Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

By the River Piedra I Sat Down and

Wept
“Ang pag- ibig daw ay parang isang pinagbabawal na gamot. Sa simula, ito ay
nagdadala ng kakaibang kasiyahan sa pagsuko. Sa sunod na araw, hahanap- hanapin mo
ito. Hindi ka pa lulon rito, ngunit gusto mo ang pakiramdam at akala mo ay maaari mo
pang makontrol ang iyong sarili. Maiisip mo ang iyong mahal sa loob ng dalawang
minuto, at siya ay makakalimutan mo sa loob ng tatlong oras. Ngunit. Ikaw ay masasanay
sa presensya ng taong ito, at ikaw ay magsisimula nang i- asa ang iyong buong buhay sa
kaniya. Ngayon, maiisip mo ang taong ito sa loob ng tatlong oras, at siya ay
makakalimutan mo sa loob ng dalawang minuto. Kung siya ay wala sa iyong tabi, ikaw ay
parang adik na hindi mapalagay, hindi makakuha ng droga. At parang mga adik na
nagnanakaw at ipinapahiya ang kanilang sarili, ikaw ay handang gawin ang lahat para
sa pag- ibig.”

Si Pilar, isang 29 na taong babae na nabuhay noong taong 1993, ang nagbigay ng
depinisyon ng pag- ibig sa taas. Noong ako naman ay 14 na taong gulang pa lamang sa
sekondarya, ito ay nakita ko bilang isang ekserp sa isang artikulo na ngayon ay hindi ko
na matandaan kung ano. Ngunit mula noon ay hindi ko nakalimutan ang mga salita ni
Pilar at iyon nga ang nag- udyok saakin upang hanapin ang nobelang pinagmulan nito, at
di naglaon ay nahiram ko ang kopya mula sa kapwa manunulat ang By the River Piedra I
Sat Down and Wept ni Paulo Coelho.
Ito ang isa sa dalawang aklat na aking napiling bigyan ng suring basa sapagkat sa
kamusmusan ng aking pagkatao, ito ang bumago ng aking pananaw tungkol sa pag- ibig
at noon ay naging rason upang mapalapit ang aking kalooban sa Panginoon sa mga
pagkakataon na hindi ko inaasahan. Sa batang bersyon ng aking sarili, naalala kong

4
napaiyak ako matapos basahin ang nobela hindi dahil sa may namatay na karakter. Ako
ay napaisip at nakapag muni- muni sa aking paniniwala na noon ay nagbigay sa akin ng
bagong misyon sa mundo.

Ang nobelang ito ay hindi lamang basta isang kwentong romansa. Hindi rin ito
isang relihiyosong aklat lamang. Bagkus, ito ay ang kombinasyon ng dalawa. Bago ko pa
man nabasa ito ay hindi ko inakalang maaari mong pag isahan ang genre ng pag- ibig at
pananampalataya sa parehong mga pahina, ngunit si Coelho ay nagawa ang imposible
para saakin. Ang pagmamahal noon ay isang bagay na malaya, liberal kung minsan,
masaya kung tuwina—habang ang relihiyon ay isang seryosong bagay, konserbatibo,
puno ng mga batas at pananakot sa publiko tungkol sa kanilang imoralidad. Napaka
salungat ng dalawa, ngunit nang basahin ko ang kwento ni Pilar ay napagtanto ko na
kapag pinagsama ang pagmamahal at pananalig sa Diyos ay maukuha mo ang pinaka
mahalagang bagay na dapat mong kilalanin—iyon ang ispiritwal na karanasan.

Nang nagsisimula akong basahin ang nobela ay inakala kong normal na aklat
lamang ito. Isang love story ika nga, at tulad ng mga kwentong pag- ibig, ang dalawang
karakter ay nagsimula bilang mga bata sa Soria, sila ay umibig, ngunit ang lalaki (hindi
pinangalan ang karakter na ito), ay mayroong malalaking pangarap, at ang kanilang
baryo ay isang maliit na lugar lamang, kwestyunable ang pag- unlad, kaya’t siya ay
lumisan; habang si Pilar (ang babaeng karakter), ay naiwan, takot na sumugal sa buhay.

Lumisan ang 12 taon. Sa mga sulat ng lalaki kay Pilar ay nalaman niyang ito ay
nakapaglibot na sa mundo at sa kaniyang paglalakbay siya ay naging malapit sa
Panginoon. Sila ay muling nagkita at ang lalaki ay nagtapat ng pagmamahal na
kailanman ay hindi namatay ngunit tinanggihan ito ni Pilar sapagkat sa tingin niya’y
alam niya ang tunay na pag- ibig at naniniwala siyang ang sinuman na makagagapi sa
kaniyang sariling puso ay magagapi ang buong mundo.

4
Sa kanilang pagsasama ay napagtanto ni Pilar na ibang- iba na ang buhay ng
kaniyang kababata. Siya pala ay naging isang pari, at noon nga’y nakakapag usap sa
mga anghel at santo. Isang ideya mula sa nobelang ito na kumuha sa aking atensyon ay
ang isinusulong ng irog ni Pilar na ang Panginoon ay mayroong babaeng pagkatao at
ang pagkilala sa Immaculate Concepcion ang binibigyang diin. Ngunit ang kakayahan ng
karakter na ito ay mas higit pa sa inakala ni Pilar pagkat siya ay nakapagpapagaling ng
mga may sakit. Isa pang ideya na umantig sa aking puso pagkat naniniwala rin ako sa
ganitong mga milagro, tulad ng malakas na paniniwala ng awtor na si Coelho.

Tinanggap ni Pilar ang lahat ng kaniyang nalaman. Ngunit noong siya ay handa
ng isuko ang sarili sa lalaki at tulungan siya sa kaniyang misyon, ay nalaman niyang
ibinalik ng kaniyang mahal ang regalo ng Panginoon sa Kaniya upang makasama si
Pilar. Dahil dito ay nawasak ang damdamin ni Pilar at siya ay namalagi sa isang lugar
na kung tawagin ay River Piedra at doon ay kaniyang winaksi ang kalungkutan.

Ang pagluluksa ni Pilar sa ilog ng Piedra ang nagpa- igting ng aking paghanga sa
kaniya. Tinuruan niya ako ng wagas na pagmamahal sa Diyos na ang kaniyang
pansariling kaligayahan ay hindi niya na naalala kung katumbas naman ang mga
nangangailangan.

Ang nobela ay nagwakas na ang dalawang umiibig ay muling nagkasama, at


ngayon ay gumagawa na ng mga plano pa sa kanilang kinabukasan. Naramdaman ng
lalaki na ibinalik ng Panginoon ang Kaniyang regalo, at si Pilar ang nagsauli nito. Ang
tatlong pinaka nagtatak saaking isipan mula sa nobela ni Coelho ay: Una sa lahat,
maraming paraan para makapaglingkod sa Diyos at iyon ay magagawa hindi lamang sa
Kaniyang tabi, pagkat ang magmahal ay ang magkaroon ng communion sa isa’t isa, at sa
pag- iisang iyon ay nahanap mo ang spiritu ng Diyos sa iyong minamahal. Ikalawa,
kailanman ay wag mong isipin na ang iyong mga tsansa sa buhay ay lumipas na pagkat
ang Diyos ay bibigyan ka ng walang hanggang pagkakataon upang bumawi, at ang

4
anuman na iyong hingiin, kung ito ay iyong ginusto ng higit pa sa kahit ano ay ibibigay ng
Panginoon. Panghuli, ang magmahal ay di natin maiiwasan. Maaari tayong gumawa ng
mga stratehiya para bigyang seguridad ang ating puso o kaya ay umisip ng mga rason
para sa ating mga aksyon o kaya naman ay humingi ng tulong sa mga eksperto sa pag-
ibig; ngunit ang lahat ng ito ay walang silbi. Sapagkat ang puso ang gumagawa ng mga
desisyon, at kung ano ang napagdesisyunan nito ang tanging bagay na mahalaga.

You might also like