Professional Documents
Culture Documents
Intro Duks I Yon
Intro Duks I Yon
2. Pagbabasa
Ayon sa mga eksperto, ang bumabasa na may layuning matuto at
matandaan ang binabasa ay nakakapagbasa ng 250-350 salita kada minuto;
samantala, 400-700 salita naman ang kayang basahin ng isang naglilibang
lamang. Ito ay sapagkat walang kailangang tandaan ang mambabasang
maglilibang lamang.
Kahulugan ng Pagbasa
Sa palasak na pagpapakahulugan, ang pagbasa ay interpretasyon ng
mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Isa itong pagpapakahulugan ng
mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. Ang pagbasa ay pagtanggap ng
mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga
titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ito ay susi sa malawak na
karunungang natipon ng daigdig sa mahabang panahon. Ayon kay Arrogante
(2009), ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa
buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga hindi inaasahang
suliranin sa buhay. Kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay-tanong
lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.
Binaggit naman ni Toze na ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na
nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan,
pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t
ibang karanasan sa buhay. Sa iba pang dalubhasa, sinasabing ang
pagbabasa ay proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng inimbak o
nakasulat na impormasyon o idea. Kadalasang kinakatawan ng ilang uri ng
wika ang mga idea na ito, bilang mga simbolo na sinusuri ng paningin o hipo
tulad ng braille.
Nagbabasa ang mga tao sanhi ng iba’t ibang kadahilanan. May
nagbabasa upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan. Mayroon
ding nagbabasa dahil gusto niyang malaman ang nangyayari sa paligid at
ayaw niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahon. Para naman sa iba, sila ay
nagbabasa upang maaliw o malibang sapagkat ang pagbabasa ay
nakakabawas ng pagkainip at pagkabagot na nararamdaman.
Ayon kay William S. Gray, ang tinaguriang Ama ng Pagbasa, may apat
nahakbang sa pagbasa: (1) pagbasa sa akda, (2) pag-unawa sa binasa, (3)
reaksyon sa binasa at (4) pag-uugnay ng mga dating kaalaman sa mga
bagong kaalaman mula sa binasa.
3. Pagbubuod ng Impormasyon
Isa sa pinakamahirap na linangin sa mga mag-aaral sa kakayahang
komprehensyon ang pagbubuod. Minsan ay hindi malinaw o kung minsan
ay malawak ang pagbubuod nila palibhasa’y isinasagawa nila ito sa
pamamagitan ng pangongolekta ng mga detalye na hindi naman nila alam
isaayos.
Ang pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto
o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang
impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal,
hindi ito kailangang maging sariling akda. Wala ritong isasamang sariling
opinion o palagay hinggil sa paksa. Ang isasaad lamang dito ay kung ano
ang nasa teksto. Kaya kailangang panatilihin ang mga bianggit na
katotohanan o mga puntong binigyang-diin sa akda.
Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahahalagang
kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang binubuod o nilalagom,
kailangan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat
padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging
malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori,
maaaring ilahad ang mga dahilan at katwirang ginamit upang maayos at
mabisa ang paglalahad.
Halimbawang Teksto
Orihinal Buod
Ang K to 12 ay pinaluwag at Ang K to 12 ay dinisenyo
pinagyaman, research-based upang lumikha ng kapaki-
at learner centered na pakinabang na mamamayag
kurikulum. Dinisenyo ito na makapag-aambag sa lalong
linangin ang mag-aaral na pag-angat ng maunlad,
magkaroon ng malusog na makatarungan, at
pag-iisip at pangangatawa; makataong lipunan; ng
may matatag na mamamayang
pagpapahalagang moral at magpapahalaga at mag-
may paninindigang iingat sa kagandahan ng
espiritwal; may sapat na kalikasan at kinabukasan.
kaalaman at kakayahan
hinggil sa walang-hanggang
pagtuklas ng karunungan at
pagkamit ng mga pangarap;
nakapag-iisip nang
mapanuri at nakasasagot ng
komplikadong mga
problema; nakapag-aambag
sa lalong pag-angat ng
maunlad, makatarungan, at
makataong lipunan;
ikinararangal na siya’y
Filipino; at pinahahalagahan
at iniingatan ang
kagandahan ng kapaligiran
para sa kinabukasan.
Introduksiyon 2: Pagsasalin, Pagpaparapreys
(Paraphrasing) at Pagbabalangkas
Karamihan sa mga tekstomg naususlat hinggil sa iba’t ibang disiplina ay nasa
wikang Ingles. Sa mga mananaliksik sa wikang Filipino ay nagiging dagdag na
pasanin ito, kung hindi man, sagabal na maituturing ito. Sanhi nito, isang
pangangailangan sa mga mananaliksik ang malawak na kaalaman sa
pagsasalin. Pangangailangan din ang kahusayan sa pagpaparapreys at
pagbabalangkas.
1. Pagsasalin
Maraming awtor ang nagbigay ng kaniya-kaniyang pakahulugan
tungkol sa pagsasalin. Ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa
pinagsalinang wika (target language) ng pinakamalapit na katumbas ng
diwa o mensaheng isinasaad sa wikang isinasalin (source language). Sa
kaniyang Mga Hamon sa Pagsasalin sa Filipinas (2002), sa pagbanggit
nina Constantino, et al. (2013), sinasabi ni Almario na ang mga tagasalin
sa kasalukuyan ay kalahok sa pagpapakinis sa wikang Filipino bilang
wika ng karunungang akademiko. Sa kaniya namang Responsableng
Pagsasalin (2002), sa pagbanggit pa rin nina Constantino, et al. (2013),
sinasabi ni Mandia na sa gawaing pagsasalin ay napakaimportante na
mabigyang-halaga ang tamang gamit ng Filipino bilang kulturang
pagkakakilanlan ng mga Filipino. Ang pagpapahalaga sa wika, dagdag
niya, ay paggalang at pagkilala sa kulturang Filipino.
4. Pagsulat ng burador.
Pagsulat ng unang burador. Pag-ukulan muna ng pansin ang
kahulugan. Pagkatapos na maunawaan ang kahulugan ay saka isulat ang
katumbas na kahulugan sa paraang natural. Huwag munang gaanong
pansinin ang impormasyon sapagkat maaari naman itong idagdag
pagkatapos.
Pagsasaayos ng unang burador. Bayan muna ng ilang araw ang
ginawang salin. Tinatawag ito ng iba na “pagpapatulog”. Ginagawa ito
upang sakali mang magkaroon ng bagong pananaw at ideya tungkol sa
ginawang pagsasalin ay magagawa pa ito. Sa pagsasaayos ng unang
burador ay dapat na isaalang-alang ang maling grammar, maling ayos,
maligoy na mga salita, malabong salita at estilo. Suriin din ang naging
kahulugan kung mayroon bang nabawas, nadagdag, naiba o walang
kahulugan? Pansinin kung ang diwang nais ipahayag ay malinaw na
naisalin. Tingnan kung may mga salitang malalim na hindi mauunawaan
ng pinag-uukulang antas ng mga mambabasa. Pagaanin ang balangkas
ng pangungusap na maaaring Malabo o nakalilito sa mambabasa.
Pagsulat ng ikalawang burador. Balikan at muling isagawa ang mga
hakbang sa pagsasaayos ng unang burador. Gawin ito ng dalawa o higit
pang beses, o hangga’t sa pagtaya ay hindi pa ganap na makinis ang salin.
Pangwakas na pagsusulat. Pagkatapos ng masusing pagsusuri,
kung sa pagtaya ay makinis na ang salin, maaari nang gawin ang
pangwakas na pagsulat.
3. Pagbabalangkas
Ang pagbabalangkas ay Sistema ng isang maayos na paghahati-hati
ng mga kaisipan, kaalaman at datos ayon sa tataluntuning lohikal na
pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsusulat. Ito ang
pinakakalansay ng isang sulatin na nagsisilbing hulmahan ng
kalalabasang porma ng isang katha. Nagsisilbi rin itong gabay sa
matalinong pag-abante ng bawat puntong tatalakayin. Ayon sa mga
eksperto, sinasabing kapag ang isang manunulat ay nakapaghanda ng
isang matalinong balangkas para sa isang kathain at maluwag na naidaos
niya ang panimula, nangangalahati na siya sa sinusulat dahil alam na
niya kung ano-ano pa ang mga dapat na sasabihin.
May kahirapan din ang paghahanda ng balangkas. Kinakailangang
pagbuhusan ng manunulat ng matalinong pag-iisip ang lahat ng aspekto
at anggulong tutunguhin ng kaniyang isusulat hinggil sa paksa. Ito ay
sapagkat ang balangkas ang nagbibigay-hudyat sa paghahati niya ng mga
kaisipan.
Nababahagi sa tatlong kategorya ang balangkas: dibisyon, seksyon
at sub-dibisyon. Ang dibisyon ay pinananadaan ng mga Bilang Romano (I,
II, III, IV, V, atb); ang seksyon ay pinanandaan ng malalaking titik ng
alpabeto (A, B, C, D, E, atb); at ang sub-dibisyon ay ng Bilang Arabiko (1,
2, 3, 4, 5, atb). Kung minsan, may paghahati pa sa sub-dibisyon na ang
maliliit na titik ng Alpabeto (a, b, c, d, e, atb) ang ginagamit na pananda.
Ganito ang karaniwang kinalalabasang porma ng isang balangkas:
I. Introduksiyon
A. Layunin ng Pananaliksik
B. Kahalagahan ng Paksa
C. Kasaysayan ng Paksa
II. Diskusyon (o katawan ng sulatin)
A. Unang Puntong Dapat Talakayin
1. Kaunlaran ng Puntong ito
a. (isang aspektong pampaunlad)
b. (iba pang aspektong pampaunlad)
2. Pagpapalawak sa kaunlarang ito
a. (isang aspektong pampalawak)
b. (iba pang aspektong pampalawak)
B. Pangalawang Punto
C. Pangatlong Punto
III. Konklusyon