Esp 5 Q3 ST#3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST 3

GRADE V – ESP

Bilang
Bahagda Kinalalagyan
Mga Layunin CODE ng
n ng Bilang
Aytem

Nakikiisa nang may kasiyahan sa


mga programa ng pamahalaan na
may kaugnayan sa pagpapanatili ng
(EsP5PPP
kapayapaan. 50% 10 1-10
– IIIf – 29)
1.1. paggalang sa karapatang pantao
1.2. paggalang sa opinyon ng iba
1.3. paggalang sa ideya ng iba

Nakakalahok sa pangangampanya sa
pagpapatupad ng mga batas para sa
kabutihan ng lahat.
1.1. pangkalinisan (EsP5PPP –
IIIg – 30) 50% 10 11-120
1.2. pangkaligtasan
1.3. pangkalusugan
1.4. pangkapayapaan
1.5. pangkalikasan
Kabuuan 100 20 1 – 20
SUMMATIVE TEST NO.3
GRADE V – ESP

Pangalan:_________________________________________________ Grade and


Section:_________

I. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutukoy sa paggalang sa karapatang pantao,
opinyon, at ideya ng iba at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong papel.

_____1. Binalewala ng tatay ni Sandie ang paanyaya ng kanilang kapitan na makiisa sa


gagawing programa sa mga nakikipag-away sa kanilang lugar.
_____2. Sumama sa mga barangay tanod ang kuya ni Glenda na magbantay sa checkpoint para
pigilan ang pagpasok ng ibang tao mula sa kalapit na lugar.
_____3. Nakita ni Jean na nagdodroga ang mga kaibigan ng kaniyang kapatid at hinayaan niya
lamang ang mga ito dahil natakot siya sa mga pagbabanta sa kaniya.
_____4. Ipinahiya ni Nina ang kaniyang kamag-aral sapagkat hindi niya nagustuhan ang ideya
nito patungkol sa binubuo nilang proyekto.
_____5. Hinikayat ni Gng. Santos ang mga mag-aaral na laging igalang ang ideya at opinyon ng
kanilang kapwa.
_____6. Si Maya ay nagbakasakaling mapakinggan kaya siya ay nagtaas ng kamay at nagbigay
ng kaniyang suhestiyon nitong nakaraang Barangay Assembly.
_____7. Mataimtim na nakikinig si Kapitan Leo sa mga opinyon ng kaniyang mga kagawad
tungkol sa nalalapit na kapistahan.
_____8. Laging nakikipagdiskusyon si Aling Brenda sa kaniyang kapitbahay tungkol sa mga
tuyong dahon sa kaniyang bakuran.
_____9. Si Bam ay nagalit dahil hindi siya pinayagan ng kaniyang Lolo Narding na umalis ng
gabi.
_____10. Pinayuhan ni Telma ang kaniyang anak na laging igalang ang karapatan ng iba.
II. A. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Pangkalikasan at Pangkalinisan B. Pangkalusugan


C. Pangkapayapaan at Pangkaligtasan

_____11. Nitong nakaraang bakasyon ay nakisama si Tasyo at ang kaniyang mga pinsan sa mga
kawani ng barangay sa paglilinis tuwing Martes.
_____12. Pinagsasabihan ni Aling Betina ang kaniyang mga anak at apo na sa pagsapit ng
ikasiyam ng gabi ay huwag nang lalabas sa kanilang tahanan dahil maaari silang dalhin sa
barangay ng mga nagrorondang tanod alinsunod sa curfew hour na ipinapatupad sa kanilang
lugar.
_____13. Nakagawian ni Rommel na tuwing sasapit ang huling Sabado ng taon ay nagtatanim
siya ng puno sa bundok na malapit sa kanilang lugar.
_____14. Kasapi si Gng. Roda sa Barangay Health Volunteers.
_____15. Si Karidad ay isang negosyante na nangakong magbibigay-tulong sa kampanyang
“One Million Voice for Peace” sa pamamagitan ng paghingi ng suporta sa mga kapwa niya
negosyante.

B. Tingnan ang mga logo ng iba’t ibang ahensiya sa ating pamahalaan. Piliin sa loob ng kahon
kung saan nabibilang ang mga ito.

A. Pangkalikasan at Pangkalinisan B. Pangkalusugan


C. Pangkapayapaan at Pangkaligtasan

_____16. _____19.

______17. _____20.
______18.

ANSWER KEY:

1. MALI 11. A
2. TAMA 12. C
3. MALI 13. A
4. MALI 14. B
5. TAMA 15. C
6. TAMA 16. B
7. TAMA 17. C
8. MALI 18. C
9. MALI 19. C
10. TAMA 20. A

You might also like