AP 6 Ikatlong Markahan Aralin 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Araling Panlipunan 6

Aralin 1
Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN:
1.1 Natatalakay ang suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang
naging pagtugon sa mga suliranin
Naipahahayag ang positibong pananaw tungkol sa mga naging suliraning
pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at sa naging pagtugon sa mga
suliranin
Naitatala ang mga naging suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan
at naging pagtugon sa mga ito.

II. NILALAMAN:
Mga Suliraning Pangkabuhayan at Naging Pagtugon sa mga Suliranin

III. KAGAMITANG PANTURO:


A. Sanggunian : AP6SHK-IIIa-b-1
Kayamanan I, pahina 264
Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap
pahina 223

B. Iba pang kagamitan : activity sheet, laptop, projector, powerpoint


presentation, larawan

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.

2. Balik Aral
Anu-ano ang naging epekto sa mga Pilipino ng pamamahala ng mga
Hapon?

3. Panimulang Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Ibat’ ibang suliraning pangkabuhayan ang dinanas ng mga Pilipino
pagkatapos ng Ikalawang Digmaan. Alin sa mga sumusunod ang
hindi naging suliraning pangkabuhayan ng Pilipinas pagkatapos ng
digmaan?
A. kakulangan sa pagkain
B. kawalan ng hanapbuhay
C. pagtaas ng halaga ng bilihin
D. panunumbalik ng moralidad
2. Marami ang nawalan ng tirahan, walang makain at walang
mapasukang hanapbuhay ang mga Pilipino pagkatapos ng digmaan.
Nasira ang sistema ng transportasyon at komunikasyon. Naging
kaawa-awa ang kalagayan ng ating bansa. Anong konklusyon ang
maibibigay mo sa talata?
A. Maraming suliraning pangkabuhayan ang dulot ng digmaan
B. Mahihirapan ang mga Pilipinong mapaunlad ang ekonomiya
C. Kailangan ng bansa ng tulong mula sa ibang bansa upang
mapaunlad ang ekonomiya
D. Malaking halaga ang kailangan ng mga Pilipino sa
pagpapagawa ng nawasak na gusali

3. Bumaba ng 65 bahagdan ang produksyon ng pagkain pagkatapos ng


digmaan. Ano ang dulot nito sa mga Pilipino?
A. kakapusan sa pagkain
B. kakulangan sa edukasyon
C. pagkakasakit ng maraming Pilipino
D. pagtaas ng presyo ng mga pagkain

4. Nagkaroon ng kakulangan ng pagkain dahil sa digmaan. Kayat


kailangan nilang maging mapamaraan upang magkaroon ng pantawid
gutom. Anong ginawa ng mga Pilipino upang hindi magutom?
A. Nagtanim sa bakanteng lote upang may makain
B. Namalimos sa tabi ng kalsada at simbahan upang may maibili
ng pagkain
C. Nag-aral sila ng makabagong paraan ng pagtatanim upang
may makain
D. Naghanap sila sa kagubatan ng mga pagkain gulay at hayop
upang gawing karne.

5. Paano hinarap ng mga Pilipino ang suliraning dulot ng digmaan?


A. Nagdamayan at nagsikap ang mga Pilipino
B. Natuto silang magtanim sa bakanteng lote
C. Tinulungan ng mga Amerikano ang bansa
D. Lahat ng nabanggit

Susi sa Pagwawasto
1. D 2. A 3. A 4. D 5. A

B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak


Pagmasdan ang mga larawan
Ano ang ipinakikita ng mga larawan?
Naranasan ba ito ng mga Pilipino?
Bakit naranasan ito ng mga Pilipino?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin o paglalahad


Pagmasdan ninyo ang larawan.

Sa pamamagitan ng slides ilahad ito sa mga bata. ( Pumili ng batang


magsasadula / babasa ng dayalogo )

Cardo ; Isa palang malaking hamon sa pamahalaan ang


kalagayan ng bansa matapos ang Ikalawng
digmaan

Onyok ; Oo, talagang tiyaga at katatagan ng loob ang kinailangan


upang muling isaayos ang mga bayan at lungsod
na sinira ng labanan

Billy : Nawasak nga ang 80% bahagdan ng mga gusali sa


lungsod. Maraming nawalan ng tirahan, Bumaba
65 bahagdan ang produksyon ng pagkain kaya’t
nagkaroon ng kakapusan sa pagkain at
malawakang taggutom.

Ariana : Nawalan din ng mapapasukang hanapbuhay ang mga


Pilipino na tutustos sa kanilang pangangailangan

Cardo : Pati sistema ng transportasyon at komunikasyon ay nasira


Gayundin maraming tulay at kalye ang nawasak.

Onyok : At higit sa lahat nagkaroon ng krisis sa pananalapi. Hindi


makabayad ng buwis ang mga mamamayan kaya
tumaas ang halaga ng mga bilihin

Billy : Ano kaya ang ginawa ng mga Pilipino upang


matugunan ang mga suliraning pangkabuhayan
dulot ng digmaan?

Onyok ; Ah, alam ko yan. Nabasa ko sa aklat. Nagtanim sila sa


D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Gawain 1 - Talakayan
Ano ang pinag-usapan ng magkakaibigan?
Ano ang nalaman ninyo tungkol sa suliraning pangkabuhayan na dinanas ng
ating bansa pagkatapos ng digmaan?

Gawain 2
Pangkatang Gawain
Pangkat I

Suliraning
Pangkabuhayan
ng mga Pilipino
Pagkatapos ng
Digmaan

Pangkat 2
Sagutin ang bawat tanong sa arrow. Isulat ang sagot sa kahon.

Bakit nagkaroon ng malawakang


taggutom pagkatapos ng digmaan?

Ano kaya ang nangyari ng mawasak


ang sistema ng transportasyon?

Anong nangyari nang hindi


makabayad ng buwis ang mga
mamamayan

Pangkat
3
Sagutin ang tanong sa loob ng kahon
p an g-
kabu h ayan p agkatp os
m ga
Paano hinarap n g m ga
ang

ng digm a an ?
su liran in g
P ilipino
E. Paglinang sa Kabihasaan
Pag-uulat ng bawat pangkat ng kanilang awtput

Anu-anong suliraning pangkabuhayan ang dinanas ng mga Pilipino


pagkatapos ng digmaan?
Ano ang naging bunga ng pagbaba ng produksyon ng pagkain?
Bakit nagkaroon ng krisis sa pananalapi pagkatapos ng digmaan?
Ano kaya ang nangyari nang mawasak ang sistema ng transportasyon?
Paano tinugunan ng mga Pilipino ang nadanasang suliraning pangkabuhayan
pagkatapos ng digmaan?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.


Kung mararanasan mo ang mga suliraning pangkabuhayan na dinanas ng mga
Pilpino noon pagkatapos ng digmaan, ano ang gagawin mo? Bakit?
Sa pang-araw-araw ninyong pamumuhay anong suliraning pangkabuhayan
ang inyong nararanasan?
Paano ninyo hinaharap ang inyong nararanasang suliranin?

G. Paglalahat ng Aralin
Anu-anong mga suliraning pangkabuhayan ang idinulot ng digmaan sa mga
Pilipino?

H. Pagtataya ng Aralin
Basahin at unawaing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Maraming suliraning pangkabuhayan ang dinanas ng mga Pilipino
pagkatapos ng digmaan. Anu-anong suliraning pangkabuhayan ang
kanilang dinanas pagkatapos ng digmaan?
1. malawakang taggutom
2. kawalan ng hanapbuhay
3. pagtaas ng halaga ng bilihin
4. panunumbalik ng moralidad
5. nagkaroon ng krisis sa pananalapi
A. 1, 2, 3, at 4 C. 1, 2, 4, at 5
B. 2, 3, 4, at 5 D. 1, 2, 3 at 5

2. Nag-iwan ng maraming bakas sa Pilipinas ang digmaan. Nagkaroon ng


krisis sa pananalapi. Nawasak ang maraming tulay at daan, Nawalan ng
hanapbuhay ang mga Pilipino at nagkaroon ng kakulangan sa pagkain.
Ano ang ipinahihiwatig sa talata?
A. Maraming suliraning pangkabuhayan ang dulot ng digmaan
B. Mahihirapan ang mga Pilipinong mapaunlad ang kabuhayan
C. Kailangan ng bansa ng tulong ng ibang bansa upang mapaunlad ang
ekonomiya
D. Malaking halaga ang kailangan ng mga Pilipino sa pagpapagawa ng
nasirang tulay at daan

3. Nagkaroon ng kakulangan sa produksyon ng pagkain pagkatapos ng


digmaan. Ano ang dulot nito sa mga Pilipino?
A. .malawakang taggutom
B. kakulangan sa edukasyon
C. pagkakasakit ng maraming Pilipino
D. pagtaas ng presyo ng mga pagkain

4. Bumaba ang produksyon ng pagkain pagkatapos ng digmaan.


Nagkaroon ng malawakang taggutom. Paano hinarap ng mga Pilipino ang
sulliraning ito?
A. Nagtanim sila sa bakanteng lote upang may makain
B. Namalimos sila sa simbahan upang may maibili ng pagkain
C. Natuto silang mangaso at maghanap ng pagkain sa gubat
D. Nag-aral sila ng makabagong paraan ng pagsasaka upang mapaunlad
ang produksyon ng pagkain

5. Sa kabila ng suliraning pangkabuhayan na dinanas ng mga Pilipino


pagkatapos ng digmaan hindi sila nawalan ng pag-asang maisaayos ang
mga pinsala nito. Paano hinarap ng mga Pilipino ang pinsalang dulot ng
digmaan?
A. Nagdamayan at nagsikap ang mga Pilipino
B. Natuto silang magtanim sa bakanteng lote
C. Tinulungan ng mga Amerikano ang bansa
D. Lahat ng ito ay ginawa ng mga Pilipino

Susi sa Pagwawasto
1. D 2. A 3. A 4. A 5. D

I. Karagdagan Gawain para takdang aralin at remedyasyon

Bakit nagtatag ng base militar ang Estados Unidos sa Pilipinas?

Sanggunian:

You might also like