Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

ANTAS 11

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG


TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
WEEK 1 | LEARNING ACTIVITY SHEET NO. 1
TEKSTONG IMPORMATIBO
MELC: 1. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa; at
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.

Pangalan: ________________________ Antas & Seksiyon: _____________ Petsa: ____________

SIMULAN

Hangin sa Looban at ang Coronavirus (COVID-19) (Indoor Air and Coronavirus)

Ang COVID-19 ay ipinapalagay


na pangunahing nakakalat sa
pamamagitan ng malapit na kontak sa
bawa’t isa. Gayunman, nananatili ang
ilang mga pag-aatubili tungkol sa
nauugnay na kahalagahan ng iba’t ibang
mga paraan ng transmission ng SARS-
CoV-2, ang virus na sanhi ng coronavirus
disease 2019 (COVID-19). May
lumalawak na katibayan na ang virus na
ito ay maaaring manatili sa hangin ng mas
matagal at hanggang malalayong
distansya kaysa sa orihinal na
naipalagay. Dagdag sa malapitang
kontak sa nahawahang mga tao at mga nakontaminang surface, may posibilidad rin na
kumalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng mga particle sa hangin sa mga looban na
espasyo, sa ilang mga pagkakataon ay higit pa sa 2 m (halos 6 ft) na range ay hinihikayat sa
mga rekumendasyon para sa social distancing. Basahin ang Science and Technical
Resources related to Indoor Air and Coronavirus (COVID-19) o Indoor Air and COVID-19 Key
References and Publications para sa technical na impormasyon sa wikang Ingles.

Gayunman, may mga tuwirang hakbang na magagawa para mabawasan ang


posibleng transmission sa hangin ng COVID-19 at ang pagtuon sa materyal na ito ay nasa
mga hakbang na iyon. Ang layout at disenyo ng isang gusali, at pati na rin ang mga
namamalagi dito at ang uri ng heating, ventilation, at air conditioning (HVAC) na system, ay
nakakaapekto lahat sa posibleng pagkalat ng virus sa pamamagitan ng hangin. Kahit na ang
mga improvement sa ventilation at paglilinis ng hangin ay hindi kayang mag-isa na alisin ang
panganib ng galing sa hangin na transmission ng SARS-CoV-2 virus, inirerekumenda ng EPA
ang mga pag-iingat para maiwasan ang posibleng transmission ng virus sa pamamagitan ng
hangin. Ang mga pag-iingat na ito ay kinabibilangan ng pagpaparami ng ventilation sa hangin
na galing sa labas at air filtration bilang parte ng mas malaking estratehiya na kinabibilangan
ng social distancing, pagsusuot ng cloth face covering o masks, paglinis sa surface at pag-
disinfect, paghuhugas ng kamay, at iba pang mga pag-iingat. Sa pamamagitan lang ng mga
ito, ang mga hakbang para mabawas ang pagkakalantad sa virus sa hangin na sanhi ng

1 | PAHINA
COVID-19 ay hindi sapat dahil ang galing sa hangin na transmission ay hindi lang ang nag-
iisang paraan ng pagkakalantad sa SARS-CoV-2 na maaaring maganap.
-Halaw mula sa United States Environmental Protection Agency, https://www.epa.gov/lep/hangin-sa-looban-ang-coronavirus-covid-19

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang paksa ng teksto?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Kanino ipinaaabot ang mensahe o impormasyon ukol sa paksa?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Kailan masasabing nakontamina ang isang tao sa COVID-19?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

SURIIN

Cyberbullying
Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri
ng pambubuska ang nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa
gamit ang makabagong teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng
mensahe ng pananakot, pagbabanta, o pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o
e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang usap-usapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-
mail at sa social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga nakasisira at walang batayang
komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama ang isang tao; pag-
hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa may-ari
nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang
nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito.
Naririto ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng
alak o paggamit ng ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan,
pagkakaroon ng mababang marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon
ng problema sa kalusugan at pagiging biktima rin ng harapang bullying.

Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan
may pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang
Pilipinas. Isa itong indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang
pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na istadistika ang
Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika ay naitala na nasa 9% ng mga mag-
aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong 2010 at 2011.
Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na
nakaranas ng cyberbullying.
- Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Quezon City: Phoenix, 2017

2 | PAHINA
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang cyberbullying?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano-ano ang (a) layunin at (b) katangian ng tekstong binasa?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Mabisa ba ang pagkakalahad ng mga impormasyon?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?


______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa


tekstong binasa? Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

TALAKAYIN

TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong


magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t
ibang paksa.
Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay sa
kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang
kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa
paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.
Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita,
sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya,
gayundin sa iba’t ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong impormasyon,
bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon ang tekstong
impormatibo. Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin
ang mga agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o
isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sunud-sunod at inilalahad nang
buong linaw at may kaisahan.

3 | PAHINA
MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Layunin ng may-akda
Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo:
mapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring
mahirap ipaliwanag, matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang
mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o hayop at iba pang nabubuhay.

 Pangunahing Ideya
Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang
pangunahing ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa
bawat bahagi o tinatawag na organizational markers na nakatutulong upang agad na
makita at malaman ng mga mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.

 Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye.
Nakatutulong ito na mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais
niyang matanim o maiwan sa kanila.

 Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na


binibigyang-diin:
 Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon
Halimbawa:
Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit na
mapalalim ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.
 Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto
Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis, nakasalungguhit o paglagay ng panipi (“”) upang higit na madaling makita
ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin.

 Pagsulat ng mga Talasanggunian


Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang
sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan
ng mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

 Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan


Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring
naganap sa isang panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay
personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng balitang isinulat ng mga reporter ng mga
pahayagan o mga pangyayaring may historical account.

 Pag-uulat pang-impormasyon
Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang kaalaman o
impormasyon patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga
pangyayari sa paligid.
Halimbawa:
Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying

4 | PAHINA
 Pagpapaliwanag
Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.
- Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Quezon City: Phoenix, 2017

GAWIN

A. Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto na


nakasulat nang nakadiin sa bawat bilang.

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di-piksyon: talambuhay, balita, at artikulo sa


magasin. Batay sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang
maibibigay mo para sa di-piksyon?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ang sumusunod ay mga babasahing piksyon: maikling kwento, tula, at nobela. Batay
sa mga halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo
para sa mga babasahing piksyon?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ang salitang impormatibo ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa


pinagmulan ng salita, anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong
impormatibo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ang ilan sa mga elemento ng tekstong impormatibo ay: layunin ng may-akda,


pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, estilo sa pagsulat at kagamitan o
sanggunian. Ano ang ibig tukuyin ng pahayag na pangunahing ideya?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Kailangan ng mga pantulong na kaisipan upang mabuo ang pangunahing ideya. Ano
ang ibig ipahiwatig ng pantulong na kaisipan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

- Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Quezon City: Phoenix, 2017

5 | PAHINA
B. Panuto: Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang bawat
sitwasyon sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit
nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang
Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Rodel na
magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon ang
tekstong may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.”
3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin
ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya sa likod
ng pinakamahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas – Ang Pag-aaklas ni
Dagohoy sa Bohol.
4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang ito:
“51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.”
5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang hawak
niya. Sinasabi ritong “Catriona Gray ay nagwagi bilang Ms. Universe 2018.”

- Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Quezon City: Phoenix, 2017

TAYAHIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang salitang
TUMPAK kung tama ang pahayag at salitang WASAK kung mali.

1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ay nakabatay sa sariling opinyon ng
may-akda.
3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating pangkasaysayan.
5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginamit sa tesktong impormatibo.
6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa pagbibigay-diin
sa mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang impormasyon
patungkol sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at mga pangyayari sa paligid.
8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa paborito mong
isports.
9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at bakit
nagaganap ang isang bagay o pangyayari.
10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang representasyon.
11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, facebook post at sanaysay.

6 | PAHINA
13. Naglalayon ang tekstong impormatibo na magbigay o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t-ibang paksa tulad ng hayop, isports, agham o
siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba
pa.
14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o balita, sa
mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya at
sa ibat’ ibang website sa internet.
15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

7 | PAHINA

You might also like