Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAMAMARAAN

1. Para sa akin, ang mga karahasang nararanasan ng mga kababaihan ay hindi tama at hindi
makatarungan. Karamihan sa mga kababaihan ngayon ay nawawala na ang kanilang karapatan
dahil wala silang kalaban-laban sa lakas ng mga kalalakihan. Kailangan na ito matigil dahil lahat
ng mga tao ay ginawa ng Panginoon na may pantay-pantay na karapatan at dapat maparusahan
yung mga kalalakihan na nang aabuso ng mga kababaihan.
2. Mawawakasan ang mga ganitong Gawain sa kababaihan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng
gobyerno ng batas na magsusulong at magpapalaganap sa kanilang karapatan. Isang paraan rin
para mawakasan ito ay ang pagparusa sa mga taong gumagawa ng mga krimen laban sa
kababaihan.

PAANO MAPAGTITIBAY PAANO MAPIPIGILAN


Bigyan ng pantay na karapatan ang mga Baguhin ang pananaw na ang kababaihan ang
kababaihan na magkaroon ng sapat na kalayaan. mas mahinang kasarian
Pagsuporta sa mga programang nagtataguyod ng Bigyan ng proteksiyon ang mga kababaihan (bata
gender equality. man o matanda) sa mga pang-aabuso,
diskriminasyon, at illegal na sekswal na aktibidad
Bigyan pansin ang kakayahan ng kababaihan at Pagbabawalan ang mga aksiyon o pananalita na
palaguin ang kanilang potensiyal na mamuno, nakakasakit sa mga babae para maiwasan ang
magpatakbo ng negosyo at iba pa. diskriminasyon at pang-aabuso
Pagpapatupad ng patakaran/batas laban sa Bilang babae, maging matalino at wag magpapa
diskriminasyon sa kababaihan uto, dapat laging alerto
PAGTATAYA

REPLEKSIYON

Mula noon pa, ang mga kababaihan ay nagdudusa dahil sa kanilang mga nararanasan na pang-aalipusta
at karahasan. Masasabi nga natin na ang mga kalalakihan ay nakakaranas din ng
karahasan/diskriminasyon ngunit sa lahat ng mga kasarian, ang mga kababaihan talaga ang lubos na
nagdudusa dito. Ang karahasan at diskriminasyon sa kababaihan ay isa sa mga pinakamalaking isyu na
hinaharap di lang dito sa Pilipinas, kundi sa buong mundo. Ang karahasan sa kababaihan ay anumang
karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. At
karamihan din sa mga kababaihan ay walang kalaban-laban sa mga kalalakihan kaya inaabusado sila. Ang
kaganapan na ito ay hindi tama at hindi rin makatarungan. Kailangan itong masugpo kasi di nakabatay sa
kasarian ang katayuan ng isang tao. Lahat tayo ay mayroong pantay-pantay na karapatan at
responsibilidad sa lipunang ating kinabibilangan. Dapat magbago na ang pananaw ng mga tao sa
kababaihan at dapat bigyan natin ng pansin ang kanilang kakayahan at potensyal sa larangan ng lahat.

You might also like