Gawain III (Demakiling)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Pilipinas ay mayroon ng sarili panitikan bago pa man dumating ang mga kastila.

May mga
sariling paniniwala na nag mula sa iba’t ibang pangkat o lugar na naninirahan dito. Halimbawa na lang
nito ang mga alamat kung saan karaniwang paksa dito mga pinagmulan ng isang lugar, katawagan at
iba pa, mga kwentong bayan kung saan na pagsalin salin sa mga tao tinatalakay dito kung ano nagyayari
sa mga paligid ligid, mga epiko kung saan nakapaloob dito ang kultura ng isang lalawigan at
nagsasalaysay ito ng kapangyarihan ng pangunahing tauhan, mga awiting bayan kung saan
nagpapahayag ito ng tunay na kalingan ng mga Pilipipmo at maraming pang iba. Ang mga ito ay
matuturing na makatotohan noong panahon na iyon, karamihan sa kanila ang sumasamba sa mga anito
o diyos-diyusan.
Subalit sa panahong ngayon may mga ilan na nagsasabing hindi na maituturing na
makatotohanan ang mga nakapaloob sa Panahon ng Pre-kolonyal. Dahil na din pag iiba ng ating pag
iisip at umusbong na din ang mga siyensya sa ating panahon. Hindi natin sila masisi dahil mayroon
tayong kanya kanyang paniniwala ukol dito. Isa sa halimbawa na lang ay yung pag papakilala saatin
ng Kristiyanismo, dahil dito karamiran saatin ay maka diyos. At dito na din umusbong ang pagsasamba
sa mga puno, bato, santo at maraming pang iba. Ngunit, mayroon naman na maituturing na
makatotohanan na ating ginagamit hanggang ngayon. Tulad ng kantahing bayan o awit na nagbibigay
ng aliw saatin. Mga bugtong na nagbibigay ng kakaibang palaisipan. At mga kasabihan at salawikain
na nagbibigay ng magandang aral.
Binibigyan diin dito kung gaano kahalaga sa kasaysayan ang mga Pre-kolonyal na Literatura
sa Pilipinas. Nagpapakita ito ng mga iba’t ibang katangian ng mga Pilipino. Dito din maiiugnay an g
mga pinag mulan at mga karanasan na silasalin nila o pagsalin- salin sa bibig ng mga tao. Napakalaki
ng ginagampanan ng mga panitikan saatin kaya kailagan natin pahalagahan ang mga ito dahil ito
lamang ang mga natitirang pamana ng ating mga ninuno. Ipinapakita lang dito kung gaano kayaman
ang kulturang Pilipino noon at hanggang ngayon.

You might also like