Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Wika ng Pag-unlad

Maluwalhating umaga sa inyo mga kapwa Pilipino, mag-aaral, kaibigan, mahuhusay at


mapagmahal naming guro

Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang
binabago.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng
lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ito ang bumubuklod sa mamamayang
Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay


nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa.
Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan ng
lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at komunikasyon na nagbigay daan
para mas dumami ang ideya at opinyon. Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon.
Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at
paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may
iba't-ibang paniniwala.

Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating
kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang
panig ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga Pilipino,
kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating bansa Ang
wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.

Maraming Salamat! Nawa'y mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na mamamayan
ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.

You might also like