Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

6

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Mga Pangunahing Suliranin
at Hamong kinaharap
ng mga Pilipino mula 1946 hanggang
1972 (Huling Bahagi)
10. Ito ay pinalakas ni Pangulong Marcos para mabawasan ang kriminalidad sa
bansa.
a. Mga palengke c. kapulisan
b. Hukbong Sandatahan d. simbahan

Mga Pangunahing Suliranin


at Hamong kinaharap
ng mga Pilipino
Aralin
mula 1946 hanggang 1972
1 (Huling Bahagi)
• Pangulong Macapagal
(Disyembre 1961 – Disyembre 1965)
• Pangulong Marcos
(Disyembre 1965 – Setyembre 1972)

Balikan

Panuto: Kopyahin ang tsart at ibahagi mo nga ang iyong opinyon sa naging
pamamalakad ng mga Pangulo noon sa pagtugon sa iba’t ibang suliranin ng
bansa. Bigyan mo sila ng 3 istar o isang istar, depende kung nakita mo o
hindi ang mga katangiang ito sa kanila. Isulat sa sagutang papel ang iyong
mga sagot.

- Kung nakita mo - kung hindi

MGA KATANGIAN ROXAS QUIRINO MAGSAYSAY GARCIA


1.Pagkamaka-Pilipino
2.Katapangan
3.Pagkamaka-bansa
4.Kababaang – loob
5.Pagka-maparaan

3
Upang lubusan pang mapalalim ang iyong kaalaman sa mga pangunahing
suliranin ng bansa mula 1946 hanggang 1972 ay tutukan natin ang
pagpapatuloy ng aralin.
Basahin muna natin ang isang komik istrip. Tunghayan din ang maikling
kuwento pagkatapos nito.

Daddy, pwede ko po bang Oo anak,


mahiram ang inyong laptop para pwede mo
matulungan ko po si Justin sa itong hiramin.
ginagawa niyang pag-aaral sa Mabuti ang
kasaysayan iyong gagawin,
magagabayan
mo siya at
matuturuan
mo sa tamang
paggamit ng
internet.

Mabuti rin ito Opo Daddy, tuturuan ko po


dahil matuturuan siyang mabuti. Salamat po!
mo siyang
maging
responsible at
mapanuri sa
pagsasaliksik at
pag-aaral ng
kasaysayan.

Buong suyong nag – usap ang mag – amang Joseph at Joshua tungkol sa
kailangan ng bunsong si Justin. Mahalaga rin ang mga naging paalala ng Kuya
sa responsable at mapanuring paggamit ng kompyuter at internet.
Halina’t magbasa!
“Pumayag na si Daddy na gamitin natin ang laptop niya para sa iyong gawain,
Justin.” “Kung mas makatutulong daw ito sa mabilis at maayos mong
pagsasaliksik ng aralin ay wala raw problema, “sabi ni Kuya Joshua.
Natutuwang kinuha ni Justin ang laptop ng ama sa kuwarto at
nagsimulang ihanda ang mga gagamitin. “Ano pa ba ang ibang impormasyon na
nasaliksik mo sa panahon naman nina Pangulong Macapagal at Pangulong
Marcos?” “Marami pa Kuya Josh, pero pinag – iisipan ko pang mabuti kung aling

5
graphic organizer naman ang magandang gamitin ngayon.” “Lalo na’t gusto ko
sanang mabanggit na napaganda ng Reporma sa Lupa ni Macapagal ang lagay
ng mga magsasaka at mapatunayan ang mga pagbabago sa panahon ni Marcos
sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan lalo na sa rural at agrikultura.”
“Tutal ay marunong ka ng gumamit ng graphic organizers at pagpili ng
sites na papasukan, papaalalahanan na lamang kita maya - maya ng ilang
importanteng panuntunan sa pagsasaliksik ng responsable at mapanuri.”

“Sige, kuya Josh,” aniya ni Justin “kailangan


ko ngang matutunan lahat iyan para mas
mapaghandaan ang aking pagsasaliksik ng mga
aralin.”

Pagkaraan ng ilan pang sandali, “Heto ang


walong simpleng dapat tandaan kung nag -aaral
at gumagawa ng pagsasaliksik,” malumanay na
sinabi ni Kuya Joshua.

1. Suriing mabuti ang bawat impormasyon. Iwasang basta maniwala sa


maaaring fake news o fake article sa internet. Matutong mag – fact check
at magpaturo sa guro o nakakaalam dito kung paano gawin na magkaroon
ng tamang verification sa mga sites, references at authors ng ating mga
sinasaliksik.
2. Gumamit ng mga eksaktong salita sa pag – sesearch. Dapat na mas
mapadali ng inyong napiling web browser gaya ng Google or Mozilla Firefox
ang inyong paghahanap sa kinakailangang impormasyon.
3. Kumonsulta sa Academic Resources. Mas Mabuti kung pipiliin natin ang
resource sites na tanggap ng DepEd at karaniwang ginagamit sa pag –
aaral gaya ng YouTube.
4. Iwasang mag – click basta – basta ng mga ads. Lalo na
kung ikaw ay walang Ad – blocker at hindi gaanong
marunong sa paggamit sa internet.
Mas mabuting huwag basta pipindot ng advertisement at
isara ito kaagad kung aksidente lamang na napindot.
5. Huwag maglalagay ng sensitibo at personal na
impormasyon sa internet. Magpatulong sa magulang o
nakatatanda na mas maalam kung sa iyong palagay ay
hindi ligtas at masyadong personal o sensitibo ang
hinihingi na impormasyon ng site or page.
6. Tandaan ang mga importanteng detalye ng inyong internet identity.
Normal na sa ngayon ang pagkakaroon ng E – mail or social media account
ngunit importanteng ingatan ang password and backup information na
hindi dapat ibinibigay o ipinapaalam sa iba.
7. Iwasan ang plagiarism o simpleng copy – paste ng mga nababasa sa
internet para sa pag – aaral o pagsasaliksik. Bukod sa maaaring hindi
totoo ang lahat ng impormasyong nababasa, bawal ang hayagang
pagkopya ng buo sa mga artikulo at impormasyon sa internet. Matutong
sumulat ng orihinal base sa nabasa o nasaliksik.

6
8. Huwag mahihiyang magtanong. Mas makatutulong ang mas
nakakaalam ng wasto at responsableng paggamit sa kompyuter at internet.
Maging mapanuri sa iyong pag – unawa sa mga nababasa. Maging maingat
sa iyong pag – aaral. Walang masama sa paghingi ng tulong kung
kinakailangan.

Naunawaan mo ba ang mga pinag – aralan ng magkapatid na sina Joshua


at Justin? Marunong ka din ba ng paggamit ng graphic organizers sa pag – aaral?
Mapanuri at responsable ka rin ba sa iyong pagsasaliksik gamit ang internet at
computer? Magaling kung oo ang iyong sagot at kung hindi naman ay huwag kang
mag – alala dahil mas matututunan mo pa yan lalo na sa mga susunod na
gawain.

Sa ngayon ay nakararanas ang ating bansa ng iba’t ibang suliranin at


hamon na maaaring may pagkakatulad sa panahon noon. Tunghayan natin
sa susunod ang pagpapatuloy ng aralin.

Suriin

Mga Pangunahing Suliranin at Hamong kinaharap ng mga Pilipino


mula 1961 hanggang 1972

PANGULONG DIOSDADO P. MACAPAGAL


• Kakulangan sa pagkain
• Mataas na presyo ng bilihin
• Laganap na kahirapan
• Kawalan ng trabaho
• Maliit na kita ng mamamayan
• Walang maayos na tirahan
• Laganap na kriminalidad sa lungsod
• Paglala ng polusiyon
• Mahinang agrikultura na sinubukang solusyonan ng pagsisimula ng
pagsasaliksik tungkol sa Miracle Rice at pagpapatibay sa Reporma sa Lupa
• Bigong industriyalisasiyon
• Kakulangan sa mga imprastraktura
• Lumalaking populasiyon
• Sinikap solusyonan ng Limang Taong Programa ngunit hindi matagumpay
na naisakatuparan

7
PANGULONG FERDINAND E. MARCOS
• Patuloy na bumababa ang floating peso laban sa dolyar
• Pagtataas ng buwis
• Paglayo ng estado ng mahirap at mayaman na patuloy na naging dahilan
ng paglaganap ng maraming krimen, kaguluhan at pagbabanta ng
komunista
• Paglakas ng puwersa ng iba’t ibang rebelde lalo na ng Communist Party of
the Philippines – New People’s Army (CPP – NPA)
• Pagtaas ng presyo ng bilihin at presyo ng langis sa world market
• Pagbagsak ng ekonomiya at patuloy na pangungutang sa ibang bansa
• Maaaring maging negatibong epekto ng pakikipagmabutihan sa mga
bansang komunista gaya ng Tsina at Russia
• Pagkadismaya ng mamamayan sa katiwalian sa pamahalaan kahit na
malaki ang pagbabago sa mga imprastruktura
• Matinding hamon sa pagpapaunlad ng pambansang ekonomiya at
pangkalahatang kalagayan ng mga mamamayan

Panuto: Kopyahin ang tsart at punan ng iyong mungkahing solusyon upang


matugunan ang mga suliranin ng bansa. Ilagay mo rin ang mga naging
pangunahing suliranin ng bawat pangulo at ang sa iyong saloobin ay mga
pinakamahuhusay nilang nagawa sa kanilang administrasiyon.

MGA
MUNGKAHING
PANGULO PANGUNAHING PINAKAMAHUSAY
SOLUSYON SA
ng PILIPINAS SULIRANIN SA NA NAGAWA
SULIRANIN
BANSA

DIOSDADO
MACAPAGAL

FERDINAND
MARCOS

8
Pagyamanin

A. Panuto: Pumili mula sa mga salita sa loob ng kahon kung alin ang
tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

katiwalian buwis ekonomiya


Marcos Limang Taong Programa
Polusiyon floating peso rebelde
Reporma sa Lupa Krimen o kriminalidad

1. Ito ay sapilitang ipinasingil at itinaas ni Pangulong Marcos na ayon sa


kanya ay para sa kaunlaran ng bansa.
2. Siya ang pangulong nangako na, “This country will be great again.”
3. Kumpara sa dolyar, ito ang patuloy na bumababang piso
ng Pilipinas.
4. Ito ay una sa programa ni Pangulong Macapagal upang makatulong
sa mga magsasaka.
5. Ito ang pinagsumikapang mahabang solusiyon para sa kalagayan
at kabuhayan ng bansa.
6. Ang patuloy na paglayo ng estado ng mahirap at mayaman ang ugat
ng paglaganap nito.
7. Nagsisimulang lumala dahil sa kapabayaan at abuso natin sa ating
kapaligiran.
8. Ito ay patuloy na bumabagsak habang patuloy na tumataas ang
presyo ng bilihin.
9. Ang kalaban ng pamahalaan na patuloy na lumalakas ang puwersa.
10. Ang walang pagbabagong pag-abuso na ikinadidismaya ng
mamamayan sa pamahalaan.

B. Panuto: Tingnan ang listahan ng mga gawi. Isulat ang mga sagot sa
dalawang kahon na gagawin sa sagutang papel, isulat sa hanay A ang mga
wastong gawain o pagkilos upang maging isang mabuting halimbawa ng
responsable at mapanuring mag - aaral. Isulat naman sa Hanay B kung
ito ay maling gawain o pagkilos.
• Maglaro ng computer games buong araw.
• Magpalagay sa matanda o mas nakaaalam ng Anti-Virus sa
kompyuter.
• I-click ang isang ad ng laro na iyong nakita habang nagreresearch.
• Orasan ang sarili sa paggamit ng kompyuter.
• Magpatulong sa matanda at mas nakaaalam sa kompyuter kung
mayroong problema.

9
• Huwag bastang maniwala sa mga ads lalo na kapag sinabi na
kayo ay nanalo ng kung ano mang premyo.
• Pumasok sa mga di kilalang sites sa internet.
• Ipahinga ang mga mata pagkatapos ng isa o dalawang oras sa
pagkokompyuter.
• Pumasok sa mga ipinagbabawal na sites sa internet.
• Maging mapanuri at mag - ingat sa mga sites na humihingi ng
personal at sensitibong impormasyon. Iwasan ito kung maaari.

Hanay A Hanay B

C. Panuto: Piliin ang tamang gawi o kilos para maipakita ang pagsunod ng
isang mag – aaral na responsable at mapanuri sa kanyang pagsasaliksik
at pag - aaral. Kopyahin ang tsart at lagyan ng tsek (✓) ang kahon ng
tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

1. May nakitang ad tungkol sa isang laro na nasa gilid si Josh habang nagre
– research. Dapat niya ba itong I - click?
Oo, dahil maganda ang laro.

Hindi, dahil wala namang kalaro.

Hindi, dahil maaari itong magdulot ng virus.

2. Kung may nahanap si Justin na artikulo sa Internet na sakto para sa


kanyang research, tama bang I – copy paste niya na ito ng diretso para
matapos kaagad?
Mali, sapagkat ito ay plagiarism.

Tama, dahil mas madali ito.

Tama, dahil maganda ang artikulo.

10
3. May pinasukang site si Joshua ngunit nagtatanong ng personal
information gaya ng address at phone number. Alin ang tamang desisyon?
Ibigay dahil importante ang hinahanap

Huwag basta magbigay ng sensitibo at personal na


impormasyon

Pwede naman dahil may kapalit

4. Alin ang importante kapag gumawa ng isang google mail account


halimbawa?
Tandaan ang account at password

Pumili ng magandang profile picture

Magkaroon ng kakaibang username

5. Habang nag-sesearch si Justin ay bumulaga ang page na siya ay nanalo


ng isang milyong piso. Dapat ba niya itong paniwalaan?
Oo, dahil sayang ang isang milyon.

Hindi, dahil walang kasiguruhan ang pop – up ad at


baka isa lamang itong virus.

Oo, dahil malaking tulong ang pera para sa pamilya.

Isaisip

A. Panuto: Piliin ang tamang akronim para sa pangulong gumawa ng nasabing


hakbangin para sa suliranin ng bansa. Isulat ang iyong mga sagot sa
sagutang papel.
MAC – Diosdado P. Macapagal
MAR – Ferdinand E. Marcos

_______ 1. Nagkaroon ng limang taong programa upang mapatatag ang kalagayan


at kabuhayan ng mga Pilipino ngunit hindi matagumpay na
naisakatuparan.

_______ 2. Para sa agrikultura, siya ay nagpasimula ng Green Revolution at unang


paglabas ng Miracle Rice.

_______ 3. Nagkaloob sa bansa ng malaking pagbabago sa imprastraktura.

_______4. Upang mapaunlad ang agrikultura, pinasimulan niya ang pagsasaliksik


tungkol sa Miracle Rice.

11
Tayahin

A. Panuto: Basahin ang mga suliranin na dinanas ng bansa mula 1946


hanggang 1972 at sa dulo ay lagyan ng tsek (✓)kung gaano ka- epektibong
nasolusyunan ang mga ito sa mga nagdaang administrasyon. Suriin ang
tsart at isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

MGA SULIRANIN NG BANSA:

1. Kahirapan

2. hamon ng demokrasya

3. krimen

4. katiwalian at korapsiyon sa
pamahalaan
5. pagbabagong dulot ng
industriyalisasiyon

B. Sumulat ka ng isang maikling pangako sa iyong sarili at sa bayan. Isulat


sa iyong sagutang papel.

Nais kong makatulong sa aking bansa sa pamamagitan ng pagiging


responsable at mapanuri bilang isang mabuting mag – aaral kaya’t
ipinangangako ko na ako ay _____________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________. Gagawin ko ito sa tulong ng aking pamilya at kasihan
nawa ako ng Diyos.

15
17
Pagyamanin B: Pagyamanin C:
Hanay B: 1. Hindi, dahil maaari itong magdulot
ng virus.
• Maglaro ng computer games 2. Mali, sapagkat ito ay plagiarism.
buong araw 3. Huwag basta magbigay ng sensitibo
• I-click ang isang ad ng laro na at personal na impormasyon.
iyong nakita habang 4. Tandaan ang account at password.
nagreresearch. 5. Hindi, dahil walang kasiguruhan
• Pumasok sa mga ipinagbabawal ang pop up ads at baka isa lamang
na sites. itong virus.
• Pumasok sa mga di kilalang sites
Isaisip B:
• MACAPAGAL - Pinagtibay ang Reporma sa Lupa upang makatulong sa mga manggagawa
• MACAPAGAL - Sinikap solusiyonan ng Limang Taong Programa ang kalagayan at
kabuhayan ng bansa
• MARCOS - Pinalakas ang Hukbong Sandatahan upang mabawasan ang kriminalidad
• MARCOS - Sinimulan ang Green Revolution para sa agrikultura
• MACAPAGAL - Sinikap sagutin ng Patakarang Dekontrol ang suliraning pang – ekonomiya
• MACAPAGAL - Sinimulan ang pagsasaliksik tungkol sa Miracle Rice
• MARCOS - Pinalaganap ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga kanayonan
• MARCOS - Nakapagluwas ang Pilipinas ng Miracle Rice sa unang pagkakataon
Tayahin A at B:
Isaisip A: Isagawa A:
Tanggapin ang ibat
1. MAC Tanggapin ang ibat ibang
ibang sagot ng mga
2. MAR sagot ng mga bata.
3. MAG bata.
4. MAC Isagawa B:
Karagdagang Gawain:
5. MAC
6. MAR Tanggapin ang ibat ibang
Tanggapin ang ibat ibang
7. MAC sagot ng mga bata.
sagot ng mga bata.
8. MAR
9. MAR
10. MAR
Susi sa Pagwawasto
18
Balikan: Subukin: Suriin:
Tanggapin ang ibat ibang 1. B Tanggapin ang ibat ibang
sagot ng mga bata. 2. C sagot ng mga bata.
3. C
4. A Tuklasin:
5. D
6. B Tanggapin ang ibat ibang
7. C sagot ng mga bata.
8. D
9. A
10. B
Pagyamanin A: Pagyamanin B:
1. Buwis
2. Marcos Hanay A:
3. Floating peso
4. Reporma sa lupa • Magpatulong sa matanda at mas nakakaalam sa
5. Limang taong programa kompyuter kung mayroong problema
6. Krimen o kriminalidad • Huwag basta basta maniwala sa mga ads lalo na
7. Polusyon kapag sinabi na kayo ay nanalo ng kung ano
8. Ekonomiya mang premyo
9. Rebelde • Orasan ang sarili sa paggamit ng kompyuter
10. katiwalian • Ipahinga ang mga mata pagkatapos ng isa o
dalawang oras sa pagkokompyuter
• Magpalagay sa matanda o mas nakaaalam ng
Anti-Virus sa kompyuter.
• Maging mapanuri at mag - ingat sa mga sites
na humihingi ng personal at sensitibon
impormasyon. Iwasan ito kung maaari

You might also like