Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Region IV-A CALABARZON

Schools Division of LAGUNA


District of SANTA MARIA
TUNGKOD ELEMENTARY SCHOOL
Santa Maria,Laguna

2ND SUMMATIVE TEST IN ESP 4


2ND QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Panuto: Tama o mali.

______ 1. Mahirap man o mayaman ang isang tao ay may kakayahan na tumulong sa mga nangangailangan.

______ 2. Ang mga mahihirap lamang ang mga nangangailangan.

______3. Mayroong tao na nasa kanya na ang lahat.

______ 4. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugang wala na silang maibibigay o maitutulong sa ibang

tao at mga kaibigan.

______ 5. Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang bukal sa kalooban.

______ 6. Ang pagbabahagi ng oras ay paraan din ng pagtulong.

______ 7. Ang mayayaman lamang ang maaaring makatulong.

______ 8. Ipagdamot ang mga biyayang natanggap.

______ 9. Tumulong nang maluwag sa kalooban at walang inaasahang kapalit.

______ 10. Kapat tapat ang pagtulong sa nangangailangan siguradong pagpapalain ng Maykapal

______ 11. Ang pagdamay sa kapuwa ay isang gawaing kinalulugdan ng Diyos.

______ 12. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ang tao.

______ 13. Salapi o pera ang tanging solusyon sa lahat ng suliranin at makapagpapasaya sa kapwa.

______ 14. Kailangan maging sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng kapuwa.

______ 15. Maituturing natin kaibigan ang isang tao kilala lamang tayo sa panahon ng kasiyahan.

II. Bilugan ang tamang sagot.

______ 16. Nakita mong malungkot ang iyong bagong kaklase. Ano ang maari mong gawin?
a. Makipagkaibigan sa kanya. c. Igalang ang kanyang pananahimik
b. Hintayin mong lumapit sayo. d. Ipagsabi sa mga kaklase.
______ 17. May batang nahiwalay sa mga kani-kaniyang mga kasama lumapit sa iyo at humihingi ng tulong.
a. Hindi ko siya papansinin baka manloloko lamang siya.
b. Sabihin ko sa kanya na humingi ng tulong sa iba dahil marami akong ginagawa.
c. Ipagbigay alam naming sa mas nakakatanda upang matulungan siya.
d. Pagagalitan ko siya dahil nawala siya.
______ 18. Nakita mong pinapangaralan ng guro ang iyong kaibigan sa kadahilanan palagi siya liban sa klase.
a. Isusumbong ko agad ang guro sa nanay ng kaibigan ko.
b. Ipapaalam ko sa punong-guro ang ginawa ng aming gro.
c. Sasabihin ko sa kaibigan ko na magsumbong sa kanyang mga magulang.
d. Papayuhan ko ang aking kaibigan na kabutihan lamang niya ang nais ng aming guro.
______ 19. May batang marumi at namumulot ng basura sa kalsada. Napalapit ito sa iyo.
a. Itataboy ko siya baka mahawa ako sa kanyang sakit.
b. Ipagbibigay alam ko agad sa pulis.
c. Aabutan ko siya ng tulong at pagkain.
d. Tatakbo ako palayo.
______ 20. Nakita mong pinatid ng iyong kaibigan ang batang pilay.
a. Hahayaan ko na lang baka magalit pa sa akin ang aking kaibigan.
b. Magkukunwari ako walang nakita ng hindi ako masangkot sa gulo.
c. Tutulungan kong makaganti ang batang pilay.
d. Sasabihin ko ang aking kaibigan na mali ang kanyang ginawa.

You might also like