Araling Panlipunan 6: Ikatlong Markahan Ika-Anim Na Linggo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

ARALING PANLIPUNAN 6

Ikatlong Markahan
Ika-anim na Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules,
Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd Central Office.
Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit,
for educational use and constitutes fair use. All Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team

Developer: Jocelyn M. Basaca Evaluator/s: Marites P. Alzate, EdD


Illustrator Maria Eva B. Bongcayao
Layout Artist: Junie Dave M. Orquita
Meciel M. Bato
PSDS/DIC: Arlene B. Sumabat
Aileen G. Abunda Learning Area EPS:
Analiza G. Doloricon, EdD

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae N. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur


Balilahan, Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates
Facebook Messenger: Learning Resource Concerns
Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang mga programang
ipinatupad ng iba’t-ibang administrasyon sa pagtugon sa mga
suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972. (AP6SHK-IIIe-g-5)

Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, inaasahang magagawa mo


ang sumusunod:

o nakakikilala ng mga programang ipinatupad at mga pangyayari sa


ilalim ng ikalawang administrasyon ni Pangulong Marcos;
o naiisa-isa ang naging kalagayan ng bansa sa pagtugon sa mga
suliranin at hamong kinaharap sa ikalawang termino ni Pangulong
Marcos; at
o naisasapuso ang kahalagahan ng mga hamon na ikinaharap ng
bansa sa pagsasarili at mga solusyon na ipinatupad ni Pangulong
Marcos.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon

IKALAWANG ADMINISTRASYON NI MARCOS

Si Marcos ay muling nahalal na pangulo noong


ika-11 ng Nobyembre,1965, gayundin ang kanyang
pangalawang pangulo na si Lopez. Ngunit sa
kanyang ikalawang termino ng pamumuno sa bansa
ay naharap siya sa napakaraming mga sigalot at
suliraning naging dahilan ng pagbagsak ng
ekonomiya ng mga mamamayan. Ilan sa mga
suliraning ito ay ang sumusunod:

1. Pagsilang ng Aktibismo https://www.google.com/search?q


=ferdinand+marcos&rlz=1C1GCEB
- Naging laman ng lansangan ang mga mag-
aaral at doon ipinarinig ang kanilang puna at batikos sa maraming bagay
gaya ng:
 patuloy na lumalaganap na katiwalian sa pamahalaan
 paglabag sa karapatang pantao
 pagtaas ng tuition fee

1
 militarisasyon at pang-aabuso ng mga military
 ang pananatili ng base militar ng Estados Unidos
 at mga maling patakaran ng pamahalaan.

Tulad ng maraming Pilipino, hiniling ng


mga mag-aaral na magkaroon ng
saligang batas na makatutugon sa mga
pangangailangan ng mga Pilipino at
naayon sa panahon. Sa simula, ang mga
rally at demonstrasyon ay naging tahimik
subalit di nagtagal ang mga ito ay naging
marahas at magulo at nahaluan https://libcom.org/library/students-activists- ng
ideolohiya ng kumunismo. communists-movement-politics

Nang lumaon naging madugo ang labanan sa pagitan ng mga


estudyante at alagad ng batas at militar. Ang pinakamadugong labanan ay
naganap noong Enero 30,1970, nang pilitin ng mga mag-aaral na pasukin ang
Malakanyang. Anim na mag-aaral ang napatay at di mabilang ang sugatan.
Ang pangyayaring ito ang tinawag na Labanan sa Mendiola.

Naging sunud-sunod ang mga welga at demonstrasyon na isinagawa ng


mga mag-aaral at manggagawa bunsod ng lumalalang krisis pangkabuhayan
at pagkadiskuntento ng mamamayan. Ang panahong ito ang kinilala sa
kasaysayan na First Quarter Storm.

2. Suliranin sa Pambansang Kapayapaan at Kaayusan

Lumaganap din ang krimen sa


bansa. Dumami ang walang lisenyang
mga baril. Naglitawan ang mga private
armies ng mga pulitiko. Tumaas din ang
bilang ng mga mamamayang naghihirap.
Samantala ang mga Marcos cronies
(kamag-anak, kaibigan at kapartido) ay
gumamit ng kapangyarihan at karahasan
upang maisulong ang kani-kanilang https://www.slideshare.net/venus026/group-2-mga-sasakyang-
ginamit-noong-ikalawang-digmaang-pandaigdig
pansariling interes at kapakanan.

Bunga nito, nawala ang tiwala ng taong-bayan sa pamahalaan.


Lumubha nang lumubha ang suliranin at kaayusan. Sa mga pangyayari ding ito
namulat ang kaisipan ng mga mamamayan, partikular ang mga estudyante at
iba pang kabataan sa paggamit ng kanilang mga karapatang panlipunan at
pampolitika. Ang kanilang mga kahilingan sa mga pagbabago ay nagbunga

2
ng malawakan at mapusok na demonstrasyon at pamamahayag. Ito ay
nagbunsod sa pagsasara at pagkaparalisa ng mga tanggapang
pampamahalaan at pribado.

3. Impluwensya ng Komunista
Dahilan sa lumalalang sitwasyon
ng mga mahihirap, ang mga halos nalupig na
Huk sa panahon ni Pangulong Magsaysay ay
muling bumangon at nagtatag ng
Communist Party of the Philippines (CPP) or
Partido Komunista ng Pilipinas. Nabuo ang
komunistang gerilya- ang New People’s Army
(NPA) sa pamumuno ni Jose Ma. Sison.
Maraming nahikayat na lumahok dito
https://www.gettyimages.com/photos/philippinescommunist kabilang na ang matatalinong estudyante,
?phrase=philippines%20communist&sort=mostpopular
magsasaka, manggagawa at maging mga
propesyonal at intelektual.

Malawakan ang mga demonstrasyon na isinagawa ng mga kabataan.


Sa kanilang pagmamartsa, sila ay may dalang pulang bandila at sumisigaw ng
mga katagang laban sa pamahalaan habang nakataas at nakatikom ang
kanilang mga kamao. Kalimitang natatatapos sa karahasan ang mga
demonstrasyong ito.

4. Pagsilang ng MNLF
MNLF o ang Moro National
Liberation Front, ay naitatatag noong
kalagitnaan ng 1970 ni Nur Misuari, isang
Muslim at dating mag-aaral ng Unibersidad
ng Pilipinas. Sa mahabang panahon,
nagtanim ng hinanakit ang mga Muslim sa
pamahalaan dahil inakala nilang sila ay
pinabayaan na.

Kaya’t ang pangunahing layunin ni


Misuari ay humiwalay ang Mindanao sa
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+pagsilang+
ng+MNLF&tbm=isch&ved=2ahUKEwiYo8OHuI7wAhUTA6YKHSd
Pilipinas at
nDDgQ2cCegQIABAA&oq=larawan+ng+pagsilang+ng+MNLF maitatatag ang isang
nagsasariling rehiyon na tatawaging Bangsa
Moro Republic. Maraming taon ding nagtagal ang madugong labanan sa
Mindanao sa pagitan ng MNLF at Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed
Forces of the Philippines (AFP).

3
Sa pagnanais na wakasan ang umiiral na tunggalian sa pagitan ng mga
Muslim, humingi ng tulong si Pangulong Marcos sa iba pang bansang Muslim.
Isang kasunduan na may layuning wakasan ang alitan sa pagitan ng
pamahalaan at MNLF ang isinagawa noong Disyembre 26, 1976 sa Tripoli, Libya.
Ito ay tinawag na Tripolis Agreement. Naipatupad ang tigil- putukan o
ceasefire noong Enero 20, 1977.

5. Mga Pagbobomba sa Kalakhang Maynila


Agosto 21, 1971- nagsagawa ng
proklamasyon sa Plaza Miranda sa Quiapo ,
Maynila ang Partido Liberal, mga oposisyon na
pinamunuan ni Senador Gerardo Roxas. Dito
naganap ang pagpapasabog sa dalawang
granada sa entablado na naging dahilan ng
pagkamatay ng walong katao at pagiging
sugatan ng iba pang dumalo sa
proklamasyon.

Hindi rito nagwakas ang http://kbl.org.ph/the-truth-about-plaza-miranda-


pambobomba, sinundan pa ito ng bombing

pagbobomba sa Joe’s Department Store sa Avenida Rizal, Maynila at sa


Culural Center of the Philippines. Sinasabing ang grupong Light a Fire
Movement nina Ed Olaguer at Steve Psinakis ang responsable sa mga
pambobombang naganap.

Dahil sa nangyari sa Plaza


Miranda, sinuspende ni Pangulong Marcos
ang pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus
sa bisa ng Proklamasyon Blg. 889. Ang
pribilehiyong ito ang nagbibigay ng
karapatan sa isang taong nadakip at
ikinulong na itanong sa hukuman kung
makatwiran o ayon sa batas ang
ginawang pagdakip at pagkulong sa
kanya.
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+writ+of+habe

Sinuspinde ang pribilehiyong as+corpus+blg+889&tbm=isch


ito
upang madaling madakip ang mga pinaghihinalaang kasangkot sa
pambobomba at upang mabawasan at matigil ang karahasan na lumaganap
sa bansa. Ngunit sinasabing marahil naabuso ang pagsuspendi ng pribilehiyong
ito at hindi makatarungan at makatao.

4
Kalaunan, tiningnan ng administrasyong Marcos ang mga suliraning
nabanggit bilang mga sagabal sa pagpapatupad ng mga programang
pangkaunlaran. Ginamit niya rin ang mga ito na dahilan upang isailalim niya
ang Pilipinas sa batas militar noong Setyembre 21, 1972.

Gawain 1

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang wastong kinabibilangan ng mga


programang ipinatupad o mga pangyayaring ipinahayag. Pumili ng sagot
mula sa kahon.

a. pagsilang ng MNLF d. mga pagbobomba sa kalakhang


b. pagsilang ng Aktibismo Maynila
c. impluwensya ng Komunista e. suliranin sa Pambansang
Kapayapaan at Kaayusan

1. Naglitawan ang mga private


armies ng mga pulitiko.

2. Pagkakabuo ng komunistang gerilya-


ang New People’s Army (NPA) sa
pamumuno ni Jose Ma. Sison.

3. Isinagawa ng kasunduang Tripolis


Agreement upang wakasan ang alitan
sa pagitan pamahalaan at MNLF.

4. Ang mga rally at demonstrasyon ay ay


naging marahas at magulo at nahaluan
ng ideolohiya ng kumunismo.

5. Sinuspende ni Pangulong Marcos ang


pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus sa
bisa ng Proklamasyon Blg. 889.

5
Gawain 2

Panuto: Pagtambalin ang mga suliranin at ang mga solusyong itinugon ng


ikalawang administrasyon ni Pangulong Marcos. Titik lamang ang isulat ang
sagot sa sagutang papel.

MGA SULIRANIN MGA SOLUSYON

1. Pagpapasabog sa dalawang a. Naipatupad ang tigil- putukan


granada sa entablado na naging o ceasefire noong Enero 20,
dahilan ng pagkamatay ng 1977.
walong katao at pagiging
sugatan ng iba pang dumalo sa b. Humantong sa pagdedeklara
proklamasyon. ng Batas Militar o Martial Law
2. Ang pangunahing layunin ni noong 1972 ang binhi ng
Misuari ay humiwalay ang aktibismo.
Mindanao sa Pilipinas at
maitatatag ang Bangsa Moro c. Sinuspende ni Pangulong
Republic. Marcos ang pribilehiyo ng Writ
3. Ang pinakamadugong labanan of Habeas Corpus sa bisa ng
ay naganap noong Enero Proklamasyon Blg. 889.
30,1970, nang pilitin ng mga mag-
aaral na pasukin ang d. Namulat ang kaisipan ng mga
Malakanyang. mamamayan, ito ay
4. Ang mga Marcos cronies ay nagbunsod sa pagsasara at
gumamit ng kapangyarihan at pagkaparalisa ng mga
karahasan upang maisulong ang tanggapang pampamahalaan
kani-kanilang pansariling interes at pribado.
at kapakanan.
5. Maraming taon ding nagtagal e. Isang kasunduan ang
ang madugong labanan sa isinagawa na ang layuning ay
Mindanao sa pagitan ng MNLF at wakasan ang alitan sa pagitan
Sandatahang Lakas ng Pilipinas o ng pamahalaan at MNLF at ito
Armed Forces of the Philippines ay tinawag na Tripolis
(AFP). Agreement.

6
Gawain 3

Panuto: Gumawa ng iyong sariling disenyo na t-shirt upang ipahayag ang iyong
saloobin tungkol sa mga hamon at solusyon na ipinatupad sa Ikalawang
Administrasyon ni Pangulong Marcos. Gawin ito sa malinis na papel.

Mga Hamon: kawalan ng kapayapaan at kalayaan


Solusyon: dahas at kapangyarihang militar

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk00hC
pJo9CQnbwljrLm8fdsPsmrrcA:1619012656613&sourc
e=univ&tbm=isch&q=picture+of+a+simple+t+shirt&s

Rubrik sa Pagtataya:

Rubric sa Pagmamarka ng Statement Shirts


Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
1. Mahusay at malinaw ang ipinahayag na 5
saloobin
2. Angkop at makatawag pansin ang 3
ginamit na mga simbolo at salita

7
3. Orihinal, kaaya-aya, at malikhain ang 2
kabuoang output
Kabuoang Puntos 10

Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o pahayag at


kilalanin ang hinihingi nito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang itinatag ng mga nalupig na Huk sa panahon ni Pangulong
Magsaysay?
A. Ten Point Action Program
B. Reform the Armed Forces Movement (RAM)
C. National Movement for Free Elections (NAMFREL)
D. Communist Party of the Philippines (CPP) or Partido Komunista ng
Pilipinas.
2. Sino ang mga sinasabing napabilang sa grupong Light a Fire Movement na
responsable sa mga pambobombang naganap?
A. Ed Olaguer at Steve Psinakis
B. Millard Tydings at Jhon Mc -Duffie
C. Harry Bartow Hawes at Bronson Cutting
D. Alejo Santos at Bartolome Cabangbang
3. Kailan idineklara ang batas militar sa bansang Pilipinas?
A. Hulyo 4, 1946
B. Enero 17, 1933
C. Agosto 17,1981
D. Setyembre 21, 1972
4. Alin sa sumusunod ang pinamunuan ni Jose Ma. Sison?
A. Light a Fire Movement
B. New People’s Army (NPA)
C. Moro National Liberation Front (MNLF)
D. Communist Party of the Philippines (CPP)
5. Bakit sinuspende ang pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus?
A. upang madaling maihiwalay ang Mindanao mula sa Bansang Pilipinas
sa pag-aakalang ito’y pinabayaan lamang ng pamahalaan
B. upang magkaroon ng malayaang kalakalan ang mga mamamayang
galing sa ibang bansa na gustong sumakop sa Bansang Pilipinas
C. upang madaling madakip ang mga pinaghihinalaang kasangkot sa
pambobomba at upang mabawasan at matigil ang karahasan na
lumaganap sa bansa

8
D. upang magkaraon ng malawakang demonstrasyon ang mga kabataan
sa kanilang pagmamartsa dala ang pulang bandila at sumisigaw ng
mga katagang laban sa pamahalaan habang nakataas at nakatikom
ang kanilang mga kamao

Susi ng Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. e 1.c
2. c 2. e Iba-iba
3. a 3. b ang
4. b 4. d sagot
5. d 5. a.

Mga Sanggunian

Baisa-Julian Arlene G., Lontoc, Nestor S. Bagong Laklbay ng Lahing Pilipino 6 p. 263-272,
Phoenix Publishing House, Inc. 2016

Dolores Maria H. Torcuator, Maria Annalyn P. Gabuat, Isang Bansa Isang Lahi 6 p.192-
197, Vibal Group,Inc. 2014

Aral Time, You tube Channel, Araling Panlipunan 6 Episode 20 – Administrasyong


Marcos

EASE Araling Panlipunan Modyul 16 Ang Pagbabago sa Iba’t Ibang Pamamahala,


Bureau of Secondary Education, Department of Education

https://www.google.com/search?q=ferdinand+marcos&rlz=1C1GCEB_enPH881PH881&
tbm

https://libcom.org/library/students-activists-communists-movement-politics

https://www.slideshare.net/venus026/group-2-mga-sasakyang-ginamit-noong-
ikalawang-digmaang-pandaigdig

https://www.gettyimages.com/photos/philippinescommunist?phrase=philippines%20co
mmunist&sort=mostpopular

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+pagsilang+ng+MNLF&tbm=

http://kbl.org.ph/the-truth-about-plaza-miranda-bombing

https://www.google.com/search?q=larawan+ng+writ+of+habeas+corpus+blg+889&tb
m=isch&ved=2ahUKEwi6somzkY_wAhVPxosBHU04CF8Q2

9
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk00hCpJo9CQnbwljrLm8fdsPsmrrcA:161901
2656613&source=univ&tbm=isch&q=picture+of+a+simple+t+shirt&sa=X&ved=2ahUKEwiz
x6KSvI_wAhUQK5QKHTcWBboQ7Al6BAgDEFk&biw=1366&bih=657#imgrc=UcN_CrekKAa
waM

10

You might also like