Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Florante at Laura
(Pag-aalay at Tagubilin)

Self-Learning Module
Filipino - Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Florante at Laura (Pag-aalay at Tagubilin)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Hanah F. Garcia


Editor: Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador,
Jocelyn M. Mateo, Gerwin L. Cortez
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Jocelyn S. Pablo,
Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Disenyo
at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Kimberly S. Liwag
Tagalapat: Glehn Mark A. Jarlego
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan

Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Mahusay! Ikaw ay nasa ikalawang modyul na ng Florante at Laura.


Napagtagumpayan mo ang mga gawain sa unang modyul.

Ngayon naman ay iyong uusisain ang bahagi ng pag-aalay at tagubilin.


Ilalathala sa modyul na ito kung kanino inialay ni Francisco Balagtas ang
kaniyang likhang-awit at ano-ano ang kaniyang mga tagubilin sa mga babasa
nito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang ang iyong


kasanayan sa mga sumusunod:
1. nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda gamit ang wika ng
kabataan (F8WG-IVa-b-35);
2. nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin
(F8PN-IVc-d-34); at
3. nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa
(F8PB-IVc-d-34).

Bago ka magpatuloy sa mismong aralin, iyo munang sagutin ang


paunang pagtataya upang malaman at masukat ang iyong dating kaalaman
kaugnay ng aralin.

1
Subukin

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na pahayag. Piliin lamang ang


letra ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

1. Ang sumusunod ay mga ilog na pinangyarihan ng suyuan nina


Balagtas at Celia maliban sa isa.
A. ilog Beata C. ilog ng Makati
B. ilog Hilom D. ilog ng Pasig

2. Ito ang damdamin ni Balagtas sa bahaging “Sa Babasa Nito”.


A. masaya C. nangangamba
B. nagpapaalam D. nangungulila

3. Ito ang damdaming namayani sa saknong sa ibaba.

Bakit baga niyaong kami’y maghiwalay


ay di pa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka’y aking kamatayan,
sa puso ko Celia’y di ka mapaparam.

A. kalungkutan C. paghihinagpis
B. kasayahan D. pangungulila

4. Ito ang kaisipang nakapaloob sa saknong sa ibaba.

Lumipas ang araw na lubhang matamis


at walang natira kundi ang pag-ibig---
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

A. Wala nang natira sa kanilang pag-iibigan.


B. Dinala niya ang kaniyang pag-ibig sa libingan.
C. Dadalhin niya ang pag-ibig hanggang sa kamatayan.
D. Lumipas ang kaniyang pag-ibig kasabay ng paglipas ng taon.

2
5. Sa kaniya inialay ni Francisco Balagtas ang damdaming nakapaloob sa
Florante at Laura.
A. Maria Ana Ramos C. Magdalena Ana Ramos
B. Maria Asuncion Rivera D. Magdalena Asuncion Rivera

6. Ito ang dahilan kung bakit Celia ang tawag ni Francisco Balagtas kay
Maria Asuncion Rivera.
A. Si Maria Asuncion Rivera ay mahilig sa bulaklak na Celia.
B. Si Maria Asuncion Rivera ay tagasunod ni Sta. Cecilia.
C. Inihalintulad ni Balagtas si Maria Asuncion Rivera kay Sta.
Cecilia na patron ng musika.
D. Inihalintulad ni Balagtas si Maria Asuncion Rivera sa
kagandahan ni Sta. Cecilia.

7. Ito ang pangyayaring nagpapakita na inalala at hindi malilimutan ni


Balagtas si Celia maliban sa isa.
A. Isiniwalat niya na si Celia ay may sagisag na M.A.R
B. Ginugunita niya ang masasaya nilang suyuan sa ilog Beata at
Hilom.
C. Kusang inilimbag niya sa kaniyang puso at panimdim ang
larawan ni Celia.
D. Binanggit niya na ang kaniyang pag-ibig ay dadalhin niya
hanggang kamatayan.

8. Ang sumusunod ay mga pangunahing kaisipan sa bahaging “Sa Babasa


Nito” maliban sa isa.
A. Huwag babaguhin ang kaniyang sariling berso.
B. Huwag tutulad kay Balagtas sa pagsulat ng awit.
C. Sumangguni sa talababa upang maunawaan ang kahulugan
ng mga salitang may tandang letra.
D. Basahin ang simula hanggang dulo ng awit upang
maunawaan ang kabuoang kuwento at makita ang
kagandahan nito.

9. Ang sumusunod ay mahahalagang pangyayari sa bahaging “Kay Celia”


maliban sa isa.
A. Isiniwalat ni Balagtas na si Celia ay si M.A.R.
B. Inalala ni Balagtas ang masasayang suyuan nila ni Celia.
C. Binanggit ni Balagtas na si Celia ang dahilan ng kaniyang
pagkakakulong.
D. Inilahad niya na ang kaniyang pag-ibig kay Celia ay babaunin
niya hanggang kamatayan.

3
10. Ito ang saknong na nagpapahayag ng pangyayaring isiniwalat ni
Balagtas na si Celia ay si Maria Asuncion Rivera.
A. Yaong Celiang laging pinanganganibang
baka makalimot sa pag-iibigan,
ang ikinalubog niyaring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
B. Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib,
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
C. Ikaw na bulaklak niyaring dili-dili,
Celiang sagisag mo’y ang M. A. R. (eMe A eRe)
sa Birheng mag-Ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B. (eFe Be).
D. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan,
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

Aralin
Florante at Laura
1 (Pag-aalay at Tagubilin)

Sikat na sikat ang obra maestra ni Francisco Balagtas na Florante at


Laura noon pa man hanggang sa kasalukuyan. Lahat ng mag-aaral ay
matatalakay ang obra maestrang ito, na isang awit. Lingid sa kaalaman ng
ilan, ang Florante at Laura ay may tatlong bahagi; ang pag-aalay, tagubilin,
at tulang pasalaysay. Sa una at ikalawang bahagi ng Florante at Laura,
mababasa kung kanino inialay ni Francisco Balagtas ang awit. Para kanino
nga kaya ito isinulat ni Balagtas? Gayon din, naglahad si Balagtas ng
kaniyang mga tagubilin para sa mga babasa nito. Ano-ano kaya ang mga
tagubiling ito?

Mahalagang malaman ang damdamin, pangunahing kaisipan at


mahahalagang pangyayari sa mga bahaging ito upang makatulong sa pag-
unawa sa mga susunod na nilalaman ng Florante at Laura.

4
Balikan

Bago ka magpatuloy, iyo munang balikan ang nakaraang aralin tungkol


sa Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura.

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap. Isulat


ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. Si Francisco Balagtas ay nagmula sa lalawigan ng Bulacan.


2. Naisulat ang Florante at Laura noong panahon ng mga Espanyol.
3. Ang napangasawa ni Balagtas ay si Maria Asuncion Rivera.
4. Nakulong si Balagtas sa kauna-unahang pagkakataon dahil sa
kagagawan ni Mariano Kapule.
5. Sa kulungan binawian ng buhay si Balagtas noong 1862.

Tuklasin

Ngayon ay iyong basahin at unawain ang liriko ng isang awit ng


bandang Soulstitch. Pagkatapos mabasa, sagutin ang mga gabay na tanong.

Awit Para Kay Raquel


Soulstitch

Lagi kang nagdaraan at laging inaabangan,


Humahanap ng paraan upang abutan sa daan
Sa kaway nagsimula at sa iyo'y natulala
Buhay ko'y binago mo, lahat sila'y tinalo mo.

Simbaha'y laging tagpuan,


Doon laging tinitingnan
At pagkausap sa gabi,
Lahat halos nasasabi.

5
Ngayon na ba magkakalayo?
Damdamin di maglalaho,
Di man tayo magkita,
Laging mag-ingat ka.
Pagka't minamahal kita.

Pagmamahal dito na ba matatapos?


O heto na nga ba?
Ngayon na nga ba?

Ang panahon na tayo'y magkasama,


Kaibigan lang ba?
Minahal mo rin ba ako?

Pagmamahal dito na ba matatapos?


O heto na nga ba?
Ngayon na nga ba?

Gabay na Tanong:

1. Para kanino ang awit?


2. Magbigay ng tatlong (3) mahahalagang pangyayari mula sa awit.
3. Ano ang damdamin ng may-akdang masasalamin sa mga linya ng awit?
4. Ano ang pangunahing kaisipang nakapaloob dito?
5. Paano nakatutulong ang awit sa pagpapahayag ng damdamin ng isang
tao?

Suriin

Matapos mong basahin ang halimbawa ng isang awit, iyo namang


suriin ang nilalaman ng una at ikalawang bahagi ng Florante at Laura. Iyong
ipabasa sa kasama sa bahay (o sinomang makatutulong sa iyo) ang unang
bahagi ng Florante at Laura.

6
Kay Celia

1. Kung pagsaulan kong basahin sa isip


ang nakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Celiang namugad sa dibdib?

2. Yaong Celiang laging pinanganganibang


baka makalimot sa pag-iibigan,
ang ikinalubog niyaring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

3. Makaligtaan ko kayang di basahin---


nagdaang panahon ng suyuan namin,
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

4. Lumipas ang araw na lubhang matamis


at walang natira kundi ang pag-ibig---
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

5. Ngayong namamanglaw sa pangungulila,


ang ginagawa kong pag-aliw sa dusa:
nagdaang panaho’y inaalala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.

6. Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,


kusang ilinimbag sa puso’t panimdim,
nag-iisang sanlang naiwan sa akin
at di mananakaw magpahanggang-libing.

7
7. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan,
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

8. Di mamakailang mupo ang panimdim


sa puno ng manggang naraanan natin,
sa nagbiting bunga’y ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.

9. Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik


sa buntunghininga nang ikaw’y may sakit,
himutok ko niyao’y inaaring langit,
Paraiso naman ang may-tulong silid.

10. Liniligawan ko ang iyong larawan


sa Makating Ilog na kinalagian,
binabakas ko rin sa masayang doongan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

11. Nagbabalik mandi’t parang hinaharap


dito ang panahong masayang lumipas
na kung maliligo’y sa tubig aagap
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

12. Parang naririnig ang lagi mong wika:


“tatlong araw na di nagtatanaw-tama”
at sinagot ko ng sabing may tuwa:
“sa isa katao’y marami ang handa”.

13. Ano pa nga’t walang di nasisiyasat


ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas;
sa kagugunita luha’y lalagaslas
sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”

14. Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib,


ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?

8
15. Bakit baga niyaong kami’y maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
Kung gunitain ka’y aking kamatayan,
sa puso ko Celia’y di ka mapaparam.

16. Itong di matiis na pagdaralita


nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa,
ang siyang umakay na ako’y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.

17. Celia’y talastas ko’t malabis na umid,


mangmang ang Musa ko’t malumbay ang tinig,
di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ng tainga’t isip.

18. Ito’y unang bukal ng bait kong kutad


na inihahandog sa mahal mong yapak,
tanggapin mo nawa kahit walang lasap---
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

19. Kung kasadlakan man ng pula’t pag-ayop


tubo ko’y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo’y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.

20. Masasayang Ninfas sa lawa ng Bai,


Sirenas --- ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo’y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

9
21. Ahon sa dalaga’t pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma’y mapatid
tapat na pagsinta’y hangad na lumawig.

22. Ikaw na bulaklak niyaring dili-dili,


Celiang sagisag mo’y ang M. A. R. (eMe A eRe)
sa Birheng mag-Ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B. (eFe Be).

Sa bahaging “Kay Celia”, inilahad ng may-akda na si Francisco Balagtas


na inialay niya ang awit na Florante at Laura kay Celia (sa ibang libro ang
baybay ay Selya). Isiniwalat sa huling saknong nito na si Celia ay may sagisag
na M.A.R. (eMe-A-eRe ang bigkas noong panahon ng Espanyol na ito ay
naisulat) at ito ay walang iba kung hindi si Maria Asuncion Rivera na
kaniyang tunay at pinakainibig. Ginunita ni Balagtas ang masasayang alaala
nila ni Celia. Gayon din, inihayag ni Balagtas kung gaano niya ito kamahal at
hinahanap-hanap sa tuwina.

Tinawag ni Francisco Balagtas si Maria Asuncion Rivera na Celia


sapagkat inihalintulad niya ito kay Sta. Cecilia na patron ng musika dahil sa
hilig niya sa musika at husay sa pagtugtog.

Ngayon, iyo namang ipabasa sa kasama sa bahay (o sinomang


makatutulong sa iyo) ang ikalawang bahagi ng Florante at Laura.

Sa Babasa Nito

1. Salamat sa iyo, O nanasang irog,


kung halagahan mo itong aking pagod;
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.

2. Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,


palibhasa'y hilaw at mura ang balat,
nguni’t kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.

3. Di ko hinihinging pakamahalin mo,


tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

10
4. Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa't hulo
at makikilalang malinaw at wasto.

5. Ang may tandang letra alin mang talata,


di mo mawatasa't malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga'y mapag-uunawa.

6. Hanggang dito ako, O nanasang pantas,


sa kay Sigesmundo'y huwag ding matulad:
sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula'y umalat.

Ipinabatid ni Francisco
Balagtas ang kaniyang ilang mga
tagubilin sa bahaging “Sa Babasa
Nito”. Ito ay inilahad niya sa anim na
saknong. Sa unang saknong,
nagpasalamat siya na may nagnais
na bumasa ng kaniyang awit.
Ikalawa, maaaring sa unang tingin
ay hindi mo nanaising basahin ang
kaniyang awit dahil sa itsura at pabalat nito subalit huwag hamakin sapagkat
may maganda itong nilalaman. Ikatlo, pakabilin-bilin niya, na huwag
babaguhin ng sinoman ang mga berso ng kaniyang awit. Ikaapat, basahin
ang simula hanggang dulo ng kaniyang likha upang maunawaan ito nang
lubos. Ikalima, tumingin sa talababa o footnotes upang malaman ang
kahulugan ng mga salitang kaniyang ginamit. At huli, huwag tumulad kay
Sigesmundo kung susulat ng awit o tula. Si Sigesmundo ay isa ring makata
ngunit dahil sa kababago ng tula, sa halip na tumamis, ito ay umalat.

Kapansin-pansin na ang mga salitang ginamit ni Balagtas sa una at


ikalawang bahagi ng Florante at Laura ay malalalim na ginagamit noong
kaniyang kapanahunan at matatalinghaga na may mga nakatagong
kahulugan. Ngunit sa kasalukuyang panahon, ibang-iba na ang wikang
ginagamit ng kabataan sa pagpapahayag ng damdamin. Dito maiuugnay ang
kaibahan ng wika noon at wika ngayon. Narito ang mga salitang ginamit sa
binasa at karaniwang ginagamit ng kabataan.

11
Halimbawa ng wikang ginamit Katumbas sa wika ng kabataan
sa akda
1. Irog 1. jowa, boyfriend/girlfriend
2. natititik 2. naisusulat
3. suyuan 3. ligawan/ nagde-date
4. namamanglaw sa 4. nagda-drama, nag-e-emote
pangungulila
5. tapat na pagsuyong lalagi sa 5. may forever
dibdib, hanggang sa libingan
bangkay ko’y maidlip

Ang “Kay Celia” at “Sa Babasa Nito” ay naglalaman ng maraming


kaisipan. Ngunit ang mga kaisipang ito ay nakatuon o nakasentro sa isang
pangunahing kaisipan.

Ang pangunahing kaisipan ay tumutukoy sa pinakamensaheng nais


ipabatid sa isang akda o teksto ng manunulat, kadalasan itong
sinusuportahan ng ilang detalye upang mas mapalutang ang nais ipahiwatig
ng may-akda.

Mahalagang masuri ang pangunahing kaisipan kung ano ang


maitutulong nito sa iyo bilang kabataan, mag-aaral at mamamayang Pilipino
upang mas maipakita ang layunin ng manunulat sa pagsulat ng Florante at
Laura at kung bakit ito pinag-aaralan magpahanggang ngayon.

Pagyamanin

Pagbati! Ngayon ay linangin at pagyamanin mo pa ang iyong natutuhan


sa bahagi ng Tuklasin at Suriin. Ikaw ay magpatuloy sa pagsagot sa mga
inihanda kong gawain.

12
Gawain 1. Puso ng Damdamin

Panuto: Ilahad ang damdamin o saloobin ng may-akda sa sumusunod na


saknong gamit ang wika ng kabataan. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na
papel.

Saknong Damdamin

Kung pagsaulan kong basahin sa isip 1.


ang nakaraang araw ng pag-ibig, w1
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Celiang namugad sa dibdib?

Yaong Celiang laging pinanganganibang 2.


baka makalimot sa pag-iibigan, w1
ang ikinalubog niyaring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

Ano pa nga’t walang ‘di nasisiyasat 3.


ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas; w1
sa kagugunita luha’y lalagaslas
sabay ang taghoy kong “O, nasawing palad!”

Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib, 4.


ang suyuan nami’y bakit di lumawig? w1
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?

Bakit baga niyaong kami’y maghiwalay 5.


ay di pa nakitil yaring abang buhay? w1
Kung gunitain ka’y aking kamatayan,
sa puso ko Celia’y di ka mapaparam.

13
Gawain 2. Mahahalagang Pangyayari

Panuto: Maglahad ng limang (5) mahahalagang pangyayaring napakinggan


sa aralin. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang tamang
sagot.

Kay Celia

Mahahalagang Pangyayari:
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
4. _______________________________________________________________
5. _______________________________________________________________

Gawain 3. SURIsip

Panuto: Ibigay at suriin ang pangunahing kaisipan ng “Kay Celia” at “Sa


Babasa Nito” gamit ang grapikong pantulong sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay
na papel.

1. Kay Celia

Pangunahing Kaisipan:

Bilang kabataan Bilang mag-aaral Bilang Pilipino

14
2. Sa Babasa Nito

Pangunahing Kaisipan:

Bilang kabataan Bilang mag-aaral Bilang Pilipino

Isaisip

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing aking inihanda upang


malinang ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. Ngayon naman ay ibahagi
mo ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng kasunod na gawain.

Panuto: Dugtungan ng 2-3 pangungusap ang pahayag upang makabuo ng


isang makabuluhang talata. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

Mahalagang malaman ang mahahalagang pangyayari,


pangunahing kaisipan at damdamin o saloobin ng may-akda sa
isang teksto dahil/sapagkat/upang/para _________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
________________________________________________________.

15
Isagawa

Pagbati! Malapit ka na sa huling pagsasanay. Ipagpatuloy mo pa ang


iyong pagsisikap. Sa bahagi namang ito, susubukin ang iyong natutuhan
kaugnay ng aralin. Ipakita ang iyong husay at galing.

Panuto: Ilahad ang mahahalagang pangyayari sa kabanatang nabasa o


napakinggan at suriin ang pangunahing kaisipan batay sa damdamin o
saloobin ng may-akda gamit ang wika ng kabataan. Gawing gabay ang
ibinigay na halimbawa. Kopyahin ang tsart at gawin ito sa hiwalay na papel.

Mahalagang Pangyayari Kaisipan Damdamin


Halimbawa:

Ngayong namamanglaw sa pangungulila, Ginugunita ni Nagda-


ang ginagawa kong pag-aliw sa dusa: Balagtas ang drama/
nagdaang panaho’y inaalala, sa iyong masasayang nag-e-
larawa’y ninitang ginhawa. alaala nila ni emote
Celia.
1.

2.

3.

4.

5.

16
Tayahin

Ikaw ay nasa bahagi na ng pagtataya. Masusukat sa bahaging ito ang


iyong natutuhan sa aralin at sa mga pagsasanay.

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng


tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

1. Ito ang damdamin ni Balagtas sa bahaging “Kay Celia”.


A. nagagalak C. nangangamba
B. nagpapaalam D. nangungulila

2. Sa kaniya inialay ang damdaming nakapaloob sa Florante at Laura ni


Francisco Balagtas.
A. Maria Ana Ramos C. Magdalena Ana Ramos
B. Maria Asuncion Rivera D. Magdalena Asuncion Rivera

3. Ito ang damdaming namayani sa saknong sa ibaba.

Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib,


ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?

A. pag-aalala C. pangamba
B. paghihimutok D. pangungulila

4. Ito ang kaisipang nakapaloob sa saknong sa ibaba.

Di ko hinihinging pakamahalin mo,


tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.

A. Huwag babaguhin ang berso.


B. Huwag lalapatan ng tugtog o musika.
C. Huwag pakamahalin ang kaniyang likha.
D. Huwag tawanan at dustain ang kaniyang tula.

17
5. Ito ang pangyayaring nagpapakita na inalala at hindi malilimutan ni
Balagtas si Celia maliban sa isa.
A. Isiniwalat niya na si Celia ay may sagisag na M.A.R.
B. Ginunita niya ang masasaya nilang suyuan sa ilog Beata at
Hilom.
C. Kusang inilimbag niya sa kaniyang puso at panimdim ang
larawan ni Celia.
D. Binanggit niya na ang kaniyang pag-ibig ay dadalhin niya
hanggang kamatayan.

6. Ang sumusunod ay mga pangunahing kaisipan sa bahaging “Sa


Babasa Nito” maliban sa isa.
A. Huwag babaguhin ang kaniyang sariling berso.
B. Huwag tutulad kay Balagtas sa pagsulat ng awit.
C. Sumangguni sa talababa upang maunawaan ang kahulugan
ng mga salitang may tandang letra.
D. Basahin ang simula hanggang dulo ng awit upang
maunawaan ang kabuoang kuwento at makita ang
kagandahan nito.

7. Ang sumusunod ay mahahalagang pangyayari sa bahaging “Kay Celia


maliban sa isa.
A. Isiniwalat ni Balagtas na si Celia ay si M.A.R.
B. Inalala ni Balagtas ang masasayang suyuan nila ni Celia.
C. Binanggit ni Balagtas na si Celia ang dahilan ng kaniyang
pagkakakulong.
D. Inilahad niya na ang kaniyang pag-ibig kay Celia ay babaunin
niya hanggang kamatayan.

8. Ito ang pangunahing kaisipan sa bahaging “Kay Celia”.


A. Inialay ni Balagtas ang Florante at Laura sa kaniyang kapuwa
Pilipino.
B. Sinuyo ni Balagtas si Celia kaya niya isinulat ang Florante at
Laura.
C. Labis-labis ang pagmamahal ni Balagtas kay Celia kaya hindi
niya ito malilimutan.
D. Inialay ni Balagtas ang Florante at Laura kay Celia tanda ng
kaniyang tapat na pag-ibig.

18
9. Ito ang saknong na nagpapakita ng tagubilin ni Balagtas na basahin
ang kaniyang likha sa simula hanggang dulo upang maunawaan ito
nang mabuti.
A. Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap,
palibhasa'y hilaw at mura ang balat,
nguni’t kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.
B. Di ko hinihinging pakamahalin mo,
tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo,
ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
C. Kung sa pagbasa mo'y may tulang malabo,
bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa't hulo
at makikilalang malinaw at wasto.
D. Ang may tandang letra alin mang talata,
di mo mawatasa't malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga'y mapag-uunawa.

10. Ito ang saknong na nagpapakita ng tapat na pag-ibig ni Balagtas kay


Celia.
A. Yaong Celiang laging pinanganganibang
baka makalimot sa pag-iibigan,
ang ikinalubog niyaring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
B. Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib,
ang suyuan nami’y bakit di lumawig?
Nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa’t langit?
C. Ikaw na bulaklak niyaring dili-dili,
Celiang sagisag mo’y ang M. A. R. (eMe A eRe)
sa Birheng mag-Ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B. (eFe Be).
D. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan,
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

19
Karagdagang Gawain

Panuto: Maghanap o magsaliksik ng awit na nagpapakita ng pag-ibig ng


sumulat sa kaniyang minamahal. Isulat ang pamagat ng awit, damdamin,
mahahalagang pangyayari at pangunahing kaisipan. Kopyahin ang pormat sa
hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.

Pamagat ng Damdamin Mahahalagang Pangunahing


awit Pangyayari Kaisipan

20
21
3. Ginunita ni Balagtas
Subukin Isaisip
ang mga panahong
nais mamitas ni
1. D (Ang kasagutan sa gawaing
Celia ng bunga ng
2. A ito ay nakabatay sa
manga
3. C kakayahan at sariling
4. Sinabi ni Balagtas
4. C opinyon ng mag-aaral.)
na ang kaniyang
5. B
pag-ibig kay Celia ay
6. C Isagawa
tapat at ito ay hindi
7. A
sa kaniya
8. B 1. nangungulila
mananakaw at
9. C 2. Kailanman ay hindi
babaunin niya
10. C malilimutan ni
hanggang
Balagtas si Celia
kamatayan
hanggang sa
Balikan 5. Isiniwalat ni
kaniyang
Balagtas na si Celia
kamatayan.
1. Tama ay may sagisag na
3. Inaalala ni Balagtas
2. Tama M.A.R at siya ang
na baka hindi
3. Mali tapat na lingkod na
magustuhan ni Celia
4. Tama si F. B
ang kaniyang
5. Mali
likhang-awit.
Gawain 3 4. Unang saknong ng
Pagyamanin “Sa Babasa Nito”
1. Ang pangunahing 5. Ikatlong saknong ng
Gawain 1 kaisipan sa “Kay “Sa Babasa Nito”
Celia” ay ang Tayahin
(Ang kasagutan sa gawaing pagsisiwalat ni
ito ay nakabatay sa Balagtas sa 1. D
kakayahan at sariling kaniyang tapat na 2. B
opinyon ng mag-aaral.) pag-ibig kay Maria 3. D
Asuncion Rivera. 4. A
Gawain 2 2. Ang pangunahing 5. A
kaisipan sa “Sa 6. B
1. Inalala ni Balagtas Babasa Nito” ay ang 7. C
ang suyuan nila ni mga tagubiling 8. D
Celia sa Ilog Beata at binigay ni Balagtas 9. C
Hilom. sa pagbasa ng 10. C
2. Inilimbag ni kaniyang likhang-
Balagtas sa awit.
kaniyang puso at
panimdim ang
larawan ni Celia.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Paculan, Paulo Ven. 2015. Florante at Laura: Edisyong Tapat kay
Balagtas. Loyola Heights, Quezon City: Ateneo De Manila University
Press.

22

You might also like