Professional Documents
Culture Documents
Gawain Bilang 4
Gawain Bilang 4
Calisin
IKALAWANG SEMESTRE PPITTP
Atin munang pag tuunan ang kredibilidad at kakayahan ng manunulat, bilang isang
mambabasa, nakiita ko na may kahusayan ang manunulat sa larangang ito at hindi lamang ito
basta-bastang manunulat at tunay niyang pinag aralan ang bagay na ito. Sa pag buo niya ng
isang liham, hindi siya nag lahad ng sarili niyang opinyon at bumase lamang ang manunulat sa
katotohanang impormasyon katulad ng pag sasaad ng mga batas, pananaliksik sa mga
unibersidad sa labas ng Pilipinas na gumagamit ng asignaturang Filipino, at iba’t-ibang datos na
hindi galing sa pananaw ng manunulat. Mula pa lamang sa pinaka unang bahagi ng liham
makikita mo na mahusay ang estraktura ng teksto, pormal ito at kitang-kita na naka pokus ito
mga opisyal na madla. Ang uri ng panghihikayat na ito ay hindi mo basta-bastang makikita sa
telibisyon o sa mga dyaryo kung hindi ay makikita mo na ito ay para lamang sa mga piling tao.
Kahanga-hanga ang kredibilidad ng manunulat, sapagkat nag handog o nag lahad ito ng matibay
na mga ebidensya upang maging kapani-kapaniwala at purong katotohanan lamang ang mga
nakapaloob sa kaniyang liham. Isa pa ay hindi ito nang banggit ng kung anong negatibo sa
kaniyang teksto at puro positbo at magagandang rason lamang ang kaniyang ginamit. Makikita
mo sa teksto na gumamit ng Bandwagon ang manunulat, sapagkat sa parte kung saan ay
ipinahayag nya na “Dahil halos lahat ng malalaking unibersidad sa buong mundo ay may
asignaturang Filipino at/o Pilipinas Studies Program at malalaki ang potensiyal na makabuo ng
ugnayan sa mga insititusyong ito.” Sa pahayag na ito ginamit ng manunulat ang bandwagon
sapagkat hinihikayat nito na halos lahat ng unibersidad sa mga iba’t-ibang bansa ay gumagamit
na ng asignaturang Filipino at ang unibersidad ng Sto. Tomas na lamang ang hindi pa
gumagamit nito. Bilang isang kilalang Unibersidad tiyak na mahihiya ito sapagkat maikokompara
ito sa mga karatig nitong unibersidad na gumagamit na ng Asignaturang Filipino. Ang teknik na
ito ay talagang isa sa mga ginagamit ng mahusay na manunulat upang mahikayat ang
mambabasa nito. Atin namang pag tuunang pansin ang nilalaman ng teksto, ang liham ay
nakapanimula sa pag bati at pag lahad ng minimithing mangyari ng Departamento ng Filipino.
Nag salaysay ito ng siyam na mahahalagang batayan kung bakit kailangang isali ang
asignaturang Filipino sa curriculum ng Unibersidad ng Sto. Thomas. Napakaraming
sumusuportang ideya sa layunin ng manunulat, ito ay ang siyam na dahilan na inilahad nito
sapagkat ang pangunahing ideya na nais ihatid ng manunulat ay ang mahikayat at maipakita sa
Unibersidad ng Sto. Thomas ang kahalagahan ng asignaturang Filipino. Isa sa magandang
sumusuportang ideya dito ay ang “Dapat nararapat lamang na pagtibayin ang sariling wika,
kultura, at identidad upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng rehiyonal na
integrasyong sosyo-kultural sa ASEAN.”, ang suportang ideya na ito ay malawakang pinagtitibay
ang pinaka layunin ng mambabasa. Sapagkat tama naman na dapat nating pag tibayin at
patatagin ang sarili nating wika, bilang isang Pilipino dapat ay sa murang edad ay maalam at
natututunan na ito ng kabataan. Sa larangan ng pang- ibang bansa dapat ay itinataas natin ang
ganda ng ating wika at ipinag mamalaki natin ito. Maganda ang nilalaman ng teksto sapagkat ito
ay matatag na sinusuportahan at marami itong pinag babatayan katulad ng pag saad ng
nilalaman ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon, at kung ano ang naging ugnayan nito sa
pag gamit ng asignaturang Filipino. Gamit dito mas napapatibay ang layunin ng manunulat
sapagkat hindi lamang matuwirang pananaliksik ang kaniyang ginawa kung hindi ay nag saad ito
ng nilalaman ng isang legal at kilalang batas. May mga sumusuportang ideya na hindi ganoon
napatibay o kulang sa ebidensya katulad ng “Dahil may sapat na kaalaman at kasanayan ang
mga guro sa Filipino na ituro ang kursong ito.” Hindi lahat ng guro ay may kasanayan sa wikang
Filipino, karamihan ay tiyak pang nahihirapan sa wikang ito at kailangan pang aralin ng
napakatagal upang huasayan ang asignaturang ito. Mahirap ituro ang asignaturang Filipino dahil
kung ipag kukumpara natin sa Ingles ay mas malawak at mas malalim ang Filipino kaysa dito.
Ang hangarin ng may akda sa kaniyang isinulat ay maipakita ang kahalagahan at kung bakit
dapat isali ang asignaturang Filipino sa curriculum ng Unibersidad ng Sto. Thomas. Ito ay tungkol
sa pag papalaganap pa din ng wika o asignaurang Filipino sa kurikulum. Ito ang mga batayan
kung bakit mahalagang mapabilang ang asignaturang ito sa GEC. Una hindi ito pag uulit, ito ay
upang lalong mapaunland ang asignatura sa grade 11 at grade 12, ang asignaturang ito ay
lilinangin ang mga kaalaman at kakayahan ng bawat mag aaral sa pag salin at pananaliksik sa
Filipino. Pangalawa, malaki ang pakinabang ng mga mag – aaral sa mga kasanayang makukuha
mula sa mga asignatura. Pangatlo, palalakasin nito ang mga tomasinong mag aaral na
magpahalaga at maglingkod sa Diyos, kapwa, at bayan. Pang apat, patatatagin nito ang mga
nasimulan nang mga proyekto ng Departamento na pag-ibayuhin ang pananaliksik, akademikong
publikasyon, at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino Pang lima, May sapat na kaalaman at
kasanayan ang mga guro sa Filipino na ituro ang kursong ito. Pang anim, ito ay pag talima sa
itinadhana ng Konstitusyong 1987 ng Pilipinas. Pang pito, nararapat lamang na patibayin ang
sariling wika, kultura, at identidad upang makapag ambag ang mga ito sa proyekto ng rehiyonal
na integrasyong sosyo-kultural sa ASEAN. Pang walo, halos lahat ng malalaking unibersidad sa
buong mundo ay may asignaturang Filipino o Philippine studies program at malaki ang potensiyal
na makanuo ng ugnayan sa mga institusyong ito. At pang huli o ang pang siyam, Kailangan natin
ipag patuloy at pagyamanin pa ang kasaysayan ng unibersidad sa pagsusulong nito ng wika at
panitikang Filipino. Sapat na ang mga dahilang ito upang mapabilang ang asignaturang Filipino
sa kurikulum. Nais nitong mapatibay ang pag gamit ng wikang Filipino, at manumbalik ang
kahanga-hangang ganda nito. Minimithi ng may akda na magamit ang asignaturang Filipino,
hindi lamang upang matuto, kung hindi ay mas mapalawak pa ito at magamit sa pakikipag
salamuha sa mga karatig bansa, sa relihiyon, at sa pag tulong sa ating kapwa. Makapagbuo ng
isang mahusay na programang di-gradwado at patuluyang gradwado na magbubunga ng mga
makabagong dalubguro sa Filipino na nagtataglay ng Tomasinong pagpapahalaga.
Makapagsagawa ng mga gawaing pananaliksik sa Filipino na nagbibigay-tuon sa mga espesyal
na paksain sa iba’t ibang larangan. Makapaglimbag ng pagsasalingwika ng katutubong teksto
tungo sa Filipino. Maging aktibong kabahagi sa pagpapatining ng mga makabuluhang
patakarang pangwika na magbubunga ng higit na mabisang paggamit ng wikang Filipino.
Makapagdaos ng iba’t ibang palihan, seminar at pambansang kumperensiya na
makapagpapayaman sa kaalaman at makapagpapataas sa kahusayan sa pagtuturo ng wika ng
mga guro at propesor. Makapagbahagi ng makabagong kaalaman sa pagtuturo ng wika sa
pamamagitan ng libreng seminar sa mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa bilang ambag
gawaing pangkomunidad. Hangad ng Departamento ng Filipino sa Administrasyon ng
Unibersidad ng Santo Tomas o UST na pagyamanin at panatilihin ang pag tuturo ng wikang
Filipino sa kolehiyo at ayaw nila itong mawala dahil na din sa nasabing kadahilanan.
Sa siyam na kadahilanan kung bakit hindi dapat alisin ang pag tuturo ng wikang Filipino sa
kurikulum ay naging mabisa upang mapanatili ito sa kolehiyo at mas lalo pa mapagyaman ang
wika at kultura. Maiuugnay ito sa ating sarili at sa komunidad sa pamamagitan ng ating
pangungumbinse sa ibang tao kapag mayroon tayong gustong ipatupad, ihain, at ibenta. Bilang
isang mambabasa ang damdamin na napukaw o nadama ko sa teksto na aking nabasa ay
damdamin na kung saan nais kong ipag malaki ang wikang Filipino. Namangha ako sa kung
anong kayang gawin, at kung saan kaya kang abutin ng asignaturang Filipino, na hindi lang pala
ito bastang asignatura na para lamang mas mapahalagahan natin ito, kung hindi napakalalim ng
asignaturang ito at napaka praktikal at talagang magagamit ito ng bansa natin lalo na sa
pakikipag sapalaran sa mga karatig bansa. Ang bahagi na nakapukaw ng atensyon ko upang
madama ko ang damdamin ng pagiging mayabang sa wikang Filipino, ay ang kung saan isinaad
ng manunulat na ginagamit ang asignaturang Filipino ng mga unibersidad sa ibang bansa.
Naging mas yumabang ako sapagkat nakikilala ang wika, ang kultura, at ang kalaliman ng
wikang Filipino, kasabay nito ay nalungkot din ako kasi kung ang mga unibersidad sa ibang
bansa itinuturo ito bat sa bansa natin nais pang tanggaling ang asignaturang Filipino at ipalit ang
ang pag turo ng wika ng mga karatig bansa. Nakakalungkot na kailangan pang gumawa ng
manunulat ng siyam na rason kung bakit dapat itong isali sa mga asignaturang inaaral ng mga
estudyante ng UST. Gamit ang damdamin na ito ang dapat kung gawin ay seryosohin ang
asignaturang Filipino at mahalin ito ng sa ganun ay malaman at madama ko ang pinaka rason
kung bakit kinakailangan natin itong malaman at matutunan. Base sa aking nadama at nalaman,
naging tagumpay ang minimithi ng may akda, dahil dapat lang naman talagang idagdag ito
sapagkat ang Unibersidad ng Sto. Thomas ay isang kilalang unibersidad, napakaganda na
maalam, at mahusay ang mga mag aaral nito sa wikang Filipino. Ang kabuuang mensahe ay
maiiugnay ko sa aking sarili sapagkat bilang isang mag- aaral, kailangan ko ding mahikayat kung
bakit ba natin kinakailangang matutunan ang asignaturang Filipino, at ang mensahe ng teksto
ang nag palinaw sakin kung bakit ito mahalaga at karapat-dapat na pag aralan. Maiuugnay ko din
ito sa komunidad sapagkat napakrami na ang nag sasawalang bahala ng wikang Filipino at
nakakalungkot na hindi nila pinag tutuunang pansin ito at ginagawa lamang biro, at dapat ang
mensaheng ito ay maipabasa din sa mga mamamayan ng komunidad upang malinawagan at
mahikayat ang mga ito. Ang tekstong ito ay tunay na nakakahikayat sapagkat binubuksan nito
ang ating mga mata sa mga benepisyo at kagandahan ng pag aaral ng asignaturang Filipino.