ARALIN 14 Pagbasa at Pagsuri NG Iba't Ibang Mga Teksto Tungo Sa Pananaliksik

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

PAGSINOP NG

TALA AT
BIBLIYOGRAPIYA
ARALIN 14
PAGBASA AT PAGSUSURI NG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
DALOY NG TALAKAYAN

PAGSISINOP NG TALA AT
BIBLIYOGRAPIYA SA APA

PAGSISINOP NG TALA AT
BIBLIYOGRAPIYA SA MLA
PAGGANYAK:

Magbigay ng mga
aklat o anomang uri
ng sanggunian na
nakatulong sa iyo sa
kabuuan ng
pananaliksik na ito.
DOKUMENTASYON

Ang mga sumusunod ay bahagi ng dokumentasyon:


• Anomang direktang sipi
• Anomang opinyon o pananaw, pasalita man o pasulat
• Estadistikal na datos na hindi ibinunga ng sariling pananaliksik
PAGSISINOP NG TALA
AT BIBLIYOGRAPIYA
SA APA
(American Psychological Association)
APA (American Psychological
Association)
Kadalasang ginagamit sa mga
siyentipikong pananaliksik sa larangan
ng sikolohiya, medisina, agham
panlipunan at iba pang teknolohikal
na larangan
PAGTATALA NG MAIKLING SIPI

Kung direktang sumipi sa tiyak na gawa ng isang manunulat, kailangang


isama sa pagbanggit ang pangalan ng awtor, taon ng publikasyon, at
bilang ng pahina para sa sanggunian. Ipinakikilala ang sipi sa
pamamagitan ng panandang diskurso na naglalaman ng apelyido ng awtor
na sinusundan ng petsa ng publikasyon na nasa loob ng saknong.

Ayon kay Lumbera (2000), “Ang usapin ng wikang


pambansa ay….” (p.130)
PAGTATALA NG MAIKLING SIPI

Kung hindi naman ipinakilala ang awtor sa panandang diskuro, inilalagay


ang apelyido ng awtor, taon ng publikasyon, at bilang ng pahina sa loob ng
saknong pagkatapos ng sipi.

Nilinaw niya na, “Ang usapin ng wikang pambansa ay…”


(Lumbera, 2000, p. 130).
BUOD O PARAPHRASE

• Kapag nagbubuod mula sa isang tiyak na gawa ng manunulat ay


kailangang banggitin ang awtor at taon ng publikasyon sa loob
ng teksto.

• Maaaring hindi na ilagay ang pahinang pinagmulan ngunit


makabubuti kung titiyakin din ang impormasyong ito.
PAGBANGGIT SA HIGIT SA ISANG AWTOR
PAGBANGGIT SA DALAWANG AWTOR

Ang pananaliksik nina Geronimo at San Juan (2014) ay


nagpapakita ng komprehensibong pagsusuri sa epekto ng K-12
sa kurikulum sa kolehiyo.
Nagpapakita ang pananaliksik ng komprehensibong pagsusuri
sa epekto ng K-12 sa kurikulum sa kolehiyo (Geronimo & San
Juan, 2014)

Kailangang banggitin sa panandang diskurso at maging saloob ng saknong


tuwing kikilalanin ang akda ng dalawang awtor. Ginagamit ang “at” sa
pagitan ng mga apelyido kung nasa loob ito ng teksto at ampersand (&)
naman kung nasa loob ng panaklong.
PAGBANGGIT SA HIGIT SA ISANG AWTOR
PAGBANGGIT SA TATLO HANGGANG LIMANG AWTOR

Ang pananaliksik nina Geronimo, Sicat, San Juan, at Zafra


(2014) ay nagpapakita ng komprehensibong pagsusuri sa
epekto ng K-12 sa kurikulum sa kolehiyo.

Nagpapakita ang pananaliksik ng komprehensibong pagsusuri


sa epekto ng K-12 sa kurikulum sa kolehiyo (Geronimo, Sicat,
San Juan, & Zafra 2014).
Kapag anim o higit pa ang awtor ay inilalagay na lamang ang apelyido ng
unang awtor na sinusundan ng et al. sa panandang diskuro at sa loob ng
saknong kahit pa sa unang pagbanggit.
ESTILONG APA

PAGSULAT NG
BIBLIYOGRAPIYA
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA
Tiyak na pamantayan at halimbawang pagsulat ng bibliyograpiya
sa iba’t ibang uri ng materyales:
1. Lahat ng linya pagkapatapos ng unang linya sa bawat sanggunian ay
nakapasok o indented. Tinatawag itong hanging indention.
2. Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nauuna ang apelyido ng may-akda na
sinusundan ng kanyang unang pangalan.
3. Alpabetikal ang pagkakaayos ng mga sanggunian batay sa apelyido ng
unang awtor ng bawat sanggunian.
4. Isulat sa italics ang pamagat ng mahahabang akda gaya ng pamagat ng
buong libro o journal. Huwag isulat sa italics, salungguhitan, o lagyan
ng panipi ang mga pamagat ng maiikling akda gaya ng mga artikulo sa
journal o sanaysay sa isang koleksyon.
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

Mga impormasyong isinasama kung ang sanggunian ay aklat:


1. Tala tungkol sa may-akda
2. Tala tungkol sa pamagat
3. Tala tungkol sa publikasyon
4. Tala tungkol sa taon ng publikasyon
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

Aklat

Lumbera, B. (2000). Writing the nation: Pag-akda ng bansa.


Quezon City: University of the Philippines Press.

Aklat na Pinamatnugutan (Edited)

Torres-Yu,R. (Ed.) (1980). Panitikan at kritisismo. Quezon City:


National Book Store.

Inilalagay ang daglat na Ed. sa loob ng mga saknong upang tukuyin na patnugot at hindi
manunulat ang awtor ng akda.
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

Isinaling Akda

Pomeroy, W. (1997). Ang gubat: Isang personal na rekord ng pakikibakang


gerilya ng mga Huk sa Pilipinas. (R. Sicat, tagasalin). Quezon City:
University of the Philippines Press. (Orihinal na nalathala noong 1963)

Akdang Maraming Tomo (Volume)

Torres-Yu, R. (Ed.) (1980). Panitikan at kritisismo (Tomo 1-2). Quezon City:


National Book Store.

Tinutukoy sa loob ng mga panaklong pagkatapos ng pamagat ng aklat ang tiyak na tomo
o bahagi ng akda ng ginamit.
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

Tiyak na pamantayan at halimbawang pagsulat ng bibliyograpiya sa iba’t


ibang uri ng materyales:

Mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya ng sangguniang peryodikal


1. Tala tungkol sa may-akda
2. Tala tungkol sa pamagat ng artikulo
3. Tala tungkol sa publikasyon na kinabibilangan ng:
• Pangalan ng peryodiko
• Bilang bolyum
• Bilang ng isyu
• Petsa
• Mga pahina ng buong artikulo
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

Artikulo sa Journal na may lba't lbang Tomo

Rodriguez, R. (2013). Representasyon ng pagkalalaki sa pelikulang Bakbakan ni


FPJ. Plaridel: A Philippine Journal of Communication, Media, and Society,
Volume 10, Number 2.

Artikulo mula sa Magasin

Arceo, L. (1943, May 8). Uhaw ang Tigang na Lupa. Liwayway, 120, 20-28.
Artikulo mula sa Pahayagan

Alonso, R. (2009, Marso 1). POW returns book borrowed 68 years ago.
Philippine Sunday Inquirer, p. 20A.
PAGSULAT NG
BIBLIYOGRAPIYA
Website:
• May-akda
• Petsa ng publikasyon
• Pamagat ng Artikulo
• Pinanggalingang URL

Clinton, J. W. (2014, December 5). The Tragedy of


Sohrab and Rostam. Galing sa
http://www.heritageinstitute.com/zoroastrianism/sh
ahnameh/
PAGSISINOP NG TALA
AT BIBLIYOGRAPIYA
SA MLA
(Modern Language Association)
MLA (Modern Language
Association)
angkop gamitin sa mga
pananaliksik na nakalinya sa
disiplina ng panitikan at iba
pang malalayang sining at
humanidades
DIREKTANG SIPI O BUOD

• Sa estilong MLA, mahalaga ang metodong awtor-pahina sa pagbanggit ng


mga direktang sipi o buod mula sa ibang aklat.

• Ang apelyido ng awtor at tiyak na pahina o mga pahina kung saan nakuha
ang ang sipi o paraphrase ay kailangang ilagay sa mismong teksto ng
pananaliksik.

Nilinaw ni Lumbera na “ang usapin…” (130)

Ipinaliwanag niya na “ang usapin ng wikang pambansa…” (Lumbera 130)


DIREKTANG SIPI O BUOD

Pagbanggit sa Akda na may Higit sa Isang Awtor

• Para sa mga akdang may dalawa hanggang tatlong awtor, maaring ilista
ang mga apelyido ng awtor sa mismong teksto o sa loob ng saknong.

• Para sa mga akdang may higit pa sa tatlong awtor, maaaring ilagay ang
apelyido ng unang awtor na sinusundan ng et al. o kaya ay isa-isang ilista
ang lahat ng apelyido mga awtor.
DIREKTANG SIPI O BUOD
Pagbanggit ng mga Sanggunian na Hindi Nakalimbag

• Ilagay ang mga unang salita makikita sa listahan ng bibliyograpiya na


katapat ng pagbanggit (apelyido ng awtor, pamagat ng artikulo, at
pangalan ng website.
• Hindi kinakailangang magbigay ng anomang bilang ng pahina o bilang ng
talata.
• Maaaring paikliin ang URL kung kailangang ilagay ang pangalan ng
website.
DIREKTANG SIPI O
BUOD

Ayon sa artikulo, isa sa mga posibleng dahilan ng


kababawan ng mga Pilipino ang… (Jose, “Why we are
Shallow”)

Ayon sa artikulo, isa sa mga posibleng dahilan ng


kababawan ng mga Pilipino ang… (Jose, Philstar.com)
MLA (Modern Language Association)

Pangkalahatang kaayusan sa pagsulat ng bibliyograpiya:

1. Ilagay ang pahina ng sanggunian sa hiwalay na pahina sa pinakahuling


bahagi ng papel-pananaliksik. Kagaya ng kabuuang format ng papel ang
paraan ng pagkakasulat ng sanggunian.
2. lpasok (hanging indent) ang ikalawa at mga susunod pang linya ng bawat
aytem sa listahan ng sanggunian.
3. llista ang lahat ng bilang ng pahina ng mga sanggunian sa masinop na
paraan kung kinakailangan.
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

Aklat

Lumbera, Bienvenido. Writing the Nation: Pag-akda ng Bansa. Quezon City:


University of the Philippines Press, 2000. Nakalimbag.

Aklat na may Higit Dalawang Awtor

Torres-Yu, Rosario, at Alwin Aguire. Sarilaysay: Danas at Dalumat ng mga


Lalaking Manunulat sa Filipino. Quezon City: University of the Philippines
Press, 2004. Nakalimbag
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

Aklat na may Pinamatnugutan (edited)

Torres-Yu, Rosario, ed. Panitikan at Kritisismo. Quezon City: National Book


Store, 1980. Nakalimbag.

Isinaling Akda

Pomeroy, William. Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikibakang


Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas. Tagasalin, Rogelio Sicat. Quezon City:
University of the Philippines Press, 1997 Nakalimbag.
PAGSULAT NG BIBLIYOGRAPIYA

Akdang Maraming Tomo (Volume)

Torres-Yu, Rosario, ed. Panitikan at Kritisismo. (Tomo 1-2). Quezon City:


National Book Store, 1980. Nakalimbag.

Artikulo mula sa Magasin

Arceo, Liwayway, "Uhaw ang Tigang na Lupa." Liwayway 8 Mayo 1943: 20-28.
Nakalimbag
Artikulo mula sa Pahayagan

Alonso, Ross. "POW returns book borrowed 68 years ago" Philippine Sunday
Inquirer, 1 Marso 2009: 20A. Nakalimbag.

You might also like