Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 22

1

ARALING
PANLIPUNAN
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Konsepto ng Pamilya
Ikalawang Markahan - Unang Linggo

1|Pahina
ARALING PANLIPUNAN – Unang Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Konsepto ng Pamilya
Ikalawang Markahan - Unang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Kasanayang Pagkatuto

Manunulat: Grace M. Soriano


Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name
Name
Name
Name

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Schools Division of Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzam
KONSEPTO NG PAMILYA

Panimula

“Pamilya” ang pinakamagandang regalo at biyayang natanggap


natin sa Panginoon. Naniniwala ka ba dito?
Ang pamilya ang pinakamaliit na sangay ng lipunan na binubuo
ng ama, ina, at mga anak. Sa araling ito, malalaman mo kung ano nga
ba talaga ang konsepto ng pamilya bukod sa iyong pagkakaunawa.
Handa ka na bang malaman kung ano ito? Ano pa ang hinihintay mo?
Magrelaks at sabayan ako sa pagtuklas nito!

Kasanayang
Pampagkatuto

Naipaliliwanag ang konsepto ng pamilya batay sa


bumubuo nito. (ie. two-parent family, single-parent family,
extended family)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng gawaing pagkatuto, ikaw ay inaasahang:


1. malaman ang konsepto ng pamilya batay sa bumubuo nito;
2. makilala ang bumubuo sa isang pamilya; at
3. masagot ang mga impormasyon ng tungkol sa pamilya.

2|Pahina
Balik Aral

Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Isulat ang tamang sagot


gamit ang configuration clues.

nanay

1.

tatay

2.

bunso

3.

lolo

4.

pinsan

5.

3|Pahina
Pagtalakay sa
Paksa
Pakinggang mabuti ang tulang babasahin ko na pinamagatang
“Aking Pamilya”. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Aking Pamilya!
ni: Grace M. Soriano

Aking pamilya,
Dulot sa akin ay ligaya.
Pagmamahalang tunay,
Ay walang makapapantay.

Sa isang bahay,
Kami ay nabubuhay.
Nariyan si itay at inay,
Na nagagalak nang tunay.

Ang ate at kuya ko,


Maging si lola at lolo.
Siyempre, ako ang bunso,
Na siyang pinakagusto!

4|Pahina
Pagsagot sa mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula?
A. Aking Pamilya!
B. Aking Nanay!
C. Aking Tatay!

2. Anong dulot ng pamilya sa tula?


A. Lungkot
B. Hinagpis
C. Ligaya

3. Sino ang nagagalak nang tunay?


A. Si lola at lolo
B. Si ate at kuya
C. Si itay at inay

4. Sino raw ang pinakagusto sa pamilya ayon sa tula?


A. Si ate
B. Si kuya
C. Si bunso

5. Sa iyong palagay, masaya ba ang pamilya sa tula?


A. Oo
B. Hindi
C. Siguro

5|Pahina
Ang pamilya ang pangunahing grupong iyong kinabibilangan.
Natutukoy mo ba ang mga kasapi ng iyong pamilya sa inyong
tahanan? May pamilyang tatlo lang ang miyembro, mayroon din
naman pamilyang may maraming miyembro na nakatira sa iisang
bahay o saan mang lugar sila naninirahan.
Ang pamilya ay may magkakatulad at mayroon din namang
magkakaibang katangian. Hindi natin maaaring sabihin na ang bawat
pamilya ay dapat may isang katangian lamang.

Pagmasdan ang bawat larawan sa ibaba.


Tatay
Nanay Kuya Ate

Bunso

Sa larawang nasa itaas, ang pamilya ay binubo ng tatay, nanay


at mga anak. Iba’t-iba ang bilang ng kasapi ngunit tinatawag pa rin
itong pamilya.

6|Pahina
“Two-Parent Family” ang tawag sa pamilyang binubuo ng
nanay, tatay at anak o mga anak.
“Single-Parent Family” naman kung ang pamilya ay binubuo
lamang ng tatay at anak/mga anak o kaya nanay at anak/mga anak.
Mayroon din tayong tinatawag na “extended family” na kung
saan ay kasama nating naninirahan sa isang tahanan ang ating lolo,
lola, tito, tito at mga pinsan.
Mayroong iba’t-ibang kuwento ng buhay ang bawat pamilya.
Minsan ang kuwentong ito ay masaya, at hindi rin natin maiaalis ang
masakit at malungkot na mga pangyayari sa ating buhay. Lahat ng
pamilya ay dumaraan sa pagsubok at ito’y mahaharap nang
magkakasama.
Iyong tandaan, kung sino man ang iyong kasama at nakagisnan
sa buhay, si tatay lamang, si inay, si ate, si kuya o ang iyong lolo o
kaya si lola, hindi man ito buo, pamilya pa rin itong matatawag at
maituturing.

KONSEPTO NG PAMILYA

Two- Single-
Parent Parent Extended
Family Family Family

7|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Sino Ako?
Panuto: Kilalanin ang bawat larawan. Pumili na sagot sa
loob ng kahon at isulat ito sa patlang.

1. 2.
Tatay Bunso

___________________ ______________________

3. 4.
Lola
Nanay

___________________ ______________________

5.
Lolo

______________________

8|Pahina
Bunso
Lolo
Tatay
Nanay
Lola

Pinatnubayang Pagsasanay 2

Hanap Salita!
Panuto: Hanapin ang mga salita na nakatala sa ibaba sa loob ng
Word Puzzle.
T U R V S D
N A N A Y L
G A T E M O
X V C A W L
Q P S D Y A
Y K U Y A I

ATE NANAY TATAY KUYA LOLA

9|Pahina
Pang-isahang Pagsasanay 1

Ayusin Mo Ako!
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salita. Isulat
ang sagot sa loob ng trak.

1. TAYI 2. SANPIN

3. NSOUB 4. TATI

5. ITTO

10 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay 2

Bugtungan Tayo!
Panuto: Basahing mabuti ang bugtong. Isulat ang iyong sagot sa
loob ng bilog.

1. Ilaw ng tahanan, kung ako’y tawagin. Sino ako?

2. Aking pamilya, sa akin ay protektado. Sino ako?

3. Nagdudulot ng saya, sa ama at ina? Sino ako?

4. Ina ako na iyong inay, na sa iyo ay nakaagapay. Sino ako?

11 | P a h i n a
5. Kapatid na lalaki ng iyong ama, na iyo ring nakakasama.
Sino ako?

Pagsusuli
t
Panuto: Awitin ang “Nasaan Si Tatay, Nasaan Si Tatay?”. At
sagutin ang tanong sa ibaba.
Nasaan si Tatay, nasaan si Tatay?
Heto ako, heto ako!
Kamusta, kamusta.
Kamusta, kamusta!
Biglang nagtago, biglang nagtago!

Nasaan si Nanay, nasaan si Nanay?


Heto ako, heto ako!
Kamusta, kamusta.
Kamusta, kamusta!
Biglang nagtago, biglang nagtago!

Nasaan si Kuya, nasaan si Kuya?


Heto ako, heto ako!
Kamusta, kamusta.
Kamusta, kamusta!
Biglang nagtago, biglang nagtago!
12 | P a h i n a
Nasaan si Ate, nasaan si Ate?
Heto ako, heto ako!
Kamusta, kamusta.
Kamusta, kamusta!
Biglang nagtago, biglang nagtago!

Nasaan si Bunso, nasaan si Bunso?


Heto ako, heto ako!
Kamusta, kamusta.
Kamusta, kamusta!
Biglang nagtago, biglang nagtago!

Isulat sa loob ng bawat kahon ang mga kasapi ng pamilya na


nabanggit sa awitin.

13 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng impormasyon sa ibaba.

Pangalan: ________________________
Magulang: _______________________
Kapatid: _________________________
Lola: ____________________________
Lolo: ____________________________

Rubriks sa pag-iiskor
5 -
4 -
3 -
2 -
1 -

Mga Sanggunian

14 | P a h i n a
K to 12 AP Curriculum Guide, DepEd, Philippines, September
2013.
Araling Panlipunan Teacher’s Guide, pp. 51-53

15 | P a h i n a
Susi sa
Pagwawasto

Balik- Aral Pang-isahang Pagsasanay 2


1. nanay 1. Nanay, Inay, Mama, Mommy
2. tatay
3. lolo 2. Itay, Tatay, Papa, Daddy
4. bunso
5. pinsan 3. anak

Pagtalakay 4. lola
1. A
2. C 5. tito
3. C
4. C
5. A Pagsususulit

Pinatnubayang Pagsasanay 1 Tatay, Nanay, Kuya, Ate,


1. Tatay
2. Bunso Bunso
3. Lola
4. Nanay
5. Lolo Pangwakas
Ang sagot ay
Pinatnubayang Pagsasanay 2 maaaring iba-iba.

Pang-isahang
Pagsasanay 1
1. ITAY
2. PINSAN
3. BUNSO
4. TITA
5. TITO

16 | P a h i n a
17 | P a h i n a
Pagkilala

18 | P a h i n a

You might also like