Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Learning Area Filipino Grade Level Ikaapat

W5 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Wastong Gamit ng Pang-angkop


Pagbibigay ng Sariling Pamagat sa Nabasa at Napakinggang Teksto
II. MOST ESSENTIAL ● Nagagamit nang wasto ang pang-angkop (–ng, -g at na ) sa
LEARNING pangunguap at pakikipagtalastasan F4WG-IIIf-g-10
● Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa napakinggang teksto
COMPETENCIES (MELCs)
F4PN-IIIg-17
● Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto F4PS-IIIg-4
● Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa F4PB-IIIg-8

III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at


pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan, at damdamin.

Ikaw ay inaasahang magtaglay ng sumusunod na kakayahan:


a. magamit nang wasto ang pangkop.
b. makapagbigay ng angkop na pamagat sa napakinggan at
binasang teksto o talata.
c. maiugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teskto.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Time Frame Learning Activities
A. Introduction 30mins Ang araliing ito ay tiyak na makakatulong upang mapalawak ang iyong
Panimula kaisipan sa pagsagot sa mapanuring pag-iisip at madaragdagan ang
kaalaman sa mga kasanayang huhubog at hahasa sa iyong kaisipan
sa paggamit ng wastong pang-angkop sa pangungusap,
makapagbigay ng angkop na pamagat sa teskto at talatang binasa o
napakinggan, at maiugnay ito sa sariling karanasan.

Pang-angkop - bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa kapwa salita.


Ginagamit ito upang maging madulas ang pagbigkas ng mga salita.
Pang-angkop na na – ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa katinig, maliban sa letrang “k” at “n”. Ginagamit din ito
sa magkahiwalay na salita.
Halimbawa: malinis na kapaligiran
mabait na kaibigan
magalang na Pilipino
Pang-angkop na ng – ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig.
Halimbawa: malayong bayan
munting alaala
mabuting mag-aaral

Pang-angkop na ng – ito ay ginagamit din kung ang sinundang salita


ay nagtatapos sa “n”. kinakaltas o tinatanggal ang letrang “n” at
idinaragdag ang pang-angkop na “ng”.

Halimbawa: nayon maganda (kaltasin ang n at idugtong ang


ng) nayong maganda
balon malalim (kaltasin ang n at idugtong ang
ng) balong malalim

Sanggunian: Suhay (Wika at Pagbasa) p.246

*Upang madagdagan pa ang inyong kaalaman sa araling ito,


puntahan lamang ang mga link na nasa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=MWGG7mk3ihU
https://philnews.ph/2019/07/24/pang-angkop-kahulugan-
halimbawa/

Basahin mo ang maikling tula at sagutin ang sumusunod na tanong.

Iyong kaibigan ay dapat na alagaan


Sapagkat sila ay ating kayamanan
Kaibigang kaagapay sa oras ng pangangailangan
Tunay nga silang bigay ng Maypakal
Ang kaibigan na matapat ang kailangan
Upang nasabing pagsasama ay tatagal ng matagal
Sa iyong unang gawain, sagutan mo ang unang pagsubok.
Ano-ano ang mga letra ang may salungguhit?
Ano ang masasabi mo sa mga letra na pinagkabitan ng mga ito?

Ipabasa mo ang talata sa iyong nakatatandang kapatid o


kasama sa bahay. MakinIg at unawain mabuti ang kanilang
babasahin para s aiyo.
Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa
larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga
dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng
binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t
ibang larangan.
Ano ang paksang-diwa ng talata?
Ganito ba ang iyong sagot?
Ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.
Ano ang maaari mong ibigay na pamagat sa talata?
Nagawa mo na bang ipakita ang iyong kakayahan sa ibang tao?
Dapat mo bang ipagmalaki ang iyong kakayahan? Bakit?

Sa pagbibigay naman ng pamagat sa isang talata, ano-ano naman


ang mga dapat tandaan upang maging angkop ito? Ito ay ang mga
sumusunod:
● Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo muna
ang paksang-diwa o paksang pangungusap. Ang mga ito ay
nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang
pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa
talata o kuwento. Ang paksang pangungusap ang
pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang
pangunahing diwa ng talata.
● Ginagamit ang malaking letra sa mahahalagang salita sa
pamagat ng talata. Ang unang salita sa pamagat ay
sinisimulan din sa malaking letra.
Halimbawa ng mga pamagat na ginamitan ng malaking letra sa
simula at sa mahahalagang salita:
Isang Masayang Araw
Ang Suliranin sa Basura
Ang Katutubong Kasuutan

Makikita na ang umpisa ng salita ay nakasulat ng malaking


letra gayundin ang mga mahahalagang salita.
B. Development 30mins Mula sa iyong mga nalaman, subukan mo ang iyong mga kakayahan
Pagpapaunlad sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsubok. Kumuha ng
sagutang papel, panulat, at maging sarili upang
mapagtagumpayan ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Mula sa saknong piliin at bilugan


ang wastong pang-angkop upang mabuo ang bawat
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Matalino (ng,na) bata si Marie.


2. Maayos (ng, na) kapaligiran ay iwas sakit.
3. Ang magalang (ng, na) bata ay kinalulugdan ng lahat.
4. Matalino (ng, na) bata si Marie.
5. Ang mga malalaki (ng, na) puno ay natumba dahil sa bagyo.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ipabasa mo ang talata sa iyong


nakatatandang kapatid o kasama sa bahay. Tukuyin ang angkop na
pamagat ng bawat talata. Isulat ang letra ng iyong kasagutan.
1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro
o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat
bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon,
shampoo, at iba pa.
a. ang niyog c. Ang mga Gamit ng Niyog
b. Ang Niyog d. ang mga gamit ng Niyog
2. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay
ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta
ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat
manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng
kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit
na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad
ng ating bansa.
a. Ang kawanihan ng Rentas Internas
b. Ang Kawaniihan ng Rentas Internas
c. Ang kawanihan ng internas rentas
d. ang kawanihan ng internas rentas
3. Makagagawa ka ng keso mula sa gatas ng kalabaw, baka o
kambing. Asinan ang gatas, pakuluin nang tatlumpong minuto
habang hinahalo at pagkatapos ay itinggal nang sampung oras.
Magkakaroon ito ng mga buo-buong bahagi na siyang babalutin
sa murang dahon.
a. Paggawa ng Kesong Puti
b. Paggawa ng kesong puti
c. Ang kesong puti
d. Ang Kesong Puti
(Sanggunian: Yaman ng Lahi: Wika at Pagbasa sa Pilipino pahina
136-137) MISOSA Angkop na Pamagat ng Talata at Paggamit ng
Malalaking Titik sa Pamagat https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6854)

Gawain sa Pagkatuto 3: Gamitin ang iyong galling sa pag-unawa at


pagbasa upang masukat ang kakayahan mong mabigyan ng
angkop na pamagat ang bawat talata. Isulat sa sagutang papel
ang iyong mga sagot.

1. Magandang huwarang bata si Lilet. Kahit na nakakariwasa sa


buhay ay lumalaki siyang mabait, magalang at makadiyos. Siya
ay mabait dahil tinutulungan niya ang mga kaklase niyang
maintindihan ang mga aralin. Sa pagiging magalang,
nakikipag-usap siya lagi ng maayos at bumabati sa mga
nakakatanda lalo na sa kanyang mga magulang.
Higit sa lahat, lagi niya nakakalimutang magdasal at
magpasalamat sa Diyos.
Pamagat:
2. Ang Carmona ay isa sa maunlad na Bayan sa probinsiya ng
Cavite. Marami silang magagandang programa laan para sa
mga kabatan para sila ay magsikap at makatulong sa
kanilang mga magulang. Maayos na naitayo ang mga
istruktura tulad ng mga palengke at bayang pamilihan tulad
ng Waltermart kasama na rin ang mga pabrika. Organisadong
naitayo ang mga pampublikong paaralan sa bawat
barangay upang hindi na mahirapan ang mga mag-aaral sa
pagpasaok. Masisipag at masisikap ang mga tao dito. Kahit
maunlad ito ay pinapanatili pa rin nila ang luntian nitong
kapaligiran.
Pamagat:
3. Ang basura ay maaaring gawing abono. Sa ganitong
paraan, malulutas ang suliranin natin sa basura at
mababawasan ang pag-angkat ng abono sa ibang
bansa. Tinatayang sa isang libong
tonelada ng basura, mahigit sa sampung libong sako ng
abono ang maaaring gawin. Kung ang lahat ng ating basura
ay magagawang abono, lalaki ang ani sa mga tanim at
magiging mura ang halaga ng palay at iba pang pananim.
Pamagat:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin mo ang maikling kuwento. Sa


iyong sagutang papel ay isulat ang iyong sariling karanasan. Gamitin
ang graphic organizer sa pagsasagot.

Buwan ng bakasyon, napagkasunduan ng pamilya ni Rey na


magbakasyon sa malaparaisong lugar ng Boracay. Ang lugar kung
saan minimithing marating ng maraming tao.

Nasasabik na siyang dumaong sa malaporselanang buhangin


at maglaro sa mga alon ng dagat at bumuo ng kastilyong buhangin.
Nang marating nila ang lugar hindi mapigilan ni Rey na ang
mapahiyaw sa tuwa at galak. Agad siyang naglaro sa buhangin at
pinagmasdan ang araw hanggang sa paglubog nito. Inubos niya
ang natitira niyang oras sa pagligo sa dagat at mamasyal sa buong
isla ng Boracay.

“Walang maitatangging kasiyahan at kakaibang karansan ang


hatid nito sa akin”, pahayag ni Rey.
Maituturing na isa ito sa pinakamagnda kong karanasan na hindi ko
malilimutan.
Anong kaparehong karanasan ang maiuugnay mo sa maikling
kuwento?
KARANASAN
C. Engagement 30mins Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Mula sa iyong napakinggan at
Pakikipagpalihan nabasang kuwento, bumuo ng isang pangungusap na naiuugnay
ang iyong sariling karanasan at gamitan ito ng wastong pang-
angkop.

D. Assimilation 30mins Mula sa mga kasanayan at kaalaman sa mga araling ito, ano ang
Paglalapat iyong natutuhan?
Ang mga halimbawa ng pang-angko ay , , at .
Sa pagbibigay ng sariling pamagat, ito ay ginagamitan ng letra.
Ang ay isang mabuting kasanayan.
Naihahayag natin ang ating saloobin, pananaw at opinyon. Ang
pag-uugnay ng sariling karansan ay maaaring sa pamamagitan ng
paghahambing sa buhay ng ibang tao o sa mga karanasan nito.
V. ASSESSMENT 15mins Muling gamitin ang iyong mga natutuhan sa araling ito sa
(Learning Activity pamamagitan ng pagsagot sa bawat pagsubok.
Sheets for Enrichment, Sagutan ang Learning Activity Sheets (LAS) na ipinadala ng guro.
Remediation or
Assessment to be given
on Weeks 3 and 6)
VI. REFLECTION 5mins Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na .
Nabatid ko na .
Naisasagawa ko na .

Prepared by: JOHN REY O. GLOTON Checked by:


JENNELYN S. GARCIA
JHUN ANA MARIE R.
BATA JOEY B. MATAY-ON

You might also like