GR 9 Q4-SLK-1-6-week-1 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

NOLI ME TANGERE

Para sa Filipino 9
IKAAPAT NA MARKAHAN – LINGGO 1
(Aralin 1-6 )

SARILING-LINANGAN KIT

1
PAUNANG SALITA
Paunang Salita

Ang nobelang Noli Me Tangere ay naging instrumento upang mabigyan ng


sariling pagkakakilanlan ang ating bansa. Tinalakay ang kalagayang panlipunan ng
Pilipinas at uri ng pamumuhay mayroon ang mga Pilipino sa panahong naisulat ang
nobela. Layon ng nobelang ito na paalabin ang pagmamahal sa bayan at palawakin
ang diwa ng mga Pilipino kung paano napagtagumpayan ang kalayaan tinatamasa
sa kasalukuyan.

Ang mga susunod na aralin ay buong-puso na isinaayos para sa


makabuluhang pag-unawa ng mga mag-aaral at masasalamin ang mga kondisyon
pinagdaanan ng bansa.

Ang modyul na ito ay nilapatan ng mga kasanayang maiaangkop sa


pangangailangan ng mga mag-aaral. Unawain nang may kawilihan ang mga
nakapaloob sa Aralin 1 hanggang Aralin 6 ng nobela para sa makabuluhang
pag-unawa.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
mga aralin sa nobelang Noli Me Tangere.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO
F9PB-IVg-h-60
➢ Naipapaliwanag ang mga nakapaloob sa aralin gaya ng:
• Pamamalakad ng pamahalaan
• Kalupitan sa kapuwa
• Kahirapan at iba pa
• Paniniwala sa Diyos
F9PN-IVe-f-59
➢ Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring
naganap sa buhay ng tauhan

F9PB-IVd-58

➢ Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa


magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan

F9PS-Iva-b-58
➢ Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bias ng akda sa sarili at
sa nakararami

F9PN-Iva-b-56
➢ Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
• Pagtukoy sa layunin ng may-akda
• Pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong naisulat ito
• Pagpapatunay sa pag-iiral pa ng mga kondisyong ito sa
kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino.

F9PB-Iva-b-56 2
➢ Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang
akda
Aralin
1
Mga Tala Ukol sa Buhay ni Dr. Jose Rizal

Ikaw ba ay may pinapahalagahang tao? Batid mo bang may bayani tayong


tunay na dapat hangaan sapagkat siya’y tuwirang huwaran ng mga kabataan?
Ngayon, mas kilalanin nang mabuti ang bayaning dapat mong tularan.

AKTIBITI 1- BAYANI MO! E SHOUT-OUT MO!

Itala ang mga salitang maiuugnay at makapaglarawan sa mga nagawa ni Rizal para
sa mga Pilipino.

Ipagmalaki ang pambansang bayani gamit ang mga salitang nasa loob ng kahon.
Sumulat ng isang talata.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Palawakin ang Talasalitaan


A. Piliin sa kolum B ang kasingkahuluganng mga salita sa kolum A. Isulat sa
patlang ang letra ng wastong sagot.

A. B.
1. dalubhasa a. kilala
2. diskriminasyon b. paghihimasik
3. prominente c. marunong
4. rebelyon d. panggulo
5. sedisyon e. pangungutya

3
BASAHIN
Mga Tala Ukol sa Buhay ni Dr. Jose Rizal

Isang daan at pitumpu’t pitong na taon na ang nakakalipas nang ipanganak si


Jose Protacio Rizal y Alonso Realonda noong Hunyo 19, 1861. Ang ating
pambansang bayani ay isinilang sa bayan ng Calamba, probinsiya ng Laguna. Ang
kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at
Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.

Ang angkan ng ama ni Rizal ay kabilang sa henerasyon ni Domingo Lam-co. Isang


mangangalakal na Tsino na napadpad sa Pilipinas. Dahil na rin sa kautusan ni
Gobernador Narciso Claveria noong 1849, sila ay nagpalit ng apelyido at Mercado
ang kanilang ginamit.

Mercado ang piniling apelyido ng pamilya ni Jose Rizal sapagkat ito ay


sumasakahulugan sa salitang mangangalakal. Ito ay sumisimbulo sa kanilang angkan
at pagkatao bilang mga negosyanteng Tsino.

Ika-pito sa labing-isa na magkakapatid si Rizal. Siya ay may siyam na kapatid na


babae. Ang kanilang mga pangalan ay Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria,
Josefa, Concepcion, Trinidad, at Soledad. Mayroon din siyang nag-iisang lalaking
kapatid na nag-ngangalang Paciano. Pepe ang tawag sa kanya ng kaniyang mga
pamilya.

Pagsasaka ang pangunahing pangkabuhayan ng kaniyang mga magulang. Sila


ay nabibilang sa mga prominenteng pamilya sa kanilang lugar dahil sila ay mayroong
sariling hacienda na sinasaka at pinag-aalagaan ng mga hayop.

Sa murang edad ay marami ng natutunan ang ating pambansang bayani mula


sa kanyang ina. Siyam na taon siya noong siya ay pormal na pumasok sa paaralan
sa Calamba. Dahil alam na niya ang mga tinuturo ng kanyang mga guro, siya ay
inilipat sa Maynila upang doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Si Jose Rizal ay nag-aral sa mga prominenting


unibersidad sa Maynila. Kabilang na dito ay ang
Unibesidad ng Santo Tomas kung saan siya ay nag-
aral ng Pilosopiya at sa Ateneo de Manila upang mag-
aral ng medisina. Dahil sa pagkakaroon ng
diskriminasyon ng mga Dominikong pari sa mga
nasabing unibersidad, sa Madrid, Espanya na niya
tinapos ang kanyang kurso.

Nagpakadalubhasa si Rizal sa pagiging doktor ng mga mata, ang Optalmolohiya. Ito


ay para magamot niya, ang noon ay lumalalang karamdaman sa mata ng kanyang
ina. At sa kanyang pag-oopera dito ay tuluyang gumaling at nanumbalik ang kanyang
paningin.

4
Makulay ang buhay kabataan at pag-ibig ng ating pambansang bayani. Dahil
sa kanyang angking katalinuhan at pagiging maginoo ay marami ang mga babae na
sa kanya ay umibig at nabighani.

Si Segunda Katigbak ang kanyang naging unang pag-ibig. Isang dalagang Pilipina na
taga-Lipa Batangas. Matagal silang magkasintahan at nagsuyuan ngunit hindi rin
nagkatuluyan dahil naipangako na sa ibang lalaki si Segunda.

Si Josephine Bracken, ang babaeng kanyang nakasama noong siya ay ipiniit sa


Dapitan. Sila ay nagsama bilang mag-asawa. Nagdalang tao si Josephine ngunit
namatay din ang bata dahil ito ay kulang sa buwan. Lalaki ang bata kaya ito ay
ipinangalan kay Rizal.

Dalawa sa kanyang mga sinulat na nobela ang naging napakalaking kontribusyon sa


asignatura ng mga Pilipinong mag-aaral. Ito ay ang Noli Me Tangere, na ang ibig
sabihin ay huwag mo akong salingin o huwag mo akong galawin. Ang isa naman ay
ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman). Inalay niya ang El
Filibusterismo sa mga tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora.

Ito ang mga pinakamangahas niyang nilimbag dahil na ipinagbabawal ito noong
panahon ng mga Kastila. Layunin ng mga nobelang ito na gisingin ang damdamin ng
sinumang Pilipino na makakabasa nito. Dito nakapaloob ang lahat ng mga pang-aapi
at diskriminasyon na ginagawa ng mga Kastila.

Mula sa kaniyang pagbabalik galing ng bansang Europa ay itinatag niya ang La


Solidaridad. Isang organisasyon na ang layunin ay makamit ang kapayapaan at
kalayaan sa kamay ng mga dayuhang Kastila sa isang tahimik na pamamaraan. Si
Jose Rizal ang uri ng bayani na ayaw ng karahasan sa pagkamit ng kalayaan.

Hindi nagtagal ang La Solidaridad dahil sa iba’t –ibang pananaw ng mga kasapi nito.
isa na rito ay si Andres Bonifacio na lumaon ay nagtatag ng katipunan. Naging mainit
ang mata ng mga kastila kay Jose Rizal. Mula sa paglimbag ng mga subersibong
babasahin ng patago siya ay dinakip at kinulong sa Real Fuerza de Santiago o mas
kilala sa tawag na Fort Santiago ngayon.

Siya ay kinasuhan ng rebelyon, sedisyon at pakikipagsabwatan para ipataob ang


pamamahala ng mga Kastila. Hinatulan siya na mamatay sa pamamagitan firing
squad. Habang siya ay nasa piitan wala siyang sinayang na mga sandali. Ginugol pa
rin niya ang kanyang mga nalalabing oras sa paggawa ng isang tula na pinamagatang
Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam). Sinulat niya ito sa salitang Espanyol at isnalin
ito sa wikang tagalog ni Andres Bonifacio.

Ang pamamaalam na tula niyang ito ay puno ng pasakit, panghihinayang at pag-asa.


Hanggang sa kanyang huling hininga ay hindi siya nawalan ng pag-asa na darating
ang panahon na ang kanyang mga sakripisyo sa bayan ay hindi mauuwi sa wala.

5
Bukod sa sedisyon, rebelyon at pakikipagsabwatan, si Jose Rizal ay inakusahan din
na isang erehes. Noong panahon ng Kastila, erehes ang tawag sa mga taong hindi
nagsisimba at nanampalataya sa simbahang katoliko.

Pinatay si Jose Rizal sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag nating
Luneta Park, noong Disyembre 29,1896 sa oras ng alas siyete ng umaga. Hanggang sa huling sandalI
ay ipinakita niya ang kanyang tapang dahil hiniling niya na barilin siya ng nakaharap ngunit hindi siya
pinagbigyan, sa halip ay nakatalikod siya noong siya ay binaril.
https://www.panitikan.com.ph/talambuhay-ni-jose
https://www.google.com/search?q=buhay+ni+dr.+jose+rizal&hl

GAWAIN 1- SAGUTIN
1. Bakit mahalagang maunawaan mo ang mahahalagang tala ukol sa buhay ni
Rizal bago mo pag-aralan ang nobelang Noli Me Tangere?
_____________________________________________________________
2. Sa iyong sariling pananaw, paano mo mailalarawan ang pag-ibig ni Rizal sa
magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan?
______________________________________________________________
3. Sa iyong katayuan ngayon sa buhay, paano ka magiging bayani sa iyong
sariling paraan sa mga sumusunod:
Paaralan ____________________________________________________
Tahanan ____________________________________________________
Lipunan ____________________________________________________
• Ang pagiging bayani ay hindi lamang maibabansag sa mga taong
nagbuwis ng kanilang buhay kundi pati rin sa mga taong kumikilos ng
mga naaayon para sa ikabubuti ng lahat.

Aralin Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere


2

Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na ginagampanan sa lipunan,


magbahagi ng isang taong tunay na ginampanan ang kanyang tungkulin.

AKTIBITI 2 – ANG IDOL KO!

Magpaskil ng larawan sa taong iyong hinahangaan na dapat tularan ng mga


kabataan na may taglay na pagmamalasakit sa inyong barangay o lugar. Ipahayag
kung bakit dapat siyang tularan.

6
Ipaliwanag

1.Paano nakakaimpluwensa sa isang kabataang tulad mo ang taong ito?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

BASAHIN
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Ang Noli Me ay Tangere ay ang pinakamaimpluwensiyang akda sa kasaysayan


ng Pilipinas; nagtaglay ng makatotohanang pangyayari na gumising sa mga Pilipino
ang kawalang katarungang pagmamalupit at pang-aalipin ng mga Kastilang
mananakop.
Sinimulang sulatin ni Dr Jose Rizal. Ang mga unang bahagi ng "'Noli Me Tangere"
noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng
pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa
Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle


Tom's Cabin"(na isa sa kanyang paboritong aklat) ni Harriet Beacher Stowe, na
pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong
putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga
Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng
mga Kastila.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan


niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay
pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng
katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang
katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand
Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito
ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa


Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan. Itinulad
niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.
Isinulat ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere upang maging isang mabisang
paraan sa paghihimagsik laban sa mga mananakop na Kastila.
Nagkaroon ng inspirasyon ang 24 anyos na si Rizal na isulat ang kaniyang unang
nobela nang mabasa niya ang mga aklat na The Wandering Jew, Uncle Tom’s Cabin,
at ang Bibliya.

Ang mga aklat na ito ang nagbigay ng lakas ng loob at ideya kay Rizal na
ipagtanggol ang mga Pilipinong labis na nakararamdam ng pang-aalipusta sa mga
mananakop.

7
Upang labis na maging makatotohanan ang kaniyang nobela ay ninais niyang
maisulat ang ilang kabanata nito ng mga kapuwa Pilipino na nakaranas ng labis na
kalupitan mula sa mga dayuhan.

Ngunit hindi niya ito naisakatuparan kaya naman siya na lamang ang nagsulat
nito. Isinulat niya ang mga unang bahagi ng aklat noong 1884 sa Madrid at natapos
ang ibang bahagi sa Paris noong 1885. Naisakatuparan naman ni Rizal ang nobela at
tuluyang natapos noong 1887 sa Alemanya.

Nang matapos ang nobela, ang pondo naman sa paglilimbag ang naging
suliranin ni Rizal. Pinahiram siya ng salapi ng kaniyang kaibigang si Maximo Viola.
Nang lumaganap sa bansa ang 2,000 kopya ng nobela, nakarating din ito sa mga
Espanyol na labis na nagalit sa mga isinulat ni Rizal.
Mga tauhan
Juan Crisostomo Ibarra y kasintahan ni Maria Clara
Magsalin anak ni Don Rafael Ibarra
Don Pedro Eibarramendia nuno ni Don Crisostomo
Kapitan Tiyago mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni
Maria Clara. Naging kaibigan ni Crisostomo Ibarra
sa simula ng nobela.
Padre Damaso Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang
parokya matapos maglingkod ng matagal na
panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria
Clara.
Padre Salvi Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng
lihim na pagtatangin kay Maria Clara. hindi ito
totoo
Maria Clara Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng
San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na
si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Pilosopo Tasyo[ Maalam na matandang tagapayo ng marurunong
na mamamayan ng San Diego. Isa sa mga
makabayang Pilipino ng San Diego.
Sisa Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan
ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at
malupit.
Basilio at Crispin Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at
tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San
Diego.
Alperes Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa
San Diego.
Donya Victorina Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila
kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at
maling pangangastila.
Donya Consolacion Napangasawa ng alperes; dating labandera na
may malaswang bibig at pag-uugali
Don Tiburcio de Espadaña Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa
Pilipinas sa paghahanap ng magandang
kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

8
Linares Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng
inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo Tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin;
ama ni Sinang
Señor Nol Juan Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng
paaralan.
Lucas Kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong
ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng
mga Kastila.
Tiya Isabel Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa
pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay
matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Andeng
Kapitan Heneral Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na
maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni
Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya
nataguriang erehe.
Don Saturnino Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian
ng nuno ni Elias
Mang Pablo Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias
Kapitan Basilio Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng Santo
Tomas.
Tenyente Guevarra Isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil
na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama
Kapitana Maria Tanging babaing makabayan na pumapanig sa
pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa
mga kilos ni Ibarra.
Albino Dating seminarista na nakasama sa piknik sa
lawa.
https://tl.wikibooks.org/wiki/Noli_Me_Tangere/Panimula
https://www.panitikan.com.ph/kaligirang-pangkasaysayan-ng-noli-me-tangere-buod

GAWAIN 2-SAGUTIN

Gumawa ng timeline sa pagkasulat ng nobelang Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere
Taon Bahagi Bansa Proseso/Mahalagang tao

9
Panuto: Magtala ng mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang nobelang
“Noli Me Tangere”. Isulat sa ikalawang hanay ang mga patunay nito.

Panahon ng Pagkasulat ng Noli Me Tangere


Kondisyong Panlipunan Patunay

Talakayin
Anu-ano ang mga layunin ni Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere?
________________________________________________________________
Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang nobela?
________________________________________________________________
Ano ang gumising sa diwa ni Rizal upang isulat ang nobelang panlipunan?
________________________________________________________________
Paano nakakatulong ang pagsulat ng nobela ni Rizal sa buhay natin ngayon?
________________________________________________________________
Bilang isang mag-aaral, masasabi mo bang nagtagumpay ang may-akda sa kanyang
mga layunin? Patunayan.
________________________________________________________________

Ang nobelang Noli Me Tangere ay naging daan upang magkaroon tayo ng


kasarinlan sa pamamagitan ng kalayaang nakamit mula sa iba’t ibang mananakop.

Aralin

3 Isang Handaan

Anong mga okasyon ang ipinagdiriwang sa inyong tahanan? Alin sa mga


okasyong ito ang pinakapaborito mo at bakit?

AKTIBITI 3 – OCCA-LIGRAPHY
Icalligraphy ang paborito mong okasyon at ibahagi ang kasiyahang naidulot nito
sayo.

10
BASAHIN Isang Handaan

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-


anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit
na popular sa taguring Kapitan Tiago. Ang
handaan ay gagawin sa kanyang bahay na
nasa daang Anluwage na karatig ng Ilog-
Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa
lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay
gustong dumalo sapagkat ang mayamang
Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa
mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at
sasabihin sa mismong araw ng handaan.
Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang
bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae
na pinsan ng may-bahay.
Kabilang sa mga bisita sina Tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang Kura
paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at
dalawang Paisano. Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.
Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga
katutubong Pilipino. Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang
gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran
tungkol sa lupain ng mga Indiyo.
Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol
sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na
ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at
mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa mga
Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso. Kung kaya’t iniba
ni Pari Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre
Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San
Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng
simbahan sa mga erehe.
Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may
karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.
Ipinaliwanag pa ng Yinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano
ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na
napagbintangang isang erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.
Ang ginawa ay itinuturing na isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos
nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang
parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang
nawaglit.
Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong
makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari
Damaso. Lumawig muli ang talakayan. Dumating ang ilan pang mga bagong

11
panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya
Victorina.
https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-
tagalog-kabanata-1-isang-handaan

GAWAIN 3 - HALAGANG PANGKATAUHAN

Ilahad ang iyong mga saloobin, pananaw at reaksiyon hinggil dito. Pagkatapos ay
sagutin mo rin ang mga tanong na kaugnay rito.
Read React
Pilipinas, isa sa mga bansang
pinakatiwali sa Asya
Pagkakaroon ng Negatibong
Denotasyon ang salitang Filipinas

Kilalanin at suriin ang mga tauhan sa kabanata.


Tauhan Katangian Patunay
Kapitan Tiyago
Ginoong Laruja
Padre Damaso
Padre Sibyla
Kapitan-Heneral
Tinyente Guevarra

Mga Tanong:
Bakit mahalagang iwaksi ng kabataang katulad mo ang mga negatibong
pagpapahalagang naging bahagi ng kultura at paniniwala ng ating mga ninuno?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Bakit kailangang magtimpi tayo sa ating nararamdaman lalong-lalo na kapag tayo ay


nasa isang okasyon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Ano ang damdaming nangingibabaw sa iyong pagkatao matapos mong mabasa ang
dalawang napapanahong isyung may kinalaman sa imahe ng Pilipinas o mga
Pilipino sa kasalukuyan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Bilang kabataan, ano-ano ang mga bagay na maaari mong magawa upang mabura
ang mga negatibong imaheng ito ng ating lahi?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

1. Isa-isahin ang kaugaliang Pilipino na ipinakita sa kabanata kapag may


handaan, mga asal ng panauhin, at ang naghanda.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

12
Aralin
Si Crisostomo Ibarra at Sa Hapunan
4

Ipalagay nating isang kaibigan o kilala mong turistang dayuhan ang bibisita sa inyong
tahanan. Ano-anong paghahanda ang gagawin ng iyong pamilya upang maipadama ang
mainit ninyong pagtanggap sa kanya. Itala sa mga patlang sa ibaba ang tatlong mahalagang
bagay na iyong maaaring gawin.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

BASAHIN
Si Crisostomo Ibarra

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang


kasuotan. Binating lahat ni Kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga
pari na nakalimot na siya ay bendisyunan dahil sa
pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala
si Ibarra.
Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa
pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang
namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong
taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang
pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang
mukha mababakas ang kagandahan ng
ugali. Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata
rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong
Espanyol.
Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay
kaibigang matalik ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng
Pari. Totoo, siya ang Kura sa bayan. Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni
Ibarra.Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang Pari at
napaharap sa Tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina
Tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang Tinyente sapagkat dumating ang binata ng
walang anumang masamang nangyari. Basag ang tinig ng Tinyente ng sabihin niya
sa binata na nasa nito ay higit na maging mapalad sa kanyang ama. Ayon sa
Tinyente, ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang ganitong papuri ay pumawi
sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na sinapit ng kanyang ama.
Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang
binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-
aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha
niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang
ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa
pagsusulat.

13
Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si
Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian
kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo
sa San Diego sa araw na naturan.
https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-
tagalog-kabanata-2-si-crisostomo-ibarra

GAWAIN 3-SAGUTIN
Kung ikaw si Ibarra, ano ang magiging reaksiyon mo sa sumusunod na sitwasyon:
Naiwan kang mag-isa sa bulwagan dahil walang nagpapakilala at kumakausap sa
iyo.
Reaksiyon: ____________________________________________________
Sinabi ni Padre Damaso na, “Kailanman ay hindi ko naging matalik na kaibigan ang
iyong ama.”
Reaksiyon: ____________________________________________________
Ipinahayag ni Tinyente Guevarra na, Nawa’y maging mapalad kayo nang higit sa
inyong ama.”
Reaksiyon: ____________________________________________________

BASAHIN Ang Hapunan

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap


ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha,
mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si
Pari Sybyla samantalang banas na banas naman si
Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan
hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi
naman umiimik ang Tinyente. Ang ibang bisita naman
ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na
handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya
Victorina sa Tinyente sapagkat natapakan ang kola ng
kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng
kanyang buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang
magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng
dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo
roon.
Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang
padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit
ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang
karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang
upuan. Pero, tumanggi ang Tinyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang
dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si
Kapitan Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na
tumanggi ang Kapitan sabay sabing huwag mo akong alalahanin.
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupuyos ng damdamin ni Pari
Damaso nang ihain ang Tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang

14
napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam
ng pari, sadyang ipinaluto ng Kapitan ang manok para kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit
sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon
ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya
nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakalimutan ng bayan
sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit
ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng
tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng
kanyang amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng
hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon, tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at
marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga
bansang pinupuntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan.
Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang
pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa
kaunlaran.
https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-in-
tagalog-kabanata-3-ang-hapunan

GAWAIN 4- SAGUTIN

I. Kilalanin at ilarawan ang damdaming nangibabaw sa mga tauhan.


Ipaliwanag.
1. “Itoy para sa iyo, Padre Damaso, dahil sa iyong gulang, katungkulan at
kapangyarihan,”.
______________________________________________________
2. “Aling bansa sa Europa ang naibigan ninyo?”
_ _____________________________________________________
3. “Iyan ay kapalaluang bunga ng pag-aaral sa Europa ng kabataang
Indiyo.”
_______________________________________________________
4. “Lagi ko pong naaalala ang aking bayan na tila nakalilimot na sa akin.”
________________________________________________________
5. “Sayang ginugol mong salapi kung iyan lamang ang natutuhan mo.”
________________________________________________________

IHAMBING MO!

II.Ihambing si Crisostomo Ibarra sa sumusunod na kilalang tao sa ating lipunan. Suriin


kung paanong ang buhay ng mga taong ito ay naging mabuting halimbawa rin upang
malinang sa puso ng kabataang Pilipino ang damdaming nasyonalismo.

15
Larawan ng
inyong Punong
barangay
Sino-sino ang mga Ano-ano ang kani Paano sila nakatulong
taong makikita sa kanilang maari mong upang maimpluwensyahan
larawan? iugnay sa mga ang kabataan sa
katangian ni Crisostomo pagsusulong ng
Ibarra? damdaming nasyonalismo
sa bansa?

III.Sumulat ng sanaysay. Pitong taon mula ngayon ay makapagtatapos ka ng pag-


aaral sa kolehiyo. Alin ang pipiliin mo, ang makapagtrabaho sa ibang bansa o sa
ating bayan? Ipaliwanag.

Aralin
5 Erehe at Subersibo at Bituin sa Karimlan

Ano ang ipinapahiwatig ng pariralang “May Piring ang Batas” Magbigay ng


halimbawa at Patunayan.

Ipahayag
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

BASAHIN
Erehe at Subersibo

Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon. Nakarating siya hanggang sa


may Liwasan ng Binundok . Sa maraming taong pagkakawala niya sa bayan,wala pa
ring pagbabago sa kanyang dinatnan. Sa paggala-gala ng kanyang paningin,
naramdaman niyang may dumantay na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente

16
Guevarra, na sumunod sa kanya upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat
nangangamba siyang baka matulad siya (Ibarra) sa sinapit ng kanyang
ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng Tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang
ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito.
Sinabi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya may isang taon na ang
nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael (ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung
sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang mga
gawain.
Ganito ang salaysay ng Tinyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa
buong lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang
mga nuno nila ay mga Kastila. Ang mga Kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa
ng mga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don
Rafael ay maraming mga kagalit na mga Kastila at pari. Ilang buwan pa lamang
nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Pari Damaso ay
nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway.
Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong
naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang Artilyero ng ba be
bi bo bu na labis na ikinagalit nito. Pinukol ng kanyang tungkod ng Artilyero ang mga
bata. Isa ang sinampalad na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya
ito. Napatiyempo namang nagdaraan si Don Rafael. Kinagalitan niya ang
Artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si Don Rafel ang kanyang
hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at
dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang kanyang
ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang
sa tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo di Don
Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at
pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito
sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat
na parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang bigat sa
kanyang dibdib. Pinaratangan din siyang
nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El
Correo de Ultramar) at diyaryo, nagtatago ng
larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng
tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (ang Tinyente) ng paraan
para tulungan si Don Rafael at sumumpang ito
ay marangal na tao. Katunayan, siya ay
kumuha ng isang abugadong Pilipino na si
G.A. at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa
pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero ay
nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
https://tl.wikibooks.org/wiki/Noli_Me_Tangere/Kabanata_05_:_Pangarap_sa_Gabing_Madilim
www,philstar.com
www.academia.edu

17
GAWAIN 5.1 - SAGUTIN
Isalaysay sa pamamagitan ng Chain of Events Diagram ang mga nangyari kay Don
Rafael mula sa pagkakasangkot sa isang kaso hanggang sa kaniyang pagkamatay.

Don Rafael

Hidwaan kay Padre Damaso

Hidwaan sa Artilyero

Pagkakabilanggo

Patuloy na pagkakabilanggo

Dahilan ng pagkamatay

Maysalaysay ng ilang pangyayari na magpapatunay kung paano nakukuha ng isang


taong nasasakdal o nagsasakdal ang hustisyang inaasam. Patunayan ang sagot.

BASAHIN
Bituin sa Karimlan
Pumasok si Crisostomo Ibarra sa silid na nakaharap sa ilog. Naupo sa silya at
tumitig sa bukas na bintana.
Maliwanag ang ilaw sa bahay sa ibayo ng ilog at naririnig niya ang masasayang
tugtugin ng gitara. Kung hindi lamang gulo ang kanyang isip, marahil ay nakuha na
niya ang largabista at natuksong sipatin ang magagandang tanawin sa kabilang ibayo.
Matatanaw niya ang isang marilag na babae, na ang magandang hubog ng katawan
ay nabibihisan ng katutubong damit. Nasa gitna ng nakapaligid na Intsik, Kastila,
Pilipino, mga opisyal at pari, matatandang babae, at kababatang lalaki. Lahat sila ay
nag-aagawang makabati at pumuri sa dalaga. Sa tabi ng dalaga ay makikita niya si
Padre Damaso na nakangiti ngayon Kausap ng babae.
si Padre Sibyla at inaayos naman ni Donya Victorina ang palamuting perlas at
brilyante sa buhok ng dalaga. Maputi siya. May mga matang kapag itinititig ay may
kislap ng kawalang-malay. May mga ngiting humahamak sa mga rosas at mga ngiping
simputi ng garing. Sa kanyang maputi at wari'y nililok na leeg ay nakapahiyas ang
brilyanteng kuwintas na nasisinag sa nakabalabal na jusi na yari sa himaymay ng

18
pinya. Isang lalaki lamang ang tila hindi niya maakit. Isang Pransiskanong payat at
putlain. Malayo ngunit nakatingin sa dalaga. Hindi yaon kumikilos at parang hindi
humihinga.

Ngunit hindi nakikita ni Ibarra ang lahat nang


ito. Iba ang nasa isip niya. Parisukat na pader na
kumukulong sa makipot na silid. Sa gawing itaas ng
pader ay may munting bintanang rehas. Sa lapag
ay may nakalatag na maruming banig na
kinahihigan ng isang matandang naghihingalo.
Paminsan-minsan ay dumarating at binibigkas ang
isang pangalan. Nag iisa ang matandang iyon.
Mula sa labas ng pader ay maririnig ang kalansing
ng kadena at panaghoy. Samantalang sa malayo
ay ibang tanawin ang makikita. Kasayahan. Isang batang lalaki ang humahalakhak,
sumisigaw, nagdidilig ng alak sa mga bulaklak sa saliw ng tawanan at palakpakan ng
mga lasing nang kasamahan. Nasisinag niya sa matandang lalaki ang kanyang ama.
Nakita niya ang sarili sa batang lalaki. Pangalan niya ang binibigkas sa panaghoy ng
matandang lalaki.
https://tl.wikibooks.org/wiki/Noli_Me_Tangere/Kabanata_05_:_Pangarap_sa_Gabing_Madilim

GAWAIN 5.2
TULA KO PARA SA BAYAN KO

Bumuo ng malayang tula na binubuo ng apat sa saknong na may temang


“Katiwalin sa Pamahalaan Iwaksi at Labanan Upang Umunlad ang ating Bayan.”

Mga Pamantayan Puntos


Maayos at naaayon sa paksa ang 5 4 3 2 1
mensaheng nilalaman ng nabuong
tula.
Organisado at angkop ang mga 5 4 3 2 1
ginamit sa pagbuo ng tula.
Nakakaantig sa damdamin ng 5 4 3 2 1
tapagbasa o tapagpanood.
2. Napakahusay 4- Mahusay 3- Katamtaman

19
2- Di-mahusay 1- Maraming kakulangan

Mahalaga ang pagpapanatili ng katarungan sa lipunan sapagkat dito


nahuhubog ang uri ng mamamayan at ito ay repleksyon kung anong sistema ang
umiiral sa ating bansa na maaaring makaimpluwensiya sa ating pagkataon

Aralin
Si Kapitan Tiyago
6

Gamit ang Venn Diagram ay suriin mo kung paano nagkakatulad at nagkakaiba ang
dalawang ito.

makapangyarihan mayaman

Ipaliwanag

Ano ang mas pipiliin mo ang maging pinakamakapangyarihan o pinakamayaman?


Patunayan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

BASAHIN
Si Kapitan Tiyago
Ang katangian ni Kapitan Tiyago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak,
di kaputian at may bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong
gulang. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang nanabako at ngumanganga,
maituturing na sya ay magandang lalaki.Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil

20
sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian. Tanyag din sya sa
Pampanga at Laguna bilang asendero, hindi kataka-taka na parang lobong hinihipan
sa pagpintog ng kanyang yaman .
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang
impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga
taong nasa gobyerno at halos kaibigan nya lahat ng
mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay
na Kastila at hindi Pilipino. Kasundo nya ang Diyos
dahil nagagawa niyang bilhin ang
kabalanan. Katunayan, sya ay nagpapamisa at
nag papadasal tungkol sa kanyang
sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay
nakapagtatamo ng kalangitan. Iisipin na lamang na
nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at
santong sinasamba katulad nina Sta.Lucia, San
Pascual Bailon, San Antonio de Padua, San
Francisco de Asis, San Antonio Abad, San Miguel, Sto. Domingo, Hesukristo at ang
banal na mag-anak.
Para kay Kapitan Tiyago kahit na ano ang itakda an mga Kastila, yaon ay
karapat-dapat at kapuri-puri. Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino, sya ay
naglilingkod bilang gobernadorcillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang
sinusonod. Sipsip din sya sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad
ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya mayroong handog na regalo.
Si Kapitan Tiyago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa
Malabon. Dahil sa kakuriputan ng ama, siya ay hindi pinag aral.
Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring Dominiko. Nang mamatay ang
pari at ama nito, siya’y mag-isang nangalakal. Nakilala nya si Pia Alba na isang
magandang dalagang taga Sta. Cruz. Nagtulong sila sa pag hahanap-buhay hangang
sa yumaman ng husto at nakilala sa alta sosyedad.
Ang pagbili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging
kaututang-dila roon ang kura na si Padre Damaso. Naging kaibigan din nila ang
pinakamayaman sa buong San Diego - si Don Rafael Ibarra, ang ama ni Crisostomo
Ibarra. Dahil sa anim na taon ng pagsasama sina Tiyago at Pia at hindi nagkaroon
ng anak kahit na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina San
Pascal Baylon at Sta. Clara at sa Nuestra Sra. de Salambaw.
Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay naglihi. Gayunpaman nagiging masakitin si
Pia, nang siya ay magdalangtao. Pagkapanganak niya, siya ay namatay. Si Padre
Damaso ang nag anak sa binyag at ang anak ni Pia ay pinangalanang Maria Clara
bilang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando, kay Tiya Isabel,
pinsan ni Kapitan Tiyago, ang natokang mag-aruga kay Maria. Lumaki sya sa
pagmamahal na inukol ni Tiya Isabel, kanyang ama at mga prayle.
Katorse anyos si Maria, nang sya ipinasok sa beaterio ng Sta Catalina. Luhaan
syang nagpaalam kay Pari Damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si
Crisostomo Ibarra, pagkapasok ni Maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta
na ng Europa upang mag aral.
Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiyago na maski
nagkalayo ang kanilang mga anak. Pagdating ng tamang panahon silang dalawa

21
(Maria at Crisostomo) ay pag iisahing dibdib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang
dalawa ay tunay na nag-iibigan.
https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-book-notes-summary-
in-tagalog-kabanata-6-si-kapitan-tiyago

GAWAIN 6 - HALAGANG PANGKATAUHAN

Kung ikaw ay makapangyarihan o mayaman ngayon ano ang iyong mga gagawin
na sa tingin mo ay makabubuti para sa lahat?

Mga Uri ng Katiwalian sa Paano nagaganap o Bilang kabataan, ano ang


Pamahalaan isinasagawa ang mga magagawa mo upang
ito? mapigilan ang
paglaganap nito?
Panunuhol o bribery Ito ay nag pagtanggap Bilang kabataan hindi ako
ng halaga o anumang tatanggap ng suhol o
bagay kapalit ng anumang bagay kapaloit
pabor tulad ng di ng aking prinsipyo.
pagsumbong sa isang
ilegal na gawain.
Pangingikil o extortion
Nepotismo o pagkiling sa
mga kamag-anak o
kaibigan ng isang
nanunungkulan
Paglustay o
embezzlement
Pagkuha ng kickback

SAGUTIN
1. Paano nagiging hadlang sa kaunlaran ang mga nabanggit na
katiwalian?
______________________________________________

2. Mayroon ka bang naranasan na sa mga anomalyang nabanggit?


Ano-ano ito? Bakit mo ito naranasan?
_______________________________________________
3. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang ginagawa ni Kapitan Tiago
na pagbibigay regalo sa mga taong nakaluklok sa pamahalaan?
Bakit?
___________________________________________________
4. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang kayamanan at at ang
kapangyarihan?
___________________________________________________

5. Bakit sinasabing kasundo ni Kapitan Tiago ang gobyerno sa kabila


ng mga illegal na bagay na kanyang ginagawa sa lipunan?
___________________________________________________

22
SANGGUNIAN:
MGA AKLAT
Dayag, Alma M. et al.
Pinagyamang PLUMA 9 (K to 12) Aklay 2.
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.,2017

ALITA I. TEPACE, Ph. D.


Roderick L. Torres
Zenaida S. Badua
Alab ng Lahi
Quezon City: Vibal Publishing House

MEDIA/WEBSITE
Noli Me Tangere, Buod ng Kabanata 1-6
www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere
https://tl.wikibooks.org/wiki/Noli_Me_Tangere
www.academia.edu

Mga LARAWAN
https://images.app.goo.gl/fcYsww8cTmJZQDFLA
https://images.app.goo.gl/RY371bMHqiritYAi9
https://images.app.goo.gl/H3m87QeSDcKUj9wS6
https://images.app.goo.gl/4k8KYgtGTMNp6Hr88
https://images.app.goo.gl/j8p5BiS46WAC5Xc89
https://images.app.goo.gl/CsANtcoopRpYi9z19
https://images.app.goo.gl/jGnXNwuddVvZWSPs7
https://images.app.goo.gl/CQ79eee3oY47m22T6
https://images.app.goo.gl/UTsS9VU38fcRqqnZ7
https://images.app.goo.gl/nAvUA6z8akd7WP9p6
https://images.app.goo.gl/XcxnBzHkNdnerZU98

23
DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VII
SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME RUELAN EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA DESABILLE EdD


Education Program Supervisor – (LRMDS)

FELICITAS C. MAGNO MAEd


Education Program Supervisor- (FILIPINO)

CLEOFE A. NARAJA
Writer/Illustrator/Layout Artist

DEPARTMENT OF EDUCATION REGIONAL OFFICE

SALUSTIANO T. JIMENEZ, Ed. D. JD, CESO VI


Regional Director

DR. EMELIANO B. ELNAR, JR.


Chief, Curriculum and learning Management Division

MAURITA F. PONCE
LRMDS-Education Program Supervisor

DR. ELAINE PERFECIO


Filipino Regional Education Program Supervisor

24
Sinopsis
Sa Sariling-Linangang Modyul na ito
ay nakapaloob ang Aralin 1 hanggang Aralin
6 ng nobelang Noli Me Tangere. Maiisa-isa
ng mga mag-aaral ang mga mahahalagang
pangyayari sa mga kabanatang ito.

Ang mga kabanatang nilalaman ng modyul


ay Ang Tala ukol sa Buhay ni Jose Rizal, Ang
Kasaysayan ng Noli Me Tangere, Isang
Handaan, Si Crisostomo Ibarra, Sa
Hapunan, Erehe at Subersibo, Bituin sa
Karimlan at Si Kapitan Tiyago.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang


maunawaan ang mga pangyayari sa bawat
kabanata upang maiuugnay ito sa mga
pangyayari sa susunod pa na modyul.

May-akda: CLEOFE A. NARAJA.


Nagtapos sa University of Cebu Lapu-
Lapu-Mandaue ng kursong Bachelor of
Secondary Education major in Filipino
noong 2014. Kasalukuyang nagtuturo sa
Mandaue City Comprehensive National
High School sa Baitang 9.

25

You might also like