GAWAIN4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALLYAH PAULA A.

POSTOR FILKOM 1100

BS ENTREP 2-2

GAWING PANGKOMUNIKASYON BERBAL AT DI BERBAL NG MGA


PILIPINO.

 TSISMISAN: Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan


Sa karaniwang diskurso, ang tsimisan ay itinuturing na isang
pagbabahaginan ng impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak.
 UMPUKAN: Usapan, Katuwaan at Iba pa sa Malapitang Salamuhaan
Ang umpukan ay impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao
na magkakakilala para mag-usap na magkakaharap. Sa
pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa bugsong
pagkakataon.
 TALAKAYAN: Masisinang Palitan at Talaban ng Kaalaman
Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa
o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa. Ito ay maaring
pormal o impormal at puwedeng harapan o Mediated o ginamitan ng
anumang medya.
 PAGBABAHAY-BAHAY: Pakikipag-kapuwa sa Kanyang Tahana’t Kaligiran
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang
tao o grupo sa mga bahay ng
isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, matu
ro ng isang teknolohiya, kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya
hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi sa pagsali sa isang
paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang
produkto, kaisipan,gawain o adbokasiya.
 PULONG-BAYAN: Marubdod na Usapang Pampamayanan
Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga
mamayan sa itinakdang oras at lunanupang pag-usapan nang
masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang
usaping pangpamayanan.
 WELGA
Ang pagwewelga ay pangunahing pamamaraan na kung saan
ang mga manggagawa at ang kanilang grupo ay nagkakaroon ng
pagkakataon na lehitimong maitaguyod at maipaglaban ang kanilang
pang ekonomiya at sosyal na interes.
 PANGHAHARANA
Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang
nililigawan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa
babaeng kaniyang sinusuyo.

 Karaniwan na sa mga Pinoy ang paggamit ng nguso upang ituro ang


kinaroroonan ng isang bagay o tao.
 Kabastusan naman sa mga Pinoy ang paggamit ng hinlalato (middle
finger) sa pagturo.
 Normal na gawain sa mga Pilipino ang maglakad ng hawak-kamay.
 Sapat na ang pagngiti o kung minsan ay pakikipag-kamay sa taong
kakikilala pa lamang, ang beso-beso ay hindi pa angkop dito.
 Kinagawian din ng mga Pilipino ang pagmamano na
nangangahulugang paggalang sa matatanda.

You might also like