Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALEC JIM A.

RAMA FILIPINO LINGGO 4


X-AQUARIUS PAGSASANAY BLG. 2 C

ANG AKING PAMILYA


Pamilya, sila yung mga taong tinuturing kang pinakamahalaga at minamahal ka ng
labis. Anuman ang harapin natin ay nananatiling mayroong pamilya na handang
gumabay sa isa’t isa. At ayon nga sa isang sikat na kantang pananampalataya,
walang sinuman daw ang nabubuhay para sa sarili lamang. Nangangahulugan ito
na tayong mga tao ay nabubuhay at mabubuhay na kailangan natin ang ating isa’t
isa. At patunay nito ang samahan ng isang pamilya.

Sa simula palang nung ipinanganak tayo, wala tayong kamuwang-muwang at


kaalaman sa lahat ngunit dahil nandiyan na yung mga pamilya natin sa unang
segundo palang ng pagkabuhay natin sa mundo kaya tayo nabubuhay. Ang aking
Pamilya, sila yung palaging nandiyan para sa akin at ako naman ay nandiyan para
sa kanila sa kahit anong oras at panahon. Ang aking ina, ama, at nakababatang
kapatid; sila yung mga taong nakakakilala sa akin ng lubusan maliban na lamang sa
aking sarili. Sa simula pa lang ng aking buhay ay pamilya na ang aking nakasama
sa halos lahat ng oras ng buhay ko. Sila yung mga taong ipinakita at ipinadama sa
akin kung ano ang kahulugan ng pag-ibig at pagmamahalan.

Nagsisilbing inspirasyon ang aking Pamilya sa aking mga pangarap sapagkat


yung mga pangarap ko ay di lang para sa sarili, kundi para rin sa Pamilya. Sabi pa
nila sa akin na kung ano man ang nais ko sa buhay ay nandiyan lang sila para
suportahan ako. Sila yung nagbibigay sa akin ng lakas sa mga suliranin na aking
hinaharap. Handa rin silang samahan ako sa iba’t ibang mga pagsubok na naka
hadlang sa aking mga pangarap. Talagang importante para sa akin na mapasaya ko
sila sa aking mga minimithi, kaya sila yung kinukuhanan ko ng determinasyon para
makamit ko yung mga nais kong makamit.

. “Ang samahan ng isang pamilya ang pinakamatatag,” ayon sa karamihan.


Ang relasyon at samahan ng isang pamilya ay isang samahan na tanging-tangi. Ito
yung klaseng samahan na sa katotohanan, ay hindi mo mahahanap sa ibang mga
nabuong samahan. Patunay nito ang mga walang katulad na pagmamahalan at
pagkakaunawaan na ipinapakita ng pagiging isang pamilya.

Talagang mahalaga ang pamilya para sa akin at sa iba ding mga tao. Ang
aming samahan ay puno ng pagmamahalan at kapayapaan. Hindi ko sila ikakahiya
sa ibang mga tao at ipinagmamalaki ko ang aming matatag na samahan. Sila ang
aking inspirasyon at nagbibigay pag-asa sa akin na magpatuloy sa kabuhayan.
Kaya kung sakaling tatanungin man ako kung ano ang pinakamahalagang biyaya na
binigay ng Diyos sa akin, ang isasagot ko ay “Ang Aking Pamilya.”

You might also like