Spoken Poetry

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa ilalim ng mabughaw at malawak na kalangitan

Ang mga bata ay malayang naglalaro at naghahabulan

Ang mga nanay ay nagtatawanan at nagkukwentuhan

Na parang bang walang problemang pinagdadaraanan

Ganyan ang buhay ng wala pang pandemyang nararanasan

Ngunit, sa isang iglap ay bigla na lang nagbago ng biglaan

Dating masayang pamumuhay ay napuno ng alinlangan

Katulad din ito sa dalawang taong nagmamahalan

Masaya sa umpisa ngunit sa bandang dulo ay nagkakalabuan

Dahil hindi lahat ng pag-ibig masaya ang katapusan

Ang Covid-19 ay parang pag-ibig lang yan

Kung hindi ka mag-iingat ika’y masasaktan

Kaya palagi mong isipin ang iyong kahalagahan

Lalo na ngayon sa pandemyang nararanasan

Kalusugan ang unahin hindi ang harutan

Gayun pa man may mga taong nakatagpo ng pag-ibig sa gitna ng pandemya

Isa lang itong patunay na kapag kayo ay kayo talaga

Kahit anong pagsubok man ang dumaan ay kayang lampasan

Ganyan ang nagagawa ng dalawang taong nagmamahalan

Hahamakin ang lahat kahit pa masaktan, mapasaya ka lang

Palagi nating isipin na ang nararansan natin ngayon ay pagsubok lamang

Na may katapusan at kaya natin itong malampasan

Basta tayoy magtiwala sa poong Maykapal

Dahil sa kanya lang matatagpuan tunay na pagmamahal

Manalangin ka lang at hindi kanya pababayaan

You might also like