Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

De Castro, Marjorie M.

BSED Filipino 1202

Kahalagahan ng Karapatang Pantao

(Repleksyon)

Bilang tao, isinilang tayong may kaakibat na karapatan. Karapatan na dapat

tamasahin at dapat na palaging isaalang-alang. Habang tayo ay nabubuhay, hindi

maiaalis ang ating mga karapatan bilang isang tao at bilang isang mamamayan sa

bansang ating ginagalawan. Ang ating mga karapatan, kung ating iisipin ay isang bagay

na libre, na hindi kailangang bilhin, hindi kailangang hingin, hindi kailangang

magmakaawa sa iba para matamasa at higit sa lahat, hinding hindi ito dapat ipagkait.

Nakakalungkot mang isipin, ngayon dito sa ating bansa, tila tuluyan ng nawawala ang

mga karapatan ng mga tao. Isang halimbawa na rito ay ang karapatang mabuhay.

Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, kabi-kabila na ang nababalitaan nating

pagpaslang at karamihan sa mga dahilan nito ay ang paggamit ng ipinagbabawal na

gamot. May nagawa man na mali sayo ang isang tao, wala pa rin tayong karapatang

kumitil ng buhay ng sinuman lalong lalo na kung gagamitin natin ang ating

kapangyarihan at posisyon para gawin ito. Sa isyu naman ng karapatan sa pagmamay-

ari, andyan naman ang daan-daang katutubo na ipinaglalaban ang kanilang karapatan

sa kanilang lupa at ang sunud-sunod na pagdemolish ng mga bahay ng mga kapus-

palad na kapwa natin Pilipino. Nalabag ang karapatan ng daan-daang katutubo dahil

sapilitang kinuha ang kanilang mga pag-aari sa pamamagitan ng dahas, pananakot at

pagbayad ng mga pekeng datu na pumirma sa kasunduan ng pagmamay-ari sa lupa


para lang makuha ang lupain sa kanila at nalabag naman ang karapatan ng mga taong

inalisan ng bahay at trabaho dahil gobyerno na ang may utos nito at wala silang

magawa hinggil doon. Tulad na rin ng ating karapatan sa malayang pagpapahayag ng

mga saloobin lalo na dahil sa pag-usbong ng iba’t ibang social media sites.

Mahirap lumaban sa isang lipunan na hindi nakakaunawa o nakakaramdam sa

halaga ng karapatang pantao. Mahirap makipagtunggali sa isang mundo kung saan

hindi naiintindihan ng nakararami na lahat tayo ay may karapatang pantao, at dapat

itong bigyan ng respeto. Katungkulan din ng mga pampublikong awtoridad na supilin at

parusahan ang anumang paglabag sa karapatang pantao. Ang maayos na lipunan ay

nangangailangan ng mga taong kumikilala at sumasabuhay sa kanilang mga karapatan

at tungkulin bilang tao. Kung nais natin ng maayos na lipunan, kailangan nating bukas-

palad na mag-ambag sa pagtataguyod ng isang mundo kung saan ang ating mga

karapatan ay nirerespeto at hindi niyuyurakan ng ibang tao. Kaya dapat isabuhay ng

bawat isa na ang bawat karapatan ay irespeto, wag abusuhin bagkus ay gamitin ng

tama at tamasahin ng bawat isa.

You might also like