Professional Documents
Culture Documents
Akademikong Sulatin Bilang 7 - Pagsulat NG Talumpati
Akademikong Sulatin Bilang 7 - Pagsulat NG Talumpati
Magandang umaga mga kapwa ko kabataan. Narito ako nakatayo sainyong harapan,
upang muling buhayin ang pag asa ng ating bayan; tayo na mga kabataan.
Ang kabataan parin ba ang pag asa ng bayan? Kabataan parin nga ba ang susi sa
kinabukasan? Kabataan parin ba ang magbibigay ng kaginhawaan? Kabataan parin nga ba?
Tingnan natin ang kabataang nasa ating paligid. Ihalintulad na lamang natin sila sa isang bundok
na unti unting nawawalan ng halaman at mga puno. Kabataan na unti unting lumilihis ng daan.
Kapwa natin kabataan na naliligaw na ng patutunguhan. Kabataang unti unting nalalayo sa
reyalidad at katotohanan.
Bilang isang kabataan, kabataan na lumalaban para sa kinabukasan, tayo mismong kapwa
nila ang magbibigay hagdan upang tulungan silang muli na maibangon ang kanilang sarili.
Tulungan silang maimulat sa totoong mundong ating ginagalawan. Tulungan silang tumayo at
magsimula muli galing sa kalugmukan ng problemang kanilang kinakaharap. Maraming
kabataan ang napapariwa. Kabataang sabihan lang ng mahal kita, handa na nilang gawin ang
lahat. Salitang kahit kalian, hindi nila naramdaman sa loob ng kanilang tahanan. Hindi nila
naramdaman sa sarili nilang pamilya. Kabataang uhaw na uhaw sa pag-aaruga at atensyon.
Kabataang napag-iwanan na ng panahon.
Buhayin natin muli ang iniwan ng ating pambansang bayani sa ating mga puso’t isipan.
“Kabataan ang pag-asa ng bayan”. Tumayo tayong muli at sabay sabay na iwagayway ang
bandera ng kabataan. Sabay sabay nating isigaw na tayo, kaming mga kabataan, ang pag asa ng
ating bayan.