Talumpati

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KAHIRAPAN: ANG MABIGAT NA PROBLEMA NG ATING LIPUNAN

Isa sa mga pinakapangkaraniwang at malaking isyu na hinaharap ng


isang lipunan ay ang kahirapan o sa ingles man ay tinatawag na “Poverty”.
Sa lahat ng mga isyu na hinaharap ngayon ng ating lipunan, ang kahirapan
ang nag-iisang isyu na palaging tinutugunan ng pansin. Ngunit, ano nga ba
ang kahirapan at bakit ba ito isang malaking problema? Ang kahirapan ay
tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao kung saan mayroon
siyang kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan katulad ng
pagkain, tubig at pera. Ito ay isa sa mga mabibigat na problema di lang sa
ating bansa, kundi sa buong mundo at kadalasan tinutugunan ng pansin,
kasi ito ang isa sa mga problema na hinaharap ng mundo kung saan
karamihan ng mga tao ay naapektuhan..

Ang kakulangan sa edukasyon ay isa sa mga problema ng mga


taong nakakaranas ng kahirapan. Sabi nga nila na ang mga kabataan ay
ang pagasa ng bayan ngunit marami sa mga kabataan ang hindi
nakapagaral dahil kulang o wala silang pera na pangtustus sa kanilang
pag-aaral at pangbili ng kanilang kagamitan sa pag-aaral. At dahil dito,
karamihan sa mga batang nakakaranas ng kahirapan ay napipilitang
maghanap ng trabaho kung saan ang sahod ay mababa lamang at ang iba
naman ay gumagawa ng mga masasamang bagay katulad ng
pagnanakaw. Isa rin sa mga masasamang dulot ng kahirapan sa mga tao
ay ang kagutuman o kaya hindi payak na kalusugan na nagdudulot ng
malnutrisyon. Ang malnutrisyon ay ang pinaka-karaniwang sakit sa mga
taong nakakaranas ng kahirapan, ito ay dahil sila ay may kakulangan sa
wasto at masustansyang pagkain.

Kahit laganap na ang isyung ito sa buong bansa di-parin ito


nasosolusyunan ng maayos ng pamahalaan, bakit kaya? Dahil ito sa
korupyson na nagaganap sa gobyerno ng bansa. Kung sa totoo lang,
madali lamang malulutas ang isyu na ito kung yung pera na natatanggap
ng gobyerno sa mga mamamayan ay ginagamit sa tamang paraan. Imbis
na gamitin ito sa pagpapatupad ng mga programa na makakatulong sa
mga mahihirap kagaya ng libreng pag-aaral at pagdagdag sa mga job
opportunites ng mahihirap, ang pera ay ninanakaw ng mga taong nakaupo
sa pinakamataas na antas ng pamahalaan at ginagamit para sa kanilang
mga makasariling pangangailangan. Kaya lalong naghihirap yung mga
mahihirap at yung mga mayayaman ay lalong yumayaman dulot ng
korupsyon.

Bilang isang kabataan na sa kasalukuyan ay nag-aaral, dapat tayo ay


magsisikap na makapagtapos ng pag-aaral upang maiwasan ang isyung
kahirapan. Lahat tayo ay magkaisa para sa kaunlaran ng ating bayan.
Maging determinado tayo at gawin ang lahat para masugpo ang kahirapan
at makamit ang magandang kinabukasan para sa lahat.

You might also like