Biography

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Si

Sa aking karanasan bilang guro ng dalawampu’t limang taon mahigit (25+ years), ang isa sa mga biyaya
ng pagtuturo ay kung papaano nakakapag-ambag ang aking mga estudyante sa aking karunungan bilang
isang akademiko at kaalaman bilang tao. Kada semestre ay napapansin ko na sa pamamagitan ng mga
talakayan sa silid-aralan at sa pakikipagpalitan ko ng mga kuro-kuro sa kanila maging sa loob ng klase at
maging sa aking tanggapan sa panahon ng mga pang-akademikong konsultasyon, ay nabanaagan ko na
may mga mahuhusay sa kanilang mag-isip, magmuni-muni at magpuna—at may mga mga matalinong
ideya sila na hindi ko napag-isipan. Sa madaling salita, bagaman ako ay isang guro, ako man ay natuto sa
kanila sa pamamagitan ng kanilang mga pilosopikong sanaysay na sinulat at sa kanilang pag-uulat
patungkol sa mga pampulitikang pilosopiya.

Ang mga matataas na kurso ng Agham Pulitika tulad ng Political Science 192 (Ancient and Medieval
Political Philosophy) at Political Science 193 (Modern and Contemporary Political Philosophy) ay tinuturo
ko sa pamamagitan ng isang seminar na kung saan may isang estudyanteng inaatasang mag-ulat ng isang
tekstong sinulat ng isang politikong paham o pilosopo. Pagkatapos ng ulat ay bigyan ng estudyante ng
praktikal na aplikasyon tungkol sa kung ano mismo ang nangyari sa lipunan na kanyang ginagalawan at
paghahanap ng praksis (pagsasa-buhay) para sa kanyang buhay. Pagkatapos ng ulat ng estudyante ay
saka pa lamang ako papasok sa talakayan at bubuohin (synthesize) ko at bigyang linaw ang mga puntong
maaaring nakaligtaan ng estudyante. Ang pag-uulat ng mga estudyante sa kanilang pilosopikong
tekstong inaatang ko sa kanila ay talaga namang napakalaking ambag sa paglago ng aking kakayanang
mag-isip, magbigay-puna, at magmuni-muni pa ng malalim sa mga puntong pilosopikal.

Sa pamamagitan ng pakikinig sa aking mga estudyante sa kanilang mga ulat, kuro-kuro, hinuha at
pakikipagpalitang-talakay sa akin ay lalo pang umusbong ang aking pagkakaunawa sa mga tekstong
pilosopikal. Totoo talaga ang kasabihan na sinambit ng isang Sufi-Sunni na Turkong paham na si Mevlana
Jalaluddin Rumi: “The teacher makes the students, but the students make the teacher just as well”. Ako
ay nagiging estudyante ng aking mg estudyante at tinuruan nila ako ng mga kaalaman na hindi ko
napagtanto noong una. Ang totoong pagtuturo ay hindi lamang nakasalalay sa pagsisikap ng guro ang
pagpapa-unawa, kundi nakasalalay din ito sa ambag, kontribusyon at pakikipagtulungan ng mga
estudyante sa guro. Ang pag-uunawa ay isang relasyonal na pangyayari na kung saan ang guro at mag-
aaral ay may sariling bahagi upang makamit o' mangyari ang pag-uunawa at mapalago pa ito ng lubusan.

Ang relasyonal na galaw ng isang mapagpalayang edukasyon, ang pakikipag-isang loob ng guro at mag-
aaral sa gawaing pamimilosopiya, at ang pakikipag-talakayang pang-akademiko sa silid at labas ng
paaralan ay nagsisilibing mga malalaking pagkakataon at ma-iinam na pribilehiyo upang sila na aking
mga mag-aaral at ako na kanilang guro ay pawang umuusbong at lumalawak pa ang abot-malay
(horizon) ng aming pagkaka-unawa sa mga pilosopikal at politikal na konseptong dinadalumat. Ang
bahaginan (sharing) ng aking mga estudyante sa silid-aralan, ang kanilang mga malayang talakayan at
mga kuryosong katanugan ay nag-iwan sa akin ng malalim na bakas sa aking kamalayan (consciousness),
ala-ala (memory), at pagkakilanlan (identity) bilang guro.

Hindi maipagkakaila na marami akong natutunan sa aking mga mag-aaral, hindi lamang patungkol sa
mga teyoriyang political o’ pilosopikal man, kundi maging sa mga makabuluhang panuntunan at
prinsipyo ng pag-papakabuhay. Ako ay nagiging estudyante nila sa larangan ng buhay, kung kaya kahit
man lamang sa sanaysay kong ito dito sa post ko ngayong gabi ay nais kong pasasalamatan ang aking
mga estudyante ngayon at maging mga estudyante ko sa nakaraan. Maraming maraming salamat sa
inyong lahat!

(Written by Prof. Henry Francis B. Espiritu on June 25, 2018 at 9:01 PM.)

(NOTE ABOUT THE PHOTO: This photo of me and my Philosophy-1 class (TF 4:00-5:30 PM of 2nd
Semester 2013-2014) was taken right after watching the beautiful Bollywood movie, “Dor” (A Thin
Strand of String). From the story-line of the movie, we cognitively and emotively realized that we,
human existents, cannot live for ourselves alone. Our lives are connected by thousand invisible threads
(dor) of relationalities of ourselves along with the “other”. Along these fine fibers of relationalities, our
actions and their consequences will reverberate in the hearts of others whom we have lovingly
touched.”
Si ELPIDIO FERNANDEZ CRUZ ay ipinanganak sa Cainta, Rizal, Pilipinas noong ika-16 ng Nobyembre,
1936. Siya ay nagtapos noong 1951 sa Mababang Paaralan ng Cainta at noong 1955 sa Mataas na
Paaralan ng Rizal sa Pasig. Matapos ay nag-aral siya sa Pamantasan ng Far Eastern sa Maynila ng kursong
A. B. Mathematics at B.S. Electrical Engineering, at sa Pamantasan ng Ateneo de Manila ng kursong
Master in Business Administration. Siya ay nagturo ng Matematika at Electrical Engineering sa dalawang
pamantasan sa Maynila, sa Far Eastern University at University of the East sa gabi, habang
namamasukan bilang Electrical Engineer sa Manila Electric Company (MERALCO) at nang huli, bilang
Senior Manager ng Philippine Electric Corporation (PHILEC) kung araw. Nahalal siyang Pangulo ng
Samahan ng mga Inhenyero sa MERALCO noong 1973. Siya ay isang Professional Electrical Engineer at
naging masugid na kasapi ng nag-iisang Pambansang Samahan Ng Mga Inhenyerong Elektrikal sa
Pilipinas (Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines-IIEE). Nahalal siyang Pambansang
Pangulo ng samahang ito, (IIEE) noong 1983 at naging Kagawad na Tagapangalaga (Trustee) ng
Sanggunian Ukol Sa Teknolohiya sa Pilipinas (Philippine Technological Council-PTC) nang taon ding yaon.
Naging Kagawad din siya ng Pampanguluhang Lupong Tagahatol para sa timpalak ng imbensyon,
inobasyon at malikhaing pananaliksik na inilunsad ng Pambansang Pangasiwaan ng Agham at
Teknolohiya ng Pilipinas. Naging Myembro siyang Panghabang Buhay (Life Member) Bilang 3 at “Fellow”
ng Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE). Dahil sa matinding
pangangailangan ay napilitan ang may-akda na mangibang bansa at mamasukan sa Estados Unidos ng
Amerika. Siya ay naglingklod bilang Regional Manager ng Homac Manufacturing Company ng Florida,
U.S.A. sa buong Asia-Pasipiko. Malaunan ay namasukan din siya sa dalawang kompanya sa Estados
Unidos na itinatag ng mga dati niyang kasamahan sa MERALCO at dahilan dito ay itinalaga siya bilang
Project Manager sa Pacific Bell at malaunan ay hinirang na Director for Marketing ng BERG Power
Engineers, Inc. sa California, U.S.A. Dala ng maagang pamamahinga sa kanyang gawain bilang inhinyero
noong 1997 ay naipasiya niyang pagbalikan ang dati niyang hilig sa pagkatha ng mga tula at bigyang
daan ang kanyang hilig sa kasaysayan. Minarapat niyang talakayin ang pinakamalawak na paksa, ang
Kasaysayan ng Daigdig, na kinapapalooban ng maraming mga salisalimuot na pangyayari na maaaring
isabuhay at isalarawan sa pamamagitan ng tula at mga larawan. Sinadya niyang ipakita sa buong daigdig
ang kagandahan at kayamanan ng wikang Pilipno na dapat nating ipagmalaki. Layunin din niyang pag-
alabin ang diwang Pilipino upang tahasang manumbalik ang pagkagiliw ng mga Pilipino sa kanilang
katutubong wika at kultura.
Pangalan: Crisha Ann Bacuta

Kurso at Taon: BSN-2

“ Buhay Inhenyero”

Si Rodrigo Billones ay ipinanganak sa Roxas, City noong ika-12 ng Nobyembre, 1936.


Siya ay nagtapos noong 1951 sa Mababang Paaralan ng Plaridel at noong 1955 sa Mataas na
Paaralan ng Capiz state university. Matapos ay nag-aral siya sa Pamantasan ng Far Eastern sa
Maynila ng kursong A. B. Mathematics at B.S. Electrical Engineering, at sa Pamantasan ng
Ateneo de Manila ng kursong Master in Business Administration. Siya ay nagturo ng
Matematika at Electrical Engineering sa dalawang pamantasan sa Maynila, sa Far Eastern
University at University of the East sa gabi, habang namamasukan bilang Electrical Engineer sa
isang kumpanya sa manila at nang huli, bilang Senior Manager ng kanilang kumpanya kung
araw. Nahalal siyang Pangulo ng Samahan ng mga Inhenyero noong 1973.

Siya ay isang Professional Electrical Engineer at naging masugid na kasapi ng nag-iisang


Samahan Ng Mga Inhenyerong Elektrikal sa (Institute of Integrated Electrical Engineers).
Nahalal siya bilang isang Pangulo ng samahang ito noong 1983 at naging Kagawad na
Tagapangalaga ng Sanggunian Ukol Sa Teknolohiya sa Pilipinas (Philippine Technological
Council-PTC) nang taon ding yaon. Naging Kagawad din siya ng Pampanguluhang Lupong
Tagahatol para sa timpalak ng imbensyon, inobasyon at malikhaing pananaliksik na inilunsad ng
Pambansang Pangasiwaan ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas. Naging Myembro siyang
Panghabang Buhay (Life Member) Bilang 3 at “Fellow” ng Institute of Integrated Electrical
Engineers. Dahil sa matinding pangangailangan ay napilitan ang may-akda na mangibang bansa
at mamasukan sa Estados Unidos ng Amerika. Siya ay naglingklod bilang Regional Manager ng
Homac Manufacturing Company ng Florida, U.S.A. sa buong Asia-Pasipiko. Malaunan ay
namasukan din siya sa dalawang kompanya sa Estados Unidos na itinatag ng mga dati niyang
kasamahan at dahilan dito ay itinalaga siya bilang Project Manager sa Pacific Bell at malaunan
ay hinirang na Director for Marketing ng BERG Power Engineers, Inc. sa California, U.S.A.

Siya ay kahanga- hanga sa kadahilan ng maagang pamamahinga sa kanyang gawain


bilang inhinyero noong 1997 ay naipasiya niyang pagbalikan ang dati niyang hilig sa pagkatha
ng mga tula at bigyang daan ang kanyang hilig sa kasaysayan. Minarapat niyang talakayin ang
pinakamalawak na paksa, ang Kasaysayan ng Daigdig, na kinapapalooban ng maraming mga
salisalimuot na pangyayari na maaaring isabuhay at isalarawan sa pamamagitan ng tula at mga
larawan. Sinadya niyang ipakita sa buong daigdig ang kagandahan at kayamanan ng wikang
Pilipno na dapat nating ipagmalaki. Layunin din niyang pag-alabin ang diwang Pilipino upang
tahasang manumbalik ang pagkagiliw ng mga Pilipino sa kanilang katutubong wika at kultura.

You might also like