Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

UGNAYANG KALIKASAN AT PANITIKAN

By: Roxanne Jane B. Sobebe

KONEKSYON NG KALIKASAN SA PANITAKAN

Ang sanaysay na ito ay magbabahagi sa inyo ng ilan sa mahahalagang impormasyon tungkol


sa ugnayan ng kalikasan sa panitikan. Mahalagang malaman ang kahalagahan ng kalikasan sa
konsepto ng ekokritisismo bagama’t Maraming nang isyu ngayon tungkol sa ating kapaligiran,
pati na rin dito ang kapabayaan at kakulangan natin sa kapaligiran, Basahing mabuti ang
sanaysay na ito upang makapulot ng kaunting kaalaman ukol sa paggamit ng iba’t ibang uri ng
panitikan sa pag talakay ng isyong pang kalikasan.

Nakasanayan nang sipatin ang pag-unlad ng panitikan sa isang bansa sa pamamagitan ng


pagtatapat ng iba’t ibang genre ng panitikan sa historikal na kalagayan, Ang panitikan ay bunga
ng mga partikular na mga pangyayari na nag-uugat sa danas ng bayan, Ang panitikang
naglalarawan ng buhay ay makabuluhan kaysa sa mga akdang hindi lantarang nagiging
representasyon ng buhay, Ayon kay Tolentino at Reyes (1984), “ang panitikan ay isang likhang-
isip, bunga ng pagsasanib ng imahinasyon ng manunulat at ng maraming bagay Ibig sabihin
Malaki ang papel ng mga manunulat sa pagbibigay-anyo ng panitikan. Marami siyang tungkulin
gayundin ang panitikan kagaya ng Bigyan ng kaayusan ang kaguluhan ng buhay, Tulungan ang
taong madalumat ang mahirap na reyalisasyon ng buhay, Hindi lamang bilang akdang-
pampanitikan at hindi rin dokumentasyon lamang ng kasaysayan ng lipunan, kundi ang ipakita
ang kapabayaan at kakulangan natin ng pagpapahalaga sa kalikasan.

Pangalawa, Eksaminasyon ito sa ano ang depiksyon at paano ipinakilala ang kapaligiran sa
mga nabanggit na bahagi ng ekokritisismo, Ayon kay Dobie ang kapaligiran ay tumutukoy sa
kapaligiran bago ito nabahiran ng teknolohiya; ang kalupaan, mga flora at fauna nito, ang mga
daluyan ng mga tubig, nabubuhay na nilalang at ang ekolohiya na nagpapaloob sa mga ito. Ang
kalikasan at kapaligiran ay mabibigyan ng tuon sa pagbabasa sa pamamagitan ng pagdukal ng
representasyon o depiksyon nito sa mga akdang pampanitikan
isa pang pangunahing katotohanan na dapat tandaan, Magkabuhol ang kalikasan at kultura na
ibinbandila sa mga akdang pampanitikan. Tuon ng ekokritisismo ang interkoneksyon sa pagitan
ng kalikasan at kultura, particular na sa kultural na artifacts na wika at panitikan. Ayon kay
Glotfelty (1994), as a critical stance, ecocritism has one foot in literature and the other on land;
as a theoretical discourse, it negotiates between the human and the nonhuman. Ang kultura ng
lipunan ay masasalamin kung paano sila nakikipag-ugnayan sa kapwa-tao at sa mga hindi tao o
ng kalikasan sa mga panitikan. Masusuri mula sa panitikan gamit ang metapora ng wika, kung
anong ugnayan ang namayani sa tao at ng kalikasan, kung ito’y kanyang ipinagbunyi o di
kaya’y kanyang sinisira at/o isinasapanganib. Ang pagtatangkang masuri ang mga panitikan ng
ating bansa, sa lente ng ekokritisimo, hindi maiiwasang matatalakay din ang siyensya ng
ekolohiya; at ang kulturang namayani sa lugar na mapapansin sa mga akda bilang tugon ng
panitikan sa kalikasan bilang aktoe ng alinmang akda.

Ang paliwanag hinggil sa ugnayan ng kalikasan at kultura, ang magbibigay-daan sa pagiging


interdisiplinaryo ng ekokritisismo. Malilimi ang papel ng kalikasan sa mga akdang susuriin sa
pamamagitan ng mga paksa ng kultura, gaya ng wika (mga metapora) at panitikan. Mula sa
tanglaw ng mga kaalaman mule sa iba pang disiplina na gaya ng agham, sosyolohiya at iba pa
na maaaring kailangan upang higit na maintindihan ang pagkakaugnay ng kalikasan at kultura.
Magiging tulay ang dulog-ekokritisismo upang matuhog ang interkonesiyon ng kalikasan at
kultura sa mga akdang pampanitikan. Ito ang magpapatunay na ang mga ito ay naglalarawan
sa interaksyon ng tao at kalikasan na lalong magpapalinaw sa kultura ng mga pangkat-etniko
kaugnay sa pangangalaga ng kalikasan

Higit sa lahat. Sa larang ng ekokritisismo, ang pagiging kritikal ng isang kritiko ay nakasalalay
sa masusi at malalim na pagbabasa sa isang akdang pampanitikan. Ito ay magsisimula sa
pamamagitan ng pagkilala at pag-alam sa anumang isyu tungkol sa kalikasan at kapaligiran.

You might also like