Nahihilig Ka Rin Ba Sa Pagbabasa NG Mga Pocketbook

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Nahihilig ka rin ba sa pagbabasa ng mga pocketbook, magasin at komiks?

Nanonood ka rin ba
sa mga malalalim na hugot mula sa mga kuwento nina Juan Miguel Severo at Carlos Hornilla?
Naaaliw ka rin ba sa mga pagpapalitan ng linya sa fliptop o rap battle? Kung gayon ay
nahuhumaling ka rin sa panitikang Filipino sa kontemporaryong panahon. Kinabibilangan ito ng
mga modernong panitikang nababasa, napakikinggan, at napapanood sa kasalukuyang
panahon. Iba’t iba ang pananaw ng mga manunulat kung kailan ba ito nag umpisang umiral sa
mga lunsaran matapos ang katutubong panahon, at ilang serye ng pananakop.

Sa videong ito ay pagkukuwentuhan natin ang ilang halimbawa ng panitikang Filipino na


umusbong at umiiral sa kontemporaryong panahon.

Simulan natin sa pahayagan.


Ano ang Kahulugan ng Pahayagan?
Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita o tala
tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa lipunan. Nagbibigay rin ito ng mga
impormasyon tulad ng mga patalastas. Ito ay karaniwang iniimprinta araw-araw at
ipinagbebenta sa murang halaga. Ito rin ay maaring pangkalahatan o may pokus na
interes. Ang iba pang terminolohiya para sa salitang ito ay dyaryo at peryodiko.

Dalawang Uri ng Pahayagan


Broadsheet. Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang
nakaimprinta sa malaking papel at nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang
nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng bansa, naglalaman
din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kaganapan. Ang target reader
nito ay ang mga taong may mga kaya sa buhay.
Tabloid. Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay mas
maliit at mas kaunti ang nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang pangunahing wika
na ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas ay Tagalog. Sa dyaryong ito, maari kang
makabasa ng mga salitang balbal.

Ano ang mga Bahagi ng Pahayagan?


Ang mga sumusunod ay ang mga bahagi ng pahayagan o dyaryo:

Mukha ng Pahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan. Naglalaman ito


ng pangalan ng pahayagan at headline ng mga balita. Makikita mo rin sa pahinang
ito ang petsa kung kailan nailimbag ang dyaryo.
Balitang pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa iba’t-
ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga balita na may kaugnayan sa
labas ng ating planeta.
Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa
iba’t-ibang lalawigan ng bansa.
Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong kuro-
kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapahong isyu o paksa.
Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat na
may kaugnayan sa industriya, kalakalan, at komersyo. Mababasa rin dito ang
kasalukuyang estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang bansa.
Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong naghahanap
ng trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga patalastas
tungkol sa mga bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay at
iba pang ari-arian.
Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol sa
mga taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng mga
namayapang tao, kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito ililibing.
Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw sa
mga mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga kaganapan sa
showbiz, mga tampok na palabas sa pelikula at telebisyon, at iba pang maiuugnay
sa sining. Naglalaman din ito ng mga laro na nakakakuha ng interes ng mga
mambabasa, tulad ng sudoku at crossword puzzle. Dito rin matatagpuan ang
komiks at horoscope.
Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa
pamumuhay. Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang
aspeto ng buhay sa lipunan.
Isport o Palakasan – Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga laro. Mababasa
din sa bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t-ibang isport sa
loob at labas ng bansa.

Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit


upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang
salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba[1] ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang
katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na
kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang
sariling ekspresyon.

Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang


pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
Maaring maipamahagi ang mga magasin sa pamamagitan ng koreo, pagbebenta sa mga tindahan
ng pahayagan, aklat o ibang mga nagbebenta, o sa pamamagitan ng libreng pamamahagi sa piling
lugar na pagkukuhanan.

Mga klase o uri ng magasin:


1)FHM o For him magazine
2)COSMOPOLITAN- isyung pangkalusugan,kagandahan at aliwan
3)GOOD HOUSEKEEPING-abalang ina
4)YES-naglalaman ng detalye sa mga sikat,showbiz
5)METRO-isyu sa kagandahan,fashion,shopping
6)CANDY-magasin na pambata
7)MEN'S HEALTH-paraan ng ehersisyo,pagbabawas ng timbang,pagsuri ng mental,at pisikal na
kalusugan
8)T3-magasin tungkol sa mga gadgets
9)ENTREPRENUER-magasin tungkol sa pagnenegosyo

Ang spoken word poetry ay kilala rin sa tawag na slam poetry. Ito ay tula na isinulat o ginawa upang
itanghal sa harap ng mga tao. Kagaya na lamang ng pagpi-perform ng mga kanta, ginagamitan din ito ng
musika para makadagdag ng emosyon.

Ang fliptop ang makabagong balagtasan. Ito ay tinatawag rin na rap battle.


Ito ang tagisan ng mga taong mahuhusay makipagpalitan ng pahayag sa
pamamagitan ng rap. Kadalasang ang layunin nito ay makapang-asar. Ang
puhunan ng mga kalahok ay mga orihinal na bars o pambanat na pahayag.
Kailangan na mabilis ang isip at dila. Bawal din ang pikon dito.

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pahayagan/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Magasin

https://www.facebook.com/580293252414427/posts/magasinmagazinemakukay-na-babasahin-na-hitik-
ng-ibat-ibang-impormasyonmga-klase-/936257090151373/

https://www.youtube.com/watch?v=xSKJtx_AtwI

https://www.youtube.com/watch?v=Fa3oozI0nJQ

https://brainly.ph/question/1687549

https://www.youtube.com/watch?v=bGyRpEhG59g

Hanggang ditto lamang an gating pagkukuwentuhan patungkol sa mga panitikang Filipino. Hanggang sa
muli! At maraming salamat sa pakikinig.

You might also like