Professional Documents
Culture Documents
AP8 - Q4 - Module 6
AP8 - Q4 - Module 6
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Iba’t Ibang Ideolohiyang Politikal at
Ekonomiko
i
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Iba’t Ibang Ideolohiyang Politikal at Ekonomiko
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
1
Alamin
Pag-aralan mo sa araling ito ang iba’t ibang ideolohiyang politikal at ekonomiko na
umiiral sa daigdig. Inaasahang magbigay ka ng iyong sariling pananaw tungkol sa mga isyung
pampolitika at pang ekonomiya. Inaasahan din ang aral na mapupulot mo rito ay magiging
gabay mo upang masagot ang mga katanungang paano nakaapekto ang iba’t ibang
ideolohiyang pampolitika at pang ekonomiya sa kaunlaran ng mga bansang papaunlad pa
lamang? Halika at simulang basahin ang aralin.
Layunin:
K: Naihahambing ang mga bahaging ginampanan ng iba’t ibang ideolohiyang pampolitika
at ekonomiko sa buhay ng tao;
Subukin
Panuto: Piliin ang wastong sagot. Isulat ang titik ng wastong sagot sa kwaderno.
1. Nakasentro sa paraan ng pamumuno at paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa
pamamahala.
A. Ideolohiyang Panlipunan C. Ideolohiyang Pampolitika
B. Ideolohiyang Pangkabuhayan D. Wala sa nabanggit
2. Ang nagpakilala ng salitang ideolohiya bilang pinaikling pangalan ng agham ng mga
kaisipan o ideya.
A. Nostradamus B. Adam Smith C. Karl Marx D. Desttutt de Tracy
1
6. Isang aklat na isinulat ni Karl Marx na naglalarawan sa kanyang mga teorya sa
ekonomiya.
A. Pigafetta’s Chronicle C. Das Kapital
B. Wealth of Nations D. The Economist
7. Kilalang diktador sa ilalim ng pamahalaang totalitarian sa Germany.
A. Benito Mussolini C. Che Guevarra
B. Kim Jong-un D. Adolf Hitler
8. Sa ilalim ng pamahalaang demokrasya, bago maupo sa puwesto ang mga kandidato ay
magkaroon muna ng________________?
A. mayayamang tagasuporta C. Eleksiyon o Halalan
B. mga armas D. maraming pera
Balikan
Panuto: Balikan mo ang mga pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang
pandaigdig at kaunlaran. Sagutin at isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Tuklasin
Panuto: Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan na iyong nakikita, at pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa kwaderno.
https://www.google.com.ph/search?q=philippine+election https://www.google.com.ph/search?q=dictatorship
+symbol&tbm
2
https://www.google.com.ph/search?q=mayayaman+at+mahihirap https://www.google.com.ph/search?q=pagkapantay+pantay+sa+lipunan
Suriin
Ang Kahulugan ng Ideolohiya
3
Ang Iba’t Ibang Ideolohiya
1. Kapitalismo – Isang sistemang pangkabuhayan kung saan ang produksiyon,
distribusyon, at kalakalan ay kontrolado ng mga pribadong mangangalakal. Ayon sa
ideolohiyang ito, sa pamamagitan ng kompetisyon ng mga negosyante ay higit na
mapapahusay ang kalidad ng bawat produkto at serbisyo sa pamilihan.
3. Awtoritaryanismo – Isang uri ng pamahalaan kung saan ang namuno ay may lubos
na kapangyarihan. Mayroon namang tinatawag na konstitusyonal na awtoritaryanismo
kung saan ang kapangyarihan ng namuno ay itinakda ng Saligang Batas. Ito ang
tawag ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng
Batas Militar noong 1972 hanggang Pebrero, 1986. Pagkatapos nito ay naupo si
Corazon C. Aquino at nanumbalik ang demokrasya sa bansa.
Makikita sa ibaba ang larawan nina Dating Pangulong Corazon C. Aquino at Ferdinand Marcos .
4
pangkat na ito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at sa pangasiwa ng lupa, kapital, at
mekanismo ng produksiyon. Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong
lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksiyon ng bansa.
Halimbawa ng mga ganitong pamahalaan ang namayani sa China, Cuba, North Korea,
Vietnam at ang dating Union Soviet. Subalit ang China at Vietnam ay yumakap muli
sa prinsipyo ng kapitalismo.
Ngayon suriin natin kung paano lumaganap ang Komunismo sa Russia, Fascismo sa Italy at
Nazismo sa Germany. Basahin ang texsto sa ibaba.
Mga Puwersang Pangkabuhayan sa Politika ng Bansa
5
Pagsilang ng Fascism sa Italy
Sa Italy namayani ang ideolohiyang tinatawag na fascism. Mga kondisyong nagbibigay
daan sa fascism sa Italy ang mga sumusonod:
Nasyonalismo
Paghihirap sa kabuhayan
Kahinaan ng pamahalaan
Benito Mussolini
https://www.onthisday.com/people/benito-mussolini
6
Si Adolf Hitler ang pinakamakapangyarihang
pinunong Nazi. Isinilang siya sa Austria at isang
panatikong nasyonalista. Pagkatapos ng Unang
Digmaang Pandaigdig, binuo niya ang Nationalist
Socialist Party na tinawag na Nazi.
Ang pagnanais na makabawi sa kahihiyan ng
pagkatalo sa World War 1 at ang paniniwala na ang
Aleman ang dapat mamuno sa daigdig ay ilan lamang
sa pangunahing layunin ng diktaduryang Nazism.
https://www.britannica.com/biography/Adolf-Hitler
Mga prinsipyo ng Nazismo na nakapaloob sa akdang “Mein Kampf, Ang Aking Labanan”, ni
Hitler ay ang mga sumusunod:
1. Ang kapanyarihang racial – Pinaniniwalaan ng mga Aleman o German na sila ang
nangungunang lahi sa daigdig.
2. Anti-Semitism – Ito ang naging dahilan ng holocaust o pagpatay sa mga Hudyo.
3. Ang pagbuwag sa Treaty of Versailles – Sinisi ng mga Nazista ang kasunduan na
kanilang pinaniniwalaan na sanhi ng mga suliranin sa Germany.
4. Pan-Germanism – Ayon kay Hitler, ang isang pinalawak ng Germany ay kailangang
maitatag, kasama ang teritoryong nawala sa kanila noong Unang Digmaang
Pandaigdig.
5. Ang pagwakas sa Demokrasya – Ayaw ng mga Aleman sa demokrasya at
pamahalaang Parliyamentaryo. Nanawagansilang was akin ang Republika at itatag
ang Third Reich na siyang estadong totalitaryan ng Nazismo.
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Subukan natin ang iyong kaalaman sa paksang binasa. Punan ng impormasyon ang
kasunod na data retrieval chart. Isulat ito sa inyong kuwaderno.
7
Gawain B
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa iyong naunawaan sa binasang
teksto. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang iba’t ibang uri ng mga ideolohiya sa daigdig?
2. Anu-anong mga bansa ang yumakap sa ideolohiyang sosyalismo?
3. Paano nakaapekto ang ideolohiya ng bansa sa pag-unlad ng kabuhayan nito?
Isaisip
Panuto: Punan ng wastong sagot ang mga patlang na nasa cloud callout upang mabuo
ang pahayag tungkol sa mga kilalang pinuno ng iba’t ibang ideolohiyang pampolitika at
ekonomiko. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Isagawa
Pagguhit
Sundin ang mga sumusunod:
1. Sa isang short bond paper, iguhit ang simbolo ng demokrasya sa bandang itaas at
simbolo naman ng pagkadiktador o walang kalayaan sa bandang ibaba ng bondpaper.
2. Huwag kalimutan isulat ang pangalan at lagyan ng kulay para mas malinaw.
3. Gawing batayan ang kasunod na rubric para sa pagmamarka ng guhit.
KRAYTERYA NG PAGMAMARKA
Pamantayan Puntos
Pagkamalikhain 10
Kaangkupan sa Tema 5
Presentasyon 5
Orihinalidad 5
Kalinisan 5
Kabuuan 30
8
Tayahin
Panuto: Upang masubok ang iyong kaalaman sa modyul na ito, subuking sagutin ang
pagsusulit sa ibaba sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot sa bawat bilang. Titik
lamang ang isulat sa inyong kuwaderno.
9
Karagdagang Gawain
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
10
Sanggunian
Mga Aklat
Kasaysayan ng Daigdig
Araling Panlipunan – Modyul para sa mga Mag-aaral
Unang Edisyon 2014
Muling Inilimbag 2016
ISBN: 978-971-9601-67-8
Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna S. Asis
Araling Panlipunan Serye III
Kasaysayan ng Daigdig
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan para sa Ikatlong Taon
Grace Estela C. Mateo, Ph.D, Celestina P. Boncan, Ph.D, Rosita T. Tadena, Ph.D, Celinia E.
Balonso, Ph.D, Jerome A. Ong, M.A, Mary Dorothy dl. Jose, M.A, at John N. Ponsaran, M.P.M
Website
https://www.google.com.ph/search?q=philippine+election&tbm
https://www.google.com.ph/search?q=dictatorship+symbol&tbm
https://www.google.com.ph/search?q=mayayaman+at+mahihirap
https://www.google.com.ph/search?q=pagkapantay+pantay+sa+lipunan
https://www.google.com.ph/search?q=corazon+aquino+pep&tbm=isch&ved=2ahUKEwi0rryayaftAhUE9pQKHQK7A_IQ2-
cCegQIABAA&oq=corazon+aquino+pep&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEEM6BggAEAgQHjoECAAQGFC2jwFYjZYBYL
2hAWgAcAB4AIABrQGIAfIEkgEDMC40mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=gXvDX_TpJ4Ts0wSC9o6Q
Dw
https://www.google.com.ph/search?q=ferdinand+marcos&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQnaGmyaftAhVFA6YKHcyZBb4Q2-
cCegQIABAA&oq=ferd&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgcIABCxAxBDMgUIABCxAzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzIECAAQQzI
ECAAQQzICCAAyBAgAEEMyBAgAEEM6BggAEAgQHjoECAAQGFD-
4wJYifgCYKmIA2gAcAB4A4AB8gOIAeIOkgEIMC4xMC40LTGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAMABAQ&sclient=img&ei
=mnvDX9DoFsWGmAXMs5bwCw
https://www.google.com/search?q=image+of+vladimir+lenin%2C+joseph+stalin+and+leo+strotsky&tbm=isch&ved=2ahUKEwi2
wZ27uePuAhVUCKYKHUYNDEwQ2-
cCegQIABAA&oq=image+of+vladimir+lenin%2C+joseph+stalin+and+leo+strotsky&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEB5Q
oukTWPHDFmD5zBZoAHAAeACAAbsDiAGFQ5IBCjAuNDguMy4wLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img
&ei=7vslYLaSDNSQmAXGmrDgBA
client=img&ei=h6_DX8nUOYT80QT7tYL4Dw&bih=625&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH927PH929#imgrc=6LsXW3SOa4rh5M
https://www.google.com/search?q=hitler&tbm=isch&ved=2ahUKEwjYraX7-qftAhXVIqYKHRKRB7cQ2-
cCegQIABAA&oq=hi&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIIxAnMgQIABBDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgIIADICCAAyA
ggAMgUIABCxAzIFCAAQsQM6BwgjEOoCECdQisIFWNbUBWDx4gVoAXAAeASAAb0DiAGXDZIBCTAuMi40LjAuMZgBAKAB
AaoBC2d3cy13aXotaW1nsAEKwAEB&sclient=img&ei=rq_DX9ieAtXFmAWSop64Cw&bih=625&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enP
H927PH929
11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: