Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagbabago ng Kolehiyo

Isang panibangong sistema bgayon ang kinakaharap ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Kasabay ng
kurikulong K-12 ay ang pag-usad ng isang bagong batas na siya na ngayong tiantamasa ng mga bagong
henerasyon na unang produkto ng K-12. Marami nang nakapansin sa kawalang kahandaan ng ating
gobyerno patungkol sa pagbabagong ito sa ating paaralan. Mula sa tekstong pinag-aaralan hanggang sa
kagamitan ay maraming kakulangan. Sa kabila nito ay hindi napigilan na mayroong nagsipagtapos sa
eksperimentong unang pangkat ng mga mag-aaral sa ilalim ng K-12.

Ang mga naunang pangkat na ito na nagsipagtapos ay nasa kolehiyo na ngayon, nararanasan na
ang bagong batas sa ilalim ng CHED at naging kaakibat nito ang UNIFAST o ang “The Unified
Assistance System for Tertiary Education Act” na isinabatas sa pamamagitan ng Republic Act No. 10687
na naglalayong maging libre ang lahat ng mag-aaral sa kolehiyo ng matrikula, wala nang babayaran kung
hindi ang magiging proyekto sa paaralan.

Para sa mga mag-aaral at magulang ay malaking kabawasan ito dahil ang sabi nga nila “wala ka
ng dahilan para hindi ka mag-aral” ibinibigay na ng pamahalaan ang suportang pinansyal sa pamamagitan
ng mga ganitong pribilehiyo, ngunit para sa adminitrasyon ng mga paaralan isa na naman itong
panibagong sistema na kailangang aralin at ipatupad para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Sa ngayon, masasabing maganda ang dulot nito para sa mga mag-aaral at magulang, pero tunay
nga bang nakatulong ito kung mismong ang mga administrado ay sumusuko? Ito na siguro ang sinasabing
progresibong pagbabago.

Sa pagsusuri ng batas na ito, layunin lamang ng UNIFAST na mabigyan ang lahat ng karapatan
na makapag-aral at walang mapag-iiwanan sa edukasyon ngunit ang naging maugong na usapin ay
kawalan ng ng pondo para sa pampublikong kolehiyo at unibersidad. Dito sa Mabalacat City College
mukhang naging karagdagan sa problema ang bagong sistema, siguro dahil bago pa lamang ang panukala
lahat ay naninibago pa kasalukuyan pamamahala ngunit nagdulot naman ito ng panibagong suliranin sa
administrasyon ng paaralan.

Para sa administrasyon ng paaralan, inaayos ang panibagong sistema para sa mga mag-aaral dahil
sa kabila man ng panibagong suliranin na kakaharapin kaakibat naman nito maayos na edukasyon ng mga
mag-aaral.

You might also like