Emcee 1 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EMCEE 1: Isang mapagpalang hapon sa ating lahat. Sa ating punongguro: Dr.

Marissa Lou N. Rodriguez, puno ng Kagawaran Gng. Imelda A. Tadeo, Mga kapwa
ko guro, mga magulang at mag-aaral. Maligayang pakikiisa sa Programang ito!
EMCEE 2: Atin nang simulan ang programa sa isang panalangin na
pangungunahan ni GNG. IZZA D. ALDEN na susundan naman ng Makabayang
awitin na pangungunahan ni Bb. Camille Soriano.
-------------Pag PLAY ng video----------------
EMCEE 1: Dahil sa pandemyang ating nararanasan ngayon sa kasalukuyan,
maraming mga gawaing pampaaralan ang naiisantabi at isa na rito ang paghasa
sa pagbasa ng mga mag-aaral.
EMCEE 2: Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkaroon ng programang “Kabasa ko sa
Panahon ng Pandemya” na may temang “Nasa pagbasa ang pag-asa”
EMCEE 1: Ngayon, inaanyayahan po namin ang ating butihing Punongguro Dr.
Marissa Lou N. Rodriguez upang bigyan tayo ng pambungad na pananalita.
EMCEE 2: Maraming Salamat po mam sa iyong nakabubuhay na panimulang
pananalita. Ngayon upang bigyan tayo ng isang mensahe, tinatawagan si Dr.
Levita Cardenas Public School Division Superintendent ng Distrito 5.
EMCEE 1: Maraming Salamat ma’am sa inyong nakaka-inspired na mensahe. At
para talakayin sa atin ang aktibidad ng programang ito. tinatawagan ko ang isa sa
pinakamaganda at masipag na guro ng kagawaran ng Filipino BB. MARIZ ORTECIO.
EMCEE 2: Bago matapos ang ating programa tinatawagan ang puno ng kagawaran
ng Filipino Gng. Imelda A Tadeo para sa pangwakas na pananalita.
EMCEE 1: At dito na po nagtatapos ang ating palatuntunan, Ako si
_____________________
EMCEE 2: at ako naman si _________________ Maraming Salamat po.

You might also like