Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARALIN 5

TEKSTONG PERSUWEYSIB: PAANO KITA


MAHIHIKAYAT

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

 Naipapaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng tekstong persuweysib


 Nasusuri ang iba’t-ibang uri ng tekstong persuweysib
 Nakakapagsuri ng mga katangian ng tekstong persuweysib

TEKSTONG PERSUWEYSIB - Isang uri ng di- piksiyon na


pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang
isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan
ang isang opinyon gamit ang argumentibong estilo ng pagsulat.

Sa tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon
ang isang manunulat. Sa halip ay gumamit ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga
siyentipikong pag-aaral at pagsusuri.

Halimbawa ng pangungumbinsi kung paano kumilos at mag-isip “Pagtatanggal ng


kursong Filipino sa Basic Curriculum (BEC) sa kolehiyo, may grupo ng mga guro at mag-aaral na
kinukumbinsi ang mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED), na baligtarin ang
desisyon nito at muling isama sa kursong Filipino sa kurikulum.

Ang Tekstong Persuweysib ay naglalaman ng mga sumusunod:

 Malalim na pananaliksik - Kailangang alam ng isang manunulat ang pasikot sikot ng isyu
sa pamamagitan ng pananaliksik.

 Paglalahad ng isang personal at empirikal na karanasan - paggamit ng mabibigat na


ebidensya at husay ng paglalahad nito ang pinaka-esensya ng isang tekstong persuweysib.

 Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mambabasa - Kailangang mulat at
maalam ang manunulat sa iba’t ibang laganap na persepsiyon at paniniwala tungkol sa isyu.
Kung mahusay na masasagot ang mga maling persepsiyon na ito, matitiyak ang pagpayag at
pagpanig ng mambabasa sa paniniwala ng manunulat.

 Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu - ito’y upang epektibong masagot ang
laganap na paniniwala ng mga mambabasa.

You might also like