L077 Tagalog en

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Nagbabanta sa ating kalusugan ng ngipin at gilagid

ang diyabetes! L077-02


Hindi lang sa patolohikal naaapektuhan ng diyabetes ang pangkalahatang
kalusugan ng pasyente, naaapektuhan din nito ang kanilang kalusugan ng
ngipin at gilagid.
 Bukod pa rito, kung hindi gaanong kontrolado ang antas ng asukal sa
dugo ng isang diyabetiko, madali silang magkaroon ng sakit sa ngipin at
gilagid, gaya ng sakit sa gilagid. Ang sakit sa gilagid ay ang
pagka-impeksyon ng mga tisyu na nagsusuporta sa mga ngipin. Kung
hindi maayos ang pangangalaga sa ngipin at gilagid, maiipon ang plaque
sa gilid ng gilagid. Ang bakterya mula sa plaque ay naglalabas ng mga
lason na nagpapairita sa mga periodontal na tisyu (mga tisyu na
nakapaligid sa isang ngipin) kabilang ang mga gilagid, periodontal
membrane, panga, atbp., na humahantong sa pagkakaroon ng sakit sa
gilagid.
Nakararanas ang ilang diyabetiko ng pagkagustong kumain, uminom at
madalas na pag-ihi kasabay ng pagbagsak ng timbang ng katawan. Madali rin
silang mapagod at magka-impeksyon. Gayunpaman, walang mga sintomas
ang unang yugto ng diyabetes, kadalasan ang sakit ay aksidenteng nalalaman
kapag tumanggap ng medikal na pagsusuri ang isang tao o sinuri para sa iba
pang medikal na komplikasyon.

Paano iwasan ang mga sakit sa ngipin at gilagid na may kaugnayan sa


diyabetes (halimbawa, sakit sa gilagid) para sa isang diyabetiko?
Ang pasyenteng may sakit sa gilagid ay magkakaroon ng mabahong hininga,
pamamaga at pagdurugo ng gilagid, at pag-urong ng gilagid at iba pang mga
sintomas. Magreresulta sa paglantad ng ibabaw ng ugat ng ngipin ang
malalang sakit sa gilagid, na hahantong sa pagiging sensitibo at pamamanhid
na pakiramdam habang kumakain, at pagkatapos nito magkakaroon ng
kahirapan sa pagnguya ang pasyente.
Ang kakayahan ng paggaling ng mga diyabetiko ay mas mabagal, kaya’t mas
mahirap ang paggaling ng iyong sakit sa gilagid.

Kontrolin ang iyong antas ng asukal sa dugo


 Kadalasang humahantong sa iba pang medikal na komplikasyon ang
pangmatagalan na pagtaas at pagbaba ng antas ng asukal sa dugo.
Ginagawa ng magkakasunod na pagbaba ng resistensya ng katawan na
madaling kapitan ng mga impeksyon ang mga pasyente.

Ingatang mabuti ang iyong mga gilagid at ngipin


Para maiwasan ang sakit sa gilagid, kailangan mong magkarooon ng
mabuting gawi sa pangangalaga ng ngipin at gilagid. Hindi lang kailangan na
lubos na matanggal ng mga diyabetiko ang plaque sa pamamagitan ng
maayos na pagsisipilyo ng mga ngipin sa umaga at gabi, ngunit kailangan din
na i-floss ang mga bahagi ng katabing ngipin araw-araw. Para maisagawa
ang lubos na paglilinis sa iyong mga ngipin, pumili ng tamang mga tulong sa
pangangalaga ng ngipin at gilagid para tanggalin ang plaque mula sa bahagi
ng katabing ngipin.
Pagsisipilyo
 Pumili ng sepilyo na may malambot na bristle. Sa pangkalahatan, ang laki
ng ulo ng sepilyo na angkop para sa nasa hustong-gulang ay dapat
kasing laki ng diyametro ng isang dolyar na barya.
 Sipilyuhin ang iyong mga ngipin sa umaga’t gabi gamit ang toothpaste na
may fluoride.
 Panatilihin na lubos na nalinis ang bawat bahagi ng ngipin, kabilang ang:
panlabas, panloob at panguyang mga bahagi.
 Dapat nakahilig ang mga dulo ng bristle ng ulo ng sepilyo sa anggulong
papunta sa gilid ng gilagid. Dahan-dahang ikuskos ang sepilyo sa maliit
na paikot na mosyon, isa hanggang tatlong ngipin sa tuwina.

Pagfo-floss
 Una, kumuha ng 20 – 25cm ng dental floss para magbuhol ng isang loop.

 Gamitin ang mga hinlalaki at hintuturo para kontrolin ang 2cm na pagitan
ng floss.

 Gamit ang pagkikil na paloob at palabas na mosyon, dahan-dahan na


ipasok ang floss sa puwang na nasa pagitan ng dalawang magkatabing
mga ngipin.
 Iikot sa isang ngipin sa “pa-C” na hugis at dahan-dahan na hilahin pababa
hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng pocket ng gilagid, at saka
padausdusin ito nang pataas at pababa sa ngipin. At pagkatapos nito ay
iikot sa katabing ngipin at ulitin ang pataas at pababang mosyon. Linisin
ang lahat ng bahagi ng katabing ngipin sa parehong paraan.

Paggamit ng interdental brush


 Sa kaso ng pag-urong ng gilagid nang dahil sa sakit sa gilagid, ang
puwang sa pagitan ng mga ugat ng magkakatabing ngipin ay lumalaki
kaya’t maaaring gamitin ang isang interdental brush sa halip na dental
floss.
 Dahan-dahan na ipasok ang interdental brush sa puwang na nasa pagitan
ng mga ngipin, ilagay ang brush nang mas malapit sa gilid ng gilagid
hangga’t maaari, igalaw ang brush nang pabalik-balik para linisin ang mga
bahagi ng katabing ngipin.

Gumamit ng superfloss para linisin ang permanenteng dental bridge


 Gamitin ang bahagi ng superfloss na may espongha para linisin ang mga
bahagi sa ilalim ng bridge.
 Maaaring mong tanggalin ang plaque sa mga bahagi ng katabing ngipin
gamit ang karaniwang bahagi ng floss ng superfloss.

Linisin ang iyong naaalis na pustiso


 Dumidikit ang plaque sa mga bahagi ng pustiso. Para panatilihin ang
iyong kalusugan ng ngipin at gilagid, at ang kalinisan ng iyong pustiso,
kailangan mong alisin ang iyong pustiso para linisin bago matulog sa gabi.
 Una, lagyan ng kaunting tubig ang palanggana para maiwasan ang
aksidenteng pagkahulog at pagkabiyak ng pustiso
 Maglagay ng kaunting sabon panlaba sa sepilyo at linisin ang bawat
bahagi ng pustiso. At saka banlawan nang mabuti ang pustiso.
 Ibabad nang magdamag ang pustiso sa isang tasa ng tubig.

Regular na magpasuri ng ngipin


 Kailangan mong sabihin sa dentista ang anumang pagbabago sa
kondisyon ng iyong pagiging diyabetiko at gamot na iyong iniinom.
 Mabilis na lumulubha ang sakit sa gilagid sa isang diyabetiko at madaling
mapunta sa malalang yugto. Kaya kailangan mong magpasuri ng ngipin
kada anim na buwan.
 Bilang resulta ng pag-urong ng gilagid at pag-uga ng mga ngipin nang
dahil sa sakit sa gilagid maaaring maging maluwag ang isang naaalis na
pustiso. Kailangan mong hilingin sa iyong dentista na iayos ang iyong
pustiso sa karaniwang pagpapatingin ng ngipin.

Tumanggap ng paggamot sa ngipin


 Bago ang anumang pagbunot ng ngipin o paggamot sa ngipin, dapat
mayroon kang makakain at pagkatapos nito ay ipasuri ang iyong antas ng
asukal sa dugo. Makakatulong ito na maiwasan ang hypoglycemia dahil
hindi ka maaaring kumain hanggang sa matapos ang paggamot.

Huwag manigarilyo at uminom ng alak


Natuklasan ng pananaliksik na ang pagkakataon ng pagkakaroon ng sakit
sa gilagid ay mas mataas (nang hanggang limang beses) para sa naninigarilyo
kumpara sa hindi naninigarilyo. Samakatuwid, hindi dapat manigarilyo ang
mga pasyenteng may diyabetes.

Kung hindi mo batid na mayroon kang diyabetes, paano mo maiiwasan ang


sakit sa periodontal?
Hindi batid ng ilang pasyenteng may diyabetes na mayroon silang diyabetes.
Nagiging mahirap ang paggaling ng sakit sa gilagid matapos nilang
magkaroon ng sakit sa gilagid at hindi nakontrol na antas ng asukal sa dugo.
Bukod pa rito, maaaring walang nakikitang mga sintomas ang ilang diyabetiko
na nasa unang yugto pa lang; kadalasan hindi natutuklasan ang sakit
hanggang sa magkaroon sila ng medikal na komplikasyon. Samakatuwid,
kung walang nakikitang pagbuti sa iyong sakit sa gilagid matapos ang
paggamot sa ngipin at maayos na pangangalaga sa ngipin at gilagid,
pinapayuhan kang ipasuri ang iyong antas ng asukal sa dugo para sa
diyabetes, nang sa gayon maisagawa ang angkop na paggamot.

You might also like