-unlad at Pagsulong


I. Layunin

1. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran.


2. Natutukoy ang konsepto at pagkakaiba ng pag-unlad at pagsulong.
3. Nabibigyang importansiya ang kahalagahan ng pag-unlad at pagsulong ng
isang bansa upang makita ang kaunlaran sa pamamagitan ng;
4. Paglalahad at pagsasalarawan ng mga sariling karanasan sa mga
nakikitang pagbabagong nagaganap at kasalukuyang sitwasyon ng
kinagagalawang lipunan.

II. Nilalaman

A. Paksa: Pambansang Kaunlaran – Ang Konsepto ng Pag-unlad at Pagsulong


B. Sanggunian:
C. Kagamitan: Laptop, Cartolina, Marker, Tape
D. Pagpapahalaga:
1. Pagbibigay importansiya sa kahalahagan ng pag-unlad at pagsulong sa
kaunlaran ng isang bansa

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagbati
Magandang Umaga mga bata. Magandang Umaga rin po.
2. Pagtatala ng Liban
Mayroon bang lumiban sa klase sa araw na Wala naman po.
ito?
3. Pagganyak
Ang mga mag-aaaral ay magkakaroon ng
isang pangkatang gawain na magdudulot ng
pagkakahati ng klase sa apat na grupo.
Ang bawat grupo ay kinakailangang suriing
mabuti ang kalagayan ng bawat larawang
ipapakita ng guro na may kaugnayan sa
paksang tatalakayin at pagkatapos masuri ay
kinakailangang bigyan ng malikhaing pamagat
ang bawat larawan. At kanila itong
iprepresinta sa harapan.
(Ang bawat grupo ay binibigyan lamang ng 3
minuto para sa pagsusuri at gayundin para sa
paglalahad/presentasyon.)
B. Panlinang na Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagtatalakay
Mula sa ating isinagawang pangkatang gawain Ah Sir, ang tatalakayin po natin para sa araw
ano sa tingin niyo ang ating tatalakayin para na ito ay may kinalaman sa kaunlaran ng
sa araw na ito? isang bansa.

Tama, Mahusay ang iyong pagkakalahad ng


ating tatalakayin para sa araw na ito.
Ang tatalakayin natin para sa araw na ito ay
patungkol sa Pambansang Kaunlaran na may
kinalaman sa pag-unlad at pagsulong.

At para sa inyo sarling palagay, ano sa tingin Ang pambansang kaunalaran ay isang estado
tinutukoy ng pambansang kaunalaran? ng isang bansa kung saan tinatamasa ng mga
tao mula sa pinakamababang uri ng mga
mamamayan ang nakakamanghang
pagbabago sa ekonomiya at pamumuhay.
Magaling! Tama ang iyong pagkakalahad
tungkol sa kung ano ang tinutukoy ng
pambansang kaunlaran.
May iba pa bang kasagutan maliban sa sinabi Mayroon pa po Sir, ang pambansang
ng inyong kamag-aral? kaunlaran ay tumutukoy sa patuloy na pag-
unlad ng isang bansa.

Tama rin ang iyong sagot.

Batid kong alam niyo na ang kahulugan ng


pambansang kaunlaran. At ngayon ay dadako
tayo sa dalawang salitang naiuugnay kapag
pinauusapan ang pambansang kaunalaran ito
ay ang “Pag-unlad” at “Pagsulong.”

Sa inyong sariling interpretasyon ano sa tingin Ang Pag-unlad po ay tumutukoy sa


ninyo ang ibig sabibhin ng Pag-unlad at positibong kalagayan o sitwasiyon ng isang
Pagsulong? bagay.

Tama! At ang pagsulong? Ang pagsulong naman po ay tumutukoy sa


kung ano ang nagiging resulta ng pag-unlad
na naganap sa isang bagay.
Mahusay! At tama ang inyong pagkakalahad
ng ibig sabihin ng dalawang salitang naiuugay
sa pambansang kaunlaran.

At sa ibang aklat na nakabatay sa ilang


kilalang dalubhasa sa pag-aaral sa ekonomiya
ng isang bansa, mas binigyang diin at lalim
nila kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-
unlad at pagsulong.

At sino-sino ang apat na ito na nagbigay lalim


sa kahulugan at pagkakaiba ng pag-unlad at Ang una sa kanila ay ang sikat na libro ng
pagsulong? mga iskolar, ito ay ang Merriam Webster na
kung saan batay sa diksiyonaryong Merriam-
Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mula
sa mababa tungo sa mataas na antas ng
pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring
may kaugnayan din sa salitang pagsulong.

Mahusay! At ang iba pa? ano naman ang Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic
sinasabi ni Feliciano Fajardo sa kanyang libro Development (1994), malinaw niyang
na Economic Development noong 1994? inilahad ang pagkakaiba ng pagsulong at
pag-unlad. Ayon sa kanya, ang pag-unlad ay
isang progresibo at aktibong proseso. Ang
pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito.
Kung gayon, ang pagsulong ay produkto ng
pag-unlad. Halimbawa, ang makabagong
pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay
kinapapalooban ng isang proseso, at ito ang
pag-unlad. Ang resulta nito ay mas
maraming ani, at ito ang pagsulong.

Magaling! At kung ang inalimbawa ni Fajardo Opo Sir, halimbawa po nang mga pagawaan
ay ang pag-aagrikultura upang maipakita ang po ng tinapay sa lugar na malapit sa amin,
interaksiyon ng pag-unlad at pagsulong , pinaunlad nila ang pagkakaroon ng mas
maari ba kayong magbigay ng inyong sariling dekalidad na mga makinarya sa pagluluto at
halimbawa upang maipakita ang interaksiyon higit sa lahat ay ang pagkakaroon ng
ng dalawa? maraming tauhan upang makapagprodyus
ng maraming tinapay at hindi magkulang sa
pagdedeliber ng mga ito.

Magaling! At ayon din sa kanya paano daw At ayon parin kay Fajardo, ang pagsulong ay
nasusukat at nakikita ang pagsulong ng isang nakikita at nasusukat. Ang mga halimbawa
bansa mula sa pag-unlad nito? nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan,
gusali, pagamutan, bangko, paaralan, at
marami pang iba. Ang mga ito ang resulta ng
pag-unlad. Subalit hindi doon nagtatapos
ang pag-unlad. Dapat itong makalikha ng
mas marami at lalong mabuting produkto at
serbisyo. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay
isang progresibong proseso ng pagpapabuti
ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa
ng antas ng kahirapan, kawalan ng trabaho,
kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay,
at pananamantala.

Opo, nakikita po naming ang mga bagay na


Nakikita ba ninyo ang mga palatandaang may kanyang isinaad,ang aming lugar ay patuloy
pag-unlad at pagsulong na ayon kay Fajardo? na pinapaunlad ang sarili nito sa iba’t-ibang
aspeto ng pagunlad, ngunit nakalulungkot
isipin na kasabay ng pagbabago ,pag-unlad
at pagsulong ng ilang mga bayan at siyudad
nariyan parin ang krimenalidad , korupsyon,
kamang-mangan at kahirapan.

Sang-ayon ako sa sinasabi niyo pero ganun


talaga ang buhay natin ,dahil sa bulok na
sistemang umiiral sa ating lipunang
kinagagalawan, pero tayo bilang mag-aaral at
mag-aaral ng lipunan mayroon tayong
kapangyarihan upang maisayos ang mga
maling mga bagay na ito.
Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen
At ayon naman kina Michael Todaro at C. Smith sa kanilang aklat na Economic
Stephen C. Smith sa kanilang libro na Development (2012) ang dalawang
Economic Development noong 2012, papaano magkaibang konsepto ng pag-unlad: ang
nila binigyang kahulugan ang Pag-unlad at tradisyonal na pananaw at makabagong
Pagsulong? pananaw ukol dito. Sa tradisyonal na
pananaw, binigyang-diin ang pag-unlad
bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng
antas ng income per capita nang sa gayon ay
mas mabilis na maparami ng bansa ang
kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng
populasyon nito.Sa makabagong pananaw
naman, isinasaad na ang pag-unlad ay dapat
na kumatawan sa malawakang pagbabago sa
buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon
ang pansin sa iba’t ibang pangangailangan
at nagbabagong hangarin ng mga tao at
grupo sa nasabing sistema upang masiguro
rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang
kondisyon ng pamumuhay tungo sa
kondisyon na mas kasiya-siya.

Ang income per capita ay tumutukoy sa


Ano ang ibig sabihin ng income per capita? average na kinikita ng tao sa isang lugar kada
taon.

Sa akdang “Development as Freedom”


At ayon naman kay Amartya Sen sa kaniyang (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag
development freedom noong 2008? na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung
“mapauunlad ang yaman ng buhay ng mga
tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”.
Upang matamo ito, mahalagang bigyang
pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng
kawalang kalayaan tulad ng kahirapan,
diskriminasyon at hindi pagkakapantay-
pantay at ng iba pang salik na naglilimita sa
kakayahan ng mga mamamayan.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalagom
Maaari niyo bang ilahad ang kabuuan ng ating Ang ating napag-aralan ay patungkol sa
napag-aralan sa araw na ito mula sa maikling Pambansang kaunlaran na kung saan
pamamaraan. naipapakita ang konsepto ng pag-unlad at
pagsulong gayundin ang pagkakaiba nito.
2. Paglalapat
Bago dumako sa susunod na aralin, ang
magkaprehas na grupo mula sa na unang
gawain ay sasagutin muna ang mga
sumusunod na tanong na may kinalaman sa
pag-unlad. lalagyan ng tsek
(√) ang kolum na sinasang-ayunan . At

pagkatapos ay sasagutin nila ang mga tanong


na inihanda ng guro mula sa mga pag-unlad
na kanilang sinang-ayunan.
Ang pagbibigay importansiya sa kahalagahan
Pamprosesong Tanong:
ng pag-unlad at pagsulong para sa kaunlaran
1. Alin sa mga pahayag ang higit mong
ng isang bansa ay isang malaking hakbang at
nararanasan sa iyong lipunan?
gampanin para maisakatuparan ng
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagiging
pamahalaan at ng bawat isa ang hangarin
mga balakid sa pagpapatuloy ng pag-unlad sa
nito na mapaunlad pa ang bansa nila.
sumusunod na aspekto:
• kultural
• sosyal (lipunan)
• politikal
3. Balikan natin ang mga larawan sa Gawain 1.
Maaari mo bang sabihin kung ano ang mga
palatandaan ng pag-unlad sa isang bansa?
Ipaliwanag.
4. Paano mo nakikita ang iyong sarili limang
taon mula ngayon bilang kabahagi ng mga
palatandaan ng pag-unlad na iyong natukoy?
3. Pagpapahalaga
Mula sa ating ginawang mga gawain at
pagtatalakay sa Pambansang Kaunlaran at sa
konsepto ng pag-unlad at pagsulong, maaari
niyo bang ibigay ang kahalagan at
importansya ng mga ito?
IV. Pagtataya
Basahin at suriin ang mga nilalaman ng
dayagram na “Power Thinking”. Humanap ng
isang kamag-aral upang mabuo o makompleto
ang mga kasagutan sa bawat kahon. Dito
sinusubok ang iyong kakayahan na
balangkasin ang mga impormasyon/
konseptong iyong nabasa . Maaaring
dagdagan ang mga power box ayon sa
pagkaunawa ng mag-aaral sa tekstong binasa.
Sagutin ang sumusunod batay sa iyong
binasang teksto.
1. May pagkakatulad ba ang pagsulong at pag-
unlad? Ipaliwanag.
2. Kailan masasabing maunlad ang isang
bansa?
3. Ano ang pagkakaiba ng tradisyonal na
pananaw ng pag-unlad at makabagong
pananaw nito?
4. Sang-ayon ka ba sa konsepto ni Todaro na
ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa
malawakang pagbabago sa buong sistemang
panlipunan? Pangatwiranan.
5. Sa iyong sariling pagtataya, maunlad na ba
ang Pilipinas? Pagtibayin.
V. Takdang - Aralin
Magsaliksik tungkol sa mga palatandaan ng pag-unlad at pagsulong.

Inihanda ni:
Joshua Deguzman Peñaranda
BSEd-IV Social Studies

You might also like