Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.

Sa gampaning pambansa naipapakta ang ugnayan ng pagsasalin at pagpapaunlad ng wikang


pambansa. Kung mapapansin ay tunay na yumabong ang wikang Filipino sa nagdaang panahon
tulad ng wikang Filipino bilang wikang panturo at batas kung saan maituturing ang wika bilang
wika ng karunungan.
2. Mahalaga ito lalo na sa mga nagpapakadalubhasa sa wika o pagsasalin, mahalaga na mauawaan
niya alituntunin at batas ng pagsasalin.Mahalagang malaman nila ang mga dapat at hindi dapat
gawin. Naipapaliliwanag ang tungkol sa wika at ang lahat ng tungkol sa pagsasalin dahil isa ito sa
pinakamahirap na Gawain. Sa paraan ng pagsasalin nakadepende ang wili ng mga mambabasa.
Maaring hindi tangkilikin ng mga mambabasa na literaturang sinalin kung ito ay hindi wasto at
maaring maghatid ng kalituhan para sa mga mambabasang nakabasa na ng orihinal na katha.
3. May apat na panukalang hakbang sa pagsasalin ayon sa gabay.
Una, ang pagtutumbas. Dapat maalam ang tagapagsalin sa parehong wika ng kaniyang isasalin.
Sa pagpili ng wika hindi dapat gano’n kababaw o hindi dapat masiyadong malalim ang mga
salita, dapat ay sapat lang sa pang-unawa ng target na mambabasa. Na dapat ay hindi nalalayo
sa orihinal na kahulagan ng isinisalin. Pangalawa ay ang paghiram sa espanol, dahil nasakop tayo
ng mga espanya nang mahigit 300 daang taon ay hindi na maikakailang may mga salitang
banyaga ang naging parte na ng ating kultura. Pangatlo ay ang paghiram sa ingles, may mga
salita sa ingles na walang katumbas na kahulagan sa Filipino kaya’t ang ginagawa ay ibinabase sa
kung paano bigkasin ang pagbabaybay. Ikapat ay ang paglikha, ito’y ang paggawa ng mga
bagong likhang literatura. Totoong napapaligiran tayo ng mayamang mga kwento at katha
ngunit hindi rin naman maikakailang ang ilan dito ay mga saling kwento ng mga banyaga.

4. Ang pagsasalin bilang disiplina ay nangangahulagan na ang pagsasalin ay isang mabigat na


gawaing pawika at literature, hindi lang isang Gawain kundi propesyon na may mahalagang
gampanin tulad ng pagpapayabong sa wikang pambansa, pagpapaunlad ng buhay literatura at
pagpapanatili ng kultura. Bilang karagdagan ang pagsasalin ay nakakatulong upang magbukas ng
panibagong pinto na matutuhan ang hindi lang isa kundi marami pang wika sa mundo upang
maipabatid ang mga kwento at salaysayin sa paraang maiintindiha ng lahat.

You might also like