Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SACRED HEART OF JESUS

MONTESSORI SCHOOL
J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City

Montessori home-Based Learning


Learning Instructional Packets (LIPs)

OFFLINE-PICK-UP
Araling Panlipunan – 7 (3 hours/week)

4th Quarter

Week- 3

Lesson-3

ANG SILANGAN AT TIMOG SILANGAN ASYA SA TRANSISYUNAL AT


MAKABAGONG PANAHON ((IKA-16 HANGGANG IKA-20 SIGLO)

Teacher: Joniel P. Galindo

SACRED HEART OF JESUS MONTESSORI SCHOOL


J.R. Borja Extension, Gusa, Cagayan de Oro City
Montessori-Based Learning
Learning Instructional Packets (LIPs)
Araling Panlipunan-7
S.Y 2020-2021

Name: ________________________________________________ Date submitted: __________________


Grade & Section: ______________________________________ Teacher: _________________________
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Content Standard:
Ang mag-aaral ay… napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng
Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo)

Performance Standard:
Ang mag-aaral ay… nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog
Silangang Asya sa Transisyoal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Pangunahing Pang-unawa:

Pangunahing Tanong:

I. LEARNING COMPETENCY
 Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng ang digmaang pandaidig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano
 Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista

 Layunin:
Pagkatapos ng aralin, 100% na mag-aaral ay:

 Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista
 naipamamalas ang Fruits of normalization/ Beatitude of the month/ PVMGO) sa paggawa ng mga gawain
 nakakukuha nang hindi bababa sa 75% na kasanayan.

Sariling Layunin: Magagawa kong… ________________________________________________________________________

II. LEARNING CONTENT


 ARALIN BLG. 3: PARAAN NG PAGLAYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

Materials:
LIPS

References:
1. K to 12 Curriculum Guide
2. MELCs
3.

III. LESSON PRESENTATION


Gawain # 1:
Panuto: Hula-Ayos-Laya
Iayos ang mga pinaghalong letra upang Activityng# 1isang
makabuo Yoursalita
Scorena_________ / 10 sa
tumutugon Points
inilalarawan ng
pangungusap

GINULON KAHULUGAN TAMANG SAGOT


G LETRA
A L A Pangunahing layunin upang wakasan ang panghihimasok ng kal
Y AN K mga mananakop sa kanilang pamumuhay at kabuhayan
A
I S A Y O Ideya ng pambansang kamalayan na kung saan lahat ng Nas
NS AMO pansariling kapakanan ay na pangingibabawan ng
N L pambansang kapakanan na kakikitaan ng matinding
pagmamahal at pagpapahalaga sa kaniyang bansa
I S K O Ideolohiyang naghahangad na bumuo ng isang lipunang kom
MO NM walang antas o uri (classless society) kung saan ang mga
U salik ng produksyon ay pag-aari ng lipunan. Sa sistemang
ito, tinatayang darating ang panahon na hindi na kailangan
ang estado kaya kusa itong mawawala. Ang estado ang
may-ari ng produksiyon ng lahat ng negosyo ng bansa.
Upang masiguro ang maayos na pagpapatupad, kailangang
pairalin ang diktadurya.

A S Y A Tumutukoy ang ideolohiyang ito sa kapangyarihan ng Dem


K R E D pamahalaan na nasa kamay ng mga tao at ang
O M pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng
batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay.
Bukod pa rito ay karaniwang pumipili ang mga tao, sa
pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang
hahawak sa kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila .

N I M Malawakan at organisadong paglaban upang mapabagsak Him


A G H A ang namumuno sa isang bansa na nagdudulot ng
S I K malawakang pagbabago.
L O H Ito ay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na Ide
I I D E naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago
O Y A nito. Ang mga halimbawa nito ay demokrasya, kapitalismo,
monarkiya, totalitaryanismo, autoritaryanismo, sosyalismo at
komunismo.
MANGD Malawakang digmaan na kinasangkutan ng maraming bansa Pan Dig
I G A sa buong mundo na nagdulot ng malawakang pagbabago.
DAIGP A
ALIS MI Pagpapalawak ng kapangyarihan at teritoryo sa pamamagitan Imp
M P E O RY ng pananakop ng hindi lang isa kundi maraming teritoryo o
bansa
YAOLK L Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang bansa kol
O N I SM upang makontrol at magamit ang likas na yaman nito para sa
O pansariling interes.Bunga nito ay karaniwang naaabuso at
napagsasamantalahan ang bansa at mamamayan na nasakop

S U ND U Pagkakaunawaan ng dalawang magkasalungat na panig Kas


KA A N upang matigil na ang kanilang sigalot o di- pagkakaunawaan,
nagkakaroon ng usapan o kompromiso ang magkabilang
panig

PAMROSESONG TANONG:

1. Bakit mahalagang maunawaan ang mga konsepto na nabanggit sa pag-aaral sa mga pagbabagong naganap noong ika -16 na
siglo hanggang sa ika-20 siglo sa Silangan at Timog Silangang Asya?

____________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________

Ngayong alam mo na ang mga konseptong kakakilanganin sa araling ito . Subukin mong sagutan ang susunod na gawain…..

Gawain # 2: SAAN KA PA!!! (Anticipation-


Activity # 1 Your Score _________ / 11 Points
Reaction Guide)
Panuto: Tingnan kung gaano na ang iyong kaalaman sa paksang ating tatalakayin sagutan ang unang kolum sa
pamamagitan ng pagsulat ng salitang sumasangayon o SA kung ikaw ay sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon o HSA
kung ikaw ay di-sumasangayon.

Bago ang Konsepto at Pananaw Pagkatapos ng


talakayan o talakayan sa buong Aralin
basahin ang
talakayan
Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangan Asya ay naghangad ng
kalayaan sa pananakop ng mga bansang Kanluranin dahil sa kaisipang liberal at
ideya ng demokrasya
Ang prinsipyong nagbigay-diin sa pagbubuo ng isang pamahalaang
konstltusyonal na pinagsama ang Kanluranin at tradisyunal na Tsino upang
palitan ang absolute monarchy ay demokrasya

Ang pagpapalakas ng Hapon ng kanyang hukbong - militar ay naging daan sa


pagbubuo ng depensibong nasyonalismo sa kanyang bansa.
Iba't iba ang pamamaraang ginamit ng mga naging pinunong Iider sa mga
kilusang naghangad ng paglaya sa mga Europeong mananakop sa rehiyon ng
Timog Silangang Asya.
Upang mapagtagumpayan ang paghahangad sa pagsasarili naghain ang
mga Asyano ng mga reporma, nagbuo ng mga makabayang
organisasyon, at nang lumaon ay gumamit din ng mga madugong pakikihamok
laban sa mga mananakop
Sa Pilipinas, naglatag ng kaisipang paglaya ang kilusang Propaganda at ang
Katipunan ang naging kasangkapan sa pagsasakatuparan ng paglaya sa mga
dayuhang mananakop.
Ang Tsina, Vietnam at Hilagang Korea at Hapon ay kumapit sa kaisipan ng
sosyalismo at komunismo bilang landas hindi lamang sa pagpapalaya ng bansa
kundi sa pagbubuo rin ng bagong sistemang panlipunan na magwawakas sa
pagsasamantala ng mga mananakop.

Si Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh, ang nasyonalistikong pinuno ng partido,


ang naging pangunahing kasangkapan sa paglaya ng kanilang bansa laban sa
mga Pranses sa pamamagitan ng pagtanggap sa pamamaraang demokratiko
Ang naglalabang ideolohiyang demokratiko at komunismo ang naging sanhi ng
pagkakahati ng Korea at Vietnam
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang mga pagbabago sa mga ideolohiyang
gumagabay sa pamamahala at pamumuhay ng mga bansa sa daigdig.

HAKBANG SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog- Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng
diwang makabansa bilang tugon sa pang-aabuso at pagyurak sa karapatan ng mga bansa sa Silangan at TimogSilangang Asya na ang
tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.

Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaapekto upang makamit ang kalayaan dahil sa Unang Digmaang
Pandaigdig, nagbago ang balance of power, nakilala ang Japan dahil pinalakas nito ang kaniyang hukbong militar. Isinulong na rin
nito pagkatapos ng digmaan ang racial equality o pantay na pagtingin sa lahi na di pinansin ng mga Kanluranin.Dahil naman sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumakas ang Nasyonalismo sa Timog Silangang Asya. Napabilis ang paglaya kaya maraming mga
bansa sa Timog Silangang Asya ang lumaya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

May iba’t ibang ideolohiya at paniniwala rin ang niyakap ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya, may
naniwala na ang kasagutan sa minimithing kalayaan ay ang ideolohiyang komunismo, ang iba ay naniwala sa ideolohiya ng
demokrasya, totalitaryanismo at autokrasya. Ang mga ideolohiyang ito ay nagdulot ng transpormasyon sa mga bansang Silangan at
Timog Silangang Asya.

Paglaya ng mga Bansa sa Silangang Asya


Paglaya ng China

Dahil sa kasikatan ng produktong China sa Europa hinangad ng mga Europeo na makipagkalakalan sa China na kalaunan ay
naging dahilan ng paghahangad na makontrol ang lupain nito. Ang pagkakatalo ng Tsina sa Digmaang Opyo ay naging daan ng di-
makatuwirang kasunduan at pagkakaroon ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China. Tatlong uri
ng Nasyonalismo ang umusbong nasyonalismong tradisyunal na ang layunin ay paalisin ang mga Kanluranin

na ang layunin ay maging republika ang China yakap ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr Sun Yat Sen at
Chiang Kai Shek at ang pangatlo ay ang Nasyonalismong may impluwensiya ng Komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong.

Sa paglakas ng nasyonalismong Tsino nabahala ang Japan na baka maapektuhan ang interes nito sa China kung kaya’t sunod
sunod ang ginawang pakikidigma at pananakop. Una na ritong naganap ang Manchuria Incident sinundan ng Rape of Nanking na
nasundan pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig .

Natalo ang Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit nagpatuloy ang kaguluhan sa China sa pagitan ng puwersa
ng komunista ni Mao Zedong at nasyonalista ni Chiang Kai Shek. Natalo ang nasyonalista at napasailalim sa komunistang pangkat
ang Mainland China samantalang ang nasyonalista ay tumakas at pumunta sa isla ng Formosa na ngayon ay tinawag na Taiwan noong
October 1,1949.

Paglaya at Pagkakahati ng Korea

Unti-unting nasakop ng Hapon ang Korea na ginawang base militar at pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan.Bunsod
nito maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang mapatalsik ang mga Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang mga Hapon.

Subalit hindi nakaligtas ang Korea sa dalawang ideolohiyang nag-uumpugan, ang komunismo na niyakap ng Hilagang Korea
at sinuportahan ng Unyong Sobyet at demokrasya na niyakap ng Timog Korea na sinuportahan ng Amerika .

Noong 1948, pinasinayaan ang bagong republika na sinuportahan ng Amerika na pinamunuan ni Syngman Rhee ngunit
kaagad namang ipinahayag ng North Korea ang Democratic People’s Republic of Korea na sinuportahan ng Soviet Union na
pinamunuan ni Kim Il Sung. Mula noon, nahati ang Korea sa pamamagitan ng 38th parallel.

Paglaya ng Pilipinas

Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo .Nakipagsabwatan ang
mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanol sa Digmaang Espanol-Amerikano kung saan natalo ang mga Espanol.
Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas at ipauubaya na ang pamumuno sa atin kaya
idineklara ang ating kalayaan at nagtatag ng isang demokratikong pamahalaan.Samantala, iba naman ang ikinikilos ng mga
Amerikano, nagpalabas ito ng patakarang Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris na nagpapahayag ng paglilipat ng
pamamahala ng Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Espanol.Naging hayagan ang pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga
Amerikano kung kaya’t sumiklab ang Digmaang Pilipino- Amerikano .Subalit may ibang Pilipino na hindi nakiisa, walang pakialam
at nakiisa sa mga Amerikano .Dahil sa kawalan ng pagkakaisa

Panuto:
GawainSa# 3:
mga aralin na
Tanong ko nabasa
sagutanmo Activity
hinggil sa paglaya ng bansang
mo! # 2 Your
china, koreaScore _________
at Pilipinas / 10Points
sagutin ang mga tanong na
nasa ibaba:
Gabay na tanong:

1.Anong bansa ang nanakop sa China, Korea at Pilipinas?


____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

2. Anong pamamaraan ang ginamit ng mga bansang China, Korea at Pilipinas upang lumaya?
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

3.Anong ideolohiya ang mga ginamait o nabanggit sa mga nasabing bansa?


____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

You might also like