Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Masusing Banghay Aralin

Sa Filipino 7
Pinagyamang Pluma

Ipinasa ni: Mosa, Cristopher M.


Mag-aaral, BSED-FILIPINO 3D
Masusing Banghay Aralin
sa Filipino 7
Pinagyamang Pluma

I. Layunin
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

A. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang


napakinggan (F7PNIc-d-2);
B. Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunodsunod ng
mga pangyayari sa kuwento (F7PS-Id-e-4); at
C. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling
karanasan (F7PB-Ih-i-5)

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pabula Na Pinamagatang “Natalo Rin Si Pilandok”
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 ni Alma M. Dayag, pahina 27-31.
C. Kwarter: Una
D. Kagamitan: Kagamitang Elektroniko at Biswal
E. Pagpapahalaga: Mahalagang malaman ng mga mag-aaral kung ano ang
tama o mali at matutuhan ang pagsasabi ng totoo.
F. Istratehiya: “Who’s Behind The Animals”
G. Metodolohiya: Pasaklaw
H. Kasanayang Lilinangin: Pakikinig

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Maari ba tayong tumayo at tayo’y
manalangin.
(tatayo ang mga mag-aaral)
Richelle, pangunahan mo ang
panalangin.
Tayo’y yumuko at damhin ang
presensya ng ating Panginoon.
Panginoon, maraming salamat po sa
araw na ito at sa lahat ng biyayang
natatanggap namin. Patuloy po
ninyong basbasan at gabayan ang
bawat isa. AMEN.
2. Pagbati
Magandang umaga!
Magandang umaga po sir!
Bago kayo umupo ay tiyaking
maayos at malinis ang silong ng
inyong upuan.
(aayusin at pupulutin ang kalat sa
upuan)
3. Pagtiyak sa Dumalo
Kalihim, may lumiban ba sa araw na
ito?
Wala po sir!
Mabuti kung ganoon.
4. Balik-aral
Noong nakaraang araw ay natalakay
natin ang tungkol sa tulang “Maganda
ang Lahat” ni Rufino Alejandro. Sino
ang nais magbalik tanaw at ibahagi ito
sa klase?
Subukin mo nga Dea!
Tinalakay po natin noong nakaraang
ang tungkol sa tulang “Maganda ang
Lahat” na nagpapakita ng
kagandahan ng kalikasan ay
sumisimbolo ito sa ating buhay
bilang tao na naninirahan sa
mundo..
Magaling! Tunay ngang nakinig kayo
at naunawaan ang tula.
5. Pagganyak
Bago tayo mag-umpisa klase ay
maipanonood muna ako sa inyo.
Magpokus at unawain ito.
Maliwanag ba klase?
Opo sir!
Kung gayon humanda na sa
panonood
(i-play yung 5 minutong bidyu)
(manonood ang mga mag-aaral)
Batay sa inyong napanood, ano ang
mga katangian ni Tom sawyer?
Subukin mo nga Aldrei!
Manloloko sir!
Magaling! Ano pa?
Subukin mo nga Dea!
Sinungaling sir!
Mahusay! Ano pa?
Shayrine subukin mo nga!
Mapanlinlang sir!
Tama! Ano pa?
Magbigay pa ng isa Jenevieve!
Tuso sir!
Magaling! Ang lahat ng sinabi niyo
na katangian ni Tom Sawyer na
Pagiging sinungaling, mapanlinlang,
manloloko at tuso ay may
pagkakahawig sa kwento na ating
tatalakayin sa araw na ito.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang ating tatalakayin sa araw na ito
ay isang pabula na pinamagatang “
Natalo Rin Si Pilandok”
(ididikit sa pisara)
2. Paghawan ng Sagabal
Nais ko lang malaman ninyo na sa
inyong pakikinig ay maririnig ninyo
ang mga katawagan na Pilandok at
Baboy-ramo, Suso at Buwaya na mga
tauhan sa kwento.
Ano ba ang tinatawag na Pilandok?
Ano ba ang tawag nito sa Ingles?
Subukin mo nga Jessica!
Mouse deer po sir!
Magaling ang pilandok ay ang
tinatawag na Mouse deer sa ingles at
ganito ang itsura ng Pilandok.
(ipakikita ang litrato ng Pilandok)
Eh ano naman ang tawag sa ingles
ang baboy-ramo?
Subukin mo nga Ronald!
Wild pig sir!
Mahusay! Ito ay tinatawag na wild
pig sa ingles at ganito ang itsura ng
baboy-ramo.
(ipakikita ang litrato ng baboy-ramo)
Ano naman sa ingles ang suso?
Subukin mo nga Angie!
Snail po sir!
Magaling! Ito ay tinatawag na snail
sa ingles at ganito ang itsura niya.
(ipakikita ang litrato ng suso)
Ang buwaya? Ano sa ingles? Alam
kong pamilyar na kayo rito.
Subukin mo nga Aimee!
Crocodile po sir!
Mahusay! At ganito ang itsura naman
ng buwaya.
(ipakikita ang litrato ng buwaya)
3. Pagtalakay
Ngayon dumako na tayo sa ating
aralin. Kinakailangang makinig kayo sa
aking ipe-play na audio sapagkat may
pagkakataong ititigil ko ito at
magtatanong ako sa inyo. At upang
malaman kung sino ang sasagot ay
may tinatawag ako ritong “who’s
behind the animals chart” na
naglalaman ng mga pangalan niyo sa
likod nito. Bubunot ako ng hayop, at
kung sino o kaninong pangalan ang
nasa likod nito ay siyang sasagot.
Maliwanag ba klase?
Opo sir!
Kung gayon, manahimik na ang lahat
at makinig Mabuti.
(ipe-play ang audio)
(makikinig ang mga mag-aaral)
(pahihintuin ang audio)
Sa tingin niyo ano ang magiging
reaksyon ni Pilandok o ano ang
kanyang gagawin?
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng aso ay si Joshua.
Joshua, sa tingin niyo ano ang
magiging reaksyon ni Pilandok o ano
ang kanyang gagawin?
Dahil tuso at mapanlinlang si
Pilandok ay maaaring linlangin or
utohin niya ito.
Siguro? Malalaman natin iyan sa
pagpapatuloy ng kwento.
(ipe-play ang audio)
(makikinig ang mga mag-aaral)
(pahihintuin ang audio)
Sasama kaya sa tingin niyo si
Baboy-ramo kay pilandok?
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng pusa ay si
Margarette.
Margarette, sa tingin mo sasama
kaya si Baboy-ramo?
Opo sir dahil nadala siya sa
panlilinlang na sinabi ni Pilandok sa
kanya.
Pwede? Ipagpapatuloy natin ang
pakikinig.
(ipe-play ang audio)
(makikinig ang mga mag-aaral)
(pahihintuin ang audio)
Mahuhulog kaya si Baboy-ramo sa
bitag ni Pilandok?
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng kabayo ay si
Angie.
Angie, mahuhulog kaya si Baboy-
ramo kay Pilandok?
Siguro sir, dahil sa mga
pambobolang sinabi ni Pilandok kay
Baboy-ramo kaya siguro siya ay
mahuhulog sa bitag.
Pwede, maaring madala siya sa
pambobola ni Pilandok.
Makinig mabuti at ipagpapatuloy na
nating ang pakikinig.
(ipe-play ang audio) (makikinig ang mga mag-aaral)

(pahihintuin ang audio)


Susunggaban na kaya ni Baboy-
ramo ang bata?
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng kalabaw ay si
Rosheila.
Rosheila,susunggaban na kaya ni
Baboy-ramo ang bata? Hindi sir, kasi baka sasabihin ni
Pilandok na hindi ito ang kanyang
pagkain dahil may ibang balak si
Pilandok na mahuli si Baboy-ramo
ng tao

Siguro, Ipagpapatuloy na ang


pakikinig.
(ipe-play ang audio) (makikinig ang mga mag-aaral)

(pahihintuin ang audio)


Ngayon, susunggaban na kaya ni
Baboy-ramo ang matikas at
matangkad na mangangaso?
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng baboy ay si
Gilbert.
Gilbert, susunggaban na kaya ni
Baboy-ramo ang matikas at
matangkad na mangangaso? Opo sir, dahil sa gutom aakalain
niyang mabubusog siya rito gaya ng
sabi ni Pilandok.

Maaari! Ipagpatuloy ang pakikinig


(ipe-play ang audio) (makikinig ang mga mag-aaral)

(pahihintuin ang audio)


Maiisahan kaya muli ni Pilandok si
Buwaya?
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng buwaya ay si
Suguitan.
Suguitan, maiisahan kaya muli ni
Pilandok si Buwaya? Opo sir dahil magaling sa
panlilinlang si Pilandok kaya baka
madadala nanaman si Buwaya.

Pwede! malalaman natin iyan sa


pagpapatuloy ng kwento kaya makinig
Mabuti.
(ipe-play ang audio) (makikinig ang mga mag-aaral)

(pahihintuin ang audio)


Matatalo na kaya si Pilandok
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng kambing ay si
Cjay.
Cjay, matatalo na kaya si pilandok? Opo sir dahil alam ng mga suso na
mandaraya si Pilandok kaya siya
naman ang dadayain

Malalaman natin iyan sa wakas ng


kwento kaya makinig Mabuti.
(ipe-play ang audio)
At diyan natatapos ang kwento.
Ngayon, maari mo bang ibuod ang
kwento?
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng leon ay si Ronald.
Ronald maari mo bang ibuod ang
kwento? Si pilandok ay isang tuso at
mapanlinlang na nilalang. Naisahan
niya si Baboy-ramo sa paraang
panlilinlang at nabitag ito at
napasakamay ng mangangaso.
Naisahan din ulit niya si Buwaya
matapos itong kagatin sa ilog.
Ngunit siya naman ang naisahan ng
mga suso sa kanilang ginawang
karera.

Tama! Ngayon naman, batay sa


kwento may pagkakataon bang naloko
rin kayo?
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng tigre ay si Keith.
Keith naranasan mo na bang maloko
gaya ng mga naranasan ng iba sa
kwento sa kamay ni Pilandok? Opo sir! Noon bata pa po kasi ako
bumili ako sa tindahan ng pagkain
pero kulang po yung binigay na sukli
sa akin tapos nung bumalik ako
ipinagpilitan nilang sakto yung
binarya sa akin kahit hindi naman
po.

May pagkakahawig nga sa kwento


yung naging karanasan mo na kung
saan ay ikaw ay nakaranas ng
panloloko.
Isa pang magbabahagi ng kanyang
naging karanasan.
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng pato ay si
Christine
Christine maari mo bang ibahagi ang
iyong naging karanasan. Hindi po sa akin pero sa mama ko.
Nagpalinlang siya sa mga
magagandang salita ng aking ama
na mahal niya kami pero iniwan
naman kami.

May pagkakahawig nga sa


kwentong inyong napakinggan.
Tunay ngang nakinig kayong mabuti
sa kwentong inyong napakinggan.

4. Paglalapat
Sa puntong ito klase ay
magkakaroon kayo ng pangkatang
gawain at papangkatin ko kayo sa
tatlo.
Simulan na ang pagbibilang. (magbibilang ang mga mag-aaral)

Ngayon pumunta na kayo sa inyong


mga pangkat. Ang unang pangkat ay
sa kaliwa, ang ikalawa ay sa kanan at
ang pangatlo ay sa likurang bahagi. (pupunta ang mga mag-aaral sa
kani-kanilang pangkat)

Bawat pangkat ay bibigyang ko ng


gawain. Para sa unang pangkat ay
kailangan ninyong isulat ang
pangyayari o engkwentro sa pagitan ni
Pilandok at Baboy-ramo. Sa ikalawang
pangkat naman ay ang pangyayari o
engkwentro sa pagitan ni Pilandok at
Buwaya. At sa huling pangkat naman
ay ang pangyayari o engkwentro sa
pagitan ni Pilandok at mga Suso.
Mayroon lamang kayong 5 minuto
upang tapusin ito. Pagkatapos ay
pumili kayo ng tig-isang kinatawan
upang magbahagi ng inyong ginawa.
Maliwanag ba klase?
Opo sir!
Kung gayon simulan na.
(magsusulat ang mga mag-aaral)
Tapos na ang limang minuto. Para
sa unang pangkat ibahagi na ang
inyong nagawa.
Habang naglalakad si Pilandok ay
sumulpot si Baboy-ramo na gutom
na gutom. Nang susunggaban na
sana ni Baboy-ramo si pilandok ay
sinabi nitong hindi siya mabubusog
dito at ang kailangan niya ay tao.
Nahulog sa bitag si Baboy-ramo at
nang sunggaban niya ang
matangkad at matikas na
mangangaso ay siya ang nahuli nito.

Magaling! Ngayon naman ay dumako


tayo sa ikalawang pangkat. Nagpasya si Pilandok na uminom sa
ilog dahil uhaw na uhaw ito. Biglang
kinagat ni Buwaya si pilandok sa
paa at sinabi nitong hindi na niya ito
maiisahan gaya ng ginawa niya
noon.
Ngunit sinabi ni pilandok na patpat
ang nakagat ni Buwaya at hindi ang
kanyang paa. Nang bitawan ito ni
Buwaya ay nagkaroon ito ng
pagkakataon na makatakas.

Mahusay! At ngayon naman ay ang


ikatlong pangkat. Hinamon ni Pilandok si Suso sa
isang karera. Lingid sa kaalaman ni
Pilandok ay kalat na ang kanyang
Pagiging mandaraya at panloloko.
Kaya naman hindi alam ni Pilandok
na magkakahawig lahat ng suso na
animo’y iisa. Kaya sa pagkakataong
ito natalo rin si Pilandok sa paraang
pandaraya.

Magaling! Tunay ngang nakinig kayo


at naunawaang mabuti ang kwento.
5. Pagpapahalaga
Sa kwentong ating natalakay ano
ang napulot niyong aral?
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng manok ay si Culo.
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw
mong gawin sa iyo. Ang pandaraya
at panloloko ay masama at wala
itong magandang idudulot sa kapwa.
Magaling! Ito ang golden rule, huwag
mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin sa iyo.
6. Paglalahat
Ngayon naman, sa panagalawang
pagkakataon maari niyo bang ibahagi
ang ating natalakay sa araw na ito.
(bubunot ng hayop)
Ang nasa likod ng daga ay si Aldrei. Si pilandok ay isang tuso at
mapanlinlang na nilalang. Naisahan
niya si Baboy-ramo sa paraang
panlilinlang at nabitag ito at
napasakamay ng mangangaso.
Naisahan din ulit niya si Buwaya
matapos itong kagatin sa ilog.
Ngunit siya naman ang naisahan ng
mga suso sa kanilang ginawang
karera.

Mahusay! Tunay ngang naunawaan


ang ating tinalakay sa araw na ito.
IV. Ebalwasyon
Ngayon naman ay magkakaroon
tayo ng maikling pagsusulit.
Test 1: Tama o Mali (5 aytem). Isulat
ang Tama kapag ang pahayag ay tama
at isulat naman ang Mali kung ito ay
mali.
1. Madalas na panlilinlang ang
ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga
laban kaya naman lagi siyang nanalo.
2. Hinamon ni Pilandok sa isang karera
si Suso ngunit hindi ito pumayag dahil
alam niyang matatalo siya.
3. May hawak na patpat si Pilandok at
ginamit ito upang pamukpok kay
Buwaya upang ito’y makatakas.
4. Nagpunta si Pilandok sa paborito
niyang batis upang maligo dahil sa init
ng panahon.
5. Nang sunggaban ni Baboy-ramo
ang bata ay nahuli ito ng kanyang
amang mangangaso.
Test 2. Aytem na may pamimilian.
Isulat lamang ang titik ng
pinakatumpak na sagot.
1. Kilala siya sa pagiging tuso at
mapanlinlang.
a. Buwaya
b. Baboy-ramo
c. Pilandok
d. Suso.
2. Sino ang nakatalo kay Pilandok sa
isang karera?
a. Suso
b. Baboy-ramo
c. Buwaya
d. wala sa nabanggit
3. Ano ang sinabi ni Pilandok na
makabubusog kay Baboy-ramo?
a. Tao
b. Kamote
c. Prutas
d. wala sa nabanggit
4. “kaibigan hindi pa iyan ang tao.
Sumisibol palang iyan kaya’t hindi ka
pa masisiyahan diyan” kanino ito sinabi
ni Pilandok?
a. Buwaya
b. Baboy-ramo
c. Suso
d. wala sa nabanggit
5. “Ano ba ang tao? Tiyak ka bang
mabubusog ako sa tao?” sino ang
nagtanong nito?
a. Baboy-ramo
b. Buwaya
c. Suso
d. Pilandok
Ipasa na ang inyong mga papel
paharap.

V. Kasunduan (magpapasa ang mga mag-aaral)


Para sa susunod na aralin, basahin
ang alamat ng Durian.
Maliwanag ba klase?

Paalam klase! Opo sir!

Paalam po sir!

You might also like