Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Si TeddyZennyca B.

Joaquin

Paano ba ilarawan ang isang relasyon sa mata ng mga tao? Mahirap para sa
linalang na katulad ko. Pero mayroon pang mas mahirap na tanong—paano ba ilarawan
ang pagkasira ng isang relasyon? Marahil ang isang normal na lalaki o babae ay
magsasabing, “Walang mga salita ang makapag papahayag ng sakit, ng pagdurusa, ng
panghihinayang at lahat ng bagay na matatagpuan sa gitna ng kasawian at muling
pagbangon.” Yun ay kung ikaw ay makakaahon pa sa pagkalugmok na dala ng pag- ibig.

Alam ko ang lahat ng ito dahil kahit na ako ay hindi nakararamdam tulad ninyo,
malimit ay naging saksi na ako sa pakikibakang ginagawa ninyo sa digmaan ng inyong
mga puso.

Naaalala ko pa ang araw na iyon. Nagsisimula nang umihip ang malamig na


simoy ng hangin. Nagsisimula nang ikabit ang mga dekorasyong nagkikinangan na kulay
pula at berde. Nagsisimula nang magbigayan ng mga regalo at ang mga tao ay mas
masayahin, mas mapagbigay at mas mapagpatawad. Habang ako naman ay tahimik na
nakaupo, palaging nakangiti at mataimtim na naghihintay kasama ang iba pang laruan
doon sa eskaparate ng tindahan ni Mang Erwin noong araw ng Disyembreng iyon.

Hindi ko inakala na ang karaniwang araw na iyon ay ang panahon na akin nang
iiwanan ang kinilalang tahanan. Ngunit para bang isang anghel naman ang sumundo
saaking paglisan. Nandoon sa kabilang dako ng salamin ng tindahan ay nakatayo ang
isang dilag na may mahabang buhok na tila mga alon sa karagatan ang dulo. Pagdating
ng aking paningin sa kaniyang mukha ay lumaki ang butones kong mga mata pagka’t iyon
na ata ang hitsura ng tunay na kagandahan—bawat anggulo, hubog at linya ay puno ng
sarili nilang istorya. Marahil ay kung mayroon akong balahibo ay nagsipagtayuan ang

5
mga ito sapagkat ang anghel na ito ay nakatingin at nakaturo ang daliri saakin.
Dinampot nga ako ng mala- anghel na babaeng ito at bumulong saakin, “Teddy, ako si
Mila. At ikaw ang perpektong regalo.”

Iyon ang dahilan kung bakit ako binili ng babaeng iyon na may kakaibang karisma
sa kaniyang pagkatao. Ngunit taliwas sa inyong iniisip, kailanman ay hindi ako nairegalo
ni Mila. Gusto ko mang sabihing dahil sa sobrang katuwaan niya saakin ay pinili niya na
lamang akong itago— hindi iyon ang totoong nangyari. Nakaupo ako ngayon sa isang
sulok ng kaniyang kwarto, napapaligiran ng alikabok ng mga taong lumipas at mga
alaalang pilit ibinabaon sa limot.

Paano ko nga ba sainyo ipapa- intindi ang kwento ni Mila? Ang magusot na mga
puso ng mga tao ay napakahirap maunawaan… Ah! Tama! Ang relasyon ng binibining
nagmamay- ari saakin sa kaniyang nobyo ay parang bangka. Noong una, ang kanilang
pagsasama ay paminsan- minsan nagkakaroon ng mga butas. Ngumingiti lamang sila dati
at muling binubuo ang mga kakulangan. Sa huli, ang lalaki ay napagod, lumundag mula
sa bangka at lumangoy papunta sa pinakamalapit na isla.

Mga tangang rason, mga tangang taong nagmamahal. Ang prayd ay limang letra
lamang ngunit matagumpay nitong nasira ang mas mahabang salitang “relasyon”.

Kaya noon ay umupo na lamang si Mila sa aking harapan—nakatitig sa aking


katawa- tawang ngisi. Hindi ko man gustuhing magmukhang masaya, at galit nga sa sarili
ang aking nararamdaman—bakit ba nagagawa ko pang ngumiti? Habang nakita ko ang
kaniyang mundong bumaliktad patiwarik? Ako ay isang regalo para sa anibersayo na
nasayang lamang. Naisin ko man ay hindi ko maigalaw ang aking mga kamay upang
punasan ang mga luhang nagpapa- unahan sa mukha ni Mila habang binitawan niya ang
mga salitang umantig sa isang walang pusong laruan, “O kay lamig na ng mga gabi.

5
Sana’y makapagbigay rin ng init ang laruang ito. Ngunit kailangan ko na lamang
masanay sa yakap ng isang teddy bear.”

Ang relasyon ng binibining nagmamay- ari saakin sa kaniyang nobyo ay parang


bangka. Sa bawat pagsagwan ni Mila ay nagbabadya itong tumaob. Akala niya ay sapat
na ang pagmamahal upang ito ay panatiliing nakalutang. Ngunit ang relasyon ay hindi na
sumibol, maski isang pulgada ito ay hindi na sumulong. Sa huli, hindi nila narating ang
dalampasigan.

Tangang espasyo at pagitan—akala nila ay yun ang kanilang kailangan. Ang


paulit- ulit na pagsabi ng tanga ay hindi sapat—pareho kami ni Milang gunggong upang
isipin na siya ay babalik pa.

Nang sila ay naghiwalay na nang tuluyan, para bang naisip ni Mila na sa kabila
ng lahat na nangyari ay maaari parin siyang umupo sa aking harapan—nakatitig sa aking
katawa- tawang ngisi. Hindi ko man gustuhing magmukhang masaya, at galit nga sa sarili
ang aking nararamdaman—ang lumisan niyang kasintahan ang totoong nagsasaya! Siya
ang tampalasan pagkat sa pagbaliktad ng mundo ni Mila siya ay nasiyahan! Ako ay isang
regalo na ebidensya ng pagmamahal na sinayang. Naisin ko man ay hindi ko maigalaw
ang aking mga kamay upang punasan ang mga luhang nagpapa- unahan sa mukha ni
Mila habang binitawan niya ang mga salitang umantig sa isang walang pusong laruan,
“O hayaan mo naman akong ibigay sayo ang aking regalo. Isauli mo na lamang siya kung
ikaw ay nakahanap na ng bago. Ngunit bago pa man iyon mangyari, sana ay ipangako
mong iyong aalagan si Teddy.”

Gaano ba katagal ang magpakailanman sa “Iibigin kita magpakailanman”?


Gaano ba kalimit ang palagi sa “Palagi akong nariyan sa iyong tabi”? Gaano ba katatag
ang pangako sa “Ako ay iyong iyo, pangako”? Hindi man lamang ito tumagal ng isang
taon. Ano ba ang nangyari sa “minahal, minamahal at mamahalin parin kita”? Ano ba

5
ang nangyari sa “prinsipeng sasagip sa prinsesang nanganganib”? Ano ba ang nangyari
sa “nakatadhanang magsama habambuhay”? Mga katagang binitiwan ito ng irog ni
Mila. Matatamis na salita, matatamis na kasinungalingan. Ang mga tao ay balakyot,
malupit at mabagsik! Ako man ay walang buhay, alam kong si Mila ay mayroon niyon,
siya man ay naglalakad at bumabangon—hindi kailangan ng katalinuhan ng mga henyo
upang masabing mahigit pa sa pagkitil ang ginawa ng lalaking iyon kay Mila. Ngunit ano
nga ba ang magagawa ko? Ako ay isa lamang na laruan na napapaligiran ng alikabok na
tila ba itinatago ang aking presensya pagkat ako ay matinding ebidensya sa kasawiang
pilit ikinukubli ni Mila.

Ngunit ng gabing iyon ay hindi na umupo lamang si Mila sa aking harapan—


napagtanto niyang hindi niya na kayang titigan ang aking katawa- tawang ngisi, ang
mukha kong kahit ano ang aking gawin ay mukha parin ng kasiyahan—salungat sa galit
na aking nararamdaman habang nakita ko ang kaniyang mundong bumaliktad patiwarik.
Datapwa’t nandoon parin ang pagmamahal—salamat parin sa mga alaala, matatamis na
alaala, pinakamasayang dahon ng pagsinta! Hindi ko alam kung gaano pinigil ni Mila
ang sariling ipulupot ang mga bisig sa kaniyang minamahal, ang pangungulila na
kaniyang tiniis ay hindi ko na mabilang kung gaano katagal. Sa ikalawang pagkakataon
ay ilinabas ako ni Mila sa mundo, pinagpag ang alikabok at pinagmukhang prisentable,
saka yinakap nang mahigpit bago iabot sa pamilyar na mukhang bumago nga sa buhay ng
dilag.

“Pakiusap, tanggapin mo ito. At isauli saakin kung ang puso ay nabihag na ng iba.
O gaano ba mananatiling malamig ang aking mga gabi—hindi na iyon mahalaga, basta’t
mangako kang yakapin ang laruang ito tuwina. Upang ang mga pangarap kong muli kang
mahawakan, haplusin at makapiling ay matupad sa huling pagkakataon. Habang ang
puso at kaluluwa ko ay aking ipinagkakatiwala kay Teddy.”

5
Paano ba ilarawan ang isang relasyon sa mata ng mga tao? Mahirap para sa
linalang na katulad ko. Pero mayroon pang mas mahirap na tanong—paano ba ilarawan
ang muling pagkabuo ng isang relasyon? Alam ko ang inyong sasabihin, pagkat hindi
man direkta ay naranasan ko ang pakiramdam na ito: “Walang mga salit ang makapag
papahayag ng katiwasayan ng nabuhay na pag- asa, nang pagbuhat ng bigat ng mundo
mula sa mga balikat, ng kapangarihan ng bagong simula at lahat ng bagay na
matatagpuan rin sa gitna ng kasawian at muling pagbangon.”

Walang panahon na ikaw ay hindi makakaahon.

Alam ko ang lahat ng ito dahil kahit na ako ay hindi nakararamdam tulad ninyo,
malimit ay naging saksi na ako sa pakikibaka—at pagtatagumpay na ginagawa ninyo sa
digmaan ng inyong mga puso.

You might also like