Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Noong unang panahon sa isang nayon, mayroong isang matandang lalaki na

nagngangalang Jerry. Hindi niya pa nakikita ang anak na lalaki ng ilang taon
at nais niyang makipagkita rito, na naninirahan sa siyudad. Sinimulan niya
ang kaniyang paglalakbay at nagpunta sa isang siyudad kung saan
nagtrabaho at nanirahan ang kaniyang anak. Nanggaling siya sa lugar na
kung saan siya nakatatanggap ng mga sulat dati. Sa pagkatok niya sa
pintuan, siya ay nagagalak at nakangiti na makita ang anak. Pero sa hindi
inaasahan, iba ang nagbukas ng pinto. Tinanong ni Jerry, “Si Thomas dapat
ang nakatira dito.” Sumagot ang tao

Nagsimula siyang maglakad sa kalye nang tanungin si Jerry nang kapitbahay


“Hinahanap mo ba si Thomas?” Tumango si Jerry bilang tugon. Ibinigay ng
mga kapitbahay ang lokasyon ng bagong bahay at opisina ni Thomas kay
Jerry. Pinasalamatan sila ni Jerry at nagsimulang lumakad sa daan papunta
sa kinaroroonan ng anak. Nag punta si Jerry sa opisina at tinanong sa
tagatanggap “Maari bang ituro mo sa’kin kung nasaan si Thomas sa
opisinang ito?” Tinanong ng tagatanggap “Maari bang malaman kung kaano-
ano niyo po siya?” Magalan na sumagot si Jerry “Ako ang kaniyang Ama”
Sinabi ng tagatanggap na maghintay sandal si Jerry at tumawag kay Thomas.
Nagulat si Thomas ang sinabi sa tagatanggap na dalhin agad sa kabin ang
kaniyang ama.

Pumasok si Jerry sa kabin at nang makita niya si Thomas, namuo ang mga
luha sa kaniyang mga mata. Masayang makita ni Thomas ang Ama.
Nagkaroon sila ng simpleng pag-uusap at tinanong ni Jerry si Thomas “Anak!
Gusto kang makita ng Inay. Pwede ka bang sumama ka sa’kin pauwi?”

Sumagot si Thomas, “Hindi Itay, Hindi ako makasasama. Marami akong


ginagawa para guminhawa at mahirap ng umalis ngayon dahil marami akong
kailangan gawin” Binigyan ni Jerry ng simpleng ngiti at sinabing “Sige,
Maaring gawin mo ng gawin ang trabaho mo, Babalik na ako sa nayon natin
ngayong gabi” sumagot si Thomas “Pwede kang manatili ng ilang araw sa’kin”
Sumagot si Jerry matapos ang ilang minuto ng katahimikan “Anak! Marami
kang ginagawa, Ayaw kong maging pabigat sa’yo” pagpapatuloy “Sana kung
magkakaroon ako ng tiyansa na makitan ka muli, Magiging masaya ako”
Umalis na siya sa lugar.

Malipas ang ilang lingo, Nagtataka si Thomas kung bakit mag-isang pumunta
ang kaniyang Ama makalipas ang mahabang panahon. Nakaramdam siya ng
galit sa sarili dahil sa wirdong trato niya sa Ama. Nakaramdam siya ng galit sa
sarili para doon at nagpaalam na liliban ng ilang araw at pumunta sa nayon
upang makita ang Ama. Nang makapunta siya sa lugar kung saan siya
pinanganak at lumaki, nakita niya na wala ang magulang niya roon. Nagulat
siya at tinanong ang mga kapitbahay, “anong nangyari rito? Dapat nandito
ang mga magulang ko. Nasaan na sila ngayon?” Binigay ng mga kapitbahay
ang adres ng lugar kung saan nananatili ang kaniyang mga magulang.

Nagmadali si Thomas sa lugar at napansing ang lugar ay tila libingan.


Nagsimulang magluha ang mga mata ni Thomas at naglakad nang mabagal
papunta sa lugar. Napansin siya ng kaniyang ama na si Jerry sa malayo at
kumaway para makuha ang atensiyon niya. Nakita ni Thomas ang ama at
nagsimulang tumakbo at yumakap sa kaniya.

“Kumusta ka?” tanong ni Jerry, “Isang sorpresa ang makita ka. Hindi ko
inaasahan na pupunta ka sa lugar na ito.” Nakarmdam ng hiya si Thomas at
nanatiling nakayuko. Sabi ni Jerry “Bakit tila masama ang pakiramdam mo?
May nangyari bang masama?” “Hindi Itay” sagot ni Thomas, “sadyang hindi
ko lang alam na makikita kitang nasa ganitong lugar ng nayon” dagdag pa
niya.

Ngumiti si Jerry at sinabing “ Nangutang ako nang lumipat ka sa siyuda para


sa kolehiyo mo, para makapag bayad sa pag-aaral mo. Tapos ginusto mo
pang magkaroon ng bagong sasakyan, pero dahil sa pagkalugi sa
pagbubukid. Hindi ko mabayaran ang utang. Kaya naisip kong lumapit sa’yo
para humingi ng tulong, pero marami kang ginagawa at aburido sa trabaho
mo. Ayaw ko lang talaga maging pabigat sa’yo sa problemang ito at nanatiling
tahimik, kinailangan ko rin bitawan ang bahay para bayaran ang utang.

“Dapat sinabi mo pa rin sa’kin, hindi naman ako ibang tao.” Bulong ni
Thomas. Tumalikod si Jerry at sinabing “Marami kang ginagawa at aburido sa
trabo kaya pinili kong manahimik. Ang gusto lang namin ay maging masaya
ka, kaya ako nanatiling tahimik”

Nagsimulang umiyak si Thomas at muling niyakap ang Ama. Nanghingi ito ng


paumanhin at kapatawaran para sa nagawa niyang kasalanan. Ngumiti si
Jerry at sinabing “Hindi na kailangan, Masaya ako sa meron ako ngayon. Ang
nais ko lang ay magkaroon ka ng oras sa’min. Sobra ka naming mahal at sa
edad namin na ito, mahirap na ang bumiyahe upang makita ka nang madalas”
Aral: Ang magulang ay palaging nandiyan upang ibigay ang lahat ng kaya nilang ibigay para lang maging
masaya ka. Binabalewala natin sila, hindi natin pinahahalagan ang nagawa nila para sa tin hanggang sa
mahul na ang lahat, Kapag nakita mo na ang daan ng tagumpay sa buhay, ituloy mo lang ngunit wag
mong iwang ang iyong magulang bilang sila ang tunay na dahilan ng iyong tagumpay.

You might also like