Pagsusuri Sa Halagahang Nakapaloob Sa MG

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region XII
Division of Koronadal City
KORONADAL NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Science, Technology and Engineering Mathematics

“Kel ne’mo: Pagsusuri sa Halagahang


Nakapaloob sa mga Etnograpikal na Alamat
ng mga T’boli sa Bayan ng T’boli”

Isinulat nina:

Jugar, James Mico

Mendez, C’zar Kate

Orayle, Fitz Gerald

Gilay, Cherian Angel


I. Pagtanaw sa Kultural na Kasaysayan ng Tribong T’boli

Ang kultura ng tribong T’boli ay parang paghahabi ng tela na kung tawagin


ay T’nalak. Ang kanilang kultura ay isang hinabing pangarap sa pagdidisenyo ng
T’nalak. Isa itong abaka na hinimay upang gawing malong at banig, ang T’nalak
ay sumisimbolo sa pagkamalikhain ng T’boli. Dahil dito, sila ay naging bantog sa
larangan ng sining. Ang T’nalak ay kakaibang uri ng sining sapagkat nagpapakita
ito ng makulay na mithiin ng mga T’boli, bawat disenyong nalilikha ay salamin ng
kanilang kultura.

Ganito namin ihahambing ang kultura ng T’boli, isang paghahabi ng telang


abaka na mas lalong nagpapatingkad sa ugnayang nabubuo ng bawat hibla at
nagiging kahali-halina sa sinumang mahagip nito.

Uunahin ng mga mananaliksik na ipahayag ang nakapaloob na kultura ng


mga T’boli at ang tradisyon nito. Ang konteksto ng pagsisimula ay ang
pamumuhay at ang kanilang sining na siyang magiging lunsaran ng papel na ito
upang maipakita ang mga hiblang nakaangkla sa kanilang kultura at mga
halagahang nakapaloob sa mga etnograpikal na alamat ng tribong T’boli.

II. Pagpapakahulugan sa Etnograpiya

Ayon kay Piscos (2019) na ang etnograpiya ay mula larangan ng


antropolohiya na ngangahulugang personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan
sa pamamagitan ng paglahok, pagmamasid at pakikipamuhay sa mga taong
nasa ibang pamayanan. Ang etnograpiya ay isang sangay nang antropolohiya na
pinag uusapan ang mga pag-uuri at diskripsiyon nang isang particular, lalo na
ang mga kultura ng mga tao.
Ang etnograpiya (Ingles: ethnography, mula sa Griyegong ἔθνος ethnos =
"mga tao", at γραφίαgraphia = "pagsusulat") ay ang makaagham na estratehiya
ng pananaliksik na kadalasang ginagamit sa larangan ng mga agham
panlipunan, partikular na sa antropolohiya at sa ilang mga sangay ng sosyolohiy,
na kilala rin bilang isang bahagi ng agham pangkasaysayan na nag-aaral ng mga
tao, pangkat etniko, at iba pang mga kabuuang etniko, ang kanilang etnohenesis,
kumposisyon, muling paglipat, mga katangian ng kabutihang panlipunan, pati na
ang kanilang kalinangang materyal at espirituwal. Karaniwan itong ginagamit
para sa pangangalap ng mga dato empirikal hinggil sa mga lipunan at mga
kalinangan ng tao. Kadalasang ginagawa ang pagtitipon ng mga dato sa
pamamagitan ng pagmamasid ng kalahok, mga panayam, mga pagtatanong na
nakasulat, at iba pa. May layunin ang etnograpiya na mailarawan ang kalikasan
ng mga pinag aaralan (iyong mailawaran ang isang pangkat ng mga tao, na
tinatawag na isang ethnos) sa pamamagitan ng pagsusulat (Howling Pixel,
2019).

Ito ay pananaliksik na kadalasan ginagamit sa larangan ng agham


panlipunan, particular na sa antropolohiya at sa ilang mga sangay ng
sosyolohiya (Yason, 2019).

Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na


nag-iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay, at iba’t ibang gawi mg isang
komunidad sa pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa pagtuklas
ng isang panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan ditto sa
pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan,
wika, kultura at iba pa. Nangangailangan ito ng matapat nap ag-uulat ng
naranasan o naobserbahan ng isang mananaliksik. Madalas na ginagamit na
pamamaraan ang partisipasyong etnograpiko o mas kilala bilang “participant
observation” (Reich 1998; sa pagbanggit nina Tatel 201). Nangangailangan ito
ng “field study” na isang pamamaraan ng pagtatala ng mga datos at pangyayari
sa pamamagutan ng mga pandama (pagmamasid, pang-amoy, pandinig, o
panlasa). Binibigyang-diin sa obserbasyon ang lunan o “setting” (para sa
konteksto), mga Gawain at kilos ng mga kasangkot, impormal na interaksyon,
hindi nakaplanong Gawain, berbal at di-berbal na komunkasyon, at iba’t ibang
proseso (De Laza, 2016).

Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ang otnograpiya ay isang sangay ng


antropolohiya o agham-tao na may kinalaman sa kultura ng mga liping nabibilang
sa minoridad. Ito rin ay siyentipikong paglalarawan ng ibat’ ibang lipi at kultura
(Almario, 2010).

III. Pagpapakahulugan sa Alamat ng Tribong T’boli

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang
mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong
bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang “legend” ng ingles (De
Juan, 2012).

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga


pinagmulan nga mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang
mga ito ng mga pangyayari hinggil tunay na mga tao at pook, at mayroon
pinagbatayansa kasaysayan. Ito ay mga kuwento ng mga mahiwagang
pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya’t walang nag
mamay -ari o masasabing may akda ito. Ang alamat ay karaniwang tumatalakay
sa mga kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito ay tumatalakay din sa mga
katangiang maganda, tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa
mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o
mapanumpa. Ngunit sa bandang huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para
sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa kultura ng bayang pinagmulan nito
(Yason, 2019).
Ang alamat ay itinuturing na isang kuwentong bayan na nagpapaliwang
kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay nagpasalin-salin sa mga
henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon. Kahit na
walang makakapagtunay kung totoo ba talaga ang mga sinasabi sa mga alamat,
iilan lamang ang mga taong nagtatanong tungkol sa katotohanan ng mga ito
(Ghaz, 2019).

Ang alamat ay karaniwang pumapaksa sa pinagmulan ng isang bagay,


pook, kalagayan o katawagan. Ito ay likhang isip lamang kaya salat sa
katotohanan at di-kapani-paniwala. Bagamat may ganitong katangian
masasalamin naman ditto ang mga kaugaliang Pilipino (Villafuerte & Bernales,
2009).

Isang salaysay ng di-karaniwang pangyayari na ipinalagaynna totoong


naganap, na kaugnay ng pagkikita sa mga engkantada, multo, demonyo at mga
katularing nilalang. May isang paksa, madalas na maikli at payak ang salaysay
nito. Iba’t iba ang mga alamat, tulad ng pinagmulan ng mga bagay, lugar at mga
pangalan nito, ng mga halaman, mga hayop at iba pa. May paliwanag tungkol sa
bakit ganoon ang isang bagay. May mga salaysay tungkol sa mga maalamat na
bayani, dakilang mga lalaki at babae ng kasaysayan at mga taong may
pambihirang kapangyarihan. Mayroon din naman tungkol sa alamat ng mga
himala, ng buhay ng mga santo at santa. Kaakit-akit basahin din ang mga
salaysay tungkol sa pagkakita sa mga engkantada, multo, lambana, dwende,
tikbalang at iba pa; gayundin naman ang tungkol sa mga nakabaong
kayamanan, pinagmumultuhang pook, mga kampanang kasama ng bapor na
lumulubog sa dagat (Eugenio, 1986:3).

IV. Pagtipon ng mga Etnograpikal na Alamat sa Tribong T’boli


ALAMAT PAGKUKUWENTO PAGSALIN SA FILIPINO

Alamat ng Tudbulol “ Amo na siya ang istorya Ang kwento na ito ay ang
sang isa ka bayani nga bayani na mula sa lugar
naga halin sa lugar sang na ilog ng Lunay Mogul
mga taga suba Lunay ang propesiya ng kanyang
Mogul ang propesiya sang ama na si Kemukol na
amahan niya nga si mayroong halimaw na
Kemukol nga may ara daw kung tawagin ay Datu
sang aswang gina tawag Busaw na susunog ng
nga Datu busaw nga kanilang lupa hanggang
magsunog saila nga na sa damo nalang ang
lupa asta sa punto nga matitira.
hilamon nalang mabuhi “

Alamat ng Lemlunay “Istorya sang paraiso para Ang kwento ng paraiso


samon mga ninuno para sa mga ninuno
nagpuyo man didto si naninirahan doon si
tudbulol para magtipon tudbulol upang magtipon-
tipon para daw mag tipon upang ipagdiwang
celebrate sang mga ang isang okasyon
okasyon bala haw daw kumbaga kunektado ito sa
kumbaga related man abi kwento ni tudbulol. Ang
sa storya ni tudbulol kay tudbulol raw ay isang
ang tudbulol is actually daw chant type na story na
chant type nga story di nga hindi isang kwento
isa lang ka istorya mahatag lamang.
sina”.

Alamat ng Bong busaw “Ang storya nga ni kay Ito'y naging isang istorya
ni tahu logi kwento ni sya panghadlok na kinikwento sa mga
sa mga bata para hindi sila bata para silay di malihis
mag binuang kag nang landas, nagsisilbing
magtarong sila sa kabuhi paniniwala din ito sa lahat
nila amo man ni sya ang at nagpapatibay nang
gapatibay sa amon nga kultura.
kultura.”
Alamat ng Libun Misot “Ang storya nga ni kay Ang alamat na ito ay
Nga tunkol ni sya sa pagbata tungkol sa pagpanganak
sang is aka babae nga ng babae na dapat sya ay
dapat siya lang isa sa ila nag-iisa lamang sa bahay.
balay kag dapat ang asawa Ang kanyang asawa
ya wala para mas dasig (lalaki) ay dapat wala sa
sya kabata kag magka bahay para hindi
privacy man. Pagtapos mahirapan sa pagluwal ng
bata didto pa pwede mag sanggol at para siya ay
sulod ang asawa nya nga magkaroon ng tinatawag
laki.” na “privacy”. Pagkasilang
ng sanggol ay pwede
nang pumasok sa bahay
ang asawa (lalaki).

Alamat ng Nayo Lungan “Ang naghimo sa mga Sina H’yu We at Sidek We


T’boli kay sila H’yu We kag ang lumikha ng mga
Sidek We. Dati ang mga T’boli. Noong una ang
tao hindi pa kabalo mga T’boli ay hindi pa
maghambal amo na marunong magsalita kaya
nangayo si Hy’u We sang humingi ng tulong si H’yu
bulig kay Litek para kwaon We kay Litek na kunin
sila. Dayon ang mga tao sila. Ang mga tao ay takot
hadlok sila kay Litek dahil sa nakakakilabot na boses
sa boses niya amo man na ni Litek at yun ang naging
ang dahilan kaya sila dahilan kung bakit sila
nagkaboses tong mga tao. nagkaroon ng boses.
Amo na kng magkilat tapos Simula noon kung sino
may ara naigo sini kag man ang matamaan ng
napatay ibig sabihin daw kidlat at namamatay
sito kay ginkwa balik ni pinaniniwalaang kinuha
Litek ang boses sang ulit ni Litek ang boses ng
napatay.” taong ‘yon.
V. Pagsusuri sa Etnograpikal na Alamat ng Tribong T’boli
Ang alamat ng Tudbulol ay kuwento tungkol sa kabayanihan. Ito ang
kuwentong nagpapatunay na ang kultura ng T’boli ay naiiba. Ang alamat ay
nagbibigay sa kanila ng kaalaman tungkol sa kanilang nakaraan at mga
pinagmulan. Ito ang kuwento ng kabayanihan ng isang kakaibang nilalang na
may mabuting puso sa pamilya at kapwa.
Ang alamat ng Lamlunay ay kuwento ng paraiso kung saan nagtitipon ang
mga tao dito tuwing may mahahalagang okasyon. Ang kuwentong ito ay
konektado sa alamat ni Tudbulol. Sa alamat na ito naipapakita na ang T’boli ay
isang tribong hindi nag iiwanan at nagmamalasakit sa isa’t isa. Tunay ngang ang
T’boli ay hindi lamang hitik sa kultura kundi sila rin ay hitik sa pagkakaisa.
Alamat ng Bong Busaw ni Tahu Logi ay kuwento tungkol sa pananakot ng
mga magulang sa anak upang hindi sila malihis ng landas. Maraming kuwento o
alamat na ganito sa ating bansa ibig sabihin lamang nito na ang tribung T’boli ay
naniniwala sa kababalaghan. Hindi malayong mangyari ito sapagkat ang mga
T’boli ay naniniwala sa mga diyos-diyosan at ito rin ay kanilang sinasamba.
Ang alamat naman ng Libun Misot Nga ay tungkol sa panganganak ng
babae na dapat sya ay nag-iisa lamang sa bahay. Ang alamat na ito ang
nagpapakita na ang mga T’boli ay mayroong pamahiin. Mahalaga ang mga
pamahiin dahil ito ang nagiging gabay natin sa araw-araw. Sabi nga nila “walang
mawawala kung ikaw ay maniniwala.”
Ang alamat Nayo Lungan ay tungkol sa pagkabuo ng bayan ng T’boli at
ang mga tao nito. Ang alamat ay mahalaga sa kasalukuyan sapagkat ito ay
nagiging batayan ng mga tao sa kasalukuyan, kung saan nagmula ang isang
bagay sa mundo. Ginawa ito upang may madagdag na kaalaman sa mga
kabataan sa panahong ito mula sa nakaraan. Ito rin ay nagging gabay natin sa
pagtuklas kung saan talaga nagmula ang isang bagay. Pinapakita nito na ang
mga T’boli ay naniniwala sa paglikha.
VI. Paghahambing sa Alamat at ng Tribong T’boli at di Tribong T’boli
MGA ALAMAT NG DI TRIBONG T’BOLI

Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto (Baguio)

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang


mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit sya ang
pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya’t siya ang ginawang
puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay
namumuhay nang tahimik. Maibigan sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang
bathala. Taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang parangal sa kanilang mga
anito.
Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
Kung nagdaraos sila nga cañao ay naghahanda sila linggo-linggo. Pumapatay
sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan
sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya
lubhang nakalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang
landas na kaniyang tinutunton.
Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong iyo ay
kakaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa
pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa
ibon, bigla siyang napatigil. Tinitignan siyang mainam ng ibon at saka tumango
nang tatlong ulit bago lumipad.
Matagal na natigilan sI Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang,
sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabahin nga
kaniyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siya’y
bumalik nayon at nakipagkita sa matandang pantas.
Sabi ng isang matanda, “Marahil ang ibon iyon ay ang sugo ng ating
bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng cañao.” “Kung gayon,
ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto. Ipinagbigay-
alam sa lahat ang cañao na gagawin.
Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa
isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na
pagkain. Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng baboy.
Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit,
kung ito man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila
sa itaas ng bundok-bundukan.
Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan
ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kula-lupa na sa katandaan at
halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang
mga mata sa kanilang nakita. Natakot sila. Maya -maya’y nagsalita ang matanda
at nagwikang ganito: “Mga anak, magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil
sa kayo’y Mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong
kabutihan. Lamang ay sundin niyo nag lahat ng aking ipagbili.”
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.
Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo
ang cañao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi
niyo pa nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at sanga aya
maari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag
na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.” Tinupad naman ng mga tao ang
ipinagbilin nga matanda.
Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa
pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng
matanda, nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag
ng araw- lantay nag into mula sa ugat hanggang sa kaliit -liitang dahon.
Nagsigawan ang mag tao sa laki galak.
Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punonghoy at pumitas ng isang
dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo
ang tua sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon. Sa loob ng maikling
panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang dati nilang matahimik na
pamumuhay ay napalitan ng pag-iimnuran at inggitan. Ang punongkahoy naman
ay nagpatuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng
tingin ng mga tao.
Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-taas na at hindi na
natin maabot ang bunga o dahoon ng punong ginto. Mabuti pa ay pagputul-
putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian
natin.” Kinuha nga mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay
kumuha ng mga sibat.
Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag
ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay kumidlat nang
ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Nabuwal ang punongkahoy. Nayaning ang lupa at bumuka sa lugar na
kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan ng
gatimpala sa inyong kabutihan: ang punong-ginto, upang maging mariwasa ang
inyong pamumuhay.
Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong
mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan
ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.” At pagkasabi ng
mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng
lupang kinabuwalan.
Mula noon, nakukuha lamang ang ginto sa pamamagitan ng paghukay sa
lupa.

Hinulugang Taktak (Antipolo City)

Isang araw, ang isang dalaga na ang pangalan ay napapalitan tuwing


uulitin ang kwento, ngunit palaging pinupuri ang kagandahan, ay naglalaba sa
batsi na dumadaloy papunta sa talon. Nakasuot lamang ng waring tapis,
nakilahok ang magandang katawan sa pang -umagang sikat ng araw, siya ay
tunay na isang napakagandang tanawin. At dumating ang isang kabataang
sundalong Espanyol, isang tenyente sa mananakop na puwersang Espanyol.
Nang Makita niya ang binibini ay namulagat siya sa ganda nito. Kailanman ay
hindi niya naisip na sa sinanunang bayang ito ay mag kagandahang
makikipagpaligsahan sa makikita sa kanyang marilag na bayan, ang Espanya.
Tahimik na minasdan niya ito nang ilang sandal, itinatala ng kanyag mga mata
ang bawat detalye ng buhok nito na dumadalusdos sa balikat tulad ng isang
talon, ng mahaba, katamtamang kayumangging mga braso nito, ng tumatawang
kalungkutan ng mga mata nito. Lumapit siya rito. Mabilis itong tumayo, mailap sa
takot sa pagkakita sa dayuhan. Nabantulot ang Espanyol, pagkuwa’y inilahad
ang kamay upang makipag-kamay. “Huwag kang matakot,” aniya. “Wala akong
layumimg saktan ka.”

“Nakikiusap ako, lumayo ka,” takot na bulalas nito. “Sino ka? Bakit ka
nagpunta rito?”

“Gusto ko lamang makipag- usap sa iyo, magandang binibini?”

Umurong ito nang ilang hakbang palapit sa talon. Sinundan ito sa


kabataang sundalo, nakiusap siya rito na mag-usap sila sa loob ng ilang minute.

“Maniwala ka sa akin,” sumpa ng tinyente, “wala akong masamang


hangarin. Gusto ko lamang makipag-usap sa iyo.”

Nakarating sila sa gilid ng bangin. Tumigil ang binibini. “Kapag lumapit ka


pa ng isang hakbang, lulundag ako sa talon.”

Tapat sa sumpa nito na magiging busilak, tumalon sa bangin ang binibini


bilang pagtatanggol sa karangalan nito. Tinangka ng lalaki na pigilan ito, ngunit
huli na ang lahat. Ang narining na lamang niya ay isang humilagpos na sigaw
habang nakita niyang bumagsak ang katawan nito sa mga putting bula sa ibaba.
Lalong narining niya sa isip ng mga huling salita nito, tinitigib ng matinding
lumbay at pagsisisi. “Kapag lumapit ka sa ng isang hakbang…’

Ang kanyang kapalaran ay nagtatakda rin ng isang bagay lamang: na


magdurusa rin siya ng katulad na kapalaran na hindi sinasadyang naitakda sa
butihing babae. Tinatandaan niya nag eksakting lugar na binagsakan nito, at
matapos ang isang huling dasal, tumalon din siya sa kanyang kamatayan.
Hanggang sa araw na ito, sa paraan ng talon ay may dalawang bato
nakatulad ng dalawang taong animo ay magkayakap at nagmamahalan nang
walang hanggan. Sa paligid nila ay maningning na sumaboy ang lagi’t lagi nang
maputing tubig, bumubuo ng mapuputing bula at pagkatapos ay buong dingal na
dumadaloy patungo sa higit na malawak na lagusan.

Ang Alamat ng Isla Bongo (Maguindanao)

Ang Maguindanao ay Filipinong Muslim na nakatira malapit sa baybay ng


lawa ng Maguindanao, Cotabato. Ang isla Bongo ay isang islang napapaligiran
ng puno ng niyog. Ito ay malapit sa ugnayan ng lawa sa malawak na karagatan.
Ikinukwento ng mga taga -Maguindanao ang alamat kung paano umusbong ang
isla Bongo pagkatapos ng sagupaan ng matapang na si Bantugan at ng
matipunong kastilang manliligaw ng prinsesang Maguindanao. Ang alamat ay
nangyari sa panahong gustong sakupin ng mga kastila at mapailalim sa kanila
ang Pilipinas na ni minsan ay hindi natupad.

Nagsimula ang kwento nang kumalat sa malayong lugar ang angking


kagandahan ng anak ng sulat ng Maguindanao. Umabot ang balita sa pandining
ng oisyal ng mga kastila. Binantaan ng kastila ang sultan na kung hindi ibibigay
sa kanya ang kanyang magandang anak ay lulubusin niya ito at pababagsakin.
Humanga ang sultan sa tapang na angkin ng kastila kaya ipinabalik niya ito
pagkalipas ng ilang taon.

Tutol ang sultan na maipakasal ang kanyang anak sa mayabang na


kastila. At alam niyang nakapangako na siyang ipakasal ang kanyang anak kay
Bantugan na naghahanda sa kanilang darating na kasalan.

Dumating ang panahon na nagtagpo ang landas ng lalaking nagnanais


makuha ang kamay ng prinsesa. Mapadagat man o mapalupa, ang labanan ay
lagging patas kahit na mas mataas ang mga kastila. Patuloy ang mahigpit na
sagpuan hanggang sumuko ang mga kastila sa bagsik na dala ni Bantugan.
Itinayo ni Bantugan ang prinsesa at dinala ito sa tirahan niya sa dulo ng
ilog. Nang malaman ito ng kastila, hinanap nito ang sultan, pinatay niya ito at
sinunog ang bayan. Hinanap niya si Bantugan ngunit di niya ito Makita.

Sasagupain na ni Bantugan ang barko lulan ang kalabang kastila ngunit


unti – unti nabubuo ang isang malaking ipu - ipo sa dagat. mabilis na hinigop ng
dagat si Bantugan at ang barko na sinasakyan nito. Nang Makita ito ng prinsesa
habang nakadungaw sa bintana ng kanyang bahay, mabilis itong tumakbo upang
tulungan ang kanyang irog ngunit nasama siya sa malakas na higop ng
karagatan, kasama ng kanyang mga katulong.

Nang Nawala ang prinsesa at si Bantugan sa ilalim ng dagat, ang mga


mamamayan ng Maguindanao ay nakakita ng biglang lumitaw na dalawang isla
malapit sa dulo ng ilog ng Maguindanao. Ang isa ay Malaki at ang isa ay
napapaligiran ng mga puno ng niyog na may maraming naglalarong puting
unggoy. Ayon sa alamat, ang dalawang pulo ay si Bantugan at ang prinsesa ng
Maguindanao, at ang mga putting unggoy ay ang mga katulong nito.

Ang Alamat ng Bukal sa Maybinay (Negros)

May isang dalagang Maybinay ang pangalan, kayumanggi at


napakaganda. Mahaba at makapal ang kanyang maitim na buhok. Itinuturing
siyang reyna ng kanilang lugar at namamanginoon sa kanya ang mga ibon at
mga hayop. Wala syang kamuwang-muwang sa pag-ibig sapagkat mag-isa
siyang namumuhay at tinutupad ng mga nasasakupan niya ang lahat ng kanyang
mga kahilingan. May isang binatang ang pangalan ay Yabonan na naninirahan
sa isang lugar na tinatawag na Bato. Katamtaman lamang ang kanyang taas,
matipuno ang kanyang abuhing katawan. Isang mangangaso, malakas siya at
lubhang sanay sa paggamit ng busog at palaso.

Minsan, nangahas pumunta sa ibang lugar si Yabonan. Nakakita siya ng


isang usa na kanyang pinana, ngunit hindi tinamaan. Nakatalilis ang usa. Noon
lamang siya sumablay sa pagpana sa isang hayop. Sinundan niya ang isa at
dahil simbilis din sya nito, inabot niya ang hayop bago nakasama sa
kinabibilangang kawan sa ilog-Namanyan. Ang ilog na ito ang nag-uugnay sa
pook ni Yabonan at ni Maybinay.

Papanain na ni Yabonan ang usa nang makrinig siya ng nag-uutos na


makapangyarihang tinig. Namangha siya ng nag-uutos ng may-ari ng tinig na
nag-utos sa kanyang huwag patayin ang usa. Isa siyang prinsipe sapagkat isang
hari ang kanyang ama.

Ngunit parang tinamaan ng kidlat si Yabonan nang makita niya ang


babaeng nakatayo nang di-kalayuan sa kanya. Parang naglalagablab sa poo
tang mga mata nito.

“Sino ka?” usig ni Yabonan

“Ako si Maybinay, ” sagot ng babe. “Ang using ito ay pinakatatangi kong


alagad.”

Natigilan si Yabonan pagkamalas sa kagandahan ng babae. Umibig aga


siya kay Maybinay noon din. At mula noon ay madalas siyang dumadalaw sa
ilog-Namanyan at inasam-asam niyang maging asawa ang babae. Hindi agad
sinagot ni Maybinay si Yabonan. Matagal munang nanligaw sa kanya ang binata.
Ngunit tulad ng matigas na batong walang patlang na pinapatakan ng tubig,
lumambot din ang puso ni Maybinay. Inibig din niya si Yabonan.

Nagkataong sa huling pagdalaw kay Maybinay, pinauwi si Yabonan ng


kanyang maysakit na ama. Lumipas ang panahon, ang mga araw ay nagging
lingo, ang mga linggo ay naging buwan, at ang mga buwan ay naging taon. Hindi
nagbabalik si Yabonan sa pilinmg ni Maybinay.

Kaya pala hindi sumisipot si Yabonan ay pinakiusapan ito ng ama:

“Sa katabi nating kaharian, may isang napakagandang anak ng matalik


kong kaibigang hari. Loyang ang kanyang pangalan. Nagkasundo kaming
magkaibigan na ipakasal kayo pagdating sa angkop ninyong edad.”
Nagimbal si Yabonan sa ipinagtapat ng amang hari. Ngunit wla siyang
lakas para tumutol. Napakabuti sa kanya ng kanyang amang hari. Siya ang
tagapagmana ng kaharian nito. Ipinasiya niyang pakasalan si Loyang kahit
naiwan kay Maybinay ang kanyang puso.

Pagsapit ng kabilugan ng buwan, naglakbay si Yabonan sa kaharian nina


Loyang. Natuklasan niyang lubhang kaibig-ibig ang dalagang prinsesa. At
tuluyan na niyang nalimot si Maybinay.

Naghangad at umasa si Maybinay na makikita pa rin si Yabonan sa kabila ng


pagdaraan ng maraming taon. Palaging nagtutungo si Maybinay sa ilog-
Namanyan at ginunita lagi ang pangako sa kanya ni Yabonan. Nagkasakit si
Maybinay. Madalas, umiiyak siya at nanambitan:

“Yabonan, nasaan ang iyong pangako?”

Isang mabigat na parusa para kay Maybinay ang kanyang mga paghihirap
at kalungkutan. Humiling siya sa Bathala. Ibinulong nito sa kanya ang kalagayan
ni Yabonan. Pinangakuan siya na matutupad ang kanyang huling kahilingan:
magkikita silang muli ni Yabonan bago siya tuluyang yumao. Tinangay ng hangin
ang kanyang kahilingan at inihatid iyon ni Bathala sa pandinig ni Yabonan.

“Maybinay, nasaan ka?” nagdadalamhating sigaw ni Yabonan nang


marinig ang nanghihnang tinig ngf nag-aagaw-buhay na dalaga.

Mabilis siyang naglakbay patungo sa pook nina Maybinay. Dinatnan niya


ang dalaga na halos higitan na ang huling hininga.

“Patawarin mo ako, Maybinay. Mahal kita. Hindi na matutupad kailanman


ang aking pangako,” buong pagsusumamong wika ni Yabonan.

Nangingilid sa mga mata ang masaganang luha, nakatugon pa rin si


Maybinay sa nanghihina nang tinig.
“Pinatawad na kita, Yabonan…isang mapagmahal na patawad mula sa
pinakailalim na bahagi ng aking puso.”

Inilibing ni Yabonan ang kasintahan. Mula sa libingang iyon, sumulpot ang


isang bukal. Ang malinaw na tubig doon ay sinasabing mga luha ni Maybinay na
hindi maampat sa pagdaloy.

Ang Alamat ng Bulkang Mayon (Bicol)

Noong unang panahon sa bayan ng Ibalon ay may nakatirang isang


kabigha- bighaning dalagang nagngangalang Daragang Magayon. Anak siya
nina Rajah Makusog ng Rawis at Dawani, ngunit namatay ang kanyang ina
matapos siyang isilang.

Ang kagandahang taglay ni Daragang Magayon ay nakakaakit sa


maraming manliligaw mula sa iba’t – ibang tribo. Isa sa kanila ay ang
mapagmataas at paglalong si Pagtuga, isang magaling na mangangaso at
malakas na pinuno ng Iriga, na nagpakita ng panliligaw sa pamamgitan ng mga
mamahaling regalo sa ama ni Magayon.

Ngunit hindi iniibig ni Daragang Magayon si Pagtuga. Ang puso niya ay


pag-aari na ni Panganoron, ang matapang na anak ni Rajah Karilaya ng
Katagalugan. Iniligtas siya nito sa bingit ng kamatayan nang isang umagang
maligo sa Ilog Yawa. Habang binabalanse ang sarili sa isang bato, siya’y
napadulas at nahulog sa ilog. Hindi siya marunong lumangoy, kaya’t itinangay
siya ng agos. Tiyermpo namang dadaan si Panganoron at sinaklolohan siya nito
nang marinig siya sumisigaw at tumalon sa ilog. Sa isang sandal, naroon na
siya sa tabi ng dalaga. Maingat niyang dinala ang takot na dalaga sa pampang.

Di kalaunan, nagtapat siya ng pag- ibig sa dalaga. Nahihiyang aminin ni


Daragang Magayon na nahuhulog din ang loob niya sa binata. Ang kanilang pag-
iibigan ay nagbigay sa kanila ng lakas ng loob upang makatunton sa bahay ni
Rajah Makusog.
Napagtanto ni Rajah Makusog na mahal ng kanyang anak ang binate at
hangad din niya ang kaligayahan ng kanyang anak. Sa gayon ay binigyan niya
ng basbas ang masing-irog. Dala ng matinding kasiyahan, nagpunta si
Panganoron sa kanila upang paghandaan ang nalalapit nilang kasal.

Ang balitang ikakasal ang dalawa ay nakaabot sa pandinig ni Pagtuga.


Lubos siyang nagalit at gumawa siya ng paraan para mapigilan ang nalalapit na
kasal nina Paganoron at Magayon. Isang arw, nang pumunta sa bundok si Rajah
Makusog upang mangaso, hinarangan siya ni Pagtuga at dinala sa kanila upang
gawing bitag.

“Palalayain kita kung ibibigay mo sa akin si Magayon na manging asawa


ko,” sabi ni Pagtuga kay Rajah Makusog.

“Ang kasagutan ay wala sa akin. Tanungin mo si Magayon at sa kanya mo


malalaman ang sagot,” sabi ni Rajah Makusog.

At dinala si Daragang Magayon sa harap ni Pagtuga. Sinabi ni Pagtuga na


papatayin ang ama ng dalaga kung hindi ito pumayag magpakasal sa kanya.
Umiiyak siyang sumang-ayon sa gusto ng binata.

“Magaganap ang ating kasal sa loob ng pitong araw,” sabi ni Pagtuga.


Dali-dali niyang inutusan ang kanyang mga tauhan na paghandaan ang darating
na kasalan.

Dahilan sa biglaang pangyayari, iniwan ni Panganoron ang paghahanda


sa kasal nila ni Magayon, nagmamadali itong nagtungo sa Rawis dala ang
kanyang mga mandirigma. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Napatay ni
Pannganoron si Pagtuga sa giitna ng kanilang labanan. Natuwa si Magayon sa
pagkakita kay Panganoron at dali-dali itong tumakbo palapit sa kanya, subalit
isang ligaw na sibat ang tumarsk sa kanyang likod na naging sanhi ng kanyang
kamatayan. Nang sasaluhin ni Panganoron ang minamahal sa kayang mga bisig,
isa ring sibat ang tumama sa kanya galing sa kanang kamay ni Pagtuga na si
Linog. Sa pagkakita ni Rajah Makusog, dali-dali siyang lumapit kay Linog at
pinatay niya ito sa kanyang “Minasbad.”

Ang dapat na kasayahang magaganap ay nauwi sa isang malungkot na


pangyayari habang inililibing ang magsing-irog. Naghukay si Rajah Makusog
upang doon ilibing ang dalawa.

Sa mga lumipas na araw, nakita ng mga tao na ang puntod ng dalawa ay


tumataas. At nang ito ay mabuo, isang walang kasinggandang hugis tatsulok na
naglalabas ng nagbabagang mga bato sa kanyang bunganga. Kahit hanggang
ngayon ay nagyaryari pa ito. Naniniwala ang mga ninuno, ito raw ay mga
palatandaan na kinukuha ni Pagtuga katulong si Linog ang mga regalong
ibinigay nito kay Magayon.

Sa mga pangkaraniwang araw, kapag daw ang tutok ng bulkan ay


napapalibutan ng mga hamog at ulap, sinasabi nilang hinahagkan daw ni
Panganoron si Magayon. At kapag naman daw umuulan at bumubuhos ito
pababa ng bundok, palatandaan daw na umiiyak si Panganoron dahil sa
pagkawala ng kanyang minamahal.

Mula noon ang bulkan ay tinawag sa pinaiksing pangalan ni Magayon,


tinawag itong “MAYON.” Ang magandang hugis nito ay siyang nagpatanyag sa
bayang ng Albay.

VII. Panapos na Pagsilip sa mga Salitang Nakapaloob sa Alamat ng mga T’boli

Mula sa mga datos at impormasyong nakalap ang pinakamahalagang


nakapaloob sa mga etnograpikal na alamat ng mga T’boli ay nagiging salamin
ang alamat ng kanilang kultura. Malaki ang papel ng mga alamat sa kultura ng
mga T’boli dahil dito sila kumukuha ng kaalaman tungkol sa mga bagay na
mayroon sila sa kasalukuyan. Bagama’t isa lamang itong haka-haka para sa
karamihan pero may mapupulot naman tayong mga aral na puwede nating
gamitin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ito rin ay nagiging instrument natin
upang mapalawak ang ating imahinasyon.
Hindi ma-iaalis nang basta basta ang alamat sa kanilang kultura sapagkat
ito ay ipinapasa-pasa sakanila sa pamamagitan ng pasalita mula henerasyon
patungo sa isa pang henerasyon. Masasabi talaga natin na tunay na mahalaga
ang bawat alamat. Kaya naman nararapat lamang na panatilihin at ipagpatuloy
ang paglaganap nito sapagkat marami pang mga henerasyon ang naghihintay na
matuklasan ang iba’t ibang uri ng mga kuwento na nanggaling sa ating mga
ninuno.

REFERENCES:

Piscos, P. (2009). Retrieved from:

https://www.academia.edu/28480024/Etnograpiya

Howling Pixel. (2019). Retrieved from:

https://howlingpixel.com/i-tl/Etnograpiya

De Laza, c. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananliksik.

Rex Book Store, Inc.: Sampalok, Manila.

Almario, V. (2010). UP Diksiyonaryong Filipino. ANVL Publishing, Inc.: Pasig City.

De Juan. (2019). Retrieved from:

https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ang-alamat-at-ang-maikling-
kasaysayan-nito/amp/#aoh=15706798921346&referrer=https%3A%2F
%2Fwww.google.com amp_tf=From%20%251%24s

Yason, G. (2019). Retrieved from:

https://www.scribd.com/doc/101028302/Kahulugan-Ng-Alamat?
fbclid=IwAR3cV5dK_8QAqGmgJ3iolBNWmIUgfGqT9HaCoESei6dI5EMBwHxa0
qU70Ug

Ghaz, S. (2019). Retrieved from:


https://philnews.ph/2019/07/19/ano-ang-alamat-kahulugan-ng-alamat-
halimbawa-nito/

Villafuerte, P. & Bernales, R. (2009). Pagturo ng/ sa Filipino: Mga Teorya at Praktika.

Mutya Publishing House, Inc.: Malabon City.

Abueg, E. (2012). Sining at Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas. JIMCZYVILLE

Publications: Malabon City.

Marquez, S. & Garcia, F. (2013). Panitikang Pilipino (Interaktibo at Integratibong

Talakay). Books Atbp. Publishing Corp.: Mandaluyong City.

Aguilar R., et al. (2014). Panitikan ng Pilipinas (Rehiyunal na Pagdulog). Grand Books

Publishing, Inc.: Pateros, Metro Manila.

You might also like