Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
EMILIA PEREZ LIGON HIGH SCHOOL
(Formerly Maligaya High School)
Maligaya, San Miguel, Bulacan

WEEKLY HOME LEARNING PLAN – GRADE 7


Learning Area: ARALING PANLIPUNAN Week: 4-5 Date: January 18-29, 2021
MELCs:
Week 4 - *Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa kalagayang panlipunan at
kultura sa Asya
Week 5 -*Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano
Layunin:
1. Natatalakay ang mga pangyayari, mga tao at mga lugar na bumubuo sa relihiyon at
pilosopiyang Asyano.
2. Napaghahambing ang iba’t ibang relihiyon at pilosopiyang Asyano.
3. Nasusuri ang implikasyon ng relihiyon at pilosopiya sa pagkakakilanlang Asyano.
4. Napapahalagahan ang sariling paniniwala sa pamamagitan ng pagsusuri sa
implikasyon ng relihiyon at pilosopiyang Asyano.

Araw at
LEARNING TASKS (GAWAING PAMPAGKATUTO)
Oras
♥ Paggising, pagsasaayos ng higaan, pagkain ng almusal at paghahanda para sa isang
makabuluhang araw.
♥ Magkaroon ng oras para ikondisyon ang katawan sa pamamagitan ng ehersisyo
kasama ang miyembro ng ating pamilya.
PANIMULANG GAWAIN
♥ Sa pasimula ng aralin, hayaan munang maglahad ang mag-aaral ng ilang
konseptong nalalaman niya tungkol sa kontinente ng Asya.
Matapos ang maikling kwentuhan. Ibigay sa mag-aaral ang modyul 2- Relihiyon at
Pilosopiya sa Asya at ang inilaang sagutang papel na kanilang gagamitin sa
pagsagot sa mga inihandang pagsasanay.

SUBUKIN
Pasagutan sa mag-aaral ang paunang pagsusulit sa pahina 2-3.
Tandaan: Tingnan at gabayan ang mag-aaral sa pagsasagawa ng gawain.

BALIKAN
♥ Sa bahaging ito ng modyul, may pagsasanay na kailangang sagutan ng mag-aaral
bilang pagtukoy sa kanyang kaalaman sa nakaraang aralin. Pasagutan ang gawain
na nasa pahina 4-5.
Tandaan: Hayaang mag-isip ang mag-aaral at alalahanin niya ang kaalaman niya sa
kontinente sa Asya.

TUKLASIN
♥ Ipagawa ang mga gawain na matatagpuan sa pahina 5- 6 ng modyul at hayaang
matuklasan ng mag-aaral ang mga konseptong tatalakayin sa modyul gamit ang
kanyang mga paunang kaalaman.Tinatawag ang gawain SIMB-HULAAN.
Tandaan: Makakatulong ang mga clues bilang gabay sa pagsasagot ng mag-aaral.
SURIIN
♥ Sa bahaging ito, kinakailangan maglaan ng sapat na oras ang mag-aaral sapagkat
tatalakayin ninyo ang nilalaman ng aralin. Dito isinasaad ang talakayan tungkol sa
konsepto at katangian ng kabishanan. Ang bahaging ito ay makikita sa pahina 6- 11
ng modyul.
Tandaan: Tiyaking maayos na masusuri ng mag-aaral ang teksto, talaan at tsart na
kabilang sa bahaging ito ng modyul upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng
aralin. Magkaroon ng maganda at kawili-wiling talakayan kasama ang mag-aaral.

PAGYAMANIN
♥ Sa parteng ito masusukat mo kung lubos bang naunawaan ng mag-aaral ang
konsepto ng aralin. Mayroong apat na pagsasanay ang kanilang dapat sagutan mula
sa pahina 12-14.
Tandaan: Siguraduhing maayos na masasagot ng mag-aaral ang mga inihandang
pagsasanay. Sundin nang tama ang bawat panuto na makikita sa bawat pagsasanay.

ISAISIP
♥ Sa bahaging ito maibubuod ang konsepto ng aralin gamit ang inihandang gawain sa
pahina 14.
♥ Tandaan: Bigyang patnubay ang mag-aaral kung lahat ng bahagi ng gawain ay
nasagutan.

ISAGAWA
♥ Sa pahina 15 ng modyul ay gagawin ng mag-aaral ang mga itinakdang gawain na mas
magpapalalim pa sa pagkaunawa niya sa aralin.
Tandaan: Sa bahaging ito ay susukatin ang natutuhan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain batay sa sariling karanasan at pang-
araw-araw na niyang pamumuhay.

TAYAHIN
♥ Dito ay lubos na masusukat kung naunawaan ba ng mag-aaral ang tamang konsepto
ng aralin. Makikita ang bahaging ito sa pahina 16-17.
♥ Tandaan: Muli ay gabayan ang mag-aaral habang sinasagutan ang bahaging ito
subalit napakahalaga na ang sagot ay magmumula mismo sa sariling pag-iisip ng
mag-aaral.

KARAGDAGANG GAWAIN
♥ Sa bahaging ito ay mas palalalimin pa ang pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.
Binubuo ito ng gawain na magbibigay ng dagdag na kaalaman kaugnay sa tinalakay
na aralin. Makikita ito sa pahina 17-18 ng modyul at ang sagot ay isusulat sa
sagutang papel.
♥ Tandaan: Sa pagtatapos ng aralin, batiin mo ang mag-aaral nang buong ngiti at may
pagmamalaki. Bigyan siya ng mga papuri upang lalo siyang magsumikap sa mga
susunod pang mga aralin

Mode of Delivery / Paraan ng Pagsusumite ng Awtput:


 Ipapasa ng magulang o guardian ang awtput ng mag-aaral sa gurong tagapayo/tagapag-
ugnay.

Inihanda ni: Sinuri ni:

RENZ ELISEO M. HERNANDEZ ALVIN M. DE CASTRO


Guro sa Araling Panlipunan Nanunuparang Pang-Ulong Guro III

You might also like