Emcee 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EMCEE 1: Isang mapagpalang hapon sa ating lahat. Sa ating punong guro: Dr. Marissa Lou N.

Rodriguez,
puno ng Kagawaran: Gng. Imelda A. Tadeo, Mga kapwa ko guro ng departamentong FILIPINO, mga
magulang at mag-aaral.

EMCEE 2: Maligayang pakikiisa po sa Programang ito!

EMCEE 1: Atin nang simulan ang programa sa isang panalangin na pangungunahan ni GNG. IZZA D.
ALDEN na susundan naman ng Makabayang awitin na pangungunahan ni Bb. Camille Soriano.

EMCEE 1: Dahil sa pandemyang ating nararanasan ngayon sa kasalukuyan, maraming mga gawaing
pampaaralan ang naiisantabi isa na rito ang paghasa sa pagbasa ng mga mag-aaral.

EMCEE 2: Ito ang dahilan kung bakit tayo nagkaroon ng programang “Kabasa ko sa Panahon ng
Pandemya” na may temang “Nasa pagbasa ang pag-asa”

EMCEE 1: Ngayon, inaanyayahan po namin ang ating butihing Punongguro Gng. Marrissa Lou Rodriguez
upang bigyan tayo ng pambungad na pananalita.

EMCEE 2: Maraming Salamat ma’am sa inyong panimulang pananalita. At para naman po talakayin sa
atin ang nilalaman ng programa tinatawagan ko ang isa pinakamaganda at masipag na guro ng
departamentong Filipino BB. MARIZ ORTECIO.

EMCEE 1: Ngayon, bago matapos ang ating programa tinatawagan namin ang Puno ng Departamentong
Filipino upang magbigay ng pangwakas na pananalita. Siya ang pinakamasipag, mapagmahal at ang Ina
ng departamentong filipino Gng. Imelda A Tadeo.

EMCEE 2: At dito na po nagtatapos ang ating palatuntunan, Ako si _____________________

EMCEE 1: at ako naman si _________________ Maraming Salamat po.

You might also like