Chibog

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: ________________________________________ Iskor: _______________

Lebel at Seksyon: _________________________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1-10. Piliin ang titik ng tamang sagot para sa mga tanong mula bilang 1 hanggang
10.

a. komiks b. magasin c. tabloid d. komentaryong


panradyo

1. Ang babasahin na ito ay maaaring maglaman ng kaunti o walang salita


sapagkat may mga larawan na pantulong.
2. Ang “Abante” ay isa sa mga nangungunang brand ng babasahin na ito.
3. Ito ay ang paglalahad ng sariling komento o opinyon tungkol sa isang isyu.
4. Ang “Liwayway” ay isang halimbawa ng babasahing ito.
5. Makikita sa babasahin na ito ang isports seksyon.
6. Ang babasahin na ito ay binubuo ng mga artikulo at patalastas.
7. Ito ay pangmasang babasahin sapagkat abot-presyo ito.
8. Kakikitaan ng mga balloon at larawan ang uri ng babasahin na ito.
9. Hinihikayat ang mga kabataan na maging mahusay sa pagbibigay ng opinyon
sa uri ng media na ito.
10. Isa sa mga sikat na mamamahayag sa uri ng media na ito ay si Noli De
Castro.

11-30. Piliin ang titik ng tamang sagot.

11. Alin sa sumusunod ang hindi makikita sa tabloid?


A. tsismis B. bugtong C. palaisipan D. isports

12. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media?


A. radyo at telebisyon B. pahayagan at radyo C. magasin at komiks D.
telebisyon at tabloid

13. Alin sa sumusunod ang hindi gampanin ng radyo?


A. naghahatid ng balita B. naghahatid ng musika C. nananawagan D. wala
sa nabanggit

14. Ito ay ang mga salitang tanggap at ginagamit ng nakararami.


A. Wika B. Pormal na Wika C. Lalawiganin D. Pampanitikan

15. Ang salitang “pista” ay isang halimbawa ng anong antas ng wika?


A. kolokyal B. balbal C. lalawiganin D. Pambansa

16. Ito ang wikang ginagamit sa tabloid.


A. balbal B. kolokyal C. lalawiganin D. Tagalog
17. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga anyo ng kontemporaryong
panitikan
A. magasin, komiks, popular na babasahin B. tabloid, magasin C. print media,
popular na babasahin, komiks D. wala sa nabanggit

18. Sa pangungusap na “Sinong meron nang takdang-aralin sa Filipino?”, ang


salitang “meron” ay nasa anong antas ng wika?
A. kolokyal B. lalawiganin C. balbal D. a at c
19. Alin sa sumusunod na mga salita ang hindi halimbawa ng pampanitikan?
A. irog B. dampa C. masikap D. Dalisay

20. Alin sa sumusunod na mga salita ang hindi halimbawa ng balbal?


A. jeproks B. kaloka C. pandong D. jologs

21. Ano ang katumbas ng salitang “musa” sa pampanitikan?


A. mahinhin B. marikit C. lakambini D. binibini

22. Ano ang pinakalayunin ng komentaryong panradyo sa mga kabataan?


A. Maipahayag ang sariling opinyon B. Matutong magbalita C. Mamulat sa
mga pangyayari sa bansa D. Makapagsalita nang maayos

23. Alin sa sumusunod na mga salita ang halimbawa ng pampanitikan?


A. dalisay at paglimot B. ama at ina C. gabay at paksa D. pagtangis at aba

24. Paano ang tamang baybay ng salitang “nasaan” sa kolokyal?


A. ‘san B. asan C. nasa’n D. ‘sa’n

25. Sa pangungusap na “Walang pasok bukas!”, ang buong pangungusap ay nasa


anong antas ng wika?
A. kolokyal B. pambansa C. di-pormal D. balbal

26. Ito ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang


mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu.
A. komentaryong panradyo B. broadcast media C. pagkokomento
D. dokumentaryong pantelebisyon

27. Alin sa sumusunod na programa ang hindi kabilang sa broadcast media?


A. TV Patrol B. 24 oras C. Probinsyano D. I-Witness
28. Ano ang pagkakaiba ng print media sa broadcast media?
A. Wala, dahil parehas silang uri ng media
B. Ang print media ay ang mga popular na babasahin samantalang ang
broadcast media ay naghahatid ng impormasyon gamit ang network.
C. Ang print media ay ang mga nakalimbag na artikulo samantalang ang
broadcast media ay naghahatid ng impormasyon gamit lamang ang awdio at biswal.
D. Ang print media ay binabasa samantalang ang broadcast media ay
binabasa rin at ginagawang teleserye ang ilan sa mga palabas dito.

29. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng isang epektibong komentaryong


panradyo?
A. marunong sa teknolohiya B. magbigay ng opinyon C. a at b
D. may sapat na kaalaman sa paksa
30. Sino sa sumusunod na mga personalidad ang hindi naghahatid ng balita sa
telebisyon o radyo?
A. Zen Hernandez B. Kara David C. Atom Araullo
D. Francisco Balagtas
31-35. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat
pangungusap.

A. panghihinayang B. pagtanggi C. pag-aalinlangan


D. pagbibigay-babala
31. “Hindi ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang iyong tablet, Rex!”
32. “Sana ay sinabi na niyang bumagsak siya bago pa gumastos ang kanyang ate
sa pagpapaaral sa kanya.”
33. “Kaya ko kayang mag-aral sa Maynila na walang kilalang kaibigan kahit isa man
lang?”
34. “Alalahanin mong siya ang tumulong sa iyo sa paggawa ng proyektong iyan.”
35. “Hindi ako sigurado kung tama ang inilagay kong sagot sa tanong sa blg. 15 sa
Filipino 8.”

Inihanda ni: Bb. Danica L. Perez

You might also like