Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

AP/Assessment for Week 1

Pangalan:_____________________________ Seksiyon:_________________

Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance?
A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes
B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare
2. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa Modernong
Panahon?
A. Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan.
B. Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.
C. Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensiyon at agham.
3. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa kasalukuyang panahon?
A. Nagdudulot ito ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko.
B. Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanism.
C. Naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman.
D. Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman
sa iba’t ibang larangan lalo na sa agham.
4. Ano ang pinagkakaabalahang gawain ng mga tao sa Italy bago sumibol ang Renaissance?
A. mga gawaing pambahay
B. pagtuklas ng mga bagong lupain
C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
D. mga gawain, aral at turo ng simbahan
5. Sinong sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and Eve?
A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola
B. Laura Cerata D. Veronica Franco
6. Alin sa sumusunod ang angkop na kahulugan ng Renaissance?
A. muling pagbabago C. muling pagkatuto
B. muling pagkagising D. muling pagsilang
7. Sa anong bansa umusbong ang Renaissance?
A. France C. Greece
B. Germany D. Italy15
8. Sa anong larangan nakasalalay ang yaman ng mga lungsod-estado sa panahon ng Renaissance?
A. kalakalan at industriya
B. pangingisda at pagsasaka
C. pagpapastol at pagbabarter
D. pagsasaka at pag-aalaga ng hayop
9. Anong kilusang intelektuwalang nabuo noong panahon ng Renaissance?
A. Humanismo C. Propaganda
B. Pagbabago D. Reporma
10.Sino sa mga sumusunod ang kinikilala bilang “Prinsipe ng mga Humanista?”
A. Desiderius Erasmus C. Nicollo Machievelli
B. Giovanni Boccaccio D. William Shakespeare
11.Ang panahong Renaissance ay kakikitaan ng mga sumusunod na katangian maliban sa isa:
A. Pagbibigay halaga sa tao at ikabubuti nito.
B. Pagsunod sa kagustuhan ng simbahan.
C. Paglikha ng iba’t- ibang anyo ng sining.
D. Pag-usbong mga mga humanista.
12.Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapaliwanag kung bakit
ito nagsimula sa Italya.
A. Taglay nito ang magandang lokasyon.
B. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma.
C. Maraming unibersidad na pwedeng pag-aralan.
D. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano.
13.Sa aling obra maestra ni Leonardo da Vinci ipinapakita ang isang mahalagang eksena sa buhay ni
Kristo kasama ang kaniyang labindalawang disipulo?
A. Mona Lisa
B. Tribute Money
C. The Last Supper
D. Madonna and the Child
14.Ano ang pinakamahalagang papel na ginampanan ng mga unibersidad sa Europa sa panahon ng
Renaissance?
A. Nagpalawak ng Simbahang Katoliko sa Italya.
B. Nagtaguyod ng pagbuhay muli sa kulturang klasikal.
C. Bumuhay muli sa mga turo at aral ng Simbahang Katoliko.
D. Nagturo ng mga tamang pagpapahalaga bilang isang mamamayan.
15.Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ni Sir Isaac Newton sa larangan ng agham?
A. Batas ng Universe
B. Teoryang Copernican
C. Teoryang Heliocentric
D. Batas ng Universal Gravitation16

You might also like