Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

EPISODE 4

SCENE 1 – INT. MAMIHAN NI ALING SALLY.

Sa mesa ni Laz.

LAZ: (nakahawak pa din sa dibdib.) Hindi pwede ‘to. It can’t be.

Sa mesa nina Ren at Precy.

PRECY: Ang sarap nga nito.

REN: Siyempre, si Aling Sally ang may gawa nito.

PRECY: (susubo muli at ngingiti.)

REN: (ngingiti din.)

PRECY: VO: Kainis naman ‘to. Hindi ko maiwasang mahulog sa kanya. Napakagwapo niya
talaga.

Sa mesa ni Laz.

LAZ: May gusto ako kay Precy? Hindi pwede ‘to.

Agad na tutugtog ang radyo sa mamihan ni Aling Sally:

“Pag-ibig na kaya, pareho ang nadarama.

Ito ba ang simula, Pag-ibig na kaya ito.”

LAZ: Hindi. Hindi ito pag-ibig.

Kay Aling Sally.

ALING SALLY: (ililipat ang istasyon sa radyo.)

Sa mesa ni Laz.

LAZ: Kaya ko pang labanan ang nararamdaman ko.

Agad na tututog:

“I can’t fight this feeling any longer …”


LAZ: No! No! (tatahimik sandali.) Hindi pa nahuhulog ang loob ko kay Ms. Preciousa.

Ililipat na naman ang istasyon.

“I think I’m fallin’ fallin’ in love with you …”

LAZ: (hindi na alam ang gagawin, titingin muli kay Precy.)

Ililipat na naman ang isatasyon.

“Nababaliw na ako sa iyo, ako’y litong-lito. Naloloka, nahihibang sa kaiisip sa’yo.”

LAZ: Oo, baliw na nga ako. Nababaliw na nga ako. At hindi ko na kayang tingnan silang ganyan.
(agad na siyang tatayo at aalis na.)

Doon kay Aling Sally.

ALING SALLY: (magtataka habang nakatingin sa papaalis na si Laz.) Sino kaya ‘yong lalaking
iyon? Hindi man lang omorder.

Sa may mesa nina Ren at Precy.

REN: May boyfriend ka na ba?

PRECY: (mapapatingin kay Ren at magugulat.) A-anong sabi mo?

REN: May boyfriend ka na ba?

PRECY: Wa-wala. Bakit?

REN: Wala lang. Natanong ko lang.

PRECY: (ngingiti.)

REN: (ngingiti din.)

SCENE 2 – INT. LAZ’S OFFICE

Naka-upo si Laz sa kanyang upuan. Hawak ang isang ballpen at iniikot-ikot niya ito sa kanyang
kamay. Nakatingin ng diretso.
LAZ: What’s wrong with me? Why did I fall in love with her? Hindi naman siya pumasa sa
standard ko ah. Bakit? (pipikit.)

Makikita agad niya ang mukha ni Precy na nakangiti sa kanya.

LAZ: (didilat.) May gusto nga ako sa kanya. Gusto ko nga siya.

SCENE 3 – INT. SA APARTMENT NI HILDA.

Naka-upo sa sofa si Hilda, hawak-hawak ang larawan ni Laz ‘nong bata pa siya.

HILDA: (malungkot.) Anak, I’m really sorry. I’m really sorry sa lahat ng nagawa ko sa’yo.
Nagkamali ako at nagsisisi ako sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko sa’yo. (yayakapin ang
larawan at iiyak.)

SCENE 4 – INT. MAMIHAN NI ALING SALLY.

Papasok si Mama Luzy doon sa mamihan at may dalang mga gulay na pinalengke niya.

MAMA LUZY: Grabe, ang init-init sa labas. (makikita agad niya si Precy.) Uy. Anak ko ‘yun ah.

Lalapit na agad si Mama Luzy doon sa kanilang dalawa.

MAMA LUZY: Precy, anak.

REN and PRECY: (mapapalingon kay Mama Luzy.)

PRECY: (gulat na gulat.) Mama, anong ginagawa niyo dito?

MAMA LUZY: (mapapatingin kay Ren.) Teka, familiar ang mukha mo ah.

PRECY: (matataranta.) Ma, umuwi na po kayo baka hinahanap na kayo ni Pearl.

MAMA LUZY: (titingnan-tingnan pa din si Ren.) Kilala talaga kita.

REN: (ngingiti.) Ako po si Ren.

MAMA LUZY: (ngingiti ng bonggang-bongga.) Ren? Ikaw ba ‘yan? Ang magiging asawa ng anak
ko?

PRECY: (mapapakagat labi na nag-aalala at yuyuko.)

REN: (hilaw na ngiti at gulat.) Huh? Mapapangasawa?


MAMA LUZY: Oo! Mapapangasawa ng anak ko. Nagd-date ba kayo? Siguro pinag-uusapan niyo
ang araw ng inyong kasal. Ayy! Sabihan niyo ako kung kailan ang kasal niyo ha.

REN: (nagtataka at napatingin kay Precy.)

PRECY: (titingin kay Ren at ngingiti na nag-aalala at titingin sa mama niya.) Ma, umuwi na po
kayo.

MAMA LUZY: Oo, uuwi na ako. Ayaw ko namang sirain ang date niyo.

PRECY: (tatayo.) Ma, tayo na nga.

MAMA LUZY: (magtataka.) Teka saan ka pupunta?

PRECY: (titingin kay Ren.) Ren, magpapaliwanag ako sa’yo mamaya. Ma, tayo na. (aalis na
agad.)

MAMA LUZY: (titingin kay Ren at ngingiti.) Bye. (susunod na kay Precy.) Teka lang, anak.

REN: (magtataka.) Anong nangyayari?

SCENE 5 – EXT. SA LABAS NG MAMIHAN.

Nakatayo ang mag-ina doon at nag-uusap.

PRECY: (maiinis.) Ma, bakit niyo ‘yun sinabi?

MAMA LUZY: (magtataka.) Bakit? May mali ba sa sinabi ko kanina?

PRECY: AH! Basta. Umuwi na nga kayo. Papara na ako ng taxi para sa inyo.

MAMA LUZY: Teka anak, huwag mong sabihing hindi totoong ikakasal kayong dalawa.

PRECY: Ma naman.

MAMA LUZY: Bakit? Hindi ba totoo? (mag-aalala.) Hayy naku! Talagang magtatago ako sa
malayong bundok na wala ng makakakita sa akin. Hayyy naku! Anak, ano ba ‘yong totoo?

PRECY: (papara agad ng taxi.)

Hihinto ang isang taxi.

PRECY: Ma, magpapaliwanag ako sa iyo mamaya. Umuwi na po kayo.

MAMA LUZY: Anak, ano ba talagang –


PRECY: Ma, magpapaliwanag ako sa inyo mamaya. Sige na, sumakay na kayo sa taxi.

MAMA LUZY: Basta, ipaliwanag mo mamaya ang mga nangyayari. (papasok na agad sa taxi at
lalarga na ito.)

PRECY: (mag-aalala.) Kailangan ko ng sabihin sa kanila ang lahat para mabawasan na ang
problema ko. (mapapabuntong-hininga.) May problema pa ako kay sir Laz. Para yatang
tumatalab ‘yong gayuma.

SCENE 6 – INT. SA LOOB NG OFFICE NI LAZ.

Naka-upo pa din siya at malalim pa din ang iniisip.

LAZ: Kung may gusto ako kay Precy, it means kailangan ko siyang ligawan? At kung sakaling
sagutin niya ako, hindi! Sasagutin niya naman talaga ako. Mag-d-date kaming dalawa? (titingin
sa ibabaw at mag-iimagine.)

SCENE 7 – EXT. SA ISANG BENCH SA MAY PARK.

Laz Imagination. Naka-upo sina Precy at Laz sa isang bench at ang background nilang dalawa
ay mga bulaklak.

LAZ: VO: Kailangan kong hawakan ang kamay niya?

Hahawakan ni Laz ang kamay ni Precy at ngingiti. Mapapatingin si Precy kay Laz at kikiligin at
ibabaling ang tingin sa harap.

LAZ: VO: At kailangan ko siyang halikan?

Hahawakan ni Laz ang pisngi ni Precy at nakangitin silang pareho. Itatapat niya ang mukha ni
Precy sa kanyang mukha. Mapapapikit si Precy na sobrang kilig na at pipikit din si Laz at hinay-
hinay na ilalapit ang labi niya sa labi ni Precy.

SCENE 7 – INT. SA LOOB NG OPISINA NI LAZ

Balik sa reality.

LAZ: (seryosong mukha.) Iyon ang gagawin namin? Hahawakan ko siya sa kamay at hahalikan sa
labi? At ang sunod ay … (titingin sa ibabaw at mag-iimagine sana at agad na ibinaling ang
tingin sa harap.) Huwag na lang. Basta, ‘yun ang mangyayari. (agad na may kukunin sa ilalim ng
kanyang mesa at ito ay ang resume ni Precy, titingnan niya ang picture ni Precy.) Kailan ka lang
naging maganda sa paningin ko?

Agad na pumasok si Precy sa loob ng opisina.

LAZ: (magugulat at agad na itatago ang resume ni Precy.)

PRECY: Sir Laz.

LAZ: (titingin kay Precy.) Ba-bakit? (mapapalunok-laway.)

PRECY: Pwede po bang umuwi na muna ako? May importante po kasi akong gagawin sa bahay.

LAZ: Ano? Uuwi ka na agad? Ba-bakit naman? Hu-huwag muna.

PRECY: Kasi po may emergency lang talagang nangyari.

LAZ: (maiinis.) Umuwi ka kung gusto mo. (titingin sa gilid.) VO: Iiwan mo na ako ditong mag-isa.

PRECY: Maraming Salamat po sir Laz. (lalabas na agad.)

LAZ: (titingin sa pinto.) Aiisshh! Uuwi na din ako. (agad na tatayo.)

SCENE 8 – EXT. SA ISANG MALAKING PUNO.

Kaharap ni Ren si Pia at nag-uusap silang dalawa.

REN: (galit.) Bakit mo ito ginagawa sa akin? Bakit kailangan mo akong iwan?

PIA: (tumutulo na ang mga luha.) Mahirap para sa akin na iwan ka. Napakahirap sa akin.

REN: Kung mahirap sa’yo bakit kailangan mo pang umalis?

PIA: I’m sorry. I’m sorry. Mahal na mahal kita.

REN: (tataas ang boses.) KUNG MAHAL MO AKO, HINDI MO AKO IIWAN!

PIA: Kailangan kitang iwan upang hindi ka na masaktan!

REN: (galit na galit at agad na hahawakan ang braso ni Pia.) Bakit? Anong dahilan mo?

PIA: (mapapayuko at tutulo ang maraming luha sa mga mata.) May cancer ako.

REN: (magugulat at mabibitiwan ang braso ni Pia.) Anong sabi mo?


PIA: (titingin kay Ren.) May cancer ako at malapit na akong mamatay!

REN: (tutulo ang luha mula sa isang mata.) Ba-bakit? (agad niyang yayakapin si Pia.)

Iihip ang malakas na hangin at mahuhulog ang mga dahon mula sa puno.

DIRECTOR: CUT! What a nice scene! (ngingiti.)

Lalapit agad ang mga make-up artist kina Ren at Pia at papahiran ang mga luha. Tutungo na
agad sa may bus si Ren.

OLIVER: (nakangiti.) Hay naku, Ren. Napakagaling mo naman talaga. Ikaw na! Talagang sisikat
ka ng husto.

REN: (ngingiti.) Teka, ‘yong cellphone ko.

OLIVER: (kukunin agad ang cellphone ni Ren.) Ito na ‘yong cellphone mo.

REN: (kukunin niya ito.) VO: Tatawagan ko kaya si Precy para maipaliwanag niya ‘yong mga
nangyari kanina? (ngingiti.)

SCENE 9 – INT. SA LOOB NG BAHAY NI PRECY.

Naroon sina Pearl, Mama Luzy at Precy. Naka-upo sa sofa at nag-uusap.

MAMA LUZY: (nag-aalala.)

PEARL: (wala lang.)

PRECY: (malungkot.) Ma, ate Pearl. Sasabihin ko na sa inyo ‘yong totoo.

MAMA LUZY: Ano ba talaga ang totoo?

PEARL: Precy, bakit? May itinatago ka ba sa amin ni mama?

PRECY: Hindi totoong ikakasal ako kay Ren.

PEARL and MAMA LUZY: (magugulat.)

PEARL: Ano?

MAMA LUZY: (magagalit.) Haayyy naku naman! Sinasabi ko na nga ba. Ano na lang ang
sasabihin ng mga kapitbahay natin sa probinsiya? Ikaw kasi! Sinungaling ka kasi! Talagang
mapapahiya na ako nito.
PRECY: Patawad ma.

MAMA LUZY: Hayy naku naman. Paano na ito ngayon? Hiyang-hiya na nga tayo sa mga
kapitbahay sa probinsiya at ngayon hindi ka na maikakasal? Hindi na talaga ako magkakaroon
ng apo.

PRECY: Ma, huwag po kayong mag-alala. Maghahanap ako ng mapapangasawa.

MAMA LUZY: Talagang gawin mo ‘yan! Maghanap ka.

PEARL: Oo, ate. Gawin mo ‘yan.

MAMA LUZY: (titingin kay Pearl at magagalit.) HEE! Ikaw, kailan ka maghahanap ng nobyo?
Tatanda ka na talagang dalaga niyan!

PEARL: (maiinis.)

SCENE 10 – EXT. SA LABAS NG BAHAY NI PRECY.

Sumapit na ang gabi. Tumigil ang isang sasakyan sa harap ng bahay nina Precy.

REN: (lalabas sa kotse niya at titingin sa bahay nina Precy.) Nandito na kaya siya?

Bubukas na ang pinto at agad na lalabas si Precy.

PRECY: (magugulat.) Ren.

REN: (ngingiti.) Good Evening, Precy.

PRECY: Anong ginagawa mo dito?

REN: (magtataka.) Haa? Uhh ~ diba magpapaliwanag ka sa akin?

PRECY: (ngingiti na nag-aalala.) Oo nga pala.

SCENE 11 – EXT. SA MAY PARKE.

Nandoon sa parke sina Ren at Precy. Silang dalawa lang ang nasa parke, naka-upo sa bench at
nag-uusap.

PRECY: (nakatingin ng diretso.) I’m sorry ha. Naipit lang kasi ako sa mga nangyayari.

REN: Bakit? Ano ba talagang nangyari?


PRECY: (mapapabuntong-hininga.) Sa sobrang sweet mo ay akala ko … may gusto ka na sa akin.

REN: (mapapangiti.)

PRECY: Kaya ayon, nasabi ko kay mama na baka ligawan mo ako. (ngingiti.) Nakakatawa, diba?

REN: (titingin sa pisngi ni Precy.)

PRECY: At akala ni mama ay papakasalan mo na ako. Atat kasi ‘yong ipakasal ako.

REN: (titingin sa mga labi ni Precy.)

PRECY: Kaya nasabi niya sa mga kapitbahay namin sa probinsiya na ipapakasal ako sa’yo.
Nakakatawa talaga. Tapos, ayon, may nobya ka na pala. (titingin kay Ren at magugulat dahil
nakatingin ito sa kanyang mga mata.)

REN: (nakatingin pa din kay Precy.)

PRECY: (agad na yuyuko at ngingiti.) Nakakatawa.

REN: (ngingiti din at titingin ng diretso.) Iyon lang ba ‘yun?

PRECY: Oo. Nasabi ko na din kay mama ang totoo kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa.

REN: Kung ganun, may gusto ka sa akin?

PRECY: (magugulat at mapapatingin kay Ren.) Haa?

REN: (nakatingin ng diretso at nakangiti.)

PRECY: Haa? Uhh ~ noon, may gusto ako sa’yo pero nakapag-move on na ako ‘nong malaman
kong may girlfriend ka na pala. Lahat naman siguro ng mga babae ay nagkakagusto sa’yo. Sa
gwapo mong ‘yan.

REN: (nakangiti pa din.) Paano kung hihiwalayan ko si Naddy, magkakagusto ka ba uli sa akin?

PRECY: (lalong magugulat at mapapatingin kay Ren.) Ehhh?! ~ Anong sinabi mo?

REN: Wala. (titingin kay Precy.) Sige na, pumasok ka na sa bahay niyo. Gabing-gabi na.

PRECY: (ngingiti.) Sige.

Part 2
SCENE 12 – INT. LAZ’S ROOM.

Naka-upo siya sa sofa, naka-bathrobe at nakapikit ang mga mata.

LAZ: Ms. Preciousa, Ms. Preciousa. Na-mi-miss na kita agad. (magugulat at ididilat ang mga
mata.) Huh?! Ano ba ‘tong pinagsasabi ko? (pipikit muli.) Ms. Preciousa … gusto na kitang
makita. (manggigigil.)

1 hour later. Nakahiga na si Laz sa kama niya.

LAZ: (nakapikit ang mga mata at agad na didilat.) Bakit hindi ako nakakatulog? Gusto ko ng
makita si Ms. Preciousa.

2 hours later. Gugulong sa kaliwa.

LAZ: (nakapikit ang mga mata at didilat agad.) Patulugin mo ako, Ms. Preciousa.

3 hours later.

LAZ: (biglang babangon.) Ms. Preciousa! Patulugin mo naman ako!

SCENE 13 – INT. PRECY’S ROOM.

PRECY: (biglang magigising.) Haa? Para yatang may tumatawag sa akin. Guni-guni ko lang
siguro ‘yun. (matutulog na muli.)

SCENE 14 – INT. 4th FLOOR NG COMPANY.

Umaga na. Dadaan si Laz sa harapan ni Precy.

PRECY: Good Morning po, sir Laz.

LAZ: (titigil bigla at titingin kay Precy with his strict face.) Go-Good Morning din, Ms. Preciousa.
(agad na tatalikod at ngingiti at papasok na sa kanyang office.)

SCENE 15 – INT. LAZ’S OFFICE.

LAZ: Ok lang ba ‘yong bati ko kanina? (preparing himself at agad na ngingiti.) Good Morning
din, Ms. Preciousa. (iiling-iling.) OK na ‘yun. (at agad na uupo.)
SCENE 16 – INT. COMPANY’S CANTEEN.

Kumakain sina Precy at Kate doon.

KATE: Tama nga ‘yong ginawa mo. Dapat lang na sabihin mo na lahat para mabawasan na ‘yang
pag-alala mo. Ngayon, wala ka ng problema.

PRECY: (nag-aalala pa din.)

KATE: Bakit ganyan ‘yang mukha mo? Dapat smile ka lang. Gaya nito. (smile.)

PRECY: Paano ako makakangiti eh para yatang tumatalab ‘yong gayuma.

KATE: (magugulat.) Talaga? Paano naman?

PRECY: Kasi inihatid niya ako without any reasons.

KATE: Wuutt? (mag-aalala.) Kung ganun …

PRECY: (maghihintay sa sasabihin ni Kate.)

KATE: Problema nga ‘yan.

PRECY: (mapapabuntong-hininga.)

SCENE 17 – INT. SA KUSINA NG BAHAY NI PRECY.

Nanghuhugas ng pinggan si Pearl samantalang naka-upo sa upuan si Mama Luzy.

PEARL: (titingin sa basurahan.) Puno na pala ‘yong basurahan.

MAMA LUZY: (mapapatingin sa basurahan.) Ang basurahan? (maiisip agad niya si Hector.) si
Hector.

PEARL: Ma, pakitapon nitong basura.

MAMA LUZY: Oo, ako ang magtatapon niyan.

SCENE 18 – EXT. SA LABAS NG BAHAY NI PRECY.

Nakatayo sa labas si Mama Luzy at naghihintay sa basura ng truck.


MAMA LUZY: Dadating kaya siya ngayon? (titingin sa kanto.) Paano niyang nakalimutan ‘yong
pangalan ko. Luzy, madali lang naman ang pangalan ko ah.

Bigla agad dadating ang sasakyan.

MAMA LUZY: Ayan na ang sasakyan. (agad na iniwan ang basura sa gilid at papasok sa loob ng
bahay.)

Titigil na ang truck sa harapan ng bahay.

HECTOR: (lalabas sa sasakyan at lalapit sa iniwang basura.) Asan kaya si Linda? Bakit iniwan
lang niya dito ang basura. (kukunin ang basura.)

MAMA LUZY: (lalabas sa bahay at magugulat kuno.) Whoaah. Hector, ikaw pala.

HECTOR: (mapapatingin kay Luzy.) Linda.

MAMA LUZY: (maiinis.) Sinong Linda?

HECTOR: (magtataka.) Hindi ka ba si Linda? Kung ganun, ikaw si Lorna?

MAMA LUZY: Bakit mo nakakalimutan ‘yong pangalan ko? Luzy, Luzy ang pangalan ko.
(mapapansin ang ballpen sa may bulsa ng polo ni Hector, agad niya itong kukunin at isusulat sa
palad ni Hector ang pangalan niya.) Ayan! Isinulat ko na, tingnan natin kung makakalimutan mo
pa ba.

HECTOR: (titingin sa palad niya at ngingiti.) Hindi na, hindi ko na ‘to makakalimutan.

MAMA LUZY: (ngingiti.) Talaga?

HECTOR: Oo. (titingin sa mga mata ni Mama Luzy.) Hinding-hindi na.

MAMA LUZY: (mapapakagat-labi sa kilig.)

HECTOR: Paano, aalis na ako. (kikindat at aalis na.)

MAMA LUZY: (kikiligin ng todo-todo.)

HECTOR: (lilingon kay Mama Luzy at magpa-flying kiss.)

MAMA LUZY: (agad na sasaluhin ang flying kiss at hinay-hinay na hinalikan ang palad at
kikiligin.)

SCENE 19 – EXT. SA LABAS NG ISANG TV STATION.


Naroon sina Oliver at Ren at nasa gilid ng van.

OLIVER: Tapos na ‘yong variety show mo. This afternoon ay free ka na at mamayang gabi
naman ay may taping ka ‘til midnight.

REN: Ganun ba?

OLIVER: Saan tayo ngayon?

REN: (ngingiti.) Kakain ako ng mami ngayon. (titingin sa gilid at bubulong.) Kasama siya.

OLIVER: Oh sige.

Bigla na lang dumating si Naddy at nakasunod ang mga repoters sa kanila.

REPORTER 1: Kunan mo sila bilis.

REN: (maiinis at agad na ngingiti.)

NADDY: Hi Ren.

REN: Uyy, Honey. Anong ginagawa mo dito?

Nakatutok ang camera sa kanila at maraming mga tao na din ang nagsilapitan.

REPORTER 2: Ren, dadalo ka ba sa premiere night ng movie ni Naddy bukas?

REN: Bukas?

REPORTER 3: Susuportahan mo ba ang girlfriend mo?

REPORTER 1: Dadalo ka ba?

NADDY: (nakangiti at naghihintay sa sagot ni Ren.)

REN: (ngingiti.) Uhhh ~ Oo, dadalo ako bukas para suportahan si Naddy.

NADDY: (ngingiti.) Talaga? Susunduin mo ba ako bukas sa bahay para sabay na tayong pumunta
sa premiere night?

REN: (tatango-tango.)

SCENE 20 – INT. LAZ’S OFFICE.


LAZ: (naka-upo lang doon at nakatingin ng diretso.) Ano kayang magandang gawin ngayon
kasama si Ms. Preciousa? Feeling ko ay gusto ko siyang masakama ngayon. (mag-iisip.) AH!
Kakain kami sa restaurant ngayon. Tama, ‘yun nga ang gagawin ko.

Agad na siyang tatayo at lalapit sa may pinto at agad na titigil.

LAZ: Teka lang, paano ko naman sasabihin sa kanya? (practice.) Uhh ~ Ms. Preciousa, kumain
tayo sa restaurant. (iiling-iling.) Masyadong istrikto. Dapat sweet. (ngingiti.) Hi, Ms. Preciousa,
nagugutom ka ba? Kumain tayo sa restaurant, treat ko. (kindat.)

Maiinis agad siya.

LAZ: Bakit ba kailangan ko pa ‘tong gawin? (tatahimik sandali.) Eh kasi nga, gusto ko siyang
makasama. Bahala na. (bubuksan niya agad ang pinto.)

SCENE 21 – INT. SA PWESTO NI PRECY.

Lalapit na doon si Laz.

PRECY: Sir Laz?

LAZ: Ms. Preciousa, (mapapalunok-laway at titingin sa gilid.) Ku-kumain tayo sa labas. (titingin
kay Precy at ngingiti at babawiin agad ang ngiti.)

PRECY: (magugulat.) Sir?

LAZ: Ngayon lang kita aanyahang kumain kaya pumayag ka.

PRECY: (hilaw na ngiti at agad na tatayo at kukunin ang bag niya at lalapit na kay Laz.) Saan po
tayo kakain sir?

LAZ: Alangan namang doon sa hospital. Tayo na.

Sa pagtalikod ni Laz ay nakita niya agad si Ren na paparating na.

REN: (nakangiti.) Insan.

LAZ: Wala ka bang taping?

REN: Mamaya pang gabi. (titingin agad kay Precy.) Precy, kumain ulit tayo doon sa mamihan ni
Aling Sally. (ipapakita agad ang dalang wig at shades.)

PRECY: (gulat.) Haa? Kakain tayo? (titingin kay Laz.)


LAZ: (agad na ibabaling ang tingin sa harapan.)

REN: (hahawakan agad ang braso ni Precy.) Tayo na, bilis. (kakaladkarin agad si Precy.) Alis na
kami, insan.

PRECY: (nag-aalalang nakatingin kay Laz habang hinihila ni Ren.)

At agad na silang naka-alis.

LAZ: (galit.) Wala akong paki-alam. (agad na aalis doon.)

SCENE 22 – INT. MAMIHAN NI ALING SALLY.

Naka-upo doon sa may gilid sina Ren at Precy at kumakain ng mami.

REN: (kakain.) Hmmm … Ang sarap talaga nito!

PRECY: (ngingiti.) Oo nga.

REN: Precy, may itatanong ako sa’yo.

PRECY: Ano naman ‘yong tanong mo?

REN: Wala ka na ba talagang gusto sa akin?

PRECY: (magugulat.) Haa?

REN: (tatawa.)

PRECY: (ngingiti.) Paano naman ako magkakagusto sa’yo, may nobya ka na at masaya ka na sa
kanya.

Agad na magbe-bell.

PRECY: Teka, kukunin ko muna ‘yong order natin. (agad na aalis.)

REN: (titingin kay Precy.) Kung ganun, kailangan ko na siyang hiwalayan para magkagusto ka
muli sa’kin.

SCENE 23 – INT. SA BAHAY NI NADDY.

Naroon si Carol sa bahay dala ang mga damit.


CAROL: Anong kulay ba ang susuotin mo bukas sa premiere night?

NADDY: Gusto ko ‘yong color pink. Gusto kong maging maganda ako bukas dahil susunduin ako
ni Ren.

CAROL: (kukunin ang kulay pink na dress.) Ito, bagay sa’yo ‘to.

NADDY: Stop that. Lahat ng damit ay bagay sa akin.

CAROL: Oo nga pala.

NADDY: Ikaw na ang bahala sa lahat. Gusto ko ay wala ng problema bukas. (ngingiti.) First date
namin ni Ren. Excited na ako.

CAROL: (mapapabuntong-hininga.) VO: Psycho talaga ang babaeng ito.

SCENE 24 – INT. LAZ’S OFFICE.

Binuksan niya ang pinto at may tiningnan at agad na isasara ang pinto.

LAZ: Aiisshh! Bakit hindi pa sila bumabalik? (titingin sa relo niya.) Mahigit isang oras na sila ‘dun
ah.

Maririnig niya agad ang boses ni Ren sa labas.

REN: Balik uli tayo doon ah.

LAZ: (mapapatingin sa pinto.)

SCENE 25 – INT. SA LABAS NG OFFICE NI LAZ.

Tumigil sa harap ng office sina Ren at Precy.

PRECY: (nakangiti.) Oo, babalik tayo doon.

REN: At kakain tayo ng maraming mami.

Agad na lalabas si Laz sa opisina niya with strict face at mapapatingin ang dalawa.

LAZ: Andiyan na pala kayo.

PRECY: (mapapangiti.) Sir Laz.


LAZ: (titingin kay Precy na may galit na mata.) May utang ka pa sa akin.

PRECY: (magtataka.) Utang?

LAZ: Ang dali mo namang makalimot.

PRECY: (ngingiti na nag-aalala.)

REN: Ah! Insan, sasama ka ba bukas? Pupunta ako sa premiere night ng movie ni Naddy,
susunduin ko siya bukas.

PRECY: (mapapayuko.)

LAZ: Sige, pupunta ako.

REN: Buti naman. Akala ko mag-isa lang ako doon bukas kasama si Naddy.

PRECY: Sige po, babalik na ako sa trabaho. (ngingiti at agad na aalis.)

REN: Sige, insan. Kita na lang tayo bukas. (aalis na din.)

Maiiwan doon si Laz.

LAZ: Manonood ako ng movie bukas? (agad na may maiisip.) AH! Alam ko na. (ngingiti.)

SCENE 26 – INT. DOON SA PWESTO NI PRECY.

Lumapit doon si Laz.

PRECY: (mapapatingin kay Laz.) Sir.

LAZ: Diba may utang ka sa akin?

PRECY: Sir, ano po ‘yong utang ang sinasabi niyo?

LAZ: Dapat kakain tayo sa labas pero sumama ka kay Ren kaya may utang ka pa sa akin.

PRECY: Eh kasi po, hinila kasi agad ako ni Ren kaya … ayun. Paano ba ako makakabawi sa inyo?

LAZ: Suotin mo ang pinakamagandang damit mo at manonood tayo sa premiere night ng movie
ni Naddy.

PRECY: (magugulat.) Manonood tayo ng … sine?

LAZ: Hindi ka dapat tumanggi dahil may utang sa akin.


PRECY: Kung ganun, para po tayong … nagd-date?

LAZ: (matitigilan.) D-Date?

PRECY: (tatango-tango.)

LAZ: Magkaiba ang date sa panonood ng sine. Ang date, kailangan niyong maghawak kamay at
maghalikan habang kumakain ng dinner at ang panonood ng sine ay manonood lang kayo. Kaya
hindi ‘yun date.

PRECY: Ahhh … Ganun po pala. Bakit kailangan kong suotin ang pinakamaganda kong damit?

LAZ: Maraming mga reporters ang pupunta at kailangan mong maging maganda at baka ma-
expose ka bukas. (maiinis.) Ang dami mo namang mga tanong, basta, bukas, susunduin kita sa
inyo. (agad na tatalikod.)

SCENE 27 – INT. LAZ’S OFFICE.

Agad na siyang pumasok sa loob.

LAZ: (masayang-masaya.) YEESSS!! Nagawa ko! Manonood kami ng sine bukas. Waaaaa!!
(tatakbo patungo sa mesa niya.) Manonood kami ng sine! Manonood kami ng sine! Yahoooooo!
(kindat at stritct face muli.)

SCENE 28 – INT. SA CR.

Naroon sina Precy at Kate sa CR.

KATE: (gulat.) Ano?! Manonood kayo ng sine ni sir Laz?

PRECY: (mag-aalala.) Oo. Ano na ngayong gagawin ko? Talagang may gusto na si sir Laz sa akin.

KATE: Umeepekto nga talaga ‘yong gayuma.

PRECY: Paano na ito ngayon? Hay naku, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

KATE: Hindi mo na ba nakikita ‘yong matanda?

PRECY: Tama! Iyong matanda! Kailangan ko siyang makita bago pa lumala ang lahat.
Part 3

SCENE 29 – EXT. SA KALSADA.

Sumapit ang gabi. Nagka-upo si Precy sa isang upuan sa gilid ng kalsada.

PRECY: (titingin-tingin sa gilid.) Nasaan na ba ‘yong matanda? Kailangan ko na siyang makita


ngayon.

Pagtingin niya sa gilid ay katabi na niya ang matanda.

PRECY: Lola.

MATANDA: (ngumiti.) Long time no see.

PRECY: Lola, kailangan niyo akong tulungan.

MATANDA: Tulungan? Bakit may problema ka ba?

PRECY: Sinabi ko naman sa inyo noon, diba? Napa-inom ko ‘yong gayuma sa maling lalaki.

MATANDA: Oo nga pala, sinabi mo na ‘yan sa akin.

PRECY: May paraan ba para mawala ‘yong gayuma? Kinakabahan kasi ako sa mga nangyayari.

MATANDA: Ang tanga mo talaga. Oo, hahanapin ko muna doon sa libro kung meron ba. Naku,
ikaw talaga. Binigyan na nga kita ng pag-asa para mapa saiyo ang lalaking mahal mo ay sinayang
mo naman.

PRECY: Naku, maraming salamat po.

Dadaan na naman ang dalawang babae at mapapatingin si Precy sa kanila.

BABAE 1: (bulong) Sige na, gawin mo na.

BABAE 2: (may tinatawagan.) Ayaw sagutin eh.

BABAE 1: Bilisan mo na at baka aalis na siya.

BABAE 2: (maiinis.) Ayaw ngang sagutin! Ano ka ba! (titingnan ang phone.) Ito ba talaga ang
number ng mental hospital?

BABAE 1: Oo.
PRECY: (agad na haharapin ang dalawang babae at maiinis.) Mawalang galang na po. Hindi po
ako baliw. Ano ba kayong dalawa! Tumigil na kayo diyan!

BABAE 2: Tayo na baka ano pang gawin niya sa atin.

Agad na aalis ang dalawang babae.

PRECY: Pagkamalan ba naman akong baliw. (titingin sa likod.) Lola? Nawala na naman ‘yong
matanda. (mapapabuntong-hininga.) Sana nga’y may paraan pa para mapawalang bisa na ‘yong
gayuma.

SCENE 30 – INT. LAZ’S ROOM.

Sinusukat ni Laz ang isang polo at maraming polo ang nasa kama niya.

LAZ: Bagay ba sa akin itong black? (kukunin ang green polo.) Ito kaya? Naguguluhan ako nito ah.
(agad na ilalagay ang dalawang polo sa kama at kukunin ang phone at may tatawagan.) Hello
Ren.

REN: Oh, insan?

LAZ: Ano bang kulay ng damit ang bagay sa akin?

Ipapakita agad si Ren na nasa set ng kanyang teleserye.

REN: Bakit mo naman naitatanong?

Ipapakita si Laz.

LAZ: Huwag ka ngang tanong ng tanong diyan. Sagutin mo ‘yong tanong ko.

REN: Subukan mo ‘yong black.

LAZ: Black?

REN: Itim ang bagay sa’yo. It really fits you. It fits with your personality. (ngingiti.)

LAZ: (maiinis.) Shut up. (agad ibaba ang phone.) Gago talagang taong ‘to. (kukunin ang itim at
isusukat.) Bagay kaya sa akin ‘to? Magiging gwapo kaya ako sa paningin ni Ms. Preciousa bukas?
(mag-iisip at agad na ngingiti.)

SCENE 31 – INT. PRECY’S ROOM.


Nagsusukat na din siya ng dress.

PRECY: (nakatingin sa salamin habang sinusukat ang isang damit at nag-aalala ang mukha.)
Kinakabahan naman ako nito bukas, baka bigla na lang … baka biglang magpropose si sir Laz.
(sasapakin ng mahina ang ulo.) Ano ba kasing ginawa mo! Hindi naman siguro siya
magpopropose ano. Tama! Manonood lang naman kami ng sine, premiere night pa. Tama si sir
Laz, panonood ng sine ‘yun at hindi date. Iba ‘yong date sa panonood ng sine. (ngingiti.)
Makikita ko bukas si Ren kaya OK lang. Dapat maging maganda ako para kay Ren. (kikiligin at
matatauhan bigla.) Ano ba ‘tong sinasabi ko! Hindi na dapat akong magpapacute kay Ren, may
– may nobya na siya. (titingin sa poster ni Ren.) Tama ba, Ren? (tatango-tango.)

SCENE 32 – INT. SA 4th FLOOR NG KOMPANYA

Kinabukasan, dumaan si Laz sa pwesto ni Precy.

PRECY: Good Morning po, sir Laz.

LAZ: (titigil sa paglalakad at titingin kay Precy.) Go-good Morrrrning din. (mapapalunok-laway
at tatalikod agad.)

PRECY: (magtataka.)

LAZ: (titingin muli kay Precy.) Sunduin kita mamaya.

PRECY: (hilaw na ngiti.) Sa-salamat po.

LAZ: (agad na aalis.)

SCENE 33 – INT. LAZ’S OFFICE.

Papasok na siya sa kanyang office.

LAZ: (masayang-masaya.) Excited na ako para mamaya. (mapapahawak sa kanyang puso.)


Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari pero gumagaan ang loob ko kapag nakikita at
nakakasama si Precy. (agad na ngingiti.)

SCENE 34 – EXT. SA LABAS NG BAHAY NI NADDY.


Maraming mga reporters ang nakapalibot sa buong bahay ni Naddy. Agad na dadating ang
kotse ni Ren at nagsilapitan agad ang mga reporters doon.

REN: (lalabas na sa kotse at marami agad click ng camera ang nadidinig.)

Lumabas na din ang napakagandang si Naddy.

REPORTERS: Kunan niyo si Naddy. Ang ganda niya ngayon.

NADDY: (nakangiti habang papalapit kay Ren.)

REN: (agad na ibibigay ni Ren ang kamay niya sa dalaga at ngumiti.)

NADDY: (hahawakan agad ang kamay ni Ren.)

REPORTER 1: Pagkatapos ng premiere night ay saan kayo didiretso?

REN: Uuw-

NADDY: Kakain po kami sa restaurant at magd-date.

REN: (ngumingiti lang.) VO: Bwesit talaga ‘tong babaeng ito.

NADDY: Diba Ren?

REN: (ngingiti.) Oo naman.

SCENE 35 – INT. SA LOOB NG BAHAY NI PRECY.

Naroon sa sala sina Mama Luzy, Pearl at si Precy na napakaganda ngayong gabi.

MAMA LUZY: Anak, ang ganda-ganda mo ngayon.

PRECY: Talaga po ma?

MAMA LUZY: Oo naman. Sigurado, makakahanap ka na ng mapapangasawa ngayon. Sa ganda


mong ‘yan oh.

PRECY: Oo ma, maghahanap ako ng boyfriend ngayong gabi.

PEARL: Naku Precy, para ka na talagang celebrity.

PRECY: (ngingiti.)

Agad na may magbubusina sa labas.


PEARL: Boss mo na yata ‘yun.

SCENE 36 – EXT. SA LABAS NG BAHAY NI PRECY.

Naroon na nga sa labas si Laz. Naghihintay sa may gilid ng kotse niya.

LAZ: Ok na kaya ang mukha ko? (titingin sa salamin ng kotse.) OK na ‘to. (kindat at tingin sa
may pinto.)

Lumabas na agad ng bahay si Precy, napakaganda ni Precy sa suot na semi-formal dress na


kulay purple.

PRECY: (nakangiti.)

LAZ: (napanganga sa ganda ni Precy.)

PRECY: (lalapit kay Laz.) Sir Laz.

LAZ: (nakatulala pa din.)

PRECY: (magtataka.) Sir? Sir? Sir Laz?

LAZ: (babalik sa kanyang ulirat.) Ta-ta-tayo na. (tarantang binuksan ang pinto.)

PRECY: (papasok naman doon sa loob ng kotse si Precy, sa frontseat.)

LAZ: (agad na papasok sa kotse.)

SCENE 37 – INT/EXT. SA KOTSE NI LAZ.

Habang nagbibiyahe silang dalawa patungo sa mall.

LAZ: (sulyap kay Precy tingin agad sa harap.) VO: Bakit ang ganda niya?

PRECY: (nakatingin lang sa labas.) VO: Ano ba ‘tong nangyayari?

LAZ: Uhhh ~ Ms. Preciousa …

PRECY: (titingin kay Laz.) Ano po ‘yun sir Laz?

LAZ: May gagawin ka ba pagkatapos ng premiere night?

PRECY: Uuwi na lang po siguro ako at sa bahay na ako kakain ng dinner.


LAZ: Uhh ~ Ku-kumain na lang tayo, samahan mo ako.

PRECY: (magugulat.) Sir? Kakain tayo? Magdi-dinner?

LAZ: Ano sa tingin mo?

PRECY: Kung ganun, magd-date tayo?

LAZ: (magugulat.) Huh? Date? Uhhh ~ Hi-hindi, hindi tayo magd-date. Magpapasama lang ako
sa’yo na kumain. Iba ‘yong magpapasama sa magd-date. At dahil pinasama kita ay ililibre na din
kita. Kaya hindi ‘yun date. Mas matatawag pa ‘yun na libre.

PRECY: Ahhh ~ Ganun po ba?

LAZ: Oo, ganun ‘yun. Huwag mong isiping date ‘yun. VO: Gusto lang kitang makasama.

PRECY: (titingin agad sa labas.)

SCENE 38 – INT. SA 5TH FLOOR NG MALL.

Maraming mga tao at mga media ang naroon para sa premiere night ng pelikula ni Naddy.
Dumating na din sina Naddy at Ren at agad silang pinagkaguluhan ng media.

REPORTER 1: (nakaharap sa camera.) Andito na po ang real couple na sina Naddy at Ren. (agad
na lalapit ang reporter sa kanilang dalawa.) Ren, nagseselos ka ba sa kissing scene nina Naddy
at Paolo sa movie?

REPOTER 2: Balita namig ay may bed scene din, nagseselos ka ba?

NADDY: Oo naman nagseselos siya –

REN: (ngingiti.) Bakit naman ako magseselos? Trabaho ‘yun at normal lang naman sa mga
artista ang mga ganyan kaya hindi ako nagseselos. (titingin kay Naddy.) Diba, Honey?

NADDY: (maiinis at ngingiti agad.)

REPORTER 1: Kahit na konting selos?

REN: Oo. (at ngingiti.) Tayo na sa loob.

CAROL: (lalapit kay Naddy.) Ms. Naddy, may press conference mamaya pagkatapos ng pelikula.

NADDY: Sige.
Agad na silang papasok sa loob ng sinehan. Agad namang dumating sina Laz at Precy.
Mapapatingin agad ang mga tao doon.

PRECY: (nahihiya.) Ang dami namang mga tao dito.

REPORTER 1: Diba siya si Mr. del Fierro? Ang President ng Star Entertainment.

CAMERA MAN: Oo, siya nga.

REPORTER 1: (magtataka.) Sino ‘yang kasama niyang baba– Dali! Kunan mo sila, bilis!

Pinagkaguluhan agad sila ng media at tumigil agad sa paglalakad ang dalawa.

PRECY: (magugulat.)

REPORTER 1: Mr. del Fierro, siya po ba ang nobya niyo?

PRECY: No-nobya?

REPORTER 2: Fiancee niyo po ba ‘yan? O kaya nama’y asawa niyo?

PRECY: Anong asa-

LAZ: She’s not my wife, nor fiancée and of course, she’s not my girlfriend.

REPORTER 1: Ano niyo po siya?

LAZ: Siya? (titingin kay Precy.)

PRECY: (mapapatingin kay Laz.)

LAZ: (titingin muli sa mga reporters.) She’s my secretary at nandito kami para suportahan si
Naddy. (agad na hihilahin si Precy at papasok na din sila sa sinehan.)

REPORTER 1: (magtataka.) Ang weird naman.

SCENE 39 – INT. SA LOOB NG SINEHAN.

Hindi pa nagsisimula ang pelikula. Nasa harap sina Ren at Naddy at iba pang casts ng pelikula.

REN: (mapapatingin sa likod at makikita sina Laz at Precy agad siyang tatayo.) Sandali lang.

NADDY: Saan ka pupunta?

REN: (agad na lalapit kina Laz at Precy.)


LAZ: Ren.

REN: (nakangiti.) Sinama mo pala si Precy?

LAZ: Oo, sinama ko siya dahil may utang siya sa akin.

REN: Precy, you’re so beautiful tonight.

PRECY: (ngingiti.) Thank you.

LAZ: (bulong at maiinis.) Beautiful, beautiful ka diyan.

REN: Doon na kayo sa likod namin umupo.

LAZ: Sige.

SCENE 40 – EXT. SA TABI NG DAGAT.

Nakatayo doon si Naddy at Paolo. Malungkot na malungkot ang kapaligiran nila.

NADDY: Akala ko ikaw na. Akala ko ikaw na ang lalaking nakatakda para sa’kin.

PAOLO: Cathy, ‘wag mong gawin sa akin ‘to.

NADDY: Tadhana na ang gumawa ng paraan para magkalayo tayo, tanggapin mo na lang ang
katotohanang hindi tayo para sa isa’t-isa.

PAOLO: Tadhana man ay kayang kong labanan, kaya ko! Alang-alang sa ating dalawa.

NADDY: Hindi. Hindi tayo para sa isa’t-isa, Christian.

PAOLO: Ano bang pinagsasabi mo diyan. Mahal kita Naddy. Mahal kita at ang idinidikta ng aking
puso ay ikaw na. Ikaw na ang babaeng nakatadhana sa akin.

NADDY: Huwag puso ang gamitin mo kung ayaw mong masaktan! (mapapaiyak.) Christian, I’m
sorry.

CHRISTIAN: (yayakapin si Naddy at iiyak.) Nagmamakaawa ako sa’yo, ‘wag mo akong iwan.

Tutugtog agad sa background ang isang malungkot na kanta.

SCENE 41 – INT. SA LOOB NG SINEHAN.


Ipapakita agad ang loob ng sinehan, nag-iiyakan na ang mga tao sa eksena. Ipapakita din agad
si Precy na umiiyak na din.

PRECY: Huwag mo siyang iwan.

LAZ: (nakatingin lang kay Ren at naiinis.)

REN: (titingin kay Precy at mapapangiti at titingin agad sa harap.)

LAZ: (naiinis kay Ren.) Naiintindihan kaya niya ang pelikula kung lagi niyang tinitingnan si Precy?
Ano bang problema ng taong ‘to?

PRECY: Ano pong pinagsasabi niyo diyan?

LAZ: (titingin kay Precy.) Wala. (haharap sa screen.) Umiyak ka na diyan.

PRECY: (magtataka at titingin kay Laz.) VO: Anong problema ng taong ito. (titingin na sa
screen.)

REN: (titingin muli kay Precy at agad na titingin sa harap.)

LAZ: (nakatingin kay Ren at naiinis.) Kanina pa siya tumitingin kay Precy ah. Baliw talagang
taong ‘to.

PRECY: (mapapatingin kay Laz.) Sinong baliw?

LAZ: (titingin kay Precy na galit.) Ikaw. (titingin agad sa harap.)

PRECY: (magtataka.)

SCENE 42 – INT. SA LABAS NG SINEHAN.

Maraming mga reporters ang nasa labas. Lalabas na agad sina Naddy at Ren at nakasunod
naman sa kanila sina Precy at Laz.

REPORTER 1: Ren, anong masasabi mo sa pelikula?

LAZ: (nasa likod.) Ano kayang masasabi niya eh, iba ‘yong pinapanood niya kanina.

REN: Maganda ‘yong pelikula, nakakaiyak. Nag-iyakan nga ‘yong nasa loob. Ang ganda ng
istorya.

LAZ: Huh!
PRECY: (magtataka.)

Agad na may lumapit na mga reporter kina Laz at Precy.

REPORTER 2: Uhh ~ Mr. del Fierro, ano pong masasabi niyo sa pelikula?

LAZ: (strict face.) Hindi ko naintindihan.

REPORTER 2: (magtataka.) Uhh ~ ibig ko pong sabihin ay ano po ‘yong masasabi niyo sa
pelikula? Naiintindihan niyo na po?

LAZ: (maiinis.)

PRECY: Uhhh ! Ako na lang ang magsasabi. Uhmm ~ Maganda ‘yong pelikula, nakaka-iyak at
worth watching siya. Hindi masasayang ‘yong pera niyo. (titingin kay Laz at magtataka.)

SCENE 43 – INT. SA GROUND FLOOR.

Nasa harap ngayon sina Naddy at ang buong casts at director ng pelikula para sa press
conference. Nasa likod naman sina Ren, Laz at Precy.

REN: Nagugutom ako ah. (titingin kay Precy.) Uhhh ~ Precy, kumain tayo ng dinner.

PRECY: Huh?!

LAZ: (maiinis at agad na titingin sa gilid.)

PRECY: Huh ~ Pe-pero .. (titingin kay Laz.)

REN: Sige na, samahan mo na ako. Nagdala ako ng props para hindi nila ako mamukhaan.

LAZ: VO: Panira ng plano talaga ‘tong si Ren.

PRECY: (titingin kay Ren.) Uhh ~ Ren, kasi kakain kami ngayon ni sir Laz at nauna siya eh.

LAZ: (titingin kay Ren.) Oo, tama ‘yun. Kaya Ren, kumain kang mag-isa.

REN: (mag-iiba ang mode, parang nagseselos na hindi pinapahalata.) Kung ganun, magd-date
kayong dalawa?

PRECY: (magugulat.) Date? Hindi, nagkakamali ka. Ililibre lang niya ako ng hapunan dahil
sinamahan ko siya, hindi ‘yun date.

REN: Ganun ba? (titingin kay Laz.) Insan, mag-usap nga muna tayo.
LAZ: Bakit?

REN: (agad na aalis.)

LAZ: Hintayin mo ako dito. (at agad na susunod kay Ren.)

SCENE 44 – INT. SA CR NG MGA LALAKI.

Nakaharap sa may salamin ang dalawa at si Ren ay nakasuot ng wig at shades para hindi
makilala ng mga tao.

REN: (titingin sa refleka ng mukha ni Laz sa salamin.) Insan, tapatin mo nga ako.

LAZ: Ako din, tell me the truth.

REN at LAZ: May gusto ka ba kay (Laz: Ms. Preciousa) Ren: Precy?

LAZ: (mapapatingin kay Ren.)

Ipapakita agad silang dalawa at si Precy na naghihintay sa kanila.

ITUTULOY...

You might also like