Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Sophie Jane O.

Alipater Kurso: BSED Filipino

Panuto: Ilahad ang sumusunod na Esensya at Simulain ng panitikang Popular:

 Komiks- Ang Komiks ang grapikong midyum kung saan ang mga salita at
larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.Isang makulay
at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng ibat-ibang
kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo
ng manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.

 Magasin- Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming


artikulo, kwento, larawan, anunsyo at iba pa. Kalimitang pinupundahan ng mga
patalastas. Ito ay nagbibigay impormasyon sa mga mambabasa.

 Brochures- Ang mga dokumentaryong ito ay malawakang ginagamit sa


marketing sa advertising sa pagbebenta, dahil ginagamit ito ng mga kumpanya
upang isapubliko ang mga pakinabang ng isang tiyak na serbisyo o produkto.

 Hugot-pick up lines- Ang mga hugot lines ay mga modernong tayutay. Ito ay mga
pangungusap na nabuo mula sa paghinuha ng mga sariling karanasan na
kalimitang tungkol sa romansa o pag-ibig. Ang “hugot” ay isang kontemoraryong
ekspresyon o pagpapahayag ng nararamdaman gamit ang retorika sa
paghahambing/paghahalintulad.

 Spoken Poetry- Ang Spoken word poetry ay ang pagsasaad ng kwento sa


pamamagitan ng isang tula. Ang spoken word poetry ay isang anyo ng tula kung
saan ang may akda ay naglalahad ng tula sa madlang tao sa pamamagitan ng
pagsasalaysay o “narration” sa wikang Ingles. Kumpara sa isang normal na tula,
mas malikhain at mapaghamong gawin ang spoken word poetry.

 Informance- Ang informance ay binubuo ng dalawang salitang information at


performance. Upang magawa ito kinakailangan mong magsagawa ng research
may kinalaman sa bagay na iyong papaksain at matapos makakuha ng sapat na
impormasyon ay ipapakita mo ito o ipeperform.
 Social Media- Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan
sa mga tao na kung saan sila ay limilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin
ay itinuturing na isang pangkat ng mga inter-based na mga aplikasyon na
bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nag
bibigay daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng
gumagamit.

 Radyo- Ang radyo ang ikalawa sa pinakaginagamit at pinkapinagkakatiwalaang


pagkukunan ng pampulitikang impormasyon sa Pilipinas. Noong 2013,
tinatayang dalawang ikatlong bahagi ng populasyon ng bansa ang nakikinig sa
radyo, namay 41.1 porsiyento ng tagapakinig misan sa isang lingo, ayon sa
Philippine Statistics Authority.

 Animation- Animation ay isang dynamic na daluyan kung saan ang mga imahe o
mga bagay ay manipulahin upang lumitaw bilang gumagalaw na mga larawan.
Sa tradisyunal na animation, ang mga imahe ay iginuhit o pininturahan ng kamay
sa mga transparent celluloid sheet upang makuhanan ng larawan at ipapakita sa
pelikula.

 Indie Film- Ang indiefilm o independent film ay ito ang pelikulang hindi
pinamumunuan ng mga malalaking kumpanya. Ang mga ito ay kilala rin bilang
“indie films” ay may mababang gastos lamang ngunit ang mga ito ay gawa rin ng
mga totoong director o artista.

You might also like