Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

1.

Unit Title: “Ang Pagkilala sa Bansang Aking Pinagmulan, ang Pilipinas”

2. Time Requirements: 40 minutes

3. List of Topics:
Aralin 1: Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Aralin 2: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas
Aralin 3: Ang Teritoryo ng Pilipinas
Aralin 4: Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal
Aralin 5: Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa

4. Target Students: Mag-aaral sa Ika-apat na Baitang

5. Rationale:
Sa simulang aralin ng unit ay tatalakayin ang pagkilala sa bansa.
Nakapaloob dito ang pagtatalakay sa konsepto ng bansa, pagbuo ng kahulugan
nito, at pagpapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa. Kasunod nito ay ang
pagtatampok ng relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito
gamit ang pangunahing at pangalawang direksyon. Tutukuyin din sa mapa ang
kinalalagyan ng Pilipinas sa rehiyong Asya at sa mundo. Sa bandang huli ay
ipapaliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang maritime o insular,
at tatalakayin ang katangiang pisikal ng bansa. Ilalarawan ang bansa ayon sa
mga katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito. Isusunod ang mga
implikasyon nito. Itatampok din ang nga mungkahi upang mabawasan ang
masamang epektong dukot ng kalamidad. Sa dakong huli ay ilalahad ang
konklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-unlad ng
bansa.

6. Goals:
Aralin 1: Naipamamalas ang pag-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa at
kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon
ng bansa.
-Natatalakay ang konsepto ng bansa, kahulugan nito at kung bakit ang Pilipinas
ay tinuring na bansa.
Aralin 2: Natutukoy ang lokasyon ng Pilipinas at kinalalagyan ng bansa sa
rehiyong Asya at sa mundo.
Aralin 3: Natatalunton ang hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit
ang mapa at iba pang kagamitang pangsukat kagaya ng ruler at iskala.
Aralin 4: Natutukoy ang klima at panahon sa Pilipinas at kung bakit ito tinawag
na bansang tropical.
Aralin 5: Nalalaman ang iba pang salik na may kinalaman at nakakaapekto sa
klima ng bansa.

7. Objectives:
Aralin 1:
 Natatalakay ang konsepto ng bansa.
 Nakabubuo ng kahulugan ng bansa.
 Naipaliliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.

Aralin 2:

 Natutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid


dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon.
 Natutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa rehiyong Asya at sa
mundo.

Aralin 3:

 Nakagagawa ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng bansa gamit


ang mga batayang heograpiya tulad ng iskala, distansiya, at direksiyon.
 Natatalunton ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit
ang mapa.

Aralin 4:

 Naiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon ng bansa sa mundo.


 Nakikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal.

Aralin 5:

 Natutukoy ang iba pang salik (temperatura, dami ng ulan) na may


kinalaman sa klima ng bansa.
 Nailalarawan ang klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng
mapang pangklima.
8. Teaching Strategies:
Aralin Estratehiya/ kagamitan
Aralin 1: Ang Pilipinas ay Isang Natatalakay ang mga katangian na
Bansa nagpapatunay na ang Pilipinas ay
isang bansa sa pamamaraang
pagbasa ng tula na “Pilipinas, Isang
Bansa” ni Ynnos Azaban at
bibilugan ang mga salitang
nagpapatunay na ang Pilipinas ay
isa ngang bansa.
Natutukoy ang mga katangian ng
isang lugar para maituring na isang
bansa sa tulong ng maikling
pagsusulit, gawain at palaro tulad
ng larong “Sakay, Lakbay, Salakay”
na linikha ni Ynnos Azaban na kung
saan kukuha ang mag-aaral ng
apat na bahagi ng papel at
susulatan nila ito ng mga katangian
ng Pilipinas. Sa mga susunod na
panuto ay siya ng tatalakayin ng
guro.
Aralin 2: Ang Kinalalagyan ng Natutukoy ang kinalalagyan ng
Pilipinas Pilipinas sa pamamgitan ng
pangkatang gawain, maikling
pagsusulit at pagsagot sa
worksheet sa tulong ng mapa at
pangunahin at pangalawang
direksiyon na ilalahad ng guro.
Naisasakatuparan ang layunin sa
pamamagitan ng pagtatalakay,
pagpapanuod sa mga mag-aaral ng
bidyo na nagpapakita ng kalagayan
ng Pilipinas sa tulong ng mga
kagamitang panturo kagaya ng PPt
at biswal.
Aralin 3: Ang Teritoryo ng Pilipinas Nakagagawa ng interpretasyon
tungkol sa kinalalagyan ng bansa
sa pamamagitan ng pagpapakita
ng ilustrasyon ng mapa sa mga
bata at pagbibigay sa kanila ng
panuto sa susunod na gagawin sa
tulong na rin ng batayang
heograpiya tulad ng iskala,
distansiya at direksiyon.
Natatalunton ang mga hangganan
at lawak ng teritoryo ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pangkatang
gawain na kung saan magbibigay
ang guro ng task card na
naglalaman ng iba’t ibang sukat ng
lugar. Sa tulong ng mapa ng Asya,
ruler at iskala matutukoy nila ang
mga lugar na akma sa mga binigay
na sukat.
Aralin 4: Ang Pilipinas ay Isang Nailalarawan ang klima at panahon
Bansang Tropikal sa Pilipinas sa pamamagitan ng
pagpapaskil ng tsart ng Loop-A-
Word sa pisara na nakasulat sa
manila paper at bibilugan nila ang
mga salitang naglalarawan sa klima
at panahon sa Pilipinas at
pagtatalakay gamit ang biswal na
kagamitan at pagbibigay ng iba
pang mga gawain.
Natutukoy ang Pilipinas bilang
isang bansang tropikal sa
pamamagitan ng pagbasa ng
tekstong naglalahad ng
pagtatalakay sa pagiging bansang
tropikal ng Pilipinas at paggamit ng
Think-Pair-Share sa gawaing
ilalahad sa mga bata.
Halimabwa:
Gawain: Think-Pair-Share
-Kumuha ng kapareha. Sumulat ng
limang maaaring gawin ng mga
naninirahan sa isang bansang
tropikal tulad ng Pilipinas. Ibahagi
sa kapareha ang iyong naisulat.
Halimbawa: Kumain ng malamig na
pagkain katulad ng ice cream at
halo-halo kapag mainit ang
panahon.

Aralin 5: Mga salik na may kinalaman • Natatalakay ang mga salik


sa Klima ng Bansa na may kinalaman sa klima ng
bansa sa pamamagitan ng mga
kagamitan katulad ng globo,
thermometer, malaking mapang
pangklima ng Pilipinas at sa
pamamagitan ng pagbalik-aral
tungkol sa “Ang Pilipinas ay
Bansang Tropikal” at gamit ang
globo ipaturo sa mga bata ang
eksaktong kinalalagyan ng
Pilipinas at pagbibigay sa mga bata
ng thermometer at ipasukat sa
kanila ang temperatura sa silid-
aralan. Ipapaliwanag sa mga bata
ang wastong paggamit ng
thermometer at ang pagsulat ng
temperatura nito. Iuugnay ang
gawain sa aralin.
• Nailalarawan ang klima sa
iba't ibang bahagi ng bansa sa
tulong ng mapang pangklima sa
pamamagitan ng pagtataya at iba
pang gawain.
Halimbawa:
Gawain: Concept Map
• Gumawa ng concept map
patungkol sa mga salik na may kinalaman
sa klima ng bansa.

9. Resources:
o Araling Panlipunan Curriculum Guide
o Araling Panlipunan MELCS
o Araling Panlipunan Patnubay ng Guro- Ikaapat na Baitang
(Unang Edisyon 2015)
o Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral- Ikaapat na Baitang
(Unang Edisyon 2015)

10. Evaluation Procedures:

Aralin 1: Ang Pilipinas ay Isang Bansa

- Susukatin ang kaalaman ng mag-aaral sa pamamagitan ng pangkatang


gawain.
Panuto:
Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi. Gumawa ng islogan tungkol
sa pagiging isang bansa ng Pilipinas. Sikaping maipakita ang katangian ng
pagiging bansa nito. Gawing gabay ang rubric sa ibaba.
8-10 5-7 3-4 1-2
Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Medyo magulo Walang
10 puntos ay mabisang naipakita ang ang mensahe. mensaheng
naipakita. mensahe. naipakita.
Pagkamalikhain Napakaganda Maganda at Maganda Di maganda at
8 puntos at napakalinaw malinaw ang ngunit di malabo ang
ng pagkakasulat gaanong pagkakasulat
pagkakasulat ng mga titik. malinaw ang ng mga titik.
ng mga titik. pagkakasulat
ng mga titik.
6-7 4-5 2-3 1
Kaugnayan sa May malaking Di gaanong Kaunti lamang Walang
Paksa kaugnayan sa naipakita ang ang kaugnayan kaugnayan sa
7 puntos paksa ang kaugnayan sa ng islogan sa paksa ang
islogan. paksa ang paksa. islogan.
islogan.
4-5 3 2 1
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
5 puntos malinis ang pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo.k
pagkakabuo. pagkakabuo.
Kabuuang
Puntos
=30

Aralin 2: Ang Kinalalagyan ng Pilipinas

- Susukatin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa


pagsusulit.

Panuto:

I. Isulat sa patlang ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa silangan, T


kung sa timog, at K kung sa kanluran ng Pilipinas makikita ang mga nasa
ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

_____ 1. Dagat Celebes _____ 5. Indonesia

_____ 2. Vietnam _____ 6. Karagatang Pasipiko

_____ 3. Brunei _____ 7. Dagat Sulu

_____ 4. Bashi Channel _____ 8. Taiwan

II. Tingnan ang mapa sa pahina 11 o sa globo na nasa unahan. Isulat Isulat
ang mga lugar na nakapaligid sa Pilipinas sa bawat pangalawang
direksiyon. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Hilagang-silangan
2. Timog-silangan
3. Hilagang-kanluran
4. Timog-kanluran
III. . Tukuyin ang kinalalagyan ng Pilipinas sa Asya at sa mundo gamit ang
mapa ng mundo. Sabihin ito sa harap ng klase.

Aralin 3: Ang Teritoryo ng Pilipinas

- Susukatin ang kaalaman ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsusulit.

Panuto:

I. Tingnang muli ang mapa ng Asya sa globo. Basahin ang mga


pangungusap at piliin ang salita o impormasyong bubuo sa

diwa nito. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________.

A. Timog Asya

B. Silangang Asya

C. Kanlurang Asya

D. Timog-silangang Asya

2. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang __________.

A. Bashi Channel

B. Dagat Celebes

C. Karagatang Pasipiko

D. Dagat Kanlurang Pilipinas

3. Ang direksiyon ng Vietnam mula Pilipinas ay nasa gawing __________.

A. hilaga C. timog

B. silangan D. kanluran

4. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang __________.

A. China C. Taiwan

B. Japan D. Hongkong

5. Ang pinakamalayong bansa mula sa kanluran ng Pilipinas ay ang


__________.

A. Laos C. Myanmar
B. Thailand D. Cambodia

II. Gamit ang mapa ng mundo, sukatin ang distansiya o layo sa

Pilipinas ng mga bansa o lugar sa ibaba gamit ang batayang iskalang 1 cm =


5000 km. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Australia ____________________________

2. India ____________________________

3. Indonesia ____________________________

4. Japan ____________________________

5. Saudi Arabia ____________________________

III. Batay sa kinalalagyan ng Pilipinas sa mapa ng mundo, buuin ang


pahayag sa pamamagitan ng pagpili sa pinakaangkop na salita o mga
salitang bubuo sa pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng ________.

A. tao C. tubig

B. lupa D. hayop

2. Ang Estados Unidos ay masasabing _______________.

A. malapit sa Pilipinas

B. malayo sa Pilipinas

C. napakalayo sa Pilipinas

D. napakalapit sa Pilipinas

3. Kung manggagaling ka sa Pilipinas, ang iyong

lalakbayin papuntang South Korea ay masasabing

_______________ kaysa _______________.

A. malapit

B. medyo malayo

C. malayong-malayo
D. malapit na malapit

4. Kung ihahambing sa kapuluan ng Indonesia, ang lawak

ng teritoryo ng Pilipinas ay masasabing _______.

A. kasinlaki

B. mas maliit

C. mas malaki

D. malaking-malaki

5. Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas

ay masasabing _________________.

A. buong kalupaan na napaliligiran ng tubig

B. matubig at watak-watak ang mga isla

C. maliit na isla ngunit matubig

D. layo-layo ang mga isla

Aralin 4: Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal

-Susukatin ang kaalaman ng mag-aaral sa pamamagitan ng paggawa ng tula tungkol sa


mga katangiang ng Pilipinas bilang isang bansang tropical.

Panuto:

Lumikha ng isang simpleng tula na may tatlong saknong at apat na taludtud na


may temang nagpapakita ng mga katangian ng Pilipinas bilang isang bansang tropikal.
Maari itong isulat sa malaya o tradisyonal na paraan.

5 Malikhain ang mga pagkakagawa at


nasunod ang estraktura ng paggawa
ng
tula. Nasunod ang panuto at may
malaking kaugnayan sa paksa.
4 Nasunod ang estraktura ng paggawa ng
tula. Nasunod ang panuto at may
kaugnayan sa paksa ang nagawang tula.

3 Nasunod ang estraktura ng paggawa ng


tula
ngunit hindi masyado nasunod ang
panuto.

2 May naggawang tula ngunit hindi


nasunod
ang panuto.

1 Hindi nagpapakita ng interes sa


pagsasagawa ng gawain.

Aralin 5: Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa

-Susukatin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsusulit.

Panuto:

Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra ng sagot.

1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?

A. Napakainit sa Pilipinas.

B. Napakalamig sa Pilipinas.

C. Malamig at mainit sa Pilipinas.

D. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas.

2. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperatura?

A. Lungsod ng Tuguegarao

B. Lungsod ng Tagaytay

C. Lungsod ng Baguio

D. Metro Manila

3. Saang lalawigan nakapagtala ng pinakamababang temperatura?

A. Baguio C. Bukidnon
B. Tagaytay D. Atok, Benguet

4. Aling pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperatura ng isang


lugar?

A. Kainaman ang temperatura sa Pilipinas.

B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa

Pilipinas.

C. Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang

kinaroroonan.

D. May kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga

lugar sa temperatura.

5. Saan nagmumula ang hanging nagpapaganda sa klima ng bansa?

A. Dagat Kanlurang C. Dagat Celebes

Pilipinas

B. Karagatang Pasipiko D. Dagat Luzon

6. Aling lalawigan sa bansa ang nakararanas ng ikaapat na uri ng klima?

A. Bohol C. Catanduanes

B. Marinduque D. Camarines Norte

7. Aling lalawigan ang hindi kabilang sa mga nakararanas ng ikalawang uri ng


klima?

A. Batanes C. Catanduanes

B. Quezon D. Camarines Sur

8. Kailan inilalagay sa babala bilang 3 ang isang bagyo?

A. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng
12 oras

B. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa loob ng
36 na oras

C. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob
ng 24 na oras
D. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob
ng 18 oras

9. Anong uri ng klima ang may kalahating taon ng tagaraw at tag-ulan?

A. Unang Uri C. Ikatlong Uri

B. Ikalawang Uri D. Ikaapat na Uri

10. Anong uri ng klima ang nararanasan ng mga tao sa lalawigan sa kanlurang
bahagi ng Cagayan at silangang Palawan?

A. Unang Uri C. Ikatlong Uri

B. Ikalawang Uri D. Ikaapat na Uri

II. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.

1–2 Mga hanging monsoon

3–6 Mga uri ng klima at paglalarawan dito

7–10 Mga babala ng bagyo at paglalarawan dito

Prepared by:

Sarah Nicole M. Persia BEED 2-3


(Leader)

Angiela Panesa BEED 2-3


(Assistant Leader)

Gerson Villacone and Luigi Garcia


(BEED 2-3)

You might also like